Chapter 144.

Thrizel’s POV
“Ano nga bang nangyari sa loob ng sasakyan ni Callum? Bakit ganoon ang buhok mo?” Tinaasan pa ako ni Silas habang nakatayo sa aking harapan. Nandirito ako sa lamesa habang kumakain ng umagahan.
“He tried to kiss me.” Diretso kong sagot para mangunot ang kaniyang noo. “Sa kaniya, wala lang ‘yon dahil alam kong pinaglalaruan niya lang ako. Bastos na lalaki.” Napadiin pa ang hawak ko sa kubyertos dahil sa inis na nararamdaman. Naalala ko na naman ang kalokohan niya.
“He deserve your slaps.” Umupo si Silas sa harapang upuan na may seryosong mukha. “Huwag ka nang lumapit doon. Alam mo namang kapahamakan lang ang dala niya sa ‘yo. Hindi mapagkakatiwalaan ‘yon.”
Tumingin ako sa kaniyang mukha. Nasa ibang direksyon ang kaniyang tingin. “Ano palang nangyari kina Thrale at Callum? Anong ginawa sa kanila ni dad?”
Hinarap niya ako na may nanunuring tingin. “Kanino ka naman interesado, huh?” Tinaasan ko siya ng kanang kilay dahil beripakadong nagbibigay malisya. Napabuntong-hininga siya at walang nagawa kun’di ang umiling-iling bago sumagot. “Sa kinwento ni Link, wala naman. Matapos mong sampalin si Callum, tapos na pero dahil sa pagbabanta ni Tito Leo. Titigilan ka na ng lalaking ‘yon.”
“Dapat lang.”
Inubos ko na ang aking pagkain. Matapos ang gabing ‘yon, hindi ko na nakita si Thrale hanggang ngayon. Mukhang may duty na naman siya. Lumabas ng kusina si Silas, ako naman ay nagsepilyo. Nang matapos, nakuha kong lumabas.  Nangunot ang aking noo nang makita kong tinutulungan ni Silas si Ate Anissa sa ginagawa. Kaya pala nandirito si Ate Anissa sa bahay dahil may pinapadisenyong damit si mom. Maganda naman daw kasi mag-isip si ate.
Hinayaan ko na lamang ang dalawa dahil tila may gusto rin naman si Blue sa ex-girlfriend ni Thrale. May oras sila para maglandian. Paano naman ako? Charaught lang.
Tinungo ko ang kwarto. Humarap agad ako sa laptop para aralin ang ibang recipe dahil may kumukuha pa rin sa akin para sa mga event. Nasa pagbabasa ako nang may magpadala ng mensahe sa aking social media account. Nagulat dahil ang mensahe ay galing kay Phryx Recas. Ang tagal naming hindi nag-usap. Kumusta na siya?
From: Phryx Recas
How are you? Kumusta kayo ng kuya mo? Pasensya na dahil ngayon lang kita nakamusta.
Malamang abala na siya sa kaniyang girlfriend na si Redelyn Gauniria? O baka may ibang kinaabalahan kung bakit hindi ako nakamusta? Ayos lang naman sa akin ‘yon tutal wala naman kaming magandang pinagsamahan ni Phryx. Puro pag-uusap lang yata tungkol sa nawawala niyang girlfriend. Naalala ko pa ‘yong high school level kami, puro pananakit ang ginawa sa akin.
To: Phryx Recas
I’m okay. By the way, kumusta na kayo ng girlfriend mo? O baka naman asawa mo na?
Mabilis siyang tumugon.
From: Phryx Recas
I’m not her boyfriend anymore. Gusto mo bang makipagkita sa akin para mapag-usapan? I’m free anytime.
Dahil sa pagiging mausisa ko, sumang-ayon ako sa kaniyang gusto. Papatayin na sana ang laptop nang makakuha kay mom ng mensahe. Wala siya rito sa bahay dahil may inaasikaso. Ang sinabi niya lang naman ay may family dinner kami mamaya sa isang resto. Hindi ko alam kung kami lang ba, siguro marami. Kasama ang ibang kamag-anak naming hindi ko kilala. Nag-ayos na ako ng aking sarili. Ganoon pa rin ang ginagawa nina Blue at Ate Anissa nang makababa ako.
“Blue, may kikitain lang ako. Don’t worry, mabait ‘tong tao. Kalma, okay?” Hindi naman ‘to sasama lalo na’t si Ate Anissa lang ang maiiwan sa bahay.
“Ingat ka, Thrizel.” Wika ni ate na tinigil pa ang ginagawa para harapin ako. Tinugunan ko ng ngiti iyon.
“Osige, mag-ingat ka. Kung kailangan mo ng sundo, masusund—”
“I have car.” Pinakita ko pa sa kaniya ang susi. Kumaway muna ako bago lumabas.
Alam ko naman kung saang resto gustong makipagkita ni Phryx dahil minensahe niya na sa akin ang pangalan kanina. Malayo-layo nga lang itong ngayon. Mamayang gabi pa naman ang family dinner kaya ayos lang na kung saan-saan ako pumunta.
Nang marating ko ang restong tinutukoy niya, pumasok na ako sa loob. Sinalubong ako ng staff na tinanong pa ang aking pangalan. Dinala niya ako sa p’westo ng aking kikitain. Nagpasalamat ako sa kaniyang tulong.
“Phryx!” Maaliwalas ang kaniyang mukha. Maayos ang kaniyang hitsura. Kung may babae lang na nandirito, halatang pagtitinginan siya. “Gusto mo bang pag-usapan agad o magkamustahan muna tayo?”
Ngumiti siya sa akin ng matamis na ikinagulat ko. Hindi niya kaya iyon ginagawa dati. “Hindi mo muna ba ako sasabihang ang gwapo ko?” Ah, mahangin na siya ngayon? Babaero? Hmm?
Sinimsim ko ang kapeng inorder niya ngayon-ngayon lang. Mukhang sukat niya kung anong oras ako makakarating. “Pasensya, si Thrale lang ang gwapo sa akin.” Ngumiti rin ako sa kaniya habang sumisimsim. Alam kong nakita niya ang pagtaas ng aking dalawang kilay.
Natawa siya sa aking tinuran. “Mag-asawa na kayo? Ilan ang anak? Bakit hindi mo man lang ako inimbitahan sa kasal niyo?”
Tinigil ko ang pagsimsim dahil sa kaniyang tanong. “Sa totoo lang, hindi e.” Halata namang alam niya ang tungkol sa amin ni Thrale. “Parang ikaw pa ang excited sa amin. Actually, wala ngang label. Magkapatid pa rin ba. Haha.” Napailing-iling ako habang tumatawa.
“Mukha nga.” Tumango-tango siya. “Let’s talk about Redelyn? Sa kaniya ka naman kuyorsidad, hindi ba? Sampong taon din tayong hindi nagkamustahan.”
“Ah, what now? Ano nga bang nangyari? Bumalik na ang ala-ala? Going strong? Mag-asawa?”
Ngumiti siya ng pilit at umiling-iling. “‘Gaya ng sinabi ko kanina, hindi na ako ang boyfriend niya.”
“So asawa ka na?”
“Hindi rin.”
“E, ano? Patay na?”
“Mas lalong hindi.”
“Baka naman hindi siya ang girlfriend mong hinahanap.”
“Siya.”
“E, ano?”
“She got pregnant by another man.”
Sa sagot niyang ‘yon, nanuyot ang aking lalamunan. Seriously? Sinayang niya si Phryx na halos mabaliw na kakahanap lang sa kaniya?! Hindi siya sinukuan ng lalaking ‘to kaya... nakakadismaya.
“Pinili ka ba?” Alinlangan kong tanong.
“Hmm? 7 years kaming nagsama. Maayos ang relasyon. Bihira mag-away dahil nagkakasundo sa lahat ng bagay. Ewan ko, ganoon siguro talaga ang mangyayari na kailangan ko na lang tanggapin. Look at me now, maayos na maayos. Naghihintay akong balikan kaso malabo...”
“Paano?”
“May tatlo na silang anak. Nagpakasal na rin. Nagmakaawa akong tatanggapin ko muli siya kaso lumamang na ‘yong bago.”
Nakaramdam ako ng lungkot. Hindi ko akalain na ganoon ang nangyari sa kaniya. Iniyakan pa ni Redelyn si Phryx nang magkita sila. Mahahalata mong mahal na mahal tapos sa ganoon lang pala mauuwi?
Kung ano-ano pa ang pinagkuwentuhan namin ni Phryx. Kung anong nangyari sa akin sa America, anong buhay ko roon. Tinanong ko rin kung paano niya nakalimutan si Redelyn. Hanggang ngayon, wala pa rin siyang ibang babaeng nagugustuhan. Siya mismo ang nag-ayos sa kaniyang sarili para hindi mangyari ang nangyari sa kaniya dati. Iyon bang walang kaayos-ayos dahil sa pagiging baliw sa babae.
DUMATING ang gabi, kakaayos ko lang ng sarili. Umuwi na rin si Ate Anissa na hinatid pa ni Silas, mabilis lang naman ‘yon. Bumaba na ako, nakita ko si Silas na nakaupo sa sofa habang kumakain ng chichirya, sa telebisyon ang tingin. Hindi pa ito naggagabihan. Wala ba siyang balak kumain?
“Oh, saan ka pupunta?” Napansin niya yata ang aking presensya kaya nakuhang magtanong. Hindi nga siya tumitingin sa aking gawi.
“Family dinner.” Tumango lang ito. “Maiwan kita rito, huh? Maaga namang uuwi si Thr—”
“Family dinner nga, malamang nandoroon si Thrale.” Putol niya sa aking sasabihin na may punto naman.
“Osige, alis na ako.”
Tumingin siya sa‘kin. “Hatid na kita.”
“I can handle myself, bata.”
“Argh, brat.” Napaikot siya ng kaniyang mga mata na hinayaan ko lang.
Medyo mahuhuli ako sa oras na sinabi ni mom Natulog pa kasi ako dahil inaantok kanina. Nagmamaneho ako ngayon. Ilang minuto lang ang lumipas, natunton ko agad ang resto.
“Good evening, ma’am. Are you Ms. Thrizel Wrent?” Salubong ng babaeng staff.
“Yes.”
“Follow me, ma’am.”
Tinanguhan ko siya. Naglakad pa kami ng malayo-layo hanggang huminto siya sa isang pintuan. VIP Room ng restong ito. Bakit dito pa kailangan kumain? Ano bang plano ng aking mga magulang?
“Here, ma’am.”
“Thanks you.”
Binuksan ko na ang pinto. Tinungo ko ang malaking lamesa dahil may mga tao roon. Nandirito na yata silang lahat. Si mom ang una kong nakita kaya nagsalita ako.
“Mom, I’m here.” Naglakad ako patungo sa kaniyang direksyon. Hinalikan ko pa siya sa pisngi. “Sorry po, medyo huli.”
“Sit down, anak.”
Nang sabihin niya ‘yon, doon lang ako napatingin sa buong lamesang ‘to. Nangunot ang noo ko dahil ang una kong nakita ay si Kein. Anong ginagawa niya rito? Hindi ba’t nasa probinsya siya? Kasama niya pa si Mr. Carson, ang kaniyang tatay. Sunod kong nakita ay si Ate Anissa? Huh? Akala ko ba family dinner? Sunod kong tiningnan, sina dad at Thrale na magkatabi. Ang mga tingin ni Thrale ay nasa plato lamang, hindi niya magawang i-angat ang ulo. Nakauniporme pa siya ng pulis.
“A-Akala ko ba family dinner?” Ilang kong pagtatanong.
“Sit first, anak.” Sinunod ko ang utos ni mom. Umupo ako sa tabi niya dahil iyon na lang ang bakante. “Bakit hindi muna tayo kum—”
Pinutol ko ang sasabihin niya. “Mukha pong may pag-uusapan tayo, bakit hindi niya na po umpisahan?” Ang mga tingin ko, nakatitig lang sa nanay ko. Hinihintay ang kaniyang sasabihin.
“Sure para naman alam niyo na agad.” Lumunok muna si mom bago sabihin. “Kein Carson will marry you.” Agad na umarko ang kunot sa aking noo. Napatingin ako kay Kein na nakatingin sa akin ng kalmado. Hindi ba siya tutol? “Mr. Carson also agreed kaya magpapakasal kayong dalawa. Hindi ka ba masaya, anak?” May malawak na ngiti sa kaniyang labi. Sunod kong tiningnan ay si Thrale na hindi pa rin tinataas ang mga tingin.
“Seriously?” Tumingin ako kay dad na hindi makatingin sa akin. Halatang wala siyang magagawa sa desisyon ng kaniyang asawa. “Mom, I’m already 26 years old, alam ko na ang ginagawa ko sa buhay. Hindi niyo na kailangang maghanap ng lalaki para magkaroon ako ng asawa.”
“Are you saying you don’t like our decision?” Pagsabat ni Mr. Carson na prenteng nakaupo. Seryoso ang mukha. Kung ano siya noong una kong makilala, ganoon pa rin ngayon.
“Of cours—”
“Thrizel, just follow my command.” Maowtoridad ang pagkakasabi ni mom dahilan para matuptop ako. Ngumiti siya muli nang makuha kong manahimik. “Well, this year sina Thrale at Anissa muna ang magpapakasal. Kilala naman na nila ang isa’t isa kaya wala ng problema roon.”
Kay Thrale ako kumukuha ng pag-asa na tumutol siya pero wala siyang nagiging galaw sa kaniyang upuan. Sang-ayon na ba siya? Hahayaan niyang ganito? Thrale, kumilos ka naman.
Mukhang wala siyang balak kaya nagsalita muli ako. “Mom, Kein has a girlfr—”
“Isla broke up with him.” Putol ni Mr. Carson sa aking sasabihin. “Ano pang ipangtututol mo, hija? Lahat ay nakaayos na. Huwag mo nang guluhin.”
Namanhid na ang aking katawan. Parang gusto ko na lang maiyak sa aking naririnig. Nanginginig na rin ang aking mga kamay. Lumunok ako para lakasan ang loob. Nagsalita muli. “Ayoko pa mag-asawa, respect what I wan—”
“Respect my command, Kalhira.” Muli akong natuptop nang muling putulin ni mom ang pagsasalita ko.
Nagsalita si Mr. Carson. “Kailangan na nating pagplanuhan ang kasal ng dalawa. Tuta—”
Biglang tumayo si Kein para magsalita. “Mawalang galang na, dad, Ms. Wrent and Mr. Wrent. Kung tatanongin niyo ako, tutol din ako sa kagustuhan niyo. Hindi ko mahal ang anak niyo, hindi niya ako mahal. Ano na lang ang mangyayari sa aming dalawa? Yes, I don’t have a girlfriend. Like Thrizel, ayoko pang mag-asawa. Bakit hindi niyo sundin ang gusto ng inyong mga anak?”
Nanlaki ang mga mata ni mom sa mahabang lintaya ni Kein. Kinontra niya ito. “Bakit hindi mo na lang sundin ang gusto ng ama m—”
“Mr. Wrent, alam mo namang mahal na mahal ng anak mong si Thrale si Thrizel. Bakit hindi ka na lang sumuporta sa kasiyahan ng inyong anak? Nanay ka ho, hindi ba? Dapat naiintindihan niyo ang kagustuhan ng kaibigan ko. Nakakalungkot nga dahil magulang pa ang against sa pagmamahalan ng dalawa. Hindi po ba nakalajiya iyon kapag nalaman ng iba?”
Nagtitimpi si mom sa pinagsasabi ni Kein. Nahiya naman si Mr. Carson sa pangbabastos ng kaniyang anak kaya nagsalita muli. “Pasensya na, Ms. Wrent.” Huminga siya nang malalim. “Kung totoo nga ang sinasabi ng aking anak.” Tinuon nito ang tingin kay Thrale na nakayuko. “Thrale, anong masasabi mo? Posible bang totoo ang sinasabi ni Kein?”
Dahan-dahang inangat ni Thrale ang kaniyang ulo. Una niyang tiningnan ay si Anissa bago kay Mr. Carson. Akala naming lahat ay magsasalita siya pero mas pinili nitong tumayo at lumabas dahilan para matahimik kaming lahat. Rinig ko ang buntong-hininga ng aking tatay.
Ako ang bumasag. “I’m sorry, mom. This time, hindi ko masusunod ang utos niyo.”
Tumakbo na ako palabas para sundan si Thrale. Kakaunti na lang ang tao kaya madali ko siyang nakita. Nakalabas na siya ng resto, tinutungo ang parking lot. Kahit nakaheels ako, nakuha kong tumakbo. Ingat na ingat nga lang para hindi matapilok.
“Thrale!” Sigaw ko sa labas. Binilisan ko pa. Nang matunton ko, hinawakan ko siya sa balikat para paharapin sa akin. “Ano ‘yon?” Tinuro ko pa ang resto. Hindi siya sumagot. Muling naglakad kaya humarang na ako sa kaniyang harapan. “Thrale, ano ‘yon? Payag ka? Sumang-ayon ka? Bakit? Huh, bakitttt?!” Nagbabadya ang luha kong bumagsak. “Hahayaan mo akong makuha ni Kein?! Hahayaan mong matuloy ‘yon? Bakit hindi ka tumutol?!” Sigaw ko mismo sa kaniya. “Inaasahan kita e... Inaasahan kitang tututol tayong dalawa... Akala ko ba gagawin mo lahat? Kakalabanin mo ang mga magulang natin tapos makikita kitang gano’n na nakatungo? Anong ibig sabihin n’on, huh?!”
Huminga siya nang malalim. Pumikit at nilagpasan ako.
“Thrale, ano ba?!” Naging barag ang aking boses. Tumulo na ang aking luha. “Bakit ka ba ganiyan?!”
Humarap siya sa akin ng seryoso. “Tingin mo sa akin hindi kita kayang ipaglaban?” Kitang-kita ko sa kaniyang mata ang nasasaktan. “Ganoon pinapalabas mo, hindi ba?” Napababa ako ng mga tingin. Hindi nakasagot. “Tangina, Thrizel, bago ka dumating nagmakaawa na ako! Bago ka dumating umiyak na ako sa harap nila! Lumuhod pa ako! Nawawalan ako ng gana! Tinupad ko ang pangako ko nang umalis ka! Hinintay kita! Pinaglaban kita! Nawawalan ako ng gana dahil hindi ko alam kung may nararamdaman ka pa ba! Kung alam mo lang, ang hirap nilang kalabanin... Saan ako kukuha ng lakas kung ganiyan ka? Saan ako kukuha ng lakas kung pakiramdam ko iniwan mo ‘ko? Nahihirapan ako e... Tulungan mo naman ako...” Muli siyang tumalikod. Pansin kong nagpunas siya ng luha. “Pumayag ka sa kasal, minahal mo naman si Kein.”
Nasaktan ako sa kaniyang desisyon. “Gano’n na lang?”
“Ayaw kitang sukuan e. Nahihirapan na ako, Thrizel... Ano pa bang magagawa ko?”
“Angkinin mo ‘ko, Thrale. Iyon ang paraan.” Mabilis kong sagot na may pagkadesidido. “Own me, Thrale. Take possession of my body...”
“Nababaliw ka na.” Hindi niya pa rin ako hinaharap. “Bumalik ka na sa loob, mag-uusap pa kay—”
“Ikaw ang mahal ko. Kahit utusan ako ng ating mga magulang at kahit gusto pa ni Kein, ikaw ang pipiliin ko. Hindi man kita napili dati pero iba ngayon, I can do anything for you, Thrale.”
Wala siyang naging tugon. Mas pinili nitong maglakad patungo sa kaniyang sasakyan. Wala akong naging galaw dahil sobrang sakit sa akin na ngayon niya lang ako nagawang talikuran.
Itutuloy...

Komento sa Aklat (42)

  • avatar
    MabelMaribel perez

    I love it

    24/09/2025

      0
  • avatar
    EarningApp

    gandaaaaa so muchhh!! 💗🙌

    14/06/2025

      0
  • avatar
    SisonRosalia

    woow , 😯 sobrang gandànaman ng story na to author ang ganda ng kwento

    23/04/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata