Chapter 143.

Thrizel’s POV
“Do you like Ate Anissa?” Tanong ko nang mapansin kong nakatitig na naman si Silas kay Anissa. Kapag talaga titingin siya kay Anissa, napapako na agad ang titig niya.
“Of course not.” Pagtanggi niya at inilihis na ang paningin. “May naalala lang ako.”
Napatango-tango na lang ako. Ininom ang juice na sa aking harapan. “Huwag mo nang ituloy. Alam ko kung ano ‘yan.” Hindi ko siya tiningnan. Tumingin ako kina Thrale at Anissa na nag-uusap. Nanahimik na rin si Silas na halatang nalaman ang tinutukoy ko.
“Kumusta na kaya ni Brooks, ‘no?” Pagtatanong niya. Hindi niya na talaga mapigilan ang pagiging madaldal niya simula nang umuwi ako.
“Baka may anak na sila ni Isla.” Nilapag ko ang juice nang maubos ko. Humalukipkip ako. “Move on ka naman na kay Isla, ‘di ba? Kapag umuwi si Brooks, kailangan mong suportahan. Ayos na rin naman kayo.”
“Alam ko ang mga gagawin ko.” Bahagya niya pa akong sinimangutan. “Himala, hindi ka panay, Thrale. Nagkakagusto na ba sa iba?”
Sa tanong siya, nataasan ko siya ng kilay. “Manahimik na nga lang, bata.” Tatayo na sana ako nang tumunog ang aking selpon. May mensahe na agad kong binasa.
“Sino ‘yan?” Pang-uusisa nito.
“Si Callum, nakikipagkita sa akin mamayang gabi. Nakakapagtaka. Ano kayang kailangan nito? Ayos naman kami dahil nakapag-usap na.” Hindi kami masyado malapit sa isa’t isa kaya dapat lang na magtaka ako. Kung ano kami noong mga bata, magkaiba ang ngayon.
“Makipagkita ka,” sagot agad niya dahilan para mangunot ang noo ko dahil nakakapagtaka. Pumayag siya? “Pero sasama ako...” Kaya naman pala. Ayaw na ayaw talagang naiiwan ko. “Kumusta na pala ang pakiramdam mo? Pagod ka lang siguro noong nakaraan.”
“Ayos na ako.” Tumalikod na ako para pumasok sa loob. “Sumunod ka na lang sa akin kapag naboring ka.” Wala na akong nakuhang tugon dito kaya tuloy-tuloy na akong naglakad papasok. Hindi ko na rin nakita sina Thrale at Ate Anissa. Hindi ko sila napansin kung saan nagpunta.
“Oh? Nasaan si Silas, anak?” tanong ni mom nang makatapak ako sa loob.
Nilagay ko muna ang baso sa lababo bago siya sagutin. “Nasa labas po.” Naghugas ako ng kamay. “Oo nga pala, mom. Makikipagkita ako kay Callum mamayang gabi, hindi date kaya hindi na kailangang magpaganda. Hindi ko po alam kung anong sadya ‘no.”
“Mag-ingat ka. Dalhin mo ang cellphone mo para alam ko kung nasaan ka.” Natatrack pa rin ni Link ang aking cellphone number. Nalalaman kung saan ako pumupunta. “Isama mo na rin si Silas, hindi naman pala date.”
“I will, mom. By the way, nasaan po si Kuya Thrale?” Tinatawag ko talaga siyang kuya kapag kaharap ko ang aming mga magulang.
“Kasama si Anissa sa labas, hindi ba?” Sinipat pa ni mom ang bintana. “Ewan ko sa dalawang iyon kung saan nagpunta. Nasa labas naman ang kotse ng kuya mo.”
Baka naman nandirito lang sila sa loob ng bahay o baka naglakad-lakad lang sa labas? Pero hindi ko napansin. Bakit ko pa ba iniisip? Hays. Nagpunas na ako ng kamay at napagpasyahang umakyat sa kwarto. Matutulog muna ako, baka kasi panay hikab ako kapag kaharap ko na si Callum.
Nakahiga ako ngayon sa kama nang may magmensahe na naman sa akin. Nagulat ako nang makita ang pangalan ni Thrale. Imposibleng magpadala siya ng mensahe.
From: Thrale
Pakisabi kay mom, mamaya na ako uuwi. Nandito ako kina Anissa. Kailangan kasi nila ng tulong.
Naalala ko ‘yong sinabi niya noong nakaraang gabi. Wala silang relasyon ni Anissa. Bakit panay pa rin lapit si Thrale sa ex-girlfriend niya? Baka naman pinapaniwala niya lang ako. Hindi ba halata na nagseselos ako? Sana iniiwasan niya man lang ‘yon. Ewan, pagiging isip bata ba ang ganito? Ay, hindi pagiging isip bata. Walang kami kaya paano niya susundin ang gusto ko? Magkapatid pa rin kami hanggang ngayon.
NAGISING ako nang mag-alarm ang aking selpon. Agad akong uminom ng tubig bago bumaba para kumain. Alas otso na ng gabi nang tingnan ko ang oras kanina. Pagkapunta ko sa kusina, tapos na silang kumain. Ayos lang naman sa akin na ako lang ang mag-isa. Nakasanayan ko na ito. Mukhang hindi na rin pinutol ni mom ang pagtulog ko.
Mag-isa akong kumakain ngayon. Napapatulala rin dahil sa kung ano-anong iniisip. Napunta ang atensyon ko nang may taong lumabas sa banyo. Nangunot ang noo ko dahil si Thrale na nakatapis lamang. Hindi ba ito marunong magbihis sa loob ng banyo?
Tiningnan ko ang kabuoan niya. Napatingin ako sa sahig. Naalala ko ‘yong halos isumpa ko ang tuwalya at sabon. Nakakahiya ang pangyayari ‘yon lalo na’t kapag natanggal talaga ang tuwalya sa katawan ko. Argh, ano ba ‘tong naiisip ko? Puro kabastusan.
“Oh, nakatitig ka?” Ngayon nakayuko na si Thrale dahil pinupunasan ang buhok gamit ang ibang tuwalya. “Ah, nagagalit ka dahil hindi kita sinama sa pagligo. Gusto mo sabay tayong maligo ngayon?”
Napalunok ako. Napairap ng mga mata at nilihis ang mga tingin. “Bakat iyang pagmamay-ari ko.” Halos mahina ang aking pagkakasabi. Muntik na nga akong matawa nang takpan niya ng dalawang kamay ang gitna niya. Hays. Harap-harap kasi sa akin nang nakatapis lang.
“May pagnanasa ka ba sa akin? Ang dami-daming mapapansin, ito pa!” Ang pinangpunas niya ng buhok kanina. Tinapis niya rin para hindi bumak—basta iyon, alam niyo na ‘yon.
“Kapansin-pansin.” Sumubo ako ng pagkain. Humarap ako sa kaniya. “Alis na, magbihis ka na.”
Huminga muna siya nang malalim bago maglakad. Tinaasan ko ‘to ng kilay nang tumapat siya sa akin. Halos magulat ako nang mabilis siyang yumukod para halikan ako sa pisngi. Natigil ang aking pagnguya at paghinga. Nakaalis na siya bago ako sumigaw.
“Magnanakaw!”
“Ano?! Sinong magnanakaw?!” sigaw niya rin. Halatang nasa taas ng hagdan. Hindi na ako tumugon doon.
NGAYON, nasa kotse na ako habang kasama si Silas. Siya ang nagmaneho para sa akin. Patungo kami sa restong sinasabi ni Callum. Kalmado lang ang aking nararamdaman. Wala namang sumasaging kaba.
“Maghihintay ba ako sa labas? Sa kotse? O makikithird wheel?” Tanong niya habang nakatingin sa daan. Tumingin pa sa aking mga mata ng seryoso.
“Magpulubi ka.” Pabalang kong sagot. Uminom ako ng tubig na nasa aking harapan.
“Ang sama mo na talaga sa akin.” Napatingin ako rito dahil biglang humaba ang kaniyang nguso. Umaakto na namang bata. “Dapat mabait ka.” Bigla siyang nagseryoso. Hays.
“Silas...” Pumikit muna ako bago tumingin sa kaniya. Nasalubong ko ang kaniyang mga tingin. “May gusto ka ba tlaga kay Ate Anissa?” Iyon ang lumabas sa aking bibig.
Natigilan siya. Nangunot din ang noo kung bakit naitanong ko kung natanong ko naman kanina. “Wala akong gusto sa kaniya.” Diretso niyang sagot. Bakas ang determinasyon.
Napatango-tango na lamang ako. Pinako ko na lang ang mga tingin sa daan haggang marating ang resto. Nagparke siya sa parking lot. Ako ang unang bumaba, sumunod siya.
“Sa restong ‘to, walang cctv camera.” Nilibot pa ni Silas ang kaniyang tingin para kumpirmahin kung tama ang kaniyang nalalaman. “See? Bakit kaya rito nakipagkita sa ‘yo si Callum?”
Napahinga ako nang malalim. “Hindi ko alam.” Tumalikod na ako para tunguhin ang harap ng resto. “Tara n—”
Hindi natuloy ang aking sasabihin nang biglang may magtakip ng aking bibig. Panay ako piglas ngunit mahigpit ang kaniyang hawak. Napakatok ako sa isang kotse dahilan para humarap sa akin si  Silas. Nanlaki ang kaniyang mga mata. Tumakbo papalapit sa akin pero huli na, napasok na ako nito sa sasakyang dala nila.
“Thrizeeeeel!” Rinig ko pang sigaw niya. Umaandar na ang sasakyan, kita ko pang hinahabol niya ako. “Thrizellllll!” Napahawak siya sa kaniyang mga tuhod nang mapagod sa pagtakbo.
Nang hindi na namin makita si Silas, doon lang ako binitawan ng lalaking dumukot sa akin. Sasapakin ko sana nang bumungad ang mukha ni Callum. Nangunot agad ang noo ko. Tumingin ako sa harapan, isang lalaki, siya ang nagmamaneho. Silang dalawa lang?
“Anong kailangan mo?” Naiinis akong nagtanong. Nagtitimping huwag itong saktan na baka may maayos na dahilan.
“Hulaan mo.” Pangtarantado niyang sagot. Umayos ng upo at nakuha pang humalukipkip. Ang kapal ng mukha.
“Hindi ba talaga kita mapapagkatiwalaan?!” Kahit buong lakas na ang aking sigaw, wala pa rin sa kaniya. Tanging nasa harapan lang ang mga tingin. “Gago ka talaga! Huwag mo akong idamay sa gulo mo dahil maayos ang buhay ko!”
Humarap siya sa akin na may nakakalokong ngiti. “Wala naman akong gulong hawak.” Napalagay siya ng hintuturo sa daliri. Lumalabas na nag-iisip. “Nakikipaglaro lang.”
“Wala ka talagang kwenta.” Pang-iinsulto ko. “Wala kang pinagbago. Puro laro lang ang alam mo sa buhay. Ibaba mo ako. Wala na akong tiwala sa ‘yo.”
“At bakit kita ibaba?”
“Naghihintay si Silas. Ibaba mo ako. Huwag mong hintayin ako pa ang magalit sa ‘yo.” Seryoso na ang pananalita ko ngayon kaya nakuha niya ring magseryoso.
“Nag-uumpisa pa lamang ang laro. Maghintay ka.” Hinatak ni Callum ang aking braso para mapaayos ng upo. Masakit ang pagkakahawak niya kaya tinanggal ko ‘yon.
“Boss, may sumusunod sa ating sasakyan," sabi ng driver habang tumitingin sa front mirror at side mirror. Binibilisan niya rin ang takbo ng sasakyan.
“Plan B.” Maowtoridad na utos niya. Kalmadong nakaupo. Hindi nababahala kung maaabutan man. Hindi ko kilala ang kotse sa likuran kaya hindi ko alam kung sinong sumusunod sa amin.
Sa isang liko ng kotseng ‘to, biglang hininto ng driver. Nagulat ako nang bigla akong buhatin ni Callum. Nagmamadali siyang pumasok sa isang kotse. Hindi man lang ako nakapiglas dahil sa laki ng kaniyang katawan. Mabilis niya akong sinalampak. Masakit iyon! Takte! Ang sarap niyang murahin.
Mabilis na namang nagmanaho ang driver. Gamit ang bagong kotseng nakaparada kanina. Mukhang planado na ito ni Callum. Ngumisi ang loko nang mapansin niyang wala ng sumusunod. Kanino ba siya nakikipaglaro?
“Calm down, my lovely lady. Wala akong gagawing masama sa ‘yo.”
Hindi ko siya tinugon dahil muling nagsalita ang driver. “Boss, may sumusunod na naman.”
Lumingon sa likuran si Callum. Sumusunod na naman ang kotse kanina. “Paano nila tayo nasusundan?!” Inis na sigaw niya.
Nagsalita ako. “Tanga, dala ko ang cellphone ko. Palpak ka pa rin hanggang ngayon.”
Inis siyang humarap sa akin. Sasakalin dapat ako nang taasan ko siya ng kilay dahilan para maiwan ang kamay sa hangin.
Thrale’s POV
Kanina pa namin sinusundan sina Callum at Thrizel. Kotse ni Link ang aming gamit. Tumawag agad sa amin si Blue dahilan para makahabol agad kami. Salamat naman dahil na kay Thrizel pa rin ang kaniyang selpon, paraan para masundan namin. Kanina pa kami naghihintay kung saan dadalhin ni Callum ngunit ayaw huminto. Nagpapahabol talaga siya. Ano na namang trip niya? Hindi ko alam na makikipagkita siya sa gagong lalaking ‘yon.
Napantayan ni Link ang kotse ni Callum kaya sumigaw ako. “Ano na namang naisip mo sa buhay mo?! Kakasuhan kita, ihinto mo ang kotse!” Nakita ko ang nagmamaneho. Miyembro sa aming gang. Hindi ito susunod sa akin lalo na’t matagal ko na silang hindi nakakamusta. “Huwag mong ihihinto ang kotse dahil dadagdagan ko ang peklat mo sa mukha!”
Wala siyang naging tugon, mas pinili niya akong ngisihan at binilisan ang pagtakbo kaya nahuli na naman kami.
“Bobo ba ‘yang isang Mr. X? Magkaibang-magkaiba kayo e.” Komento ni Blue sa aking likuran. Halatang inis na inis na rin sa gustong laruin ni Callum.
“Parehas kayo.” Si Link ang tumugon. Kalmado ang kaniyang boses. Hindi nakasabat si Blue dahil inakala niyang seryoso ito sa sinabi kahit biro naman.
“Ano, Link? Saan dadalhin?” tanong ko.
“Hindi ko alam, patuloy pa rin sila.”
Nakikita ko ang kanilang kotse. Halos magkasunod lang talaga kami. Siguraduhin niyang hindi niya sasaktan ang kapatid ko. Masyado ng madilim sa daan. Street lights ang nagbibigay liwanag. Sa unang pagliko, nangunot ang noo naming tatlo nang may humarang na isang kotse sa sasakyan ni Callum. Sino naman ito? Kakampi ba nila? Kasabwat? Kasama sa laro?
Nakita naming bumaba ang driver at si Callum. Nagmadaling magmaneho si Link. Nang matunton ang gawi nila, mabilis akong bumaba. Nilapitan ko sila habang nakaharap sa lalaking nakatayo.
Nang makita ko kung sino ang nasa harapan nila. Agad akong yumuko na sinundan naman nina Callum at ng tauhan.
“Boss X.” Sabay-sabay naming sabi. Nagbigay ng paggalang. Hindi kami umaayos ng tayo. Hinihintay namin ang kaniyang sensyales. Kapag kami ang kaniyang kausap, may sinasabi ito kapag ayos na.
“Until now you still love the game.” Malalim ang kaniyang boses. Seryosong-seryoso. “Anong plano mo sa buhay?” Doon lang kami umayos nang magtanong siya.
“Hindi ko alam na haharap kayo sa amin ngayon.” Mahinahon na ang pananalita ni Callum. Tila maging maamong aso ito.
“Hindi ka ba masayang makita ako rito?” Naglakad siya upang suriin kami sa isa’t isa. “Ang ganda pala ng laro niyo, Mr. X.” Kaming dalawa ang tinutukoy niya. “How’s the game, Callum? Thrale?”
Tumingin ako sa kaniyang mga mata. “I’m sorry, dad. I have reason kung bakit ko siya hinahabol.” Nangunot ang noo ng aking tatay. Nakasuot siya ng uniporme ng pulis na halatang mataas ang ranggo.
Tinuon ni dad ang tingin kay Callum. “Another close to my daughter, Mr. X. Tayong tatlo ang maglalaro.” Napayuko si Callum. “So Thrale, how’s the game? How’s your sister?”
Hindi ako nakasagot dahil bumaba ng kotse si Thrizel na nanghihina. Sobrang gulo ng kaniyang buhok. Hindi ko alam kung anong ginawa sa kaniya ni Callum. Baka nagpatayan sila sa loob ng kotse.
Tiningnan ko sa mukha si Thrizel. Ang mga tingin niya ay nasa iisang direksyon lang, sa direksyon ni Callum. Nang makalapit siya, isang malutong na sampal agad ang nilaan niya rito.
“You’re shameless!” Matapos niyang sabihin ‘yon. Hinatak niya si Blue patungo sa kotse ni Link para umalis.
Itutuloy...<

Komento sa Aklat (42)

  • avatar
    MabelMaribel perez

    I love it

    24/09/2025

      0
  • avatar
    EarningApp

    gandaaaaa so muchhh!! 💗🙌

    14/06/2025

      0
  • avatar
    SisonRosalia

    woow , 😯 sobrang gandànaman ng story na to author ang ganda ng kwento

    23/04/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata