Homepage/I LOVE YOU, KUYA [BOOK 2]/
Chapter 134.
Thrizel’s POV
Nandidito ako ngayon sa isang resto. Umagang-umaga ay umalis ako sa bahay para makipagkita kay Chef Sanchez. Siya ang nagmensahe sa aking makipagkita. Agad akong sumang-ayon doon.
Sumimsim ako ng kape. “Mabait ba ang bagong manager? Hindi ‘gaya ni Tita Celine na masungit?”
Bahagya siyang natawa sa aking sinabi. “Sobrang bait. Si Celine lang naman ang kilala kong ubod ng sungit."
Muli akong nang-usisa. “Hindi mo ba siya namimiss? Ang tagal niyo na ring magkasama.”
Humalukipkip siya. “Siyempre namimiss, malapit kami sa isa’t isa kahit minsan lang nag-usap. May puso ang matandang ‘yon kahit masungit. Alam mo bang bago siya umalis ay pinuntahan niya muna si Urie sa puntod? Sobrang sungit niya sa batang ‘yon.” Naghiwa ako ng cake at tumango-tango sa kaniya. “Nga pala, Thrizel. May kilala ka bang Callum? Nakausap ko ang aking kaibigan. May kaparehas daw ang kuya mo, Callum ang pangalan kaso marumi raw kumilos. Minsan nga, iyon pa raw ang hinahanap ng mga pulis.”
Natigilan ako sa pagnguya dahil ilang araw ko nang hindi nakikita ang lalaking ‘yon. Ang pagsabi niyang titigilan ako ay ginawa niya naman. Mukhang may nakakakilala ngang iba sa dalawa.
“Ah, oo, kaibigan siya ni Thrale.” Naiilang akong sumagot. Hindi ako sigurado kug magkaibigan ba talaga ang dalawang ‘yon. Para kasi silang magkaaway kung magturingan.
Mahigit trenta minuto rin yata akong nakipag-usap kay Chef Sanchez ng kung ano-ano hanggang mapagpasyahan ko nang umuwi. Pasakay na sana ako ng taxi nang may magmensahe. Hindi na ako nagpahatid kay Chef Sanchez, baka anong isipin ng aking mga magulang na nasa bahay.
From: Link
Anong ginagawa mo riyan sa resto? Tinawagan pa ako ni Thrale kung saan ka nagpunta.
Mukhang hindi alam ni Thrale na umalis ako. Pinatrack niya pa talaga kay Link ang aking numero? Baliw na talaga ang lalaking ‘yon. Sandali lang naman akong nawala sa kaniyang paningin pero naghahanap agad. Hays.
To: Link
Pauwi na ako. Huwag siyang paranoid.
May taxi nang huminto sa aking harapan. Sumakay na ako roon at sinabi kung saan baba. Tumunog muli ang aking selpon. Nakita ko ang pangalan ni Link na tumatawag kaya agad ko itong sinagot.
“Oh, baki—”
“Ikaw may ganang magsabi sa akin ng paranoid?! Kung nagpaalam ka kung saan ka pupunta, edi hindi sana ako nag-aalala sa ‘yo! Magpaalam ka naman, oh! Iyon ang kailangan ko! Saan ka ba galing para hindi ipaalam sa akin kung saan ka pupunta?!” Huminga ako ng pasensya sa driver dahil sa lakas ng boses ni Thrale. Hindi man lang niya ako pinatapos sa pagsasalita.
“Nakipagkita lang ako kay Che—”
“Nang hindi ko alam, Thrizel?”
“Alam nila mo—”
“Anong alam nila mom? Ang sabi nila nakipagkita ka lang, hindi kilala kung sinong lalaki! Nakakainis ka!”
Kusa akong napangiti sa kaniyang sinabi. Huminga ako nang malalim. “Okay, fine. Sorry na. Bati na tayo. Bakit ka ba nagagalit diyan? Pauwi naman na ako, oh. Sa susunod, magpapaalam na ako. Hindi kasi kita nakita sa bahay kanina.”
“Anong ginagawa ng cellphone, Thrizel?” Rinig ko pa ang kaniyang pagbuntong-hininga. “Dumiretso ka kila Link. May kaunting kasiyahan dahil pumasa siya sa university’ng kaniyang papasukan. In 10 minutes, nandito ka na dapat.”
“Oo na po.”
“Sige nga, ingat.” Pinatay niya na ang tawag. Pinasok ko na ang aking selpon sa siling bag na may ngiti sa labi.
“Alalang-alala siguro ang boyfriend mo.” Pagsasalita ng driver kaya nalipat ang tingin ko sa harap. “Kapag nasa relasyon ka, hija. Kailangan mo talagang magsabi sa boyfriend mo kung saan ka pupunta. Pasensya na sa pangingialam.”
“Ayos lang po.” Bahagya pa akong ngumiti. “Saka hindi ko po siya boyfriend.” Napatango-tango nalang ang driver.
Binaba na ako ng taxi driver sa babaan dahil napansin ko si Silas na nakatayo sa waiting shed. Umalis na naman siya ng bahay? Saan ito pupunta? Wala siyang dala kahit ano maliban sa kaniyang aso. Para lang itong lumabas ng sandali para bumili.
“Hoy, anong ginagawa mo riyan?” Lapit ko sa kaniya. Nagulat pa siya nang makita ako.
“Saan ka galing, Thrizel? Bakit ka nakabihis? Nagsimba ka ba?” Kaswal ang kaniyang pagtatanong. Simula nang pumunta siya sa kanila, madalas nalang itong magbiro. Aaminin kong hinahanap ko ‘yon.
“Ikaw dapat ang tinatanong ko. Bakit ka nandirito? Mag-isa ka pa, huh?”
May tiningnan siya sa kaniyang likuran. “May motor akong dala.” Tiningnan ko ang tinutukoy niya. Hindi ko masyado masipat pero ito ‘yong motor niya sa hideout ni Brooks.
“Papunta ako kila Link. Ikaw ba?”
“Sasabay na ako, parehas lang naman pala tayo ng pupuntahan. Nakalimutan ko kasi ang papunta kila Link, inaalala ko ngayon, hehe.” Nauna na siyang maglakad sa akin kaya nagtaka ako.
“Paano ang motor mo?” Muli kong tiningnan ang hitsura. Nasuri ko lang nang umalis siya dahil natatakpan kanina. Himala, bumago?
Humarap ito sa akin habang nagkakamot ng batok. “Hindi akin iyan e.” Natawa siya sa sinabi niya. “Actually, nag-123 lang talaga ako sa jeep. Wala akong pera e.” Napailing-iling ako at sumunod na sa kaniya. Inakbayan ko pa ito sa balikat. Wala naman siyang naging reklamo.
Nadaanan pa namin ang ilog kung saan may nabuo akong ala-ala kasama si Callum hanggang matanaw ang bahay nila Link. Binaba ni Silas si Smurf para maglakad at tumakbo. Ako naman ay nagunot ang noo dahil nakita ko si Thrale na nakatayo sa gate.
“Anong ginagawa mo riyan? Patirik na ang araw.” Puna ko rito.
Nawala ang paningin niya sa kawalan nang lingunin niya ako. “Nagbibilang ng eroplanong dumadaan.” May pagkabanas sa kaniyang boses kaya nagsalubong lalo ang aking mga kilay.
“Seryoso ka?”
“Hindi ba halata? Malamang hinihintay ka.”
“Ang init ng ulo mo.” Kalmado kong sabi at nauna nang pumasok sa loob. Nakasunod sa akin si Silas.
“Kanino ka ba nakipagkita? Kay Brooks?” Nakasunod siya sa akin.
“Ano namang pakay ko kay Brooks? Kaibigan mo iyon, alam mo kung saan pupunta.” Natunton ko ang sala, nakita ko si Tita Line na naghihiwa ng mga gulay. Mukhang naghahanda palang sila. “Hello, Tita Line, good morning po. Where’s Link?”
“Sinundo ang mga ibang kaibigan niya, Thrizel. Kakaalis lang.” Sigurado akong kasama na roon si Dominic. Kaya ba nakilala nila mom si Dominic dahil kay Link? Hays, malabo.
“Si Brooks ang una kong tinawagan pero ayaw sumagot kaya pumapasok sa isip kong nakipagkita ka roon.” Hinarap ko si Thrale na nakaupo sa sofa habang nakapikit. Hindi pa pala siya tapos?
“Overthink ‘yan?” Tugon ko. Kinuha ko ang carrots na hinugasan sabay kinain. “Sana pinatrack mo na rin kay Link ang numero ni Brooks para alam mo.”
“Shhh, natutulog...” Hindi na ako nagsalita dahil ayaw niya namang humaba ang aming pag-uusapan.
“Tulungan na kita, tita.” Presinta ko dahil may alam naman ako sa ganito noong pumasok ako sa resto. Marami rin akong natutunan kay Chef Sanchez. Pinapanood ko rin ang iba niyang niluluto.
“Hindi ko alam na marunong ka, Thrizel. Hindi ka naman nagluluto sa inyo.” Puna ni tita habang nakatingin sa mga kamay kong naghihiwa.
“Nonood lang po sa social media.” Palusot ko pa. Hinanap ng mga mata ko si Silas. Nakita kong nasa loob ng karton ang kaniyang aso habang nilalaro niya ‘to.
“Tita, tapos ko na itong hugasan.” Boses ni Sittie ang nasa aking likuran. Nandirito rin pala siya. “Hello, Thrizel, nandito ka pala.”
“Ah, oo, kakarating ko lang.” Ngumiti ako sa kaniya. “Sino kasama mong pumunta rito?”
“Si Thrale.”
Natigilan ako sa paghiwa. Dahan-dahang tumaas ang tingin ko kay Thrale na nakatitig sa akin ngayon. Napailing-iling ako at napabuntong
hininga. Naalala ko tuloy iyong sinabi niyang nagseselos ako. Oo, aaminin ko sa sarili kong tama nga siya. Kung alam niya, bakit niya pa patuloy na ginagawa? Sana man lang iniiwasa—‘Panindigan mo ang sinabi mong hindi mo ako mahal.’ Biglang pumasok sa isip ko ang kaniyang sinabi kaya mas pinili kong manahimik nalang.
DUMATING ang gabi. Sa loob ng bahay nagkakasiyahan ang mga kaibigan ni Link kasama na siya roon. Tatlong grupo ang nabuo. Mga kaibigan ni Link, mga kaibigan ni Thrale na kasama si Sittie at itong lamesa na ako lang kasama si Dominic. Mas maingay ang grupo nila Link dahil sobrang dami nila. May lalaki’t babae.
“Bakit hindi ka sumali roon?” Ininom ko ang beer na nasa aking harapan. Hindi ko na kinausap si Thrale dahil abala naman siya sa kaniyang mga kaibigan. May kakilala rin kasi siya sa mga grupo ni Link.
“Galit sila sa aking lahat dahil alam ko ang kanilang mga sikreto.” Kinuha niya ang beer na iniinom ko. “Ikaw? Bakit ayaw mong makisama sa kanila?” Tukoy nito kila Thrale.
“Ayaw ko.” Inagaw ko sa kaniya ang bote. “Kanina pa kasi ako nagtataka, bakit nakatingin si Tita Line sa ‘yo? Kanina pa.”
Hinanap ng mga mata ni Dominic ang nanay ni Link. “Aba, malay ko.”
Hindi ko na siya pinansin. Tumayo ako para lumabas. Sa harapang pinto sana ako dadaan kaso napansin ko ang presensya nila Thrale at Sittie na magkasama. Nasa dilim sila parehas, hindi ko na naman alam ang dahilan kung bakit sila magkasama. Huminga ako nang malalim. Nilihis ang mga paa at sa ibang pinto dumaan.
“Thrizel, ngayon lang kita nakita.”
May humawak sa aking balikat. Nginitian ko ito nang makilala ko, si Brooks. “Ah, oo. Punta lang akong likod ng bahay. Masyadong maingay dito.”
“Samahan na kita.”
Wala na akong naging angal sa kaniyang gusto. Pum’westo ako sa tahimik at ininom ang beer na hindi ko mabitawan. Ayos naman ako hanggang ngayon. Wala pa ring tama.
“Bakit wala ka sa mesa namin?” Tumabi sa akin si Brooks. Lasing na ito dahil namumula na ang buong mukha.
“Ayoko lang.” Muli akong uminom. Napansin ko si Silas na nakikipagtawanan kay Elkhurt sa labas. Humarap ako kay Brooks, ganoon nalang akong natuod dahil sobrang lapit ng kaniyang mukha sa aking mukha. Dahan-dahan siyang yumuko para halikan ako ngunit tinagilid ko ang aking ulo para hindi iyon matuloy.
“I-I’m sorry...” Naiilang niyang sabi. Ngumiti nalang ako ng mapait. Mabilis ang pangyayaring ‘yon kaya kinabahan ako.
Thrale’s POV
Matapos kong kausapin si Sittie tungkol sa amin ni Thrizel pumasok na ako sa loob para hanapin siya. Nangunot ang noo ko dahil wala na siya sa tabi ni Dominic. Kanina pa akong timpi nang timpi na lapitan siya kaso mukhang masaya siyang kausap ang hambog.
“Saan si Thrizel?” Tanong ko kay Dominic na may kausap ng ibang babae.
“Kasama ni Brooks, doon sa pinto dumaan.” Tinuro niya pa at muling bumaling sa kaniyang kausap.
Hindi ako nagpasalamat. Tinungo ko na ang pinto. Hindi ko pa nalilibot ang aking paningin nang makita ko agad sila. Hindi ko gusto ang aking nakita dahil mukhang hahalikan siya ng aking kaibigan. Dahan-dahang nilapit ni Brooks ang kaniyang mukha. Para hindi iyon masaksihan, umalis na ako. Dumiretso ako sa aking mga kaibigan.
“Uuwi na ako. Pakisabi nalang kay Tita Line.” Nagtaka ang kanilang mukha.
“Thrale, sasabay na ako sa ‘yo.” Tumayo si Sittie sa kaniyang kinauupuan.
“Tara.” Pagsang-ayon ko.
Sumunod naman siya sa akin. Pinuntahan ko na ang kotse ko sa labas at sumakay. Sumakay din si Sittie. Papaandarin ko na sana nang mapabuntong hininga ako. Napahampas pa sa manibela. Wala namang makakapansin sa akin dahil madilim dito.
“Thrale, ayos ka lang?”
Humarap ako kay Sittie. “P’wede bang sa backseat ka nalang umupo? May isasabay ako.”
“Oo naman. Sige na, puntahan mo na si Thrizel.” Ngumiti siya sa akin bago pumunta sa likod.
Bumaba na ako at muling pumasok sa loob. Nakita ko agad si Thrizel na kausap si Ryke, nakikipagtawanan pa ito. Walang pasintabi ko siyang hinatak, inagaw ko rin ang bote niyang hawak at pabagsak na nilapag sa lamesa.
“Oh, inis ka na naman?” Hindi ko siya pinansin. Pasalampak ko siyang sinakay sa passenger seat. “Ano ba?! Ang sakit! Bakit ba ganiyan ka na naman? Nainis ka lang ng umaga tapos hanggang ngayon, ganiyan pa rin ang trato mo.”
Hindi ko siya sinagot. Sumakay na ako sa driver seat. Magmamaneho na sana nang muli siyang magsalita.
“Sagutin mo naman ak—”
“Bakit ba kanina mo pa ako hindi pinapansin? Ni hindi ka pum’westo sa table namin! Mas pinili mong kasama ang hambog na ‘yon!” Nakipagsabayan na rin ako sa kaniyang galit.
“Wow, ako pa?” Ganti niya. “Ni hindi ka nga mahiwalay kay Sittie e. Anong dahilan? Halos magkasama nga kayo.” Napailing-iling siya at tumingin sa bintana.
Hindi ko alam ang ipapaliwanag ko kaya iniba ko ang pag-uusap. “Masarap ba humalik si Broo—”
“Umilag ako.” Hindi siya nakatingin sa akin ngayon. “Tangina, hindi kita maintindihan.” Galit ang kaniyang boses. “O, sarili ko ang hindi ko maintindihan? Thrale, mahal kita. Sigurado na akong ikaw ang mahal ko. Ayokong panindigan ang sinabi ko noong una. Ang hirap. Pinakamahirap.”
“Umuwi na tayo.” Tila hindi ako apektado sa kaniyang sinabi. Muli kong binuksan ang makina.
“Bakit kapag nasasaktan kita ganiyan ka umasta? Mahal mo ba ako? Thrale, mahal mo ba ako?” Ako naman ang hindi nakatingin sa kaniya. Titig na titig ito sa akin. “Anong dahilan para ganonin ako kanina? Isalampak ba naman ak—”
“Dahil ayoko ulit maiwan. Ayos na?” Hinarap ko siya. Hindi siya nakasagot sa aking tanong kaya pinaandar ko na ang sasakyan.
“Uhm, hello...” Naiilang na pagsasalita ni Sittie sa likuran na nakita lahat ng pangyayari. Nagulat si Thrizel doon pero agad ding nakabawi.
“Pasensya na." Hingi ko ng paumanhin dito.
Mabilis kaming nakarating sa bahay. Diniretso ko ang kotse sa garahe. Ako nang unang bumaba para makapasok agad sa loob. Kasunod ko ang dalawang babae. Nang mabuksan ko ang pinto, isang sampal agad ang bumungad sa akin...
Galing sa aking nanay.
Itutuloy...I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (42)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I love it
24/09/2025
0gandaaaaa so muchhh!! 💗🙌
14/06/2025
0woow , 😯 sobrang gandànaman ng story na to author ang ganda ng kwento
23/04/2025
0Tingnan Lahat