Homepage/I LOVE YOU, KUYA [BOOK 2]/
Chapter 132.
Thrizel’s POV
DUMATING ang gabi. Kakatapos lang namin kumain. Sa ngayon ay nag-aayos sila ng tent dahil magtatakip silim na. Nagsisindi na rin naman ng bonfire si Gio. Siya ang nag-asikaso niyon. Ako ay nakaupo lang dito sa tent, maayos naman na ang aking binti kaya nakakalakad na ako. Ika-ika nga lang, kailangan pa akong alalayan.
Hinanap ng mga mata ko si Thrale dahil hindi ko makita. Nangunot ang noo ko dahil kulang kami ng dalawang kasama. Sina Thrale at Rya ang nawawala, saan nagpunta ang dalawa? Iisipin ko palang na magkasama sila parang sumisikip na ang dibdib ko. Tatayo sana nang magsalita sa aking tabi si Brooks. Kakapunta niya palang sa akin.
“Saan ka pupunta? Binabantay ka sa akin ni Thrale.” Kinakain niya ang nilutong ulam ni Ryke kanina. Sumandok ito at tinapat sa aking bibig. “Tikman mo, masarap magluto ang lokong ‘yon.”
Sinubo ko ang pagkain. Napatango-tango ako dahil masarap nga iyon. Uminom ako ng tubig at tumayo na. Nagtaka pa si Brooks. Hindi ko siya pinansin, naglakad na ako para hanapin ang kuya ko. Sobrang dilim sa bundok na ‘to, hindi pa buo ang buwan para magbigay liwanag. Kinuha ko ang aking selpon para may ipangflashlight.
“Thrizel, where are you going? Baka ano pang mangyari sa ‘yo.” Naglakad na ako kahit ika-ika. Rinig ko ang yakap ni Brooks sa aking likuran na halatang sumusunod.
“Hanapin ko lang si Thrale.” May nadadanan naman ako kung saang lupa ang walang damo. Halatang ito talaga ang dinadaanan ng mga tao dahil ang mga damo ay nasa gilid nito.
“Si Thrale? Kasama ni Rya. Ewan ko sa dalawang iyon kung saan pupunta.” Inalalayan niya na akong maglakad. Tuloy lang kami sa paghanap.
“Saan ba sila maaring pumunta? Parang kanina lang, tutok na tutok ang tingin sa akin ni Thrale tapos ngayon, iniwan ako.” May namumuong sama ng loob sa aking puso pero lamang doon ang pangamba.
“Pinabantay sa akin.”
Napahinto kaming dalawa dahil may dalawang pigura ng taong nasa ilalim ng malaking puno. Alam kong sila ‘yon kaya nakuha naming magtago ni Brooks sa malaking bato. Mula sa amin ay nakatalikod sila, hindi ko marinig ang kanilang usapan dahil malayo-layo kami ni Brooks.
“Saan ba napulot ni Thrale si Rya?” Tanong ko kay Brooks na nasa aking likuran. Nagtaka ako dahil hindi siya sumagot kaya nilingon ko siya, namumutla. “Oh, anong nangyari sa ‘yo?”
“Thrizel...”
Binanggit niya ang pangalan ko pero nasa iba ang kaniyang paningin. Tiningnan ko kung nasaan nakadireksyon ang kaniyang mga mata. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko iyon. Namutla na rin ako at natuyuan ng lalamunan. Pawis na pawis kaming dalawa ni Brooks dito.
“WHITE LADY!” Sabay na sigaw namin. Para makatakbo nang mabilis, pinasan ako ni Brooks sa kaniyang likuran. Tila itong si Flash kung tumakbo dahil agad kaming nakarating sa aming mga kasama.
Habol-hininga niya akong binaba. Kita ng aming dalawang mata ang babaeng nakalutang sa ilalim ng puno. Hindi namin makita ang mukha dahil nakatalukbong ito. Puti lang talaga ang kulay. Imposible namang mga kasama namin ‘yon. Lumulutang pa nga na hindi nababagsak. Hinahangin pa.
“Oh? Bakit parang nakakita kayo ng multo?” Tanong ni Gio na nakakunot ang noo. Nakaupo siya sa gilid ng bonfire, nagpapainit dahil malamig ang simoy ng hangin.
“May multo!” Bulaslas namin pareho ni Brooks. “May multo nga!”
“Ghost doesn’t exist.” Si Ryke. Tumabi rin ng upo kay Gio.
“Takot ka pala sa multo, Kein.” Nagsusuot ng jacket si Xia. “Putlang-putla ka. Mas nakarecover pa si Thrizel sa ‘yo.”
Natigil ang aming pag-uusap nang biglang dumating si Rya. Maayos ang kaniyang mukha, hindi mawala ang ngiti rito. Bakit kaya? Ano kayang ginawa nila ni Thrale? Bakit kasi may multo pa roon? Hindi tuloy namin sila napanood.
“Oh? Natahimik yata kayo!” Hinagis ni Rya ang kaniyang balabal na kulay pula saka sasaluhin. Tila ito naglalaro. “Thrizel, ayos ka na ba? Mangha nga ako kanina na girlfriend ka pala ni Thrale. Iyon ang sabi niya sa akin.”
“Uhh...” Bigla akong nailang. “He’s not my boyfriend, he’s my—”
“FATHER!” Sinamaan ko ng tingin ang apat dahil sa kanilang sigaw. Ang sumigaw niyon ay sina Ryke, Elkhurt, Gio at Brooks. Wala nga rito si Silas, sila naman ang pumalit. Apat pa sila.
“Nandito na ako.” Gumilid si Rya para mapadainin si Thrale na nasa kaniyang likuran. “Thrizel, Kein, narinig ko ang boses niyo kanina? May nangyari ba? Pasan-pasan ni Brooks ang kapatid ko kanina e.” Napatingin ako kay Rya. Wala siyang reaksyon. Baka binibiro lang siya ni Thrale kanina. Saka alam ng lahat na nandirito na magkapatid kami.
“Hindi niyo ba nakita ‘yong multo kanina?” Giit pa ni Brooks sa nakita. “White lady iyon, lumulutang pa ng—”
“Itong telang puti ang nasa ilalim ng puno kanina.” Winagayway ni Thrale ang kaniyang hawak. “Nabasa ko kanina. Malakas ang hangin kaya nakuha kong isampay.” Nilagpasan niya na kami matapos niyang sabihin ‘yon. Sabay nalang kaming napatabingi ng ulo ni Brooks sa nalaman. Madilim kasi kaya hindi namin medyo naaninag.
“I told you, ghost doesn’t exist.” Natatawang usal ni Ryke na may halong ngisi. Nang-aasar siya.
“Ayos na ba ang binti mo, Thrizel?” Hinanap ko si Thrale. Nakaupo siya sa tent habang ang tingin ay sa akin. “Come here, my stellina...” Napasuklay siya ng kaniyang buhok gamit ang kamay. May sumilaw na ngiti sa kaniyang labi. “Can I check your legs? Time is running, faster.”
Nagpakawala ako ng buntong-hinga bago lumapit sa kaniya. Umupo ako sa harapan niya. “Kakagamot mo lang kanina, magaling naman na.”
“Sigurado ka?” Umiling-iling siya. “Pinuwersa mo ba ang binti mo? Tingnan mo ang band aid, may dugo. Kanina ay ayos lang ito, huh?”
Napaiwas ako ng tingin. Sa pagpasan yata ni Brooks sa akin kanina, hindi ko namalayan dahil sa takot. Rinig ko ang sunod-sunod na singhal ng aking kuya.
“Tara! Laro tayo! Bilis!”
Narinig ko ang sigaw ni Rya. Nakapalibot silang lahat sa bonfire maliban sa amin ni Thrale dahil ginagamot pa nito ang aking sugat.
“Hindi ba tayo sasali sa kanila?” Harap ko sa kuya ko.
“Ikaw ang hindi sasali.” Natapos niya nang gamutin ang sugat ko. “Magpahinga ka na. Babantayan kita.” Umalis siya sa tent para makapasok ako roon.
“Oy, Thrizel, Thrale! Hindi ba kayo sasali? Tara na!” Tumayo si Thrale para sabihing hindi ako sasali ngunit naunahan siya ni Rya. “Partner dapat ang katabi, kailangan mo niyon, Thrale. Come here now. Mag-uumpisa na.”
Walang nagawa ang lalaking nasa harap ko. Napakamot siya ng kaniyang kilay, nagsasabing wala siyang pagpipilian kun’di ang isali ako. Tinayo niya ako, inalalayan sa paglalakad. Umupo kaming dalawa sa bakante. Ang aming p’westo ay babae, babae, lalaki at lalaki. Kailangan nga talaga ng partner.
“Let’s play, paper game. Alam niyo naman kung anong laro iyon, ‘di ba? Mouth to mouth, hehe.” Tila nahiya si Rya sa kaniyang paliwanag kaya natawa ang iba sa amin. “Kakain ng sili ang makalaglag ng papel, that is punishment kaya mabutihin niyong hindi malaglag dahil uulit sa umpisa.” Naglapag si Rya ng sili sa gitna. “Kay Elkhurt mag-uumpisa tutal excited siya.” Nagtawanan kaming lahat doon. “Bawal hawakan ang papel at kagatin. Tanging bibig lang ang gagamitin para maipasa sa katabi.” Napatingin ako sa gilid ko. Partner ni Elkhurt ang aking katabi na hindi ko kilala. Sa kabila naman ay si Thrale. “So let’s start.”
Binigay na ni Rya ang papel kay Ekhurt na hindi kalakihan. Binasa ni Elkhurt ang kaniyang labi para hindi ito mahulog. Nang madikit, ngumuso siya sa kaniyang partner. Agad na nakuha ng partner niya ang papel dahil sa lipstick. Humarap siya sa akin, sa akin na ipapasa. Naalala ko tuloy na nandoroon ang laway ni Elkhurt pero hindi ko na ‘yon pinansin. Binasa ko ang aking labi para makuha. Nakuha ko naman kaso hindi pa ako nakakalingon kay Thrale, bigla nang nahulog ang papel.
“Punishment, Thrizel. Sa ‘yong labi galing ang papel.” Pumalakpak pa si Rya. Natutuwa na may natalo sa amin.
Kukuha sana si Thrale ng sili ngunit pinigilan ko ang kaniyang kamay. Isa lang ang ibig sabihin, gusto niyang siya ang umako ang aking parusa. Kinain ko na ang isang piraso ng sili. Nakakatatlong kagat palang ako, sobrang anghang na. Nag-iinit ang aking pisngi kaya nilunok ko agad ‘yon. Naglahad ng tubig si Rya sa akin. Ininom ko.
“Kay Thrizel nahulog ang papel kaya sa kaniya mag-uumpisa.” Nag-abot ng papel si Rya sa akin. May naisip nga ako, kung hindi nahulog ang papel. Madidikitan ng labi ni Thrale ang dinikitan ng labi ng babaeng katabi ko? Argh, bakit pati iyon ay pumasok sa aking isip?
Binasa ko ang labi ko. Agad na dumikit iyon, iniiwasan ko nang mahulog. Hindi binasa ni Thrale ang kaniyang labi, nilapit agad ang mukha para kunin ang papel kaso ayaw makuha dahil mas madikit ang sa akin. Ramdam ko pa ang labi niya kahit may papel na sagabal. I mean, ah, basta!
“Kunin mo na.” Halos hindi maintindihan ang pagsasalita ko dahil hindi ko masyado maibuka ang aking bibig.
Tinabingi ni Thrale ang kaniyang ulo habang tinititigan ako. Nag-iisip siya kung paano makukuha ang papel. “Open your mouth.” Utos nito na agad kong ginawa, medyo nakatingala pa ako. Nilapit niya muli ang mukha niya. Natigilan ako dahil ramdam ko ang init ng kaniyang dalawang kamay na nakahawak sa mga pisngi ko. Tinabingi niya ang kaniyang ulo. Binuka ang bibig at inumpisahang kunin ang papel ngunit ayaw talaga. Ilang beses niyang tinabingi ang kaniyang ulo, nap’westuhan niya ng ang gawing kanan at kaliwa pero ayaw pa rin sumama sa kaniya.
“Wow! Laplapan!” Komento ni Elkhurt dahilan para tumigil si Thrale
“Putangina, may glue ba ‘yang labi mo?” Sinamaan ko siya ng tingin dahil hindi ako makapagsalita. Muli niyang nilapat ang labi sa akin. Ngayon, hinawakan niya ang aking batok. Gamit ang hangin sa kaniyang bunganga. Hinigop niya ang papel, nagtagumpay siya roon. “Ang hirap, Thrizel, huh. Ang hirap.”
NATAPOS ang aming laro. Halos lahat yata kami ay nakakain ng sili. Sobrang dami nga lang ang kay Elkhurt dahil puro siya tawa kapag sa kaniya na. Ngayon, nandito kaming dalawa ni Thrale sa tent. Oo, magkatabi kaming matulog. Wala namang kaso sa akin dahil hindi naman siya nangyayakap.
“Tutok na tutok ka sa cellphone mo.” Puna ko sa kaniya.
“Uuwi na tayo bukas ng bahay.” Seryoso ang kaniyang pananalita.
“Bakit?”
“Napaaga raw ang uwi nila Manang Perry, hindi raw p’wedeng wala tayong dalawa sa bahay. I don’t know kung paano nalaman ni mom na magkasama tayo. Kaya kailangan nating umuwi bukas.” Matapos ang mahabang lintaya niya. Humiga na siya. Halos dalawang dangkal ang layo namin sa isa’t isa. Magkahati sa kumot pero hindi nagdidikit ang mga balat. “Bakit hindi ka pa matulog?” Pansin niya yatang nasa kanya pa rin ang aking tingin.
“Hmm, good night.” Tumalikod na ako. Gusto ko sanang tanongin kung bakit sila magkasama ni Rya kanina kaso baka mag-isip ito ng iba.
NAKASAKAY na ako ngayon sa kotse, sa kotse ni Thrale. Pauwi na kaming dalawa ngayon sa bahay. Hinatid muna ng apat ang kanilang mga babae sa bahay bago kami dumiretso sa bahay. Pati tuloy sila ay hindi nakatagal sa camping pero naiintindihan naman daw nila. Malungkot daw kapag may kulang na isa o dalawa. Gusto ring makita ng apat sina Manang Perry lalo na’t kilala nila ito.
“Kasama raw nila Manang Perry si Sittie. Alam mo naman kung anong nangyari noong umuwi tayo sa kanila, hindi ba?” Pagbubukas ko ng usapan. “Sa tingin mo, ganoon pa rin ba siya umasta?”
Nasa daan pa rin ang kaniyang tingin pero sumagot din naman. “Ask Ryke, he can predict.” Napasimangot ako roon. Walang kwentang sagot. Siya ang tinatanong ko e. Paano malalaman ni Ryke iyon? Tsk.
Nakarating kami sa bahay. Agad kaming sinalubong ng aming nanay, sinalubong ang mga kaibigan ni Thrale. Tuwang-tuwa pa nga si mom dahil nandirito na naman ang mga kaibigan ng aking kuya. May bumusina sa labas kaya napatingin kami sa loob. Kabisado ko ang kotse ni dad kaya sigurado akong sa kaniya iyon. Sinundo niya na yata.
“Tara na, lumabas na tayo. Nandiyan na sila, dali.” Sabik na sabik si mom kaya nauna siyang lumabas. Sumunod kami sa kaniya. Tama nga ang huli kong sila Manang Perry.
“Nandito na kami.” Pumunta si dad sa likuran para kunin ang mga gamit sa likuran.
“Jusko, ma’am. Miss na kita.” Nilapitan ni Manang Perry si mom upang yakapin. “Pumayat ka ng kaunti, huh?”
“Mabuti naman at nandito ka na, manang.” Nakangiti niyang sabi. “Kumusta ang pamangkin mong si Sittie?”
Napatingin kami nang lumabas ang babaeng kasing-edaran ko lang. Ang kayumanggi niyang kulay dati ay wala na. Medyo pumuti ito, morena na ngayon. Dahil ba naconfined siya sa hospital? Maganda naman pala ang babaeng ‘to.
“Hello po.” Lumapit siya kay mom at nagmano. Kumaway siya sa amin na may nahihiyang ngiti.
“Kasama namin si Manang Lory, hon." Binuksan ni dad ang backseat. Nakita namin ang isang matanda roon na nakaupo sa wheel chair. Puro uban na rin ang kaniyang buhok. Binaba siya ni dad at nilapit sa amin.
“Manang Lory.” Magiliw na niyakap ni mom ito. “Pasensya na po kung hindi ka namin nadadalaw. Salamat naman at nakuha ka ni Manang Perry sa pamilya mo.”
Natawa ng mahina ang matanda. “Miss din kita, anak.” Pangmatanda na ang boses niya. Nilibot niya ang paningin niya. “Nasaan ang batang si Thrale?” Nakangiting lumapit si Thrale kay Manang Lory. Yinakap niya ito, natutuwa muli ang matanda. “Ang laki mo na, huh? May nobya ka na ba, hijo? Ang pogi-pogi mo.”
“Kumusta ka po, manang?”
Sasagutin sana ni manang ang tanong ni Thrale nang mapatingin siya sa akin. “Arella, anong ginagawa mo riyan? Halika’t lumapit ka rito. Miss na rin kitang bata ka.”
Tinuro ko pa ang aking sarili na agad niyang tinanguhan. Natigilan kaming lahat kasama na ang aming mga magulang maging si Manang Perry. Kaba ang namuo sa akin ngunit nakuha ko pang lumapit para yakapin siya.
Nagsalita ito. “Sabi na nga ba’t nandirito ka. Ano nang nangyari sa ‘yo? Nawala ang peklat mo sa mukha. Hindi ka na ba binubugbog ng tatay mo?” Gusto ko sanang magsalita pero kinuha na ni mom si Manang Lory para ipasok sa loob.
Itutuloy...I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (42)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I love it
24/09/2025
0gandaaaaa so muchhh!! 💗🙌
14/06/2025
0woow , 😯 sobrang gandànaman ng story na to author ang ganda ng kwento
23/04/2025
0Tingnan Lahat