TWO

VAUGNN ZORELL MONTEFALCO
Hindi ko alam kung bakit ako umabot sa sitwasyong 'to. Basta ang alam ko, nakita ko na lang ang sariling parang tutang naka-upo sa gitna nila Mom at Dad habang kaharap ang babaeng sinasabing buntis at ako raw ang ama ng batang dinadala niya!
"Mom, seryoso ka ba?! Dito? Sa bahay ko?!" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Tumahimik ka!" Asik ni Mommy habang nanlilisik ang mga mata sa akin.
Nang lingunin ko naman si Dad, pasimple itong nakatakip sa bibig upang maiwasan ang pagtawa.
Naiinis na napairap na lang ako. Ano bang magagawa ko? Hindi pwedeng magalit si Mommy kasi alam kong mabibitay ako ng wala sa oras.
Pinag-krus ko ang mga braso at tinitigan ng maiigi ang babae. Hindi ko talaga siya maalala! Kinalkal ko na lahat ng files na nasa utak ko pero walang nagngangalang Caileigh Marie Avila ang naka-save.
"Hija, may parents ka ba? Gusto ko silang maka-usap."
Umiling ang babae. "Wala na po. Mag-isa na lang po ako."
Putangina, talaga? Pumatol ako sa seventeen years old?! Kailan?!
"I-I'm sorry, hija." Paumanhin ni Mommy.
Mabilis na winasiwas ng babae ang kanyang kamay sa ere habang umiling-iling. "Ayos lang po. Matagal na po silang wala."
Kaya pala, hindi na ako magtataka kung bakit nakapasok siya sa bar! Seventeen palang, ah? Seventeen pa! Paano ako nakakasigurong ako ang ama ng batang dinadala niya, eh sa bar siya nagta-trabaho?
Sinamaan ko siya nang tingin nang bumaling siya sa akin. Mabilis naman siyang umiwas. Oo, tama 'yan. Umiwas ka habang maaga pa.
"Hija, ang sabi mo, buntis ka at si Zorell ang ama, tama?"
Tumango siya. "Opo. Siya po talaga!"
Tumaas ang kilay ni Mommy. "Sigurado ka, hija?"
Natigilan ang babae. Bahagyang kumunot ang noo nito.
"Ah, pasensya na. Maraming babae ang tulad mong pumupunta rito, sinasabing buntis din sila at si Zorell ang ama kaya—"
Hindi niya pinatapos si Mommy. Agad siyang nagsalita. "Ayos lang po, handa po akong ipa-DNA ang baby pag lumabas na tsaka honest po ako, siya po talaga!" Turo niya sa akin. Napaturo rin tuloy ako sa sarili ko.
Putangina talaga.
Ngumiti si Mommy. "Sige, okay. 'Wag kang mag-alala, dito ka na titira. Hangga't hindi pa lumalabas ang baby, aalagaan ka namin, ibibigay namin lahat ng kailangan mo, kailangan niyo." Dahan-dahan akong nilingon ni Mom sa nagbabaga niyang tingin. "At kapag napatunayan naming anak nga ni Zorell ang batang dinadala mo, ipapakasal kita sa kanya." Saad niya na nagpaputla sa akin.
Hindi ako nakagalaw sa paninigas. Kasal? Dude, kasal? Joketime ba 'to?! Putangina, paano kami umabot sa kasal?!
"Mom, what are you talking about?! Paano kung hindi?!" Nagpa-panic na tanong ko.
Nagkibit-balikat siya. "Edi, hindi. Basta hija, kapag may mga kailangan ka, nandito ako, nandito kami. Okay?" Matamis na ngumiti si Mom sa babae at niyakap pa ito.
"Salamat po."
Nagpapawis ako sa kinauupuan nang tapikin ako sa balikat ni Daddy. Ngingisi-ngisi pa ito na mas ikinaasar ko!
"Mag-usap tayo, Vaugnn Zorell." Seryosong saad ni Mom at basta na lang tumalikod pagkatapos magpaalam sa babae.
"Patay kang bata ka." Pang-aasar pa ni Dad na inirapan ko lang. Sinali ko na rin ang babaeng seventeen years old pa lang.
Sumunod ako kay Mom sa garden. Seryoso ito kaya inalis ko na lahat ng kapilyuhan ko sa katawan. Seryosong usapan ang mangyayari panigurado.
"Sa tingin ko, hindi nagsisinungaling ang batang 'yon, Zorell. Seryoso ka ba talaga, anak? Seventeen?!"
Napahilamos ako sa mukha. "Mom, hindi ko nga siya kilala!"
Napadaing ako nang hampasin niya ako sa balikat gamit ang bag niya. "Siraulo ka! Kaya hindi mo na siya makilala kasi lasing ka siguro ng mga panahong 'yon! Pasok ka nang pasok, hindi mo man lang inalam kung ilang taon na!"
"Mom, aray! Masakit nga!"
"Masasaktan ka talaga sa akin kapag hindi mo tatratuhin ng maayos si Cai. Babantayan kita, Zorell. Sa oras na umiyak, masaktan at pinabayaan mo siya, itatakwil talaga kita!" Galit na sigaw niya bago ako hinampas ulit.
Napangiwi ako. "Oo na! Oo na! Parang hindi mo ako anak, ah?" Nagtatampong saad ko habang hinihimas ang brasong tinamaan niya.
Kung makapanakit, 'to.
Bumalik kami ni Mommy sa loob ng mansion. Sumalubong sa amin si Daddy at ang babae na nag-uusap. Nakangiting lumapit si Mommy sa babae at hinaplos ang buhok nito.
Mas mahal niya na ata kaysa sa akin ang babaeng 'to, ah?
Para akong mababaliw habang nakatitig sa babae. Paano kung totoo nga? Ang bata ko pa para maging Daddy. Anong ituturo ko sa anak ko, mangbabae, uminom?! Wala pa akong alam sa pagpapamilya!
Nang magpaalam sila Mommy at Daddy, paulit-ulit akong pinaalalahanan ni Mom na 'wag pabayaan ang babae. Ano siya pilay? Kumpleto ang paa at kamay niya. Kaya niya naman ata ang sarili niya.
Tinuro ni Manang ang magiging kwarto niya. Bahala na siya kung anong gusto niyang gawin. Ginusto niyang pumunta rito, edi bahala siya sa buhay niya.
Pagkatapos kong maligo, bumaba ako sa living room para manood ng TV. Hindi pa nag-iinit ang pwet ko sa pagkaka-upo nang bumaba ang babae. Alam kong may pangalan siya, pake ko.
"Hi, ako si Caileigh o Cai. Ikaw si Zorell 'di ba?"
Umirap ako. Hindi ko man lang siya tinapunan ng tingin. "Pakealam mo?"
Naramdaman kong umupo rin siya sa tabi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Nakanguso siyang lumingon sa akin. "Nagtatanong lang naman ako."
Inirapan ko siya ulit pero hindi siya tumigil kakadaldal sa akin.
"May gusto ka bang kainin? Marunong akong magluto!" Marunong? Duh, may katulong kaya kami!
Tsaka ayokong gumawa ng ikakapahamak ko, 'no! Paano kapag nalaman ni Mommy na inaalila ko siya? Edi, itatakwil ako!
"Mahilig kami sa sardinas ni Baby. Mahilig din kami sa mangga. Gusto mo 'yon?" Pangungulit niya ulit.
Inis na kinamot ko ang tenga. "Pwede ba? Pabayaan mo nga muna ako! Pabayaan mo ako!" Singhal ko.
Nakakainis na!
Mas lalong humaba ang nguso niya na mas lalong ikina-inis ko. Bakit niya ba ginagawa 'yan? Para akitin ako?! Huh! Asa!
"Pero nabo-bored na ako." Reklamo niya na parang kasalanan ko pang bored siya.
Ano 'yon? Ako pa ang aaliw sakanya?
"Edi, humanap ka ng mapaglilibangan mo!"
"Gusto kong magtanong sa'yo."
Napapikit ako sa inis. Hindi ako makapaniwala. Bakit ba ako umabot sa sitwasyong 'to?! Kung panaginip ang lahat ng 'to, gusto ko nang magising!
Ayokong mamatay ng maaga sa inis. Pinapakalma ko ang sarili at kanina ko pa binubulong na magiging okay lang ang lahat kahit na alam kong hindi na magiging maayos ngayon ang buhay ko. Maagang matitigil ang kaligayahan ko. Mabilis na natapos.
Galit akong humarap sakanya na ikinagulat niya. "Sige ako, magtatanong ako. Alam mo ba kung ilang taon na ako? Twenty-three years old pa lang ako. Nag-eenjoy pa sa pagiging binata, bakit mo sinisira ang buhay ko?"
Nakita ko ang unti-unting paglungkot ng mga mata niya pero hindi ko 'yon pinansin. Bakit ko papansinin? Eh, siya ang may kasalanan kung bakit ako umabot sa ganito. Kasalanan niya kung bakit ako masisira. Kasalanan niya lahat!
Tumayo ako at seryoso siyang tinignan. "Sa oras na mailabas mo na ang batang 'yan at napatunayan kong hindi ako ang ama, hindi ka na magpapakita sa akin. Naiintindihan mo ba ako?"
Hindi ko na siya pinasagot, mabilis akong tumalikod, mabilis na umakyat sa kwarto ko. Galit ako pero hindi ko pa rin maiwasang ma-guilty. Tao pa rin naman ako, nakakaramdam pa rin ng guilt. Pero tangina, natatabunan 'yon ng inis.
Caileigh Marie Avila, pasensya ka na pero galit talaga ako sa'yo.

Komento sa Aklat (355)

  • avatar
    Gracelyn Gaudia

    super worth it basahin, yung plot, kung pa'no idescribe ng author mga characters nya, nando'n na lahat, superbbb

    24/07/2022

      0
  • avatar
    Eunice FE

    with emotional

    20/08

      0
  • avatar
    SandovalIlyn

    good story

    30/01

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata