Homepage/VAUGNN ZORELL MONTEFALCO: Who's your Daddy?/
ELEVEN
VAUGNN ZORELL MONTEFALCO
Bumungad sa akin ang mukha ni Zowzow nang magising ako. Mabilis akong napabalikwas sa kama at napatayo nang hindi ko na naman mahagilap ang Mommy niya. Tumatakbo akong bumaba ng hagdan at nakahinga nang maluwag nang makitang nasa kusina siya at nagluluto.
"Dude, what the fuck?"
"Ikaw ba si Tarzan?"
Sinamaan ko ng tingin ang mga kaibigan ko at inirapan bago lumapit kay Cai. Yumakap ako sa bewang niya galing sa likuran at pinaghahalikan siya sa leeg.
"Ano ka ba, Zorell?" Natatawa niyang tanong at nakangiting humarap sa akin.
Nang makita niya ang itsura ko, umangat ang kilay niya.
"Bakit ka nakahubad?"
Napabuntong-hininga ako at binaba ang tingin sa sarili. Wala akong pang-itaas, walang tsinelas at sigurado akong masyadong magulo ang buhok ko ngayon pero wala na akong pakealam. Naka-boxer shorts lang din ako na hindi ko na pinansin dahil sa takot na baka umalis na naman siya.
Ngumuso ako. "Tinatamad akong magbihis. Bihisan mo ako."
Nagulat ako ng may magbato sa akin ng mansanas. Agad kong sinamaan ng tingin ang mga kaibigan kong mga siraulo.
"Pababy ka masyado, ah? Magbihis ka nga mag-isa mo, may trabaho kaya si Cai. Istorbo ka." Irap sa akin ni Phil.
"Eh, kayo bakit kayo nandito sa pamamahay ko? Inimbita ko ba kayo?!" Singhal ko sa dalawa.
"Inimbita? Kailangan pa ba 'yon?" Ngiwi ni Gyo.
Akmang kukuha ako ng mansanas sa mesa para ibato sa kanila nang pigilan ako ni Cai. Nagpaalam siya sa dalawa at hinila na ako paakyat sa kwarto namin. Bakit ba nandito na naman 'yong mga siraulong 'yon? Parang mga walang bahay!
Pina-upo ako sa kama ni Cai at pinanood ko siyang kumuha ng tuwalya bago lumapit sa akin.
"Maligo ka muna, Zorell tapos bibihisan kita." Nakangiting saad niya bago binigay sa akin ang tuwalya.
Ngumuso ako at yumakap sa bewang niya. Sinubsob ko ang mukha sa tyan niya. Hindi na ako makapaghintay na lumaki 'yon. Ang tagal-tagal, eh.
Hinaplos niya ang ulo ko. "Ayos ka lang, Zorell?"
"Hmm... Hindi mo na uulitin 'yong ginawa mo kahapon, ah?"
Bumaba ang tingin niya sa akin at ngumiti. "Oo. Promise. Sorry ulit, Zorell."
Napangiti na rin ako bago siya tiningala. Nakita ko namang dumukwang siya at pumikit bago nilapat sa labi ko ang labi niya. Napapikit ako ng mariin, sinusubukan talaga ako.
Tumayo ako kaya ako na ngayon ang nakadukwang para maabot ang labi niya habang mariin ang pagkakahawak sa bewang niya. Sinimulan kong pagalawin ang labi ko na sinusundan niya naman. Napangiti ako at mas lalo pa siyang dinikit sa akin.
Saktong pagbagsak namin sa kama ni Cai nang may kumatok sa pinto. Napaungol ako sa inis at sumubsob sa leeg niya.
"Hoy, may balak ba kayong sunugin 'tong bahay niyo? Iniiwan niyo 'yong niluluto niyo sa kusina. Tsk!" Sigaw ni Gyo sa labas.
"Tangina ka! Lumayas na kayo!" Nanggigigil na sigaw ko pabalik.
Bwesit. Wala talagang ibang alam ang mga tarantadong 'to kundi asarin ako, eh. Mga putangina sila. May araw rin sila sa akin.
Mabilis akong umalis sa ibabaw ni Cai at ngumuso. Natatawa niya namang inabot ang braso ko at yumakap dito.
"Ligo ka na, Zorell."
Naligo muna ako at nagbihis bago bumaba. Pupunta sana ako ngayon sa opisina pero tumanggi muna ako kay Dad, sinabi ko sa kanila ang nangyari kagabi kaya naiintindihan naman nila. Tuwang-tuwa nga si Mommy kasi na-experience ko na raw. Excited pa siyang nagtanong sa akin kung ano ang pakiramdam. Syempre, impyerno. Muntik na akong mahimatay sa pag-aalala kagabi. Kung sino-sino na lang ang sinakal at sinuntok kong pulis para mahanap ang asawa ko.
Wala akong tulog, gising ako buong gabi kasama ang panganay namin. Ni hindi ko na nga nagawang magbihis o maligo, kahit ang paghubad ng sapatos, nakalimutan ko.
Putangina. Ayoko ng pakiramdam na 'yon.
Naabutan ko si Cai na naghahanda sa dining kasama sila Phil at Gyo. Nagtatawanan ang mga ito nang tumikhim ako.
"Hi, kain ka na, Zorell." Agad akong nilapitan ni Cai at hinila sa tabi niya para umupo.
"Kinuwento namin sakanya 'yong nangyari kagabi, dude. 'Yong pagwawala mo sa harap ng mga pulis. Sayang, wala akong dalang phone." Ngisi ni Gyo.
Natawa rin si Phil. "Akala ko nga magtatransform na siya. Galit na galit, eh nananakit."
Hinaplos ni Cai ang braso ko. "Ginawa mo 'yon?" Nguso niya.
Ngumuso rin ako. "Masyado akong nawala sa sarili kagabi."
Hindi ko na pinansin ang mga kaibigan ko. Tahimik na lang akong nanalangin na mabulunan silang dalawa dahil ang kakapal ng mga mukha nilang makikain samantalang wala naman silang ambag.
Mga siraulo.
Pagkatapos naming kumain, umalis na ang mga tarantado. Yakap-yakap ko si Cai nang makabalik kami sa kwarto. Malapit na ang birthday niya, sa susunod na araw na pero mahigpit niyang pinagbawal na walang party. Ayaw niya sa party. Ayaw niya rin sa surprise. Mas gusto niyang simple ang debut niya kasama kami.
Nakahiga kami sa kama habang busy siya sa panonood ng cartoons. Tutok na tutok siya sa panonood na hindi niya na napansing nakapasok na ako sa loob ng shirt kong suot niya at doon humiga. Hinahaplos ko ang tyan niya.
Hindi na makapaghintay si Daddy na makita ka, baby. Mahal ka ni Daddy.
Noong una, inaamin ko, may pagdududa ako. Akala ko, isa rin siya sa mga babaeng naghahabol sa akin. Sinasabing buntis at ako ang ituturong ama para maperahan ako. Tsaka sa bar siya nagta-trabaho, may posibilidad na hindi lang ako. Ngayon, wala na akong pakealam, kung hindi man akin, tatanggapin ko. Pero sigurado akong akin 'to.
Montefalco ang batang 'to.
"Zorell, anong ginagawa mo dyan?" Tanong niya habang sumisilip sa akin sa loob ng shirt niya.
Ngumiti ako. "Kinakausap ko baka sakaling sumagot."
Ngumuso siya na tinawanan ko. Ang ganda ng buntis na 'to. Kung noon ang palagi ko lang iniisip, ang pagsasaya ngayon, iniisip ko na kung paano siya mapapasaya. Hindi ko na iniisip ang sarili ko, silang dalawa na lang.
CAILEIGH MARIE AVILA
Birthday ko ngayon. Nang makitang maayos na ang itsura ko, lumabas na ako ng kwarto. Bumungad sa akin ang napaka-gwapong si Zorell. Agad ko siyang hinalikan sa pisnge na ikinangisi niya.
Mas lalo siyang gumwapo kaya tumingkayad ulit ako para mahalikan siya sa labi.
Hinapit niya ako sa bewang. "Happy birthday, baby. Ang ganda mo."
"Talaga? O maganda lang ako kasi birthday ko?" Nguso ko.
"Maganda ka, araw-araw." Saad niya at binigay sa akin ang hawak niyang bulaklak na kanina niya pa pala hawak. Tinago niya lang sa likod.
"Salamat!" Niyakap ko siya at humalik ulit sa pisnge niya. Ang bango ni Zorell.
Natatawang hinapit niya ako sa bewang hanggang sa makababa kami ng hagdan. Nasa garden ang lahat. Kaunti lang naman ang invited. Si Tita at Tito, ang mga kaibigan kong si Cams at Ivory, ang kaibigan naman ni Zorell na sina, Phil at Gyo tsaka si Manang. Kami lang.
Hindi ko naman kailangan ng party, eh. Okay na ako sa simpleng handaan lang. Sinayaw ako ng mga lalaki. Puro sigaw pa ni Zorell ang naririnig ko nang kabigin ako ni Gyo papalapit sa katawan niya.
Natatawa na lang tuloy ako nang matapos kami. Asar na asar si Zorell at mukhang handa na talagang manuntok ng kaibigan.
Nasa gitna kami nang pagsasaya nang biglang magkagulo.
"Pwede ba?! Bitawan niyo nga muna ako! Kailangan kong maka-usap si Zorell!" Sigaw ni Caia sa mga guard na nakahawak sa braso niya.
Nag-aalalang nilingon ako ni Zorell at mahigpit na hinawakan sa bewang. Napatayo na rin ang lahat ng mga kasama namin at naguguluhang tumingin sa kapatid ko.
"Bitawan niyo siya." Sabat ni Zorell.
Mabilis namang sumunod ang mga guards na nginisihan pa ni Caia. Nang lingunin niya kami, tumaas ang kilay niya at nagmartsa palapit kay Zorell na agad umiwas nang magtangka itong hahalik.
"Bakit ka nandito? Umalis ka na."
"Zorell, kararating ko lang. Nakakatampo ka! Hindi mo sinasagot ang tawag ko." Lumingon si Caia sa paligid. "May party?"
Kumunot ang noo ni Zorell. "Wala ka nang pakealam. Umalis ka na. 'Wag mong hintaying uminit ang ulo ko, Caia."
Imbes na matakot, mas lalong ngumisi ang babae. Hinigit naman ako ni Zorell palapit sakanya na agad kumuha sa atensyon ni Caia.
"Ano 'to? Bakit ka nakahawak sa katulong mo?" Tanong ni Caia kay Zorell.
Narinig ko ang nangigigil na bulong ni Cams at si Ivory na pilit pinapakalma ang kaibigan namin.
"Hindi ko siya katulong. Asawa ko siya."
"Asawa?! Kailan?! Zorell, nagbibiro ka! Sa kanya pa talaga?!" Hindi makapaniwalang saad ni Caia at tinapunan pa ako ng nakakadiring tingin.
Naramdaman ko ang pagtigas ni Zorell. Alam kong galit na siya kaya napahawak ako sa braso niya dahil baka masaktan niya si Caia.
Nagpasalamat ako nang pumagitna si Tita Zina. Seryoso ang mukha nito at matalim na tinignan si Caia na bahagyang napaatras.
"Hi, good evening. Una sa lahat, nasa lugar kita. Ang lupang tinatapakan mo ay pagmamay-ari ko kaya wala kang karapatang sigawan ang mga anak ko. Pangalawa, hija, 'wag kang masyadong magalit kasi una pa lang wala naman kayong relasyon ng anak ko. Kaya dumistansya ka na. 'Wag ka nang manggulo."I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (355)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
super worth it basahin, yung plot, kung pa'no idescribe ng author mga characters nya, nando'n na lahat, superbbb
24/07/2022
0with emotional
20/08
0good story
30/01
0Tingnan Lahat