Homepage/Owned by the Bad Boy/
Chapter 23
Hindi akalain ni Iñigo na ang maganda niyang mood na kasama si Pennee ay basta na lamang mapapalitan ng pagkainis. Nasilayan lang niya ang pangalan ni Aaron na tinatawagan ang kanyang kababata, tila nais niyang agawin ang phone at ihulog doon sa tubig ng fountain sa kanilang likuran.
“Um… sagutin ko lang si Aaron, okay lang ba?”
Iñigo’s eyes widened. “What do you mean by sasagutin? Is he courting you?”
Bahagyang natawa si Pennee. “Hindi ah! Ang ibig kong sabihin, sasagutin ko lang sandali ’tong tawag,” aniya at idinikit sa kanyang tainga ang phone. “Hello, Aaron… Oh, about that? Hindi ko na iniisip ’yon…. Okay lang naman ako. Thanks for asking…”
Hindi mawari ni Iñigo kung ano ang itsura niya sa mga sandaling iyon habang pinagmamasdan niyang nakikipagtawanan si Pennee sa kausap nito. Surely, he looked like a dumb—a freaking OA jealous dumb! Hindi siya sigurado kung kailan siya naging ganito sa tana ng buhay niya. Maaaring ngayon lang… kapag tungkol sa kanyang kababata.
‘Ano kaya kung agawin ko ang phone at sabihan ang Aaron na’yan na huwag nang tumawag kay Pennee kahit kailan?’
Natutukso siyang gawin iyon ngunit batid niyang hindi ito magugustuhan ni Pennee. He knew any act of violence could make her upset, bagay na hindi gugustuhin ni Iñigo. He just want to see her smile. Pero hindi rin niya nais na ibang tao ang gagawa nito sa dalagita.
“...oo nga, eh. Pero ikaw din kaya. Ang dami mo ngang fans. Hindi ka pa lumalabas, sumisigaw na sila sa’yo…”
‘Buwisit talaga ang umag na’yan! Ako ang dapat kausap si Pennee!’
Hindi na matiis ni Iñigo ang kanyang nakikita. So to get her attention, he faked a cough, loud enough to be heard by the person from the other line. Dahil dito, napatingin ang dalagita sa kanya. Ngunit nang magsalita ito’y batid niyang si Aaron pa rin ang kausap. “...yes, may kasama ako. Yigo is here…” Then she nodded slowly. “Sigurado ka? Okay. See you soon… Good night too.” Ilang sandali pang nakangiti si Pennee sa phone nang ibaba ito bago hinarap si Iñigo. “Tumawag lang daw siya para mangamusta.”
“Talaga lang, ha?” Iñigo’s brow raised. “Eh, kulang na lang ay mag-storytelling siya. Nanliligaw ba siya sa’yo?”
“Si Aaron? Hindi, ah,” Pennee chuckled. “Though nagsabi siya dati. Pero sinabi rin niya na sa ngayon, hindi muna. Takot din siguro siya kay Daddy.”
Kahit papaano’y nabunutan ng tinik si Iñigo dahil sa tugon ng dalagita. But still, he felt a bit threatened. ‘Sa ngayon. It means, may balak pa rin ang gagong iyon na manligaw!’
“Basta mag-ingat ka sa kanya, Pennee. I know you trust him because he’s your classmate. Pero he’s older than you. Hindi mo alam ang takbo ng isip niya,” Iñigo warned, stretching his arms and long legs.
“Mas matanda ka rin naman sa akin, ’di ba?” Pennee chuckled.
Little did she know, her statement took Iñigo off guard. Ni hindi siya nakaimik. Alam niyang nagbibiro lang ang kababata ngunit tila sampal na binalik sa kanya ang kanyang warning. Pinapaiwas niya ang dalagita kay Aaron dahil maaari nitong samantalahin ang kainosentehan niya. But now he realized that he could be dangerous as well. If ever, mas marami siyang puwedeng gawin dahil mas marami siyang karanasan. But then it was Pennee. Batid niyang hindi siya gagawa ng ikakasama nito.
“Basta, I’ll stick to my promise to you—na babantayan kitang palagi dahil mukhang sa mga susunod na araw, baka lalong dumami ang mangungulit sa’yo. Ayoko lang naman na may mag-take advantage sa pagiging friendly mo, Pennee. Hope you understand.”
“I know. Kaya nga sobrang happy ko. Mas ngayon ko tuloy na-feel ’yong pagkapanalo ko kasi nag-uusap na tayo. Kasi aaminin ko sa’yo, isa ka sa reason kaya sumali ako ro’n.”
“Really?”
Pennee nodded. “Kasi naman, ayokong bata pa rin ang tingin mo sa akin hanggang ngayon. Malaki na kaya ako. Matured na rin ako mag-isip at aware naman ako sa nangyayari sa paligid ko—na hindi lahat ng nakikita ko ay kasing colorful noong childhood days natin.
Iñigo was surprised when Pennee leaned on him, placing her head on his shoulder and watched at the dark sky. Pakiramdam tuloy ng binata na ang liwanag ng buwan ay sadyang silang dalawa lamang ang binibigyan ng ilaw.
“Fine, hindi na kita ituturing na bata,” Iñigo said. Because now, he was beginning to see Pennee differently—like a young woman whom he could fall in love with.
Maaaring noon pa ay umiibig na siya sa kababata. Hindi lang niya ito napapansin.
***
Lumabas si Iñigo sa gate na may ngiti sa mga labi. Nasira man ang araw niya kanina dahil sa galit kay Vanessa, napalitan naman ito ng kagalakan dahil sa wakas ay nagkaayos na sila ni Pennee. Malinaw na rin sa kanila ang lahat, ngunit isang bagay na lamang ang hindi—iyon ay ang pagpapahayag ng kanyang nararamdaman sa dalagita.
‘It’s okay,’ he thought while waltzing towards his car. Malayo pa lang ay pinindot na niya ang remote nito upang mag-unlock. ‘Hindi pa siya handa. She is too young. But I’ll make it sure na walang ibang lalaki ang lalapit sa kanya. I won’t allow it.’
Nang buksan niya ang pinto ng sasakyan ay bigla siyang natigilan nang may magsalita sa kanyang likuran.
“Pinagbabawalan mo ako na manligaw kay Pennee. Iyon pala, binabakuran mo siya.”
Mabilis siyang lumingon at biglang naningkit ang kanyang mga mata nang makita si Aaron mula sa kabilang lane. Nakasandal ito sa sasakyan nito at nakapamulsa. His profile might be looked relax, ngunit kung tapunan ng titig si Iñigo ay tila nais siya nitong tunawin.
“Excuse me?” Iñigo asked, irritation was obvious in his tone. “What the fuck are you doing here, by the way? Huwag mong sabihin na nandito ka na no’ng tumawag ka kay Pennee?”
“Tama ka. At dapat tutuloy ako pero nakita ko na may malaking harang sa gate.” Aaron pointed Iñigo’s car with his index finger. “So would you mind getting rid of that shit? It’s shamelessly blocking my way.”
Iñigo felt his hand trembled as he brutally shut his car’s door closed. Ilang hakbang lang, nakarating na siya sa kabilang lane, at ang una niyang ginawa ay hablutin si Aaron mula sa kuwelyo nito. “I knew it. Talagang gago ka simula pa lang. You are just playing angel kapag kaharap si Pennee. Pero ang totoo, demonyo ka. Now get the fuck out of here!”
“You get lost!”
With a powerful push from Aaron, Iñigo almost stumbled when he stepped back. Hindi niya inaasahan na may aatake sa kanya na ganoon kalakas. Pero ano pa nga ba ang maaasahan niya sa isang barumbado ring kagaya niya? “Kung alam ni Pennee ang tunay na ugali mo, paniguradong iiwasan ka na niya. Kaya huwag mo nang aksayahin ang panahon mo. Umalis ka na at doon ka na lang pumatol sa mga prostitute!”
“Like who? Ate Vanessa?” Aaron chuckled. Muli siyang sumandal sa kanyang sasakyan na tila isa itong unan. “Kung may dapat iwasan si Pennee, ikaw ’yon! Paano mo naaatim na dalawin siya, samantalang ilang oras pa lang ang nakararaan ay may pinagsawan kang ibang babae? Young girls na ba ang preference mo ngayon?”
“Eh, gago ka pala talaga!” Isang solidong suntok ang pinatama ni Iñigo sa panga ni Aaron. Gaano man ito kaliksing umiwas, hindi nakaligtas ang maganda nitong mukha sa parusa niya. “Don’t bark as if you know everything, you scumbag! At huwag na huwag mong ikukumpara ang relasyon ko kay Vanessa kay Pennee. You have no idea how deep my link to Pennee is, kaya kahit sa imagination mo, wala kang karapatang isipin na masama ang pakay ko sa kanya!”
“Pakay? Eh,’di lumabas din ang totoo!” Humalakhak si Aaron bagaman namumula sa galit ang kanyang paningin. “Gusto mo siya at naghihintay ka lang ng pagkakataon na maisahan siya!”
“Fuck you!” Iñigo wanted to control it but fury was engulfing his system like wildfire. Ngayon ang gusto na lamang niyang gawin ay gulpihin ang lalaki. Ngunit kahit anong ingat niya ay natamaan pa rin siya ng mapaghiganting kamao nito at sa pagkakataong ito ay sa labi siya tinaman. Ilang sandali lang at dumugo ito ngunit hinayaan lamang niya na umagos.
They were both breathing desperately as if saving what was left in their dear lives when they parted. Bagaman, puno ng galit si Iñigo sa kanyang puso, may malaking bahagi rin sa kanyang sistema na nilulukuban ng pag-aalala. He couldn’t let Pennee fall in the hands of this guy. “Umalis ka na, gago ka. At baka mapatay na kita,” bulong ni Iñigo.
“Eh,’di magpatayan tayo, kung ’yan ang gusto mo!”
“Hindi ka talaga magtatanda, hayop ka!”
“Of course! Hindi ko lalayuan si Pennee hangga’t hindi niya sinasabi. So don’t act as if you own her!” Aaron roared.
Iñigo collected Aaron’s arms to his back. Pinaharap niya ito sa salamin ng sasakyan. As the other guy screamed in pain, he smashed him against the car’s front. Muli niyang hinablot ang buhok nito at bumulong siya sa tainga nito. “I’m not just acting like I own her. Because the truth is I really own her.”I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (28)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
berry nice
24/10/2024
0❤️❤️❤️❤️
04/10/2024
0ang ganda ng story..
14/07/2024
0Tingnan Lahat