KABANATA 9

“Sige na bibili lang ako ng pagkain natin.” Kanina pa ako kinukulit ni Fhella na sabay na raw kaming kumain sa labas at bibili na lang daw siya ng pagkain niya.
“Sige na nga, hihintayin na lang kita sa may field,” sabi ko bago ko isukbit ang bag ko sa balikat. “Bilisan mo para matagal tayong makakakain,” bilin ko pa sa kaniya bago kami sabay na lumabas, aayain ko rin kasi si Vanessa kung gusto niyang sumabay sa amin.
“Sige-sige.” Dali-daling umalis is Fhella kaya naman dumeretso ako sa room nila Vanessa.
Sumilipsilip ako ro’n dahil mas maagang nagpa-dismiss ang huli naming lecturer.
Nakita ko si Vanessa na nag-aayos ng gamit niya kaya naman tinawag ko siya.
“Vanessa!” sigaw ko sa pangalan niya at agad naman akong pinagtinginan ng mga classmate niya.
May mag nagbubulungan at napapangisi habang nakatingin sa akin.
“Vanessa kaibigan mo ba ang babaeng ’yan?” tanong ng isa sa mga kaklase ni Vanessa habang nakatingin sa akin.
Tumingin sa akin si Vanessa kaya naman ngumiti ako, kakawayan ko na ulit sana siya ang kaso ay nag-iwas siya ng tingin.
“Kaibigan ko siya, bakit may problema?” mataray na tanong ni Vanessa bago talikuran ang babaeng nagtanong sa kaniya kanina.
Ngumiti si Vanessa at lumapit sa akin.
“Kain na tayo, nagugutom na ako,” nakangusong sabi niya at napakamot naman ako sa ulo dahil mukhang nakalimutan ni Vanessa na bawal ako sa cafeteria.
“Sa field lang kasi kami kakain ni Fhella dahil hindi ako makakapasok sa cafeteria,” aniko nang magsimula na kaming maglakad.
“Sasabay na lang ako sa inyo, ayaw ko nang sumabay sa mga kaklase ko,” saad niya at nakita ko na napapairap pa ito kay naman bahagya akong natawa.
“Sige, basta sa field lang tayo kakain. Bumili lang si Fhella ng pagkain niya, ako ay may baon na kaya naman hindi na ako bumili,” sabi ko sa kaniya at naramdaman ko naman ang pagluwag ng pagkakakapit niya sa braso ko.
“Okay lang, sa field na lang tayo kumain bibili lang ako ng pagkain,” paalam nito bago humiwalay sa akin at nagmamadaling maglakad palayo.
Hindi na ako nakasagot dahil malayo na siya.
Nagsimula na akong maglakad ng maingat, pasimple ko ring pinagmamasdan ang mga tao sa paligid ko dahil sa mga tingin nila.
Buti na lang at hindi ko nakakasalubong o nakikita si Aries, dahil sa tuwing nakikita ko ang mukha niya ay alam kong walang mangyayaring maganda.
Isa pa si Trinity kapag nakakasalubong o nakikita ko talaga ang dalawa na ’yon daig ko pa nakasalubong nga d*monyo.
Napailing na lang ako dahil sa nangyari kahapon at naalala ko ang damit kong nawala pati na rin ang mga damit na pinahiram sa akin kahapon.
Hindi ko papala nalalabhan, mamay na lang pag-uwi ko.
Sino kaya ’yong babae kahapon? ’Yong nagpahiram sa akin ng damit, ibabalik ko sana sa kaniya yung damit na pinahiram niya.
“Akalain mo nga namang bumabagay rin ang uniform sa mga hampas-lupa.” Rinig kong sabi ng isang babae pero hindi ko pinansin ’yon dahil baka hindi naman ako ang kinakausap niya.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at napahinto ako ng may humitak sa buhok ko.
“Aray!” sigaw ko at hinawakan ang kamay ng may hawak sa buhok ko.
Ang higpit ng pagkakahawak nito sa buhok ko at nasasaktan ako.
“Bitiwan mo nga ako!” sigaw ko rito at pinilit kong tanggalin ang kamay niya sa buhok ko, narinig ko pa ang ilang buhok na napigtas dahil sa higpit ng pagkakahawak niya.
Agad na umingay ang paligid dahil sa mga estudyanteng nakiki-chismis.
Tumingin ako sa sumabunot sa akin at isang babaeng may katangkaran ang nakangisi sa akin habang nakacross-arm.
Tapang nito, mag-isa lang siya.
Tiningnan ko siya ng masama bago magsalita.
“Anong problema mo?” tanong ko rito at umirap naman siya bago ngumiti at tanggalin ang mga buhok ko na naiwan sa pagitan ng mga daliri niya.
“Pakalat-kalat ka kasi, para kang basura na kumakalat.” Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
Ano raw?
Pinilit kong intindihan ang sinabi niya pero hindi ko talaga makuha ang sinabi niya, mali-mali ata ang sinabi niya.
Baka ang ibig niyang sabihin ay ‘Basurang pakalat-kalat’?
Gusto kong tumawa dahil mali pa ang gramma niya, tagalog na nga hindi pa maitama.
Dapat ay maiinis ako sa sinabi niya pero pasensya na mas natawa ako.
‘Wag kang tatawa Zeles, minus ten ka sa langit.’
“Ah, sige aral ka muna mabuti,” sabi ko rito at agad na umingay ang tawanan sa paligid namin.
“Wrong grammar!”
“Tagalog na lang hindi pa maitama!”
“Aral muna!”
Katyaw ng mga estudyante sa babaeng kaharap ko na sumabunot sa akin.
Kita ko ang pamumula nito habang masamang nakatingin sa akin.
“Shut up!” sigaw niya humina ng bahagya ang tawanan pero maririnig mo pa irin ang mga bungisngisan sa paligid.
“Alis na ako ha, kakain pa kasi kami. Ikaw rin kumain ka ng madami para makapag-aral ng mabuti,” sabi ko rito at tinapik pa siya sa balikat na agad naman niyang pinunasan, nilagpasan ko siya at naglakad na parang walang nangyari.
Pambihira akala ko ay mapapaaway ako.
Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga bago tunguhin ang field.
Wala na masyadong estudyante akong nakikita, siguro ay hindi nila hilig dito dahil bukod sa open area dito ay wala ring aircon pero sariwa ang hangin dito.
Luminga-linga ako nagbabakasakaling makikita ko sila Fhella pero hindi ko sila makita.
Pumunta ako sa may isang malaking puno kung saan ko nakita si King no’ng nakaraan, walang tao rito.
Walang King ang natutulog dito, sayang naman hindi pa ako nakakapagpasalamat ng personal sa kaniya.
Umupo ako at sumandal sa puno, sigurado akong makikita agad ako nila Vanessa pagnakarating nila rito sa field.
Tinanggal ko ang bag ko at kinalong ’yon.
Ang init dito, wala atang hangin ngayon?
Tumingala ako at agad na napatakip sa mata.
Nasisikatan ako ng araw kaya naman patalikod akong lumipat sa likod ng puno.
Umupo ako at pumikit.
Nagugutom na ako, sobra.
Hindi ko na kaya.
Hindi, hihintayin ko sila Fhella pero nagugutom na ako.
Dali-dali kong kinuha ang lunch box ko sa loob at sinimulang kumain.
Pasensya na Vanessa, Fhella masama kasi akong nagugutom.
Nilunok ko ang laman ng bibig ko.
“What is that?” Kamuntikan ko ng maibalibag ang lunch box ko nang may magsalita sa gilid ko.
“Ano ba!” sigaw ko bago tingnan kung sino ang nandito. “Anong ginagawa mo rito!?” tanong ko sa kaharap ko.
Napalunok ako dahil titig na titig ang mga mata niya sa pagkain ko kaya naman bahagya ko ’yong nilapit sa kaniya.
“G-gusto mo?” Hindi naman labag sa kalooban ko ang pag-aalok sa pagkain ko pero nakakaisang subo palang ako.
“Ano ba ’to?” Inamoy niya ang ulam ko, ang paborito kong ulam.
“Torta ’yan, tortang talong,” sabi ko, ngayon palang ako ginaganahang kumain.
Nagugutom pa ako.
“Tortang talong?” tanong niya at tumikim siya, ang akala ko ay ibabalik na niya sa akin ’yon pero nagkamali ako. Sunod-sunod siyang sumubo at halos mangalahati na ang kanin ko.
Gusto kong magwala dahil malapait na niyang maubos ang pagkain ng alukin niya ako.
“G-gusto mo ba?” tanong nito sa akin kaya naman umiling na ako. “Pasensya na, naubos ko gutom na kasi ako,” sabi niya kaya naman napatango ako.
“Sige na ubusin mo lang, hindi naman ako gutom—hiccup!” Pumikit ako bago sumandal sa puno.
Dapat pala ay mamaya na ako kumain pero kawawa naman siya mukhang gutom na gutom siya.
“Hindi ka pa ba kumakain?” tanong ko sa kaniya at umiling naman ito bago magsalita.
“Nah, nakalimutan ko,” aniya at nailing naman ako, napansin ko rin kapag nagsasalita siya ng english, may accent siya pero deretso ang dila niya kapag nagtatagalog.
“Masamang kalimutan ang pagkain, nakakamatay ’yan,” sabi ko sa kaniya.
Kinapa ko naman ang bag ko, kung sana lang ay nabili ko ang pan de coco kaninang umaga ay may kinakain din sana ako, peste kasi si T.L.
Inabot niya sa akin amg lunch box ko na simot na.
“Salamat, ang sarap magluto ng nanay mo,” anito kaya naman hindi ko napigilan ang tumawa ng malakas.
Agad na bumakas sa mukha niya ang pagtataka kaya naman nagsalita ako.
“Hindi si Nanay ang nagluto nito,” sabi ko at ngumiti kahit na medyo kumirot ang puso ko. “Ako ang nagluto nito at saka ’wag ka ng magpasalamat isipin mo na lang na kapalit ’to sa pagbigay mo ng uniform sa akin.” Pinasok ko ulit sa bag ko ang lunch box.
“Uniform? Binigyan kita?” Nangunot ang kilay ko dahil sa tanong niya.
“Ha?” Hindi ko rin maiwasang magtaka, hindi na ba niya ako naaalala?
“Parang ngayon nga lang kita nakita,” sabi niya na nagpalaglaga sa aking panga.
Sus maryosep!
Napasapo ako sa noo ko dahil hindi na niya nga ako naaalala, parang kahapon lang ay magkausap pa kami rito mismo sa puno na ito.
“Hello King, ako ’to ’yong babae na lumapit sa’yo kahapon dito.” Tinuro ko pa ang mismong lugar kung saan ko siya naabutang nakahiga.
“Ikaw ba ’yon? Si Red hair?” tanong nito kaya naman pumitik ako.
“Mismo! At saka ’wag mo akong tawaging Red hair ’wag ka ng gumaya kay Aries,” wika ko at hinawi ang buhok na hinangin papunta sa mukha ko. “Zelestaire ang pangalan ko, puwede mo akong tawaging Zeles.” Inabot ko amg kamay ko pero tiningnan niya lang ’yon kaya naman napairap ako bago bawiin ang kamay ko.
“Wala akong maalala na binigyan kita ng uniform,” sabi nito kaya naman napapikit ako bago tumayo sa harap niya.
Tinuro ko amg uniform ko.
“Ito oh! Suot ko na nga,” ani ko at umikot pa sa harap niya.
“Hindi naman sa akin galing ’yan,” anito.
“Sino? Ang sabi ni Aries ay ikaw raw ang nagbigay kaya naman hinanap kita kahapon.” Nalilito na talaga ako.
Kanino ba talaga galing ’to?
“Galing ’yan kay— T.L?”
“T.L?” gulat na tanong ko dahil bigla siyang napahinto sa pagsasalita at tumayo.
Malayo ang tingin nito kaya naman tumingin din ako sa tinitingnan niya.
Nakita ko ang isang lalaki na tumatakbo papunta sa dulo mg field kung saan may maliit na butas na kasya ang isang taong katulad ni King.
“Sige na umalis ka na, salamat sa pagkain.” Tatanungin ko pa sana kung anong nangyayari dahil parang nagpa-panic si King pero mabilis siyang nakatakbo palapit sa butas sa field.
Bagsak ang balikat ko dahil sa gutom.
Umupong muli ako sa ilalim ng puno ay may naalala.
“Bakit kaya wala pa sila Fhella?” tanong ko dahil halos kalahating oras na akong nandito pero wala pa ding Fhella at Vanessa ang lumilitaw.
Baka naman mahaba ang pila sa cafeteria.
“Hay jusko! Nakakasar!” agad na sumilay sa aking labi ang isang ngiti nang marinig ko ang boses ni Fhella kaya naman agad ko siyang nilingon at hindi nga ako nagkamali, nakita ko siyang naglalakad papunta kung saan.
“Fhella!” tawag ko sa kaniya at agad naman siyang lumingon sa aking direksyon.
“Nand’yan ka pala, pasensya na at ngayon lang ako. Naharang kasi ako nila Trinity sa cafeteria.” Agad na nagunot ang aking noo dahil sa sinabi niya.
“Ano? Ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba niya?” sunod-sunod na tanong ko habang tinitingnan ang bawat parte ng kaniyang katawan.
“Ayos lang ako, ano ka ba.” Inayos niya ang kaniyanh buhok bago ibaba ang kaniyang biniling pagkain. “Kumain muna tayo at baka gutom ka na,” aniya at nilabas isa-isa ang mga pagkain na binili niya, may karamihan ang mga ito kaya naman napalunok ako dahil biglang kumalam ang aking sikmura.
“S-sige kain ka na, kumain na kasi ako.” Napatakip ako sa aking bibig dahil bigla akong nasinok.
“Ayos ka lang? Ito tubig baka nauuhaw ka.” Inabot niya sa akin ang isang bote ng tubig sa pag-aakalang nauuhaw ako. “Kumain ka na?” tanong niya kaya naman tumango ako pero sininok na naman ako. “Sigurado ka?” paninigurado niya at napabuntong-hininga naman ako.
“Kinain ni King ’yong pagkain ko,” sabi at agad namang nanlaki ang kaniyang mga mata.
“Anong sabi mo!?” tanong niya kaya naman inulit ko ulit ang sinabi ko.
“Kinain ni King ’yong pagkain ko dahil gutom siya,” ani ko.
Nabitawan niya ang hawak niyang kutsara at tinidor.
“Ano!?” tanong niya ulit kaya naman inulit ko na naman ang aking sinabi.
“Si King kinain ’yong pagkain ko,” sabi ko at napasapo namam siya sa kaniyang sariling noo.

Komento sa Aklat (8)

  • avatar
    Jorie_Cutie01

    Hi Mr/Miss Author waiting po sa next updata🤧❤ ganda ng story😻❤

    04/06/2022

      0
  • avatar
    Recji Garcia

    nice Ang galing namn

    17/07/2024

      0
  • avatar
    Rones Erich Dawn

    it's beautiful story

    10/04/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata