KABANATA 15

“Ito ang bayad nang nasa table 4.” Inabot ko ang pera na binigay sa akin nang nasa table 4. “At ang sabi nila ang sukli raw ay tip na raw nila sa akin,” sabiko at napahinto naman sa pagbibilang ng pera si Miss Kwanan.
“Anong sabi mo?” tanong nito kaya naman inulit ko ulit ang sinabi ko.
Hindi lang pala mataray ang isang ’to, may pagkabingi pa.
“Tip na raw nila sa akin ang sukli dahil cute raw ako at masipag,” ani ko at kitang-kita ko kung paanong tumaas ang kaniyang drawing na kilay.
“Pakiulit,” anito.
“Mahina ba ang pandinig mo? Ang sabi ko ay binigay na nila sa akin ang sukli nila, tip daw nila para sa akin.” Ngumiti ako sa kaniya pero isang irap lang ang binigay niya sa akin bago padabog na inilapag ang sukli sa harap ko.
Bago palang ako pero may tip na!
Tiningnan ko ang sukli at halos 500 pesos pa ’yon kaya naman kinuha ko ang kalahati nito at inabot kay Miss Kwanan ang kalahati.
“Ano ’yan!?” inis na tanong niya sa akin kaya naman inilapag ko sa harap niya ang two-fifty at binigyan siya ng isang matamis na ngiti.
“Para sa’yo ’yan, tip ko na sa’yo,” sabi ko at nakita kong napanganga siya dahil sa sinabi ko. “Sige na, may costumer pa tayo,” sabi ko at tinalikuran siya.
Nilapitan ko ang costumer namin na kanina pa ako tinatawag.
Kinuha ko lang ang order niya at muling bumalik kay Miss Kwanan na nag-aayos na ng kaniyang kilay.
“Table, 16.” Inabot ko sa kaniya ang papel na hawak ko kung saan nakasulat ang order nang nasa table 16.
Naging maayos ang unang araw ko, walang naging problema at hindi naman masyadong mabibigat ang mga trabahong inatang sa akin ni Manager Iya.
Kinuha ko ang dalawang supot ng basura at dinala sa dump site rito sa may likod ng restaurant ni Manager Iya.
Hindi naman masyadong malayo ang dump site ’yon nga lang ay nakakatakot ang daanan lalo na nang malaman ko kay Simon na tambayan ng mga masasamang tao ang daanan papunta sa dump site.
“Talaga?” tanong ko kay Simon at tumango naman siya.
“Oo, kaya nga ako ang nagtatapon ng mga basura at nagulat ako kanina na wala na ang mga ’yon dahil naitapon mo na pala,” aniya kaya naman napalunok ako.
Napakas’werte ko pala at wala akong nakasalubong o nakita na mga taong katulad nang sinasabi ni Simon.
“Kaya nga sa susunod ay ’wag mo nang papakialaman ang mga basura sa likod,” aniya kaya naman tumango ako.
“Sige, hindi ko alam na may mga tao palang gano’n na pagala-gala rito.” Huminto ako sa pagsasalita at tumingin sa kaniya. “Nakatambak na kasi sa likod ang mga basura kaya naman naisipan kong itapo.”
May mga gano’ng tao pala do’n bakit hindi agad sinabi sa akin ni Miss Kwanan nang magtanong ako sa kaniya kung saan ko p’wedeng itapon ang mga ’yon.
Inayos lang namin ni Simon ang mga lamesa at upuan samantalang si Miss Kwanan ay kanina pa sa loob ng office ni Manger Iya dahil nagbibilang sila ng pera na napagbentahan namin ngayon.
“Zelestaire, ilang taon ka na pala?” biglang tanong sa akin ni Simon kaya naman tumingin ako sa kaniya.
“Ako? Mag-e-eighteen palang ako,” sagot ko sa kaniya.
“Ang bata mo pa pala,” sabi niya kaya naman natawa ako nang bahagya.
Parang ang tanda na niya kung makapagsabi siya na ang bata ko pa.
“Bakit, ikaw ba? Ilang taon ka na?” tanong ko sa kaniya at nagkibit-balikat naman siya bago sumagot.
“I’m 25 years old,” sagot niya na nakapagpalaglag sa panga ko.
“25!?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.
Ang akala ko ay nasa 19 or 20 years old lang siya dahil bata pa ang mukha niya.
“Dapat pala ay Kuya pa ang tawag ko sa’yo pero ’wag na lang dahil parang ang pangit naman pakinggan,” sabi ko at natawa.
Nagkuk’wentuhan lang kami ni Simon habang hinihintay si Miss Kwanan dahil kasabay namin siya sa service ni Manager Iya para sa mga tauhan niya.
“Tayong tatlo lang ba talaga ang mga crew rito?” tanong ko kay Simon dahil napansin ko na may kalakihan ang restaurant ni Manager Iya idagdag mo na mabenta pa ito kaya naman alam ko na parang masyadong kulang ang tatlong tauhan para sa ganito kalaking retaurant.
“Actually, anim talaga tayo. ’Yong tatlo ay absent, si Rolly ay nakabasyon pa rin hanggang ngayon, si Anika naman ay nasa probinsya nila dahil may sakit ang tatay niya at si Wendel na baka bukas ay pumasok na,” paliwanag niya.
Kung gano’n pala ay marami naman amg mga crew ni Manager Iya, wala lang pala rito.
Muli akong napatingin kay Simon nang magsalita soyang muli.
“Si Rolly ang katulong ko sa kitchen, si Anika naman ay waitress at si Wendel ay janitor.” Kung gano’n pala ay may kasama dapat akong isa pang waitress.
Mabait kaya siya? O magkaugali sila ni Miss Kwanan?
Parang gusto ko na tuloy siyang makilala agad.
Sana ay mabait din sila katulad ni Simon.
“Sige, mag-ingat kayo.” Sabay kaming napatayo ni Simon nang biglang lumabas si Miss Kwanan kasama si Manager Iya. “Hindi na ako sasama sa paghatid sa inyo dahil may sarili akong sasakyan,” sabi ni Manager Iya at tumingin sa amin.
“Salamat po,” sabi ko kay Manager Iya bago kumaway sa kabiya at sumunod kay Miss Kwanan sa loob ng service na sasakyan ni Manager Iya.

Komento sa Aklat (8)

  • avatar
    Jorie_Cutie01

    Hi Mr/Miss Author waiting po sa next updata🤧❤ ganda ng story😻❤

    04/06/2022

      0
  • avatar
    Recji Garcia

    nice Ang galing namn

    17/07/2024

      0
  • avatar
    Rones Erich Dawn

    it's beautiful story

    10/04/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo