Napaingit ako dahil sobrang sakit ng katawan ko para bang pinagtulungan ako ng sampung lalaki na bugbogin. “A-ahh.” Unti-unti kong dinilat ang aking mata at matinding liwanag ang bumungad sa akin. “K-king...” tawag ko sa pangalan na hindi ko alam kung bakit lumabas sa aking bibig. “Gising ka na pala.” Napatingin ako sa aking gilid nang may marinig akong nagsakita ro’n. Nakita ko rito ang isang lalaki na hindi ko kilala habang kumakain ng mansanas. “Sino ka?” tanong ko bago bumangon at tumingin sa kaniya bago ilibot sa buong paligid ang aking mata. ‘Nasaan ako?’ Agad na nangunot ang aking noo dahil sa hindi pamilyar na lugar na aking nakikita ngayon. “Bumangon ka na riyan at pumasok ka na sa room niyo,” utos niya kaya naman agad na nalipat sa kaniya ang aking paningin. Gulat akong tumingin sa kaniya samantalang siya ay may hawak na mansanas habang nagbabasa sa librong hawak niya. “Nakita mong kakagising ko lang tapos papaalisin mo na agad ako? Hindi mo pa nga sinasagot ’yong tanong ko.” Napairap ako bago bumaba sa kama na hinihigaan ko. Pagtayo ko ay nakaramdam ako ng hilo kaya naman kumapit ako sa p’wede kong kapitan na bagay. “Ako si Uno, p’wede mo akong tawaging Uno kung gusto mo.” Naramdaman kong may humawak sa aking braso at pinaupo ako. “Kakilala ko si Dark pati na rin si Ace kaya wala kang dapat na ikabahala.” Binitawan niya ako at naghila siya ng isang upuan upang umupo sa aking harapan. “Aray ko.” Napahawak ako sa aking noo dahil na kumikirot ito, may nakapa akong parang bilog sa noo ko kaya naman namilog ang aking bibig. “Bakit may buk ako!? A-anong nangyari?” tanong ko kay Uno na nakatingin sa akin habang naka-cross arm. “Wala kang maalala?” tanong niya kaya naman umiling ako. “Anong pangalan mo?” tanong niya kaya naman nangunot agad ang aking noo. “Pangalan ko?” takang tanong ko at kumamot sa ulo. “Ang alam ko ay Zelestaire Kai ang pangalan ko,” sabi ko at napatango naman siya. “Ilang taon ka na?” tanong niya ulit kaya naman nagbilang ako gamit ang aking mga daliri sa paa este sa kamay. “17 years old,” sagot ko at sumilay ang isang ngiti sa kaniyang labi kaya naman lumabas ang kaniyang dimple. “Masaya akong makilala ka.” Inabot niya sa akin ang kamay niya kaya naman inabot ko rin ’yon at nakipag-shake hands. “Ako rin pero ano nga palang ginagawa ko rito?” tanong ko sa kaniya. Wala akong maalala nagka-amnesia siguro ako kaya wala akong maalala. “Napag-initan ka sa cafeteria at nawalan ka ng malay nang papunta na kayo rito nila Ace,” paliwanag niya at napatango naman ako bago pumikit. Oo nga, napag-initan nga pala ako sa cafeteria dahil sa kagagawan ni Trinity. ’Yong lalaki na naman na ’yon! At saka si King, Oo nakita ko nga si King bago ako mawalan ng malay. Siya ang humigit sa akin kanina. “Anong oras na pala?” tanong ko at tumingin naman siya sa relong nakasuot sa kaniyang pulsuhan. “Mag-aalsasingko na,” sambit niya at agad akong naalarma. “Ano!?” May trabaho ako! Nagmadali akong tumayo na agad niyang ipinagtaka. “Saan ka pupunta?” Inalalayan niya akong tumayo. “Aalis ka na? Okay ka na ba?” “Oo, may trabaho ako, jusko late na ako!” ani ko at naunang lumabas sa clinic kung nasaan ako. “Hoy, sandali lang!” Humabol sa akin si Uno nang tumakbo ako papuntang gate kung saan nakita ko na may mga iilang estudyante na ang lumalabas. “Hintayin muna natin sila Dark baka hanapin ka nila.” Hindi ako tumigil sa pagmamadaling maglakad. “Sabihin mo na lang na umalis na ako, may trabaho ako!” Lumiko ako sa isang hallway kung saan may nakabangga ako dahilan nang aking pagbagsak sa lupa. “Arayyy!” sigaw ko at napahawak sa aking noo dahil nagalaw ang aking bukol. “Ang tanga,” ani nang nakabangga ko kaya naman sinamaan ko ito ng tingin. Tumayo ako at pinagpagan ang p’wet kong lamog na. “Thaddeus?” Tumingin ako sa lalaking nasa harap namin ni Uno. “W-what are you doing here?” tanong ni Jared dito sa kaharap namin. “Jared this is my school.” Pinagpagan ko ang aking kamay at tumingin sa lalaking nakaharang sa aking daanan. “Padaan!” ani ko, hinawi ko siya at nagpatuloy sa mabilis na paglalakad ‘Mala-late na ako, jusko! Unang araw ko pa naman ngayon tapos bad shot agad ako!’ Agad akong lumabas sa campus, nakita ko pa nga si Manong Guard na tumulak sa akin kaninang umaga at nang hingi ulit siya ng ‘sorry’. “Para po!” pumara ako ng tricycle pero hindi niya ako hinintuan kaya naman nagpapapadyak ako dahil mala-late na talaga ako. “Hija, sasakay ka ba?” May isang tricycle ang huminto sa akin tapat kaya naman sumakay na ako sa kaniya at sinabi ang lugar kung saan ako paparoon. Hindi ko alam kung anong oras na dahil wala naman akong relo at wala rin akong cellphone na p’wede kong tingnan. Napapikit ako ng mariining nang maalala kong hindi ako nakapagpaalam sa mga kaibigan ko, baka hinahanap na nila ako lalo na si Fhella. Hindi na kami nagkita simula nang umalis siya upang pumunta sa office ni Mr. Galleo. Napasapo ako sa aking noo, siguradong pati si Vanessa ay hahanapin ako. “Manong, d’yan na lang po sa tabi.” Tinuro ko kay Manong Driver ang restaurant na pinuntahan ko kahapon kung saan ako magtatrabaho. Nag-abot ako ng bente pesos kay Manong at nagpasalamat naman siya bago ako layasan. Sumilip muna ako sa loob bago pumasok, wala pang tao at may naka-sign pa ‘close’ sa may pinto. “Sorry, we’re— Zelestaire? You’re here.” Sinalubong ako ni Manager Iya habang nakangiti. “Ang akala ko ay hindi ka na pupunta,” aniya at niyakap ako kaya naman ngumiti ako. “S-sorry po, na-late ako. May nangyari lang po kasi,” sambit ko at humiwalay sa kaniya. “Bakit? At saka may bukol ka? Anong nangyari sa’yo? Ayos ka lang ba?” sunod-sunod na tanong niya kaya naman napakamot ako sa aking ulo. “Okay lang po, bukol lang po ‘to. Malayo sa bituka pero malapit sa utak.” Peke akong tumawa at napailing naman siya. Napakabait ni Manager Iya, nakakahiya. “Sigurado ka bang okay ka na? Baka gusto mong bukas na lang pumasok?” tanong niya kaya naman agad naman akong napailing. “Okay na po talaga ako, kaya ko na po. At saka nakakahiya naman po, unang araw ko po ngayon,” sagot ko at ang mukha niya ay parang nagdadalawang isip pero agad akong napangiti nang makita ko siyang ngumiti at ayain ako sa kaniyang office. “Sige na, magbihis ka na para makapagsimula ka na.” Inabot niya sa akin ang magiging uniform ko kaya naman agad kong kinuha ’yon. “Salamat po! Sige po, Manager magbibihis lang po ako,” ani ko at pumunta sa rest room namin ng staff dito. Tumingin ako sa salamin at kitang-kita ko ang kurba ng aking katawan, sinuot ko ang apron at lumabas. May isa ng tao sa counter kaya naman lumapit ako sa kaniya upang maipagkilala dahil ayon sa suot niyang damit ay mukhang nagtatrabaho siya rito. “Hi,” tawag ko sa atensyon niya at agad naman siyang lumingon sa akin, natakot ako sa kaniyang mukha dahil sa hitsura niya. Drawing na ang kilay at ang mukha niya ay para bang dinapa sa make-up. “Oh? Bakit? Sino ka?” mataray niyang tanong sa akin kaya naman napataas ang gilid ng labi ko dahil sa katarayan niya. “Ang taray,” bulong ko pero mukhang narinig nitong kaharap ko dahil tumaas ang kaniyang matulis na drawing na kilay. “Anong sabi mo? Ako mataray?” tanong niya sa akin kaya naman ngumiti ako ng peke para naman hindi siya tuluyang magalit. “Hindi, ang sabi ko ay aray. Sumasakit kasi ang bukol ko, oh.” Pinakita ko sa kaniya ang bukol ko pero mukhang hindi naman siya interesado dahil inirapan niya lang ako at pakendeng-kendeng na naglakad palayo sa akin. Hay jusko mukhang hindi lang ako sa trabaho mahihirapan. “Zelestaire?” tawag sa akin ni Manager Iya kaya naman agad akong lumapit sa kaniya at may inabot siya sa aking isang maliit na notebook. “Para saan po ito, Manager?” tanong ko at inabot ang notebook na hawak niya. “Listahan ng mga orders ’yan, d’yan ka muna para naman hindi ka mabigla sa trabaho at kapag medyo okay ka na at galamay mo na trabaho mo ay ililipat naman kita sa ibang posisyon,” aniya at tiningnan ko naman ang mga nakasilat sa mga papel. “Ayan may una na tayong costumer, ikaw na ang bahala riyan at kung may problema ay nando’n lang ako sa office ko.” Tinulak ako ni Manager palapit sa costumer namin na kakaupo lang sa isa sa mga table and chairs namin. “Hi, Ma’am! Good day, welcome to The Restaurant! Can I get your orders, Ma’am?” nakangiting tanong ko sa kaniya at sinimulan naman na niyang tumingin sa menu na nasa kaniyang harap. “I have this one?” Tiningnan ko ang tinuturo niya at tumango ako at inilista ’yon sa hawak kong notebook. “Okay, Ma’am. Anything else?” tanong ko rito at nakita ko siyang nag-isip kaya naman hinintay ko siya. “Nothing, water na lang ang drinks ko.” Nilista ko ang mga sinabi niya. Nagpaalam ako sa kaniya saglit at lumapit sa counter kung nasaan ang babaeng nakausap ko kanina. “Uhmm, hi? Ito ’yong order nang table 3.” Inabot ko sa kaniya ang papel na pinunit ko galing sa notebook kung saan nakalista ang order ng costumer namin. Marahas naman niyang kinuha ’yon at isang nakakamatay na irap ang binigay niya sa akin kaya naman napanganga na naman ako. ‘Napakataray!’ Tumalikod na lang ulit ako sa kaniya at lumapit sa isa pang kararating lang na costumer. May sanib ata ang kasamahan ko na ’yon, ni hindi ko pa nga alam ang pangalan tapos kung sungitan ako ay grabe-graben! Tulad nang kanina ay kinuha ko lang ang order nila at lumapit ulit sa counter kung saan kalalapag lang din ni— hindi ko alam ang itatawag sa kaniya kaya naman tatawagin ko na lang siyang Miss Kwanan. Napatawa ako sa naisip ko kaya naman napatingin sa akin ang kaharap kong costumer na kunukuhanan ng order. “Ang cute mo naman,” aniya kaya naman nag-init bigla ang aking mukha dahil sa hiya. “Bago ka rito?” tanong niya kaya naman tumango ako bilang sagot. “Opo, kakaumpisa ko pa lang po ngayon,” ani ko at napatango naman siya bago tumanaw sa counter kung nasaan si Miss Kwanan. “Ano po palang order mo?” tanong ko dahil hindi niya pa sinasabi sa akin ang kaniyang order. “Simon, nand’yan ka na pala?” Kamuntikan pa akong mapatalon dahil sa biglaang pagsulpot ni Manager. “Hello, Manager,” bati nitong lalaking nasa harap ko kay Manager. “Kararating ko lang po.” Tumingin siya sa akin habang nakangiti. “Ay gano’n ba? Oo nga pala, ito nga pala si Zelestaire.” Kumaway ako sa kaniya at ngumiti naman siya sa akin ng ubod na tamis. ‘Ang g’wapo!’ “Siya ang naik’wento ko sa inyo last time? Right?” sambit ni Manager. “Simon, cook ako rito.” Napatango ako bago magsalita. “Kasamahan din pala kita ang akala ko ay cotumer ka rin.” Natawa ako bago magpakilala. “Ako nga pala si Zelestaire.” “Oh siya, sige na. Magtrabaho na kayong dalawa at dumaramin na ang mga costumer namin,” ani Manager kaya naman tumayo si Simon, kumaway siya sa akin bago ko siya makitang maglakad papunta sa kitchen. Napatingin naman ako kay Miss Kwanan at nakita ko ang kaniyang masamang tingin sa akin kaya naman nag-iwas na lang ako ng tingin at nagmadaking lumapit sa bago naming costumer.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (8)
Jorie_Cutie01
Hi Mr/Miss Author waiting po sa next updata🤧❤ ganda ng story😻❤
Hi Mr/Miss Author waiting po sa next updata🤧❤ ganda ng story😻❤
04/06/2022
0nice Ang galing namn
17/07/2024
0it's beautiful story
10/04/2024
0Tingnan Lahat