Narinig kong muli ang pagkulo ng aking tiyan kaya naman nayakap ko ito. Nagugutom na ako pero wala akong mabilhan ng pagkain. Dapat si Fhella ay bibilhan ako ng pagkain pero umalis siya kanina bago mag-break dahil pinatawag siya ng isang lecturer namin at kakausapin daw siya, si Vanessa naman ay hindi ko na nakita kaninang break dahil mas nauna palang nagpa-dismiss ang kanilang lecturer. “Nagugutom na akooooo,” ani ko at tumulala. Kaasar kasi ang Trinity na ’yon may nalalaman pang hindi p’wede pumasok sa cafeteria, hindi naman pala siya ang may-ari ng eskwelahan na ’to. Daig niya pa hari sa campus na ’to pero sabagay bagay siyang maging hari, hari ng mga siraulo. Sinubukan kong hanapin dito kanina si King dahil baka p’wede ko siyang utusan na ibili niya ako ng pagkain sa cafeteria. Wala akong baon ngayon dahil nga ’di ba tinanghali na ako nanggising kanina kaya naman hindi na ako nakapag-asikaso ng pagkain kong babaunin. Kinagat ko ang aking labi dahil na nunuyo na ’yon dahil nauuhaw na rin ako, gusto ko ng tubig. “Ahhhhh!” sigaw ko dahil sobra na ang gutom ko kaya naman tumayo ako at tumungo sa cafeteria. “Hindi ko na kaya, bahala na kung anong mangyari,” bulong ko sa aking sarili at nagpatuloy sa paglalakad sa cafeteria. Nang matanaw ko na ang entrance nito ay huminto muna ako upang tanawin kung may nagbabantay ba sa entrance at laking pasasalamat ko naman nang makita kong malinis at walang tao ang nandito kaya naman dahan-dahan at maingat akong naglakad papalapit dito. Huminto ako sa tapat ng entrace at sumilip-silip kung may makakakita ba sa akin pero syempre cafeteria ito at oras ng break kaya naman madaming tao, napalingon ako sa gate ng entrance at nakita ko ro’n ang aking magandang mukha na nakapaskil pero hindi ko na ’yon pinansin dahil ang mas mahalaga sa akin ngayon ay ang pagkain. Nakipagsabayan ako sa isang kumpulan ng mga estudyanteng pumasok sa loob ng cafeteria, daig ko pa ang may pinagtataguan dahil sa uri ng lakad ko pero ang totoo niyang ay may pinagtataguan talaga ako. Ang sir*ulong si Trinity. Nakayuko akong naglakad sa counter at parang gusto kong magtatatalon sa tuwa dahil nakarating ako ng ligtas at walang nakakakilala sa akin, buti na lang talaga ay mahaba at may kakapalan ang aking buhok kaya naman natatakpan nito ang aking mukha. Habang nasa pila ako ay nakayuko pa rin ako dahil mahirap na. “Huh? Hija, anong sa’yo?” tanong sa akin ni Ateng tindera kaya naman bahagya akong nag-angat ng tingin at ngumiti sa kaniya. “Isang rice with chicken po,” ani ko at tumango naman siya bago tumalikod sa akin pero agad ko siyang pinigilan. “Ate,” tawag ko sa kaniya at agad naman siyang tumingin sa akin habang magkasalubong ang mga kilay. “Ano ’yon? May idadagdag ka pa?” tanong ko sa kaniya at tumango naman ako bago magsalita. “Pakidagdagan po ng gravy at paki balot na rin po kasi sa labas ako kakain,” sabi ko sa kaniya at ang Ateng inirapan lang ako bago talikuran. Kinuha ko ang wallet ko at naglabas ng one hundred pesos upang ipangbayad kay Ateng maganda. “Ito na.” Inahot niya sa akin ang isang styro lunch box kaya naman napapalakpak ako bago ’yon kunin at ibigay ang bayad. “Pabili na rin po ng tubig, dalawang bote po,” sambit ko bago yakapin ang hawak kong pagkain. Inabot sa akin ni Ate ang dalawang bote ng tubig na malamig, saktong paghawak ko sa bote ay siyang biglang pag-iingay ng mga nasa likod ko kaya naman agad akong kinabahan. ‘Jusko bukol! Sana ay hindi sila Trinity ’to!’ Nakayuko akong naglakad palabas, akala ko ay ligtas na ako sa k*matayan pero nagkamali ako. May nabanggang akong isang matigas na pader— este katawan! Sa amoy pa lang ng kaniyang pabango ay alam ko ng mayaman ang nabunggo ko kaya naman napapikit ako bago mapalunok. Liliko na sana ako ng daan pero narinig ko ang boses ng batang tukmol na sinigaw ang... “RED HAIR!” malakas na sigaw nito kaya naman natahimik ang buong paligid ko at ramdam ko ang mga mata nilang nakatutok sa akin. Tatakbo na sana ako ang kaso ay may humablot sa aking likuran kaya naman kahit akong bilis ng aking mga paa ay hindi ako nakakausad sa aking p’westo. “Sinong nagsabi sa’yo na p’wede ka nang pumasok dito?” tanong nito at agad na nang tayuan ang aking mga balahibo dahil nabosesan ko siya. “Ang lakas naman mg loob mo,” aniya pa bago ako hilahin palapit sa kaniyang harapan upang harapin ako. Tiningnan ko ang kaniyang mukha at nakita kong magkasalubong ang kaniyang mga kilay. “Kinakalaban mo na ba ako!?” tanong niya kaya naman tumango ako na ikinangisi niya. ‘Maasar ka ngayon.’ “Red hair!” May dumamba sa akin kaya naman na-out of balance ako at nabitawan ko ang pagkaing hawak ko na naging dahilan ng pagkalat nito sa sahig. Nakita ko na lumipad ang chicken ko kaya naman nagmadali akong tumayo uoang kunin ang chicken ko,walang pang five minutes ’to. “Yuck! Don’t tell me nakakainin niya pa ’yan!?” “It’s madumi na eww!” “Asal squatter din pala ang isang ’to!” “Patay gutom!” Biglang nag-ingay ang paligid ko pero hindi ko sila pinansin at dinampot ang kanin na tumapon sa sahig, ’yong madami kong gravy ay kumonti na pero okay lang ’yon atleast may masasawsawan pa rin ako. Inayos ko ng pagkakatakip ang styro bago pukulin ng masamang tingin ang batang may kagagawan nito. “Madumi na ’yan red hair, hindi ka ba nandidiri?” maarteng tanong nito habang nandidiring tingnan ang hawak kong styro. “Kung hindi mo sana ako dinambahan ay sana maayos pa ang pagkakalagay nito,” sagot ko sa kanuya bago tumayo at harapin ang lalaking nasa harap ko. “Gutom na kasi ako kaya na—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niyang kinuha sa akin ang hawak ko at binuhos ’yon sa ulo ko. “Isa pang beses na makita ko ang pagmumukha mo rito sa cafeteria ay sisiguraduhin kong magsisisi ka na,” madiing aniya bago ako bungguin at lagpasan. Nakita ko pang natapakan niya ang chicken ko na magiging pagkain ko sana ngayon. Napalunok ako bago maikuyom ang aking mga palad dahil sa ginawa niya, pinulot ko ang chicken na tinalakan niya at buong lakas na binato ’yon papunta sa kaniya na agad namang tumama sa aking ulo. “Wala kang utak!” sigaw ko sa kaniya dahilan para mapahinto siya sa paglalakad. Natahimik muli ang aking paligid, mabibigat ang aking paghinga habang masamang nakatingin sa lalaking nakatalikod sa akin. “Red hair—” Hahawakan sana ako ni Aries pero tiningnan ko siya ng masama na nakapagpatigil sa kaniya. “Isa ka pa!” sigaw ko sa kaniya at agad naman akong napaupo dahil sa isang tulak na hindi ko inaasahan. Kahit na masakit ang aking p’wet ay hindi ko pinakita na nasaktan ako bagaman ay tiningnan ko pa ang may gawa nito. “Daf...” bulong ni Aries habang nakatingin sa babaeng nasa harap ko habang nakatingin sa akin, ’yong mga tingin niya na ’yon ang baba. Ang baba nang tingin niya. “Hoy squatter, ’wag ka ngang magkalat dito,” aniya bago ako mahinang sipa-sipain na parang tinayaboy ako. Kilala ko siya... Siya ’yong babaeng kinawaha ni Fhella sa baniyo. Tiningnan ko pang mas lalo ang kaniyang mukha at naputol lang ’yon dahil sa isang tinapay na tumama sa akin ulo na nasundan na nang maraming beses. Kung ano-ano ang tumata sa aking, pagkain, basura, tubig at kung ano-ano pa. Tinakpan ko ang aking ulo upang ingatan ’to. “Squatter!” “Hindi ka bagay rito!” “Do’n ka na lang sa inyo, magdamo ka ro’n!” “Patay gutom!” Daig ko pa ang isang masamang tao dahil sa ginagawa nila, ang uniporme ko madumi na, ang sapatos ko ay madumi na rin dahil sa kagagawan nila. May isang matigas na bagay ang tumama sa aking labi at nalasahan ko ang dugo rito. ‘Nakakatuwa naman kayo.’ Hindi ako iiyak dahil hindi sila karapat-dapat na iyakan. Hindi ako nagsasayang ng mga luha dahil sa mga walang k’wentang tao pero bakit may tubig na tumutulo galing sa aking mata. ‘Hindi ’to galing sa aking mata, galing ’to sa buhok kong nabasa na dahil sa kanila.’ Bakit hindi ako tumayo at lumaban? Hindi naman ako natatakot. Kaya ko silang labanang lahat kahit na ako lang mag-isa pero bakit hindi ako makagalaw? ‘Zelestaire! Tumayo ka! Lumaban ka!’ Gusto kong lumaban pero ayaw gumalaw ng katawan ko, gusto kong tumayo at harapin sila pero ayaw makisama ng mga paa ko. Dapat pala ay hindi na ako pumunta rito kung ganito lang pala ang mapapala ko. “ENOUGH!” isang malakas na sigaw ang nagkapagpatigil sa walang humpay na pambabato sa akin. “Anong nangyayari rito!?” tanong ng isang boses na kilala ko. Bakit natahimik na naman sila? Angel ba ang dumating o dy*blo? “Miss Caleb!” may isang pares ng sapatos ang nakita kong nakatapat sa akin. “Zelestaire, okay ka lang ba?” hinawakan ako nito sa braso at tinulungan tumayo pero kamuntikan pa akong matumba dahil sa aking panghihina pero buti na lang at nasalo ako nitong si Dark kung hindi ay lamog na naman ang p’wet ko. Sobra na pala ang gutom ko. “ALL OF YOU! GO TO DEAN’s OFFICE!” agad na nag-ingay ang aking paligid pero hindi ko na nagawa pang lingunin ’yon dahil wala na akong lakas, manhid na ata ako dahil sa sobrang gutom. “’Wag niyo ng subuking tumakas dahil tanda ko na ang mga mukha niyo, ’wag niyo ng hintayin na sunduin ko pa kayo sa mga room niyo!” singhal pa nito bago matahimik ang pakigid. ‘Wala na ba sila?’ “Zelestaire?” tawag sa akin ni Dark at bahagya akong inuga kaya naman tiningnan ko siya bago ngumiti. “I-ikaw pala,” ani ko at sinandal ang noo sa kaniyang matigas na dibdib. “Tara, dadalhin kita sa clinic para magamot kita.” Hindi na ako nakasagot at inalalayan niya na ako maglakad. “Bakit ka nila pinagbababato?” tanong nito sa akin kaya naman mahina akong natawa bago siya sagutin. “A-ayaw kasi n-nila sa akin.” Masakit ang aking labi at hindi ko maibuka ’to ng maayos dahil pakiramdam ko ay mapupunit ito. “Idagdag m-mo pang ma-mahirap ako,” ani ko bago matawa ng mapakla. ‘Bakit gano’n nila ako ituring? Tao lang din naman ako ang pinagkaiba lang namin ay pera at respeto dahil ako wala akong pera pero may respeto ako.’ Pera talaga ang nagpapabago sa mga tao. Masyado silang nabubulag at tumataas ang tingin nila sa kanilang sarili. Walang kasalanan ang mundo sa nangyayari ngayon sa mga tao dahil ang tao na mismo ang gunagawa nang ikakasari ng mundo. Totoo nga ang nabasa ko no’n na, pantay ang mundo pero hindi ang mga tao. “Kaya mo bang maglakad?” tanong sa akin ni Dark kaya naman tumango ako sa kaniya. Buti pa itong si Dark kahit na mayaman ay mabait hindi tulad nang iba na ginagawang kapangyarihan ang kayamanan. Nanlalata na ako, sumasakit na ang tiyan ko, pati ang lalamunan ko ay nanunuyo na. ‘Mamamatay na ba ako?’ Nay... Tay... ’wag niyo muna po akong kukunin, ha? Marami pa po akong pangarap pero kung gusto niyo na po akong makasama, go lang! Take me to heaven! Gusto kong tumawa nang malakas dahil para na akong baliw rito na kung ano-ano ang naiisip pero baka dala lang ’to ng gutom. “Dalhin mo siya sa clinic pupunta lang ako kay Dean.” Tumingin ako kay Sir Aly bago ngumiti. “S-salamat p-po,” ani ko sa kaniya pero hindi siya sumagot at tinitigan niya lang ako. Tumalikod siya sa amin at nagsimulang maglakad kaya naman nagpatuloy kami sa paglalakad namin ni Dark papuntang clinic pero sa paglalakad namin ay may naramdaman ako kaya naman mahigpit akong humawak sa braso ni Dark. “Dark?” tawag ko sa kaniya at nakita ko namang lumingon siya sa akin bago sumagot. “Bakit?” aniya kaya naman pumikit ako bago magsalita. “N-na— n-nahihilo ako,” ani ko bago ko maramdaman ang isang bisig na yumakap sa aking baywang. Bago mawala ang aking malay ay nakita kong naging dalawa ang kasama ko. ‘Bakit ka nandito?’
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (8)
Jorie_Cutie01
Hi Mr/Miss Author waiting po sa next updata🤧❤ ganda ng story😻❤
Hi Mr/Miss Author waiting po sa next updata🤧❤ ganda ng story😻❤
04/06/2022
0nice Ang galing namn
17/07/2024
0it's beautiful story
10/04/2024
0Tingnan Lahat