“Naabutan ko kasi siya na natutulog dito tapos nakita niya ’yong pagkain ko, nakita ko na para bang gutom siya kaya inalok ko siya. Hindi ko naman inaaasan na mauubos niya ’yong pagkain ko.” Napakamot ako sa aking ulo nang matapos akong magk’wento kay Fhella. “Bakit naman kasi pinakain mo lahat?” tanong niya sa akin. Masyado kasi akong maaawain kaya naman pinakain ko na kay King ang pagkain ko kahit na gutom na gutom ako. Kumagat ako sa hawak kong tinapay na bigay sa akin ni Fhella. “Kawawa naman kasi siya, kita ko ang gutom sa kaniya kaya naman inalok ko siya nang kinakain ko,” paliwanang ko at napailing naman siya. “At saka okay na ’yon, tapos na ’yon. Nakain na niya ang pagkain ko.” Inayos ko ang aking buhok dahil nililipad ito sa aking mukha. “Ang bait mo, sa sobrang bait mo ay gusto kitang sabunutan!” Natawa ako dahil sa sinabi niya. “Baka nga ay mas mayaman pa sa’yo ’yong pinakain mo,” aniya kaya naman nagsalita ulit ako. “Minsan lang naman at saka hindi na mauulit ’yon,” sambit ko at muling kumain mg tinapay pero agad kong dinampot ang bote ng tubig na nasa tabi ko dahil nasinok ako dahilan para mabulunan ako. Napatingin sa akin si Fhella at nagtanong muli. “Ayos ka lang?” tanong niya at hinagod pa ang aking likuran. “Oo.” Tumango-tango ako bago bumalik sa pagkain. Kakagat na ulit sana ako sa aking kinakain nang may maalala akong bigla. “Si Vanessa nga pala?” tanong ko rito sa kasama ko, kaya pala kanina pa ako nagtataka na para bang may kulang. “Nakita mo ba siya? Ang sabi niya kasi ay sasabayan niya tayo sa pagkain,” sabi ko at agad na gumuhit ang pagtataka sa kaniyang mukha. “Ang akala ko ay hindi siya sasabay siya sa atin dahil nakita ko siyang may kasamang iba.” Ilang ulit akong napapikit bago ako makaramdam ng kaunting kirot sa aking dibdib. “Bakit? Hindi niya ba sinabi sa’yo na may iba siyang sasabayan?” tanong nito at umiling naman ako bago magpilit ng ngiti. “A-ahh, Oo nga pala. Oo, s-sinabi ni—” Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil nasinok na ako. “Bakit ba nasisinok ka?” tanong niya. “Nauuhaw ka ba?” tanong niyang muli kaya naman umiling ako. “Hindi, ganito lang talaga ako kapag...” Napahinto ako sa pagsasalita dahil nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba ang totoo, ayaw ko ng nagsisinungaling lalo na at mabait sa akin kay Fhella kaya naman ayaw kong lokohin siya. “Kapag?” Tumingin ako sa kaniya at nag-iwas ng tingin dahil nahihiya ako sa sasabihin ko. “Kapag nagsisinungaling ako,” ani ko at wala naman akong narinig na kahit na ano galing sa kaniya. Tumingi ako sa kaniya at para bang gusto kong tumawa sa kaniyang naging reaksyon. “S-seryoso ka?” paninigurado niya at tumango naman ako. “Hala, totoo ba!?” Ayas niya talagang maniwala. “Oo, tanungin mo ako at sasagutin ko ng mali,” sabi at agad naman siyang umayos. “Sige-sige! Ito! Ilang taon ka na?” tanong niya sa akin kaya naman sinagot ko siya ng hindi tama. “18 na ako,” sagot ko at tulad nga ng aking inaasahan ay agad akong sininok na kaniyang ikinatuwa. “Oo nga ano! Ilang taon ka ba talaga?” Ang daming tanong ni Fhella buti na lang at mabait siya kaya naman sinisipag akong sagutin siya. “17 palang ako, mag-18 palang ako.” Pinagpaggan ko ang aking kamay bago tumingin sa kaniya. “Siguro ay bongga ang magiging debut mo?” Hindi ba? Q and A lang ang peg. “Hindi naman, at saka baka hindi rin ako maghanda kasi wala naman akong bisita na inaasaha,” sambit ko at agad naman siyang umirap kasabay ng isang mahinang hampas sa akin. “Ano ka ba! It’s your special birthday in you life kaya naman kailangan y i-celebrate mo ’yon at saka malay mo dumating ang mga business partners nangparents mo.” Agad na nawala sa aking mga labi ang ngiti ko. Naalala ko na naman kasi sila Nanay pati na rin sila Lola, ito ang unang birthday ko na wala akong kasama kahit na isa sa kanila. “’Di ba?” Tumingin akong muli sa kaniya nang magsalita siya. “Sandali.” Tumingin ako nang tumayo siya at bahagyang yumuko habng nasa tainga ang cellphone at halatang may kinakausap. Tinapos ko muna ang aking kinakain, inubos ko na rin ang iniinom kong tubig. Inayos ko na rin ang sarili ko dahil ilang sandali na lang din ay babalik na kami sa room namin. Napatingin naman ako kay Fhella nang makita ko siyang naglalakad palapit sa akin at nakasimangot ang mukha kaya naman agaf akong nagtaka. “May nangyari ba?” nag-aalalang tanong ko dahil para bang napakalaki ng kaniyang problema. “Wala naman pero kasi ’yong manager ko dati ay nagpapahanap ng p’wedeng pumalit sa akin,” aniya kaya naman nagkaro’n agad ako ng interest dahil sa sinabi niya. ‘Trabaho kaya ’yon? ’ “Trabaho ba?” tanong at tumango naman siya kaya naman agad akong napangiti. “Ako, p’wede ako baka p’wede ako.” Tiningnan niya ako bago tumawa ng malakas na aking pinagtaka. “Sa hitsura mo na ’yan ay kailangan mo ng trabaho!?” Malakas na tanong niya habang nakaturo pa sa akin kaya naman napanguso ako, mukhang nang jo-joke time lang ’to si Fhella. “Seryoso ka!? Baka nga mas mayaman ka pa sa akin,” sambit niya kaya naman hinampas ko siya ng mahina. “Ano ka ba naman, seryoso ako. Kailangan ko ng trabaho para pang-bayad sa tinitirahan kong bahay,” sabi ko at nakita kong natigilan siya at tumingin sa akin habang nakanganga. “N-nagrerenta ka lang?” tanong niya kaya naman tumango ako bago simulan magk’wento, alam ko kasing magtatanong siya kaya naman uunahan ko na siya. “Oo, ako na lang bumubuhay sa sarili ko dahil wala na akong mga magulang na aasahan.” Lumapit ako ng bahagya sa kaniya upang bumulong. “Masyado kasi silang excited na makita si Lord kaya naman sabay pa silang pumunta ro’n.” Nginuso ko ang itaas kung saan natatanawa namin ngayon ang bughaw na ulap. Nginitian ko siya at kitang-kita ko ang awa sa kaniyang mga mata na ayaw na ayaw kong nakikita kaya naman nag-iwas ako ng tingin at mas piniling ibaling na lang ’yon sa ulap, sa bughaw na ulap. “Wala na akong kasama sa buhay, tanging sarili ko at sarili ko at sarili ko. Wala ng mga magulang at wala na ring mga Lolo at Lola kaya naman kailangan ko ng trabaho para mabuhay ko ang aking sarili, kaya naman kung p’wede ay ako na lang ang ipasok mo sa trabaho na sinasabi mo,” ani ko at nakangiting tumingin sa kaniya. “Ano, payag ka?” tanong ko pa. “Magsisimula ka na bukas,” aniya na nagkapagpasaya sa akin ng lubusan. Umalis na kami sa lugar kung saan kami kumikain kanina at nagmadaling pumasok sa room namin dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na ang klase namin para sa pang-hapon. Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Sir Aly kaninang umaga na puntahan ko raw siya mamaya dahil may kakausapin niya raw ako kaya naman nang matapos ang klase namin para sa araw na ito ay agad akong pumunta sa lugar kung saan ko matatagpuan si Sir Aly, sabi niya rin ay rito ko raw siya makikita sa Faculty room. “Here’s your I.D.” Inabot ko ang I.D na binibigay sa akin ni sir Aly. Nandito kami ngayon sa Faculty room dahil kukuhanan niya raw ako ng picture para sa I.D ko. Ito pala ang sinasabi niya sa akin kanina na kakausapin niya ako. Tiningnan ko ang I.D ko, nandito ang mukha ko na nakangiti. “Zelestaire Kai Caleb...” Mahinang basa ko sa pangalan ko. “Magkano po ’to sir Aly?” tanong ko dahil ang alam ko ay may bayad ang I.D dito. Kinuha ko ang bag ko upang kumuha ng pera na ipangbabayad ko kay sir Aly. “No, no. ’Wag mo ng bayaran ’yan,” sabi nito kaya naman napaghinto ako at tumingin sa kaniya. Pumikit-pikit ako bago ngumiti. “Salamat po sir,” sabi ko at tumayo. “You may go now, mag-ingat ka.” Kumaway ako kay sir Aly habang palabas sa pinto. Wala ng masyadong tao dahil uwian na din, si Fhella at Vanessa naman ay pinauna ko na. No’ng una nga ay ayaw pa nila akong iwan pero sabi ko baka matagalan kami kaya naman pinilit ko na silang mauna. Nagpasalamat din ako ng sobra kay Fhella dahil sa kaniya ay may trabaho na ako bukas, ang sabi niya naman ay magaan lang ang trabaho. Kailangan ko lang daw maglinis ng mga lamesa pag-umalis na ang mga customer, maghahatid ng mga order, maglilinis ng sahig o ’di raw kaya ay taga kuha ng order ng mga costumer. Sanay naman ako sa mga gano’ng gawain dahil ako ang katu-katulong ni lola Mina sa probinsya sa tuwing may kukuha sa kaniya upang maglinis ng bahay. Lumiko ako sa isang hallway kung saan matatagpuan ko ang hagdanan pababa. Liliko na sana ako sa hagdanan pero napahinto ako. Umatras akong muli dahil may naririnig akong boses ng isang lalaki sa may hagdanan. “Don't let him go, I'm just going to my lecturer’s room and I'll be there.” Rinig kong sabi nito, ang lalim ng boses nito. Walang tumutugon sa sinabi niya kaya naman naisip ko na baka nasa telepono ang kausap niya. Narinig kong pinatay na niya ang tawag niya at narinig ko na din ang mga mabibigat niyang hakbang kaya naman nataranta ako. Baka bugbogin niya ako pagnakita niya ako rito, baka isipin niya ay nakikinig ako sa usapan ng kausap niya. Nakikita ko na ang anino niya na papaakyat at hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Palapit nang palapit ang tunog ng sapatos niya kaya naman tinuro ko ang sahig. “Wow! Sahig!” sabi ko at saktong pagdating niya ay nakaturo ako sa sahig. “Ang galing! Sahig pala ’to!” Nakita ko na napahinto siya kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay alam kong hindi siya nakatingin sa akin. Pasimple naman akong umiikot sa likod niya para makarating sa hagdanan. “Tch, crazy,” aniya at nagpatuloy sa pag-akyat sa hagdanan kaya naman nang makita ko siyang nakaakyat ng tuluyan ay nagmamadali akong bumaba. Sinilip ko pa siya kung nakatingin pa siya sa akin pero hindi ko na siya nakita kaya naman tumakbo na ako, mahirap na baka balikan ako no’n. Sumandal ako sa isang pader dahil hiningal ako bigla, hagdanan ang binabaan ko at kanina hindi ko namalayang pinipigilan ko na pala ang paghinga ko. “Pambihirang lalaki ’yon,” sabi ko bago magpagpasyahang maglakad na papuntang gate. Wala na ngang mga estudyante maya naman binilisan ko na ang lakad, mahirap na baka makasalubong ko sila Trinity wala akong kasama ngayon. Nakayuko lang ako habang mabilis na naglalakad. Laking pasasalamat ko nang makarating ako sa parking lot na walang nakakasalubong na Trinity pero kailangan kong makaalis nang tuluyan dito dahil may posibilidad na magkita pa rin kami dahil marami-rami pa ang sasakyan na naka-park dito baka ang isa rito ay sa kaniya. Hahakbang na sana ako nang may marinig akong boses na paramg kinikiliting babae na nanggagaling sa gilid ko kung saan may isang kotse. ‘’Wag ka ng lumingon Zeles.’ Utos ko sa sarili ko pero hindi ko napigilan dahil ang lakas ng hagikhik nang babae na parang kinikiliti kaya naman tumingin ako sa pinanggagalingan no’n at nanlalaki ang mata ko nang makita ko ang isang babae na tumatawa habang hinahalikan siya sa leeg ni... “Trinity?” Tawag ko sa lalaking nakatalikod sa akin, napahinto sa pagtawa ang babae at mataray na tumingin sa akin. Ang lalaki naman ay huminto rin sa paghalik sa leeg nang babae at lumingon sa akin. Nakita ko na nakabukas ang ilang botones ng uniform nito. Nakatingin lang ito sa akin, hindi ko mabasa ang ekspresyon niya sa mukha. “Babe, who is she?” maarteng tanong ng babae na kalat na ang lipstick sa labi. “Anong ginagawa mo rito?” tanong sa akin ni Trinity kaya naman napalunok ako bago mapatingin sa kaniya. “N-napadaan lang ako,” ani ko at nag-iwas ng tingin dahil hindi ko sila kayang tingnan. Hindi ba uso sa kanila ang salitang ‘tago’? Dito pa talaga sila sa parking lot naglalambingan hindi ba nila alam na parte pa rin ito ng campus at talaga may makakakita sa ginagawa nila. Winasiwas ko ang kamay ko sa kanila upang sumensyas na ipagpatuloy nila ang ginagawa nila. “S-sige tuloy lang kayo, isipin niyo na walang nakakita sa inyo,” sabi ko sa kanila at nagsimulang maglakad pero naramdaman kong may humawak sa braso ko kaya naman napahinto ako ang akala ko ay Trinity ’yon pero nakita ko na si Dark ’yon habang nakatingin kay Trinity. “Trit, that’s scandal, magtago-tago naman kayo,” seryosong sabi ni Dark bago niya ako hilahin kung saan. Nakita ko naman si Trinity na nakatingin sa akin bago ngumisi na nakapagpatayo sa mga balahibo ko kaya naman kumapit ako ng bahagya kay Dark dahil baka mamaya bigla na lang niya akong hablutin. “Bakit hindi ka pa umuuwi? Wala ng mga estudyante sa campus.” Binitawan ako ni Dark kaya naman bumitaw na rin ako sa kaniya. “Inayos pa kasi ang I.D kaya naman medyo nahuli ako sa pag-uwi,” sagot ko sa kaniya bago magpilit ng ngiti. “’Wag mo na lang pansinin ang nakita mo.” Ngumiti sa akin si Dark bago ayusin ang salamin niya na nakakadagdag sa kag’wapuhan niya. “Nagulat lang ako kasi hindi naman ako sanay na nakakakita ng nga gano’ng eksena.” Luminga-linga si Dark na may hinahanap bago ulit ibalik sa akin ang paningin niya. “Sino ba ang kasama mo? At saka may sasakyan ka ba pauwi?” tanong nito kaya naman umiling ako. Nilagay ko ang buhok ko sa likod ng tainga ko dahil hinaharangan no’n ang mukha ko. “Nauna na ang mga kaibigan ko, pauwi na talaga ako.” Tinuro ko ang dadaanan ko, humakbang na ako papalayo sa kaniya. “Sige, una na ako sa’yo baka kasi kabihin ako sa paglalakad.” Paalam ko sa kaniya pero agad din naman niya akong pinigilan. “Kung gusto mo ay sumabay ka na sa akin?” tanong nito kaya naman agad na akong tumanggi dahil nakakahiya naman. “’Wag na! Okay lang ako at saka malapit lang ang bahay ko rito.” Magsasalita pa sa na siya pero nagsimula na akong maglakad habang kumakaway sa kaniya. Nakita ko kung paano siyang mapabuntong hininga at mapailing bago kumaway sa akin pabalik. Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi ko maiwasang maalala ang nakita kong eksena kanina. Parang naririnig ko pa rin ang tawa nang babae na parang kinikiliti. Nagtayuan ang balahibo ko nang maalala ko ang mukha ni Trinity na nakatingin sa akin at ’yong ngisi niya... “Ay d*monyo!” Napatalon ako sa gulat dahil sa isang malakas na busina. Tumingin ako sa pinanggalingan no’n pero mabilis na nagpaharurot ’to paalis. Tiningnan kong mabuti ang likod nang sasakyan at parang pamilyar sa akin ’yon pero hindi ko na maalala kung saan ko nakita ’yon. Umiling na lang ako bago magmadaking.maglakad dahil gumagabi na at wala na namang ilaw ang dadaanan ko. Kinikilabutan ako dahil hindi mawala sa isip ko ang nakita ko kanina, unang beses kong makakita ng mga gano’ng eksena kaya naman hindi mawala sa isip ko ’to. Napalunok ako ng ilang beses dahil biglang pumasok sa isip ko ang imahe ni Trinity habang nakangisi sa akin. Umiling ako ng ilang ulit at nagbuga ng hininga. “Kalimutan mo na ’yon Zeles...” Nag-enhale at exale ako para marelax ang isip ko. “Alisin! Alisin!” Umiling-iling ako na parang tinataboy ang nasa isip ko. Huminga ako ng malalim at dinilat ang aking mata pero napahinto ako dahil sa nakita ko sa harap ko. “Siya ba?” tanong ng isa sa kanila bago ako at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. “Oo siya ’yon.” Mas lalong nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino ang nasa likod ng kaharap ko. ‘F-fhella...’
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (8)
Jorie_Cutie01
Hi Mr/Miss Author waiting po sa next updata🤧❤ ganda ng story😻❤
Hi Mr/Miss Author waiting po sa next updata🤧❤ ganda ng story😻❤
04/06/2022
0nice Ang galing namn
17/07/2024
0it's beautiful story
10/04/2024
0Tingnan Lahat