Homepage/SEDUCING MY BABY'S FATHER/
Epilogue
Pag-ibig. Isang makapangyarihan at mahiwagang pakiramdam ang pag-ibig. Oras na magmahal ka, nabubulag ang puso mo sa iba pa'ng pakiramdam. Ang sakit at puot ay hindi mo madarama dahil ang tibok ng pusong nagmamahal ay ang natatanging emosyon na nais mong maramdaman. Hindi ka manhid, hindi ka bulag. Tinuruan ka lang ng pag-ibig kung paano makita ang positibo sa bawat bagay. Ito ang pag-ibig, emosyong mahirap pigilan at kalabanin.
"Relax Lucas."
Ang pampalubag loob na mga salita mula sa mga nakakatandang kapatid ni Lucas sa kan'yang likod ay hindi nakatulong upang maibsan ang malakas na tibok ng kan'yang puso.
Marahan niyang minasahe ang kamay, pagkalaon ay inayos ang kurbata at hinahagod ang buhok palikod. Paulit-ulit niyang ginagawa iyon ngunit naroon pa din ang kaba.
"Papa, relax ka lang po." Napatingin siya sa tabi nang magsalita ang anak na kagaya niya ang suot na tuxedo.
"Ang tagal kasi ng mama mo. Nasa labas na siya 'di ba anak?"
Ang mga naglalakad patungo sa altar ay hindi niya na mapansin dahil ang kan'yang leeg ay halos makandahaba-haba na upang matanaw ang sitwasyon sa labas ng simbahan.
Ngayon ay ang araw ng kanilang kasal.
"I heard wala pa daw si Lera." Masamang tingin ang ipinukol niya kay Zeus nang kantyawan siya nito. Hindi iyon magandang biro para sa kan'ya. Matagal niyang hinintay ang araw na ito kaya walang sinuman ang maaaring pumigil dito, kahit si Lera na kan'yang bride pa iyon.
"Nasa labas na po siya papa." Hindi niya talaga alam ang magagawa sa mga kapatid kung wala doon ang anak.
Ginulo niya ang buhok nito kaya bumusangot ang anak. Napangiti siya ngunit naroon pa din ang kaba lalo na nang isara na ang pintuan ng simbahan.
"This is it, Lucas. Welcome to the club."
Napakatagal ng sandali para sa kan'ya. Pakiramdam niya'y isang oras nang nakasara ang simbahan bago ito unti-unting bumukas. Sa saliw ng paborito nilang musika, lumiwanag ang bungad ng simbahan nang masilayan niya ang napakagandang si Lera sa suot nitong puting wedding gown.
Sa puntong iyon ay gusto niya nang kainin ang distansya nila. Mabagal ang paglalakad ni Lera, na napapagitnaan ng kan'yang kapatid at ina, patungong altar.
Bumalik sa kan'yang alaala ang unang pagkikita nila. Hindi man iyon kagaya nang karaniwang pagsisimula ng mga relasyon, nagpapasalamat siya na nangyari iyon. Hindi lamang si Arim ang ibinigay sa kan'ya ng Panginoon kun'di maging si Lera. Ang babaeng dahilan kung bakit mas higit ngayon ang pagmamahal niya sa buhay upang maprotektahan ito at si Arim, kasama ang mga magiging anak nila, magpakailanman.
Malapit na si Lera kay Lucas ngunit pakiramdam ng huli ay milya-milya pa ang layo nito sa kan'ya.
"Alagaan mo si Lera, Lucas anak."
"Pangako po inay." Isang pangakong hinding-hindi niya kailanman babaliin.
Magkahawak kamay silang umupo sa harap ng altar. Nagsimula ang misa. Isang oras ang tinagal para sa panghabangbuhay na pangako ng pagmamahal. Isang sumpaan sa harap ng Diyos na walang sinuman ang may karapatan na tumibag.
"Lucas, stop smiling! Kanina ka pa parang may tama d'yan. Ngumingiti ka nang mag-isa." Marahan na pinalo ni Lera si Lucas ngunit hinuli lamang nito ang kamay niya.
Nasa mansyon sila. Abalang inaayos ni Lera ang mga regalo habang si Lucas naman ay pinagmamasdan lamang siya nang may malaking ngiti sa labi.
"I just can't believe that you're finally mine." Masuyong pinatakan ng halik ni Lucas ang kamay ng asawa.
"P'wes maniwala ka na at magbukas na tayo ng mga regalo. Bibisitahin pa natin si Tatay Leroy at Mommy Juana sa sementeryo, 'di ba?"
Bago mamatay si Ginang Juana ay humiling ito na mommy na ang itawag sa kan'ya ni Lera. Isang magandang relasyon na masaya sanang simulan ngunit kaagad din binawi ng Panginoon.
"Yes, ma'am!" Um-oo si Lucas subalit imbes na bitawan si Lera ay ipinulupot niya pa ang braso sa tiyan nito at paulit-ulit na hinalikan ang lantad na braso.
"Lucas!"
"Baka maihabol pa natin ang kambal," bulong nito kay Lera na mas lalong nagpakiliti sa babae. Wala sa sariling hinaplos niya ang tiyan.
"Two months pregnant na ako, pwede pa ba 'yon?" Inosente niyang tanong kaya napangiti si Lucas bago siya paulanan ng halik sa mukha.
Inibabawan siya nito at paulit-ulit na hinalikan hanggang tumigil sa kan'yang ilong ang labi ng mister.
Tumigil siya sa mahinang pagtawa at sinalubong ang mga titig nito.
"I love you, Lera."
"I love you too Lucas."
Unti-unti ay nababawasan ang agwat ng kanilang mga mukha. Kaunti na lang ay maglalapat na ang kanilang mga labi.
"Mama! Papa! I also have a gift for you!"
Nakalimutan nga lang ni Lucas na palagi nang mag-lock ng kwarto simula sa araw na ito.
Quietpen: Salamat dahil nakarating ka sa huling kabanata. Maaari n'yo ako'ng i-ff sa F&B. Hi Rina (that's the name)
May naiisip na ako'ng plot sa book 2. Itutuloy ko kung gusto n'yo.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (71)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
super love this story❤❤❤
30/08/2022
1nice po
17/10
0Ang ganda
07/08/2025
0Tingnan Lahat