"Please, Babe, understand me this time. I need to return home to keep my promise to my mom. I need to run our business there for at least a short time." Nag-iisang linya na ang kilay ni Lucas sa pakikiusap kay Maica na payagan siya nitong bumalik ng Pilipinas. Higit tatlong taon na simula nang huli siyang umuwi sa Sta. Ignacia, pero ang huli niyang kita sa ina ay noong graduation niya. Pumunta ito sa America upang dumalo sa kan'yang pagtatapos. Muli ay pinakiusapan siya nitong umuwi na sa Pilipinas upang hawakan ang isa sa mga bagong lupain na nabili nito. Nangako siyang susunod sa ina ngunit mariin ang pagtutol ni Maica, dahilan upang manatili pa siya ng isang taon sa bansa. Nagkaroon ng tampo ang kan'yang ina at ito ang pinakamatagal na panahon na hindi siya nito kinausap kung kaya uuwi siya sa ayaw at gusto ng nobya. "You resigned from your job without my knowledge, and you also booked a flight back to the Philippines, and now you're begging me to let you. Are you insane? Well, I'm sorry, but it appears that my opinion doesn't matter to you at all." Mayroong himig ng pagtatampo ang boses ni Maica. Si Lucas lamang ang nag-iisang tao na hindi kinokontrol at pinapakialaman ang kan'yang desisyon sa buhay, kagaya ng ina at mga kamag-anak nito, kung kaya't hindi siya natutuwang malaman na iiwanan siya nito sa loob ng isang taon. Napabuntong hininga si Lucas nang talikuran siya ni Maica. Humarap ito sa may veranda kung saan natatanaw ang city lights. Humithit ito ng sigarilyo at marahas na ibinuga ang usok. "Why don't you just join me?" Malambing niyang tanong sa nobya habang marahang ipinupulupot ang braso sa baywang nito ngunit mabilis na umiwas si Maica at naglakad ng isang hakbang palayo sa kan'ya. "I am going to build my career here, not in the Philippines." Wala siyang balak sumama dito. Sumandal si Lucas sa railings ng veranda. Mahal niya ang nobya. Sa katunayan ay nagawa niyang magtiis sa ugali nito ng pitong taon, subalit napapagod din siya katulad ngayon. Gusto niyang magdesisyon para sa sarili kung kaya hindi niya mapagbibigyan ito. "I guarantee that I will only be gone for a year," seryoso niyang saad habang nagpipigil na sumbatan ang nobya sa hindi magandang paghihigpit nito sa kan'ya. Nahalata ito ni Maica at sandali ay namagitan ang katahimikan sa pagitan nila. "All right! Whatever. Just make sure to return here sooner than a year, or I'll really end what we've got." Sa kabila nang naging malamig na pagtrato sa kan'ya ni Maica pagkatapos nang pag-uusap na iyon ay umuwi pa rin siya sa Sta. Ignacia. Hindi ito alam ng ina kaya labis ang tuwa nito sa surpresa niyang pagdating. Tanggap niya nang hindi siya makakatakas sa paghawak ng kanilang negosyo. Ang katotohanan ay wala siyang problema dito ngunit sa America nais manirahan ni Maica. Hindi rin nito gusto na magkalayo sila at ganoon din siya. "Binili ni mommy ang lupain na ito para sa'yo bilang regalo sa graduation mo pero hindi ka umuwi," pagkwekwento sa kan'ya ni Dominic nang ilibot siya nito sa kanilang mga negosyo sa Sta. Ignacia. Pinagmasdan niya ang masukal at matalahib na lupain. Malawak ito kaya mas naging madali sa kan'ya ang pag-iisip kung ano'ng negosyo ang itatayo dito. "I was actually planning to go home here after receiving my diploma, but-" Hindi niya na natapos ang sasabihin nang si Dominic ang magpatuloy nito. "Maica didn't allow you. Tama ba ako?" Nang-aasar na tanong ni Dominic kay Lucas. Hindi niya malaman kung paano nagagawang magtiis ng bunsong kapatid sa nakakasakal nitong nobya, gayong hindi nito matiis ang strikta nilang ina. "Maica is the one for me bro. I can't let her go." Sa isip ni Lucas ay tinatamad na siyang maghanap ng iba. Kontento na siya sa nobya. Kailangan niya si Maica at kailangan din siya nito. Ang bawat isa ang sinasandalan nila nang mamuhay sila sa U.S kung kaya't nararapat lamang na hanggang sa huli ay walang mang-iiwan. "Paano mo napapayag na umuwi ka? Hiniwalayan ka ba o tumakas ka?" Napapailing na tumitig si Lucas sa mapang-asar na kapatid, tila ba natutuwa pa itong hinihigpitan siya ng nobya. Palibhasa'y nasa malayo ang girlfriend ni Dominic kaya malaya itong gawin ang gusto. "Isang taon lang ako dito," seryoso niyang saad na nagpawala ng ngiti sa labi ng kapatid. Bumuntong hininga ito at mahinang tinapik ang balikat niya. "Kung gano'n pala kailangan na natin simulan ang plano mo para sa lupain na ito bago pa man maghuramentado sa galit si Madam Juana kapag nalaman niyang aalis ka na naman." Natawa siya sa sinabi nito. Hindi pa nga siya nagtatagal ng isang linggo ay pinoproblema niya na ang pag-alis. "But first, I want to visit Tito Esteban and Tita Mirasol." Ibinaba siya ng kapatid sa munisipyo. Kilala siya nang sekretarya ng mayor kaya mabilis siyang nakapasok sa loob ng opisina nito. "I thought you were not going to visit me." May himig na pagbibirong saad ng kan'yang tiyuhin nang umangat ang tingin nito sa kan'ya mula sa tampak na papeles sa lamesa nito. Napangiti siya. Simula nang mawala ang ama ay mas naging malapit siya sa kan'yang Tito Esteban kaya imposibleng makalimutan niya itong bisitahin. Nauwi sa kwentuhan ang kan'yang pagbisita hanggang sumapit ang tanghali at inimbitahan siya nitong sa mansyon na kumain, na siya namang pinaunlakan niya. "So, ano'ng plano mo sa lupain na iniregalo ni Ate Juana sa'yo?" kaswal na tanong ng kan'yang Tito Esteban. Kung sa teknikal na mga bagay tungkol sa negosyo ay maraming alam si Lucas subalit pagdating sa aktwal ay aminado siyang kakarampot pa lamang ang kaalaman na mayroon siya. "I am planning to convert it into a fishpond." Naisip niyang wala pa noon sa kanilang bayan. Ang kanina'y puno nang tawanan nilang kwentuhan kasama ang Tita Mirasol niya ay nauwi sa seryosong usapan tungkol sa negosyo. Subalit natigil ang kanilang pag-uusap nang isang batang lalaki, na mayroong yakap na laruang robot, ang nagsalita. "Lola. Lola. Kita n'yo po lola ko?" Hindi pa nito mabigkas nang maayos ang bawat salita subalit sapat na upang maunawaan ni Lucas ang sinabi nito. Tatlo ang anak ng kan'yang tiyo at tiyahin. Lahat ito ay nag-aaral sa ibayong lungsod. Wala siyang nabalitaan na nagbuntis muli ang Tita Mirasol niya o 'di kaya'y nag-ampon ito. Tuluyang lumapit ang bata at hinila ang laylayan ng kan'yang damit pang-itaas. Napaawang ang kan'yang labi nang malayang mapagmasdan ang mukha nito. Para ba'ng siya ay nananalamin. "Asan lola ko?" inosenteng pagtatanong nito na nakapanguso pa. "Hay nakung bata ka. 'Di ba't sabi ko sa'yo doon ka lang sa kwarto ng Ate Daisy mo." Bago pa man siya makasagot ay nilapitan na ito ng isang may katandaang babae. Kinarga niya ang bata. "Pinakain mo na ba 'yang apo mo Nora?" tanong ng kan'yang Tita Mirasol sa babae. "Kakatapos lang po kumain nito. Pasens'ya na po kayo." Yumuko pa ito bago dinala ang bata pabalik sa kusina. "Who is that boy?" tanong ni Lucas. "Si Arim, apo ni Aling Nora sa panganay niyang anak na si Lera, 'yong tumulong noon kay Haya," pagkwekwento ni Mirasol dahilan upang masamid si Lucas sa gulat. Sunod-sunod ang naging pag-ubo niya. Mabilis niyang ininom ang isang baso ng tubig na nasa kan'yang tabi. "Okay ka lang ba Lucas?" Marahan siyang tumango. "Nasamid lang po ako," pagdadahilan niya. "Akala ko pa nama'y kilala mo si Lera at nagulat ka na may anak na ito. Hindi ka nga pala dito nagbinata," kaswal na sabi ng kan'yang tiyahin. Natatandaan niya si Lera. Paano niya nga ba ito hindi matatandaan gayong ito ang una at natatanging babae na inangkin niya ang kabirhenan? Sa loob ng ilang taon na akala niya'y hindi na muling sasagi sa isipan niya ang tagpong pinagsaluhan nila ay biglang bumalik sa memorya niya ang gabing iyon. Subalit sa puntong ito ay may kaakibat na itong ibang kaba sa kan'yang dibdib. Nang sumunod na araw ay hindi mawari ni Lucas kung bakit hinihila siya ng mga paa patungo sa mansyon ng kan'yang Tito Alfred. Hindi maalis sa kan'yang isipan ang pamilyar na mukha ng batang si Arim at ang magaan niyang pakiramdam dito, sa kabila nang pagkawalang hilig niya sa mga bata. "Sir Lucas, may hinahanap po ba kayo?" tanong ng isa sa mga katulong nang sumilip siya sa bakuran. Nais niya sana'ng sabihin na hinahanap niya si Arim pero hindi niya na itinuloy nang marinig ang iyak ng bata mula sa kabilang bahagi ng bakuran. Nakita niya itong nakaupo at mayroong sugat sa tuhod. Kaagad niya itong dinaluhan. "Are you okay?" tanong niya sa bata. "Mama! Mama! Mama!" Pumalahaw itong umiyak habang tinatawag ang ina. Hindi malaman ni Lucas ang gagawin. Wala siyang ideya kung paano magpatahan ng bata. Nang bigla ay sumagi sa kan'yang isipan ang ginagawa ng ama sa tuwing nagkakasugat siya sa tuhod. Inihipan niya ang sugat nito. Unti-unting tumahan ang bata at nag-angat ng tingin sa kan'ya. Iniangat ni Arim ang parehong kamay na animo'y nagpapakarga sa kan'ya. Luminga siya sa paligid, wala doon ang lola ng bata. Dahan-dahan niyang hinawakan ang bata at iniangat ito sa lupa. Walang pasabing ipinulupot nito ang maliit na braso sa kan'yang leeg at sa balikat niya'y isinandal ang pisngi. Naririnig pa rin ni Lucas ang mahinang hikbi ng bata at bahagyang pagkabasa ng kan'yang damit dahil sa tumutulong luha nito subalit hindi niya iyon ininda. Abala siyang tukuyin ang kakaibang pakiramdam sa puso habang nakakulong ang bata sa kan'yang mga bisig. Ang mahigpit na pagkakayakap nito sa kan'yang leeg ay nagdulot ng kapanatagan sa kan'yang loob na ngayon niya pa lamang naramdaman. Sa isang iglap ay tila nais niyang protektahan ang bata, na parang ito'y kan'yang responsibilidad.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
super love this story❤❤❤
30/08/2022
1nice po
17/10
0Ang ganda
07/08/2025
0Tingnan Lahat