Chapter 79

Ika nga sa sikat na kasabihan, action speaks louder than words. Ikinaiinis ito ni Lera. Bakit ba siya nakatulog sa tabi ni Lucas? Nakayakap pa siya dito. Hindi tuloy mawala ang ngiti sa labi ng lalaki kinabukasan.
"Nakasuot ka pa ng pajama," pang-aasar nito sa kan'ya habang nagsasalo sila ng agahan sa hapag. Sinamaan niya ito ng tingin habang walang habas na hinihiwa ang bacon sa kan'yang plato.
Tumigil lang ito sa pang-aasar nang tumunog ang telepono para sa isang tawag, ngunit naroon pa din ang ngiti sa labi nito nang sagutin iyon.
"Yes anak, nandito ang mama po. I think she's worried to me last night kaya nakarating dito." Nagkakamali pala siya dahil nagpatuloy pa din ito sa pang-aasar.
Mabilis na tumayo si Lera at sapilitan na inagaw ang telepono kay Lucas.
Lihim na napatawa ang mga katulong na pinagmamasdan sila mula sa isang tabi.
"Parang mga teenagers na nag-iibigan," komento ng mga ito.
Kinausap ni Lera ang anak. Kasama ito ng kan'yang Tito Mikoy. Ipapasyal daw. Mabuti iyon para malibang ang bata.
Pinatay niya ang tawag matapos makapagpaalam. Hindi niya na binigyan ng pagkakataon si Lucas na makausap man lang ito. Mas pinili nga nito ang uminom kaysa umuwi sa kanila. Hindi man lang nagpaalam sa kan'ya.
Akmang ibabalik niya na ang telepono nang mapatigil. Lumabas sa screen nito ang larawan nila ni Arim. Iyon ang wallpaper ng lalaki.
Padabog niya tuloy itong ibinalik.
"Galit ka?" tanong ni Lucas subalit seryoso na ngayon.
"Sino ang hindi magagalit sa iyo? 'Ni hindi mo man lang magawa na magpaalam. May cellphone ka naman." Sumabog na siya na siyang pinagsisihan niya naman makalipas ang ilang sandali. Ano na lang ang iisipin ni Lucas?
"Nag-aalala si Arim. Huwag ka mag-isip ng kahit ano," depensa niya kahit wala pa man sinasabi ang binata.
"I am not accusing you of anything Lera."
Bumuntong hininga si Lucas. "I'm sorry. Hindi na mauulit."
Natapos ang pagkain nila ng breakfast na hindi man lang ngumingiti si Lera. Dapat ay malamig ang pakitungo niya kay Lucas. Iyon ang nasa isipan niya. Hindi siya maaaring lumambot. Hindi na muli.
Halos sabay sila na dumating sa opisina. Sumabay ito sa kanila ni Maris sa pananghalian subalit maagang umalis nang hapon na.
"May pupuntahan lang ako pero uuwi ako mamaya," pagpapaalam nito sa kan'ya.
Naalala niya. Nangako nga pala ito na ipapaalam na sa kan'ya kung aalis ito o hindi makakauwi.
"Okay." Nagkunwari siyang walang pakialam ngunit ang totoo gusto niyang magtanong kung saan ito pupunta.
Magpapaalam na lang kulang pa.
Mabilis niyang tinapos ang ginagawa at bago magdilim ay umalis na siya. Bumili siya ng bulaklak at kandila upang ialay sa puntod ng ama.
Simula nang bumalik sila ni Arim ay ngayon niya pa lang ito mabibisita. Pumasok siya sa loob ng sementeryo. Halos walang tao doon maliban sa lalaking nakaupo sa tapat ng lapida ng kan'yang itay.
Habang palapit siya nang palapit ay nakikilala niya ito.
"Lucas?"
May kandila at bulaklak na nakalatag sa ibabaw ng lapida. Base sa natutunaw na parte ng kandila ay matagal nang naroon si Lucas dahil paubos na ito.
Ito ba ang dahilan kung bakit maaga itong umalis?
Mabilis na tumayo si Lucas. Kapwa sila nagulat sa presensya ng bawat isa.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ni Lucas na nagpalaki ng kan'yang mata. Hindi ba dapat ay siya ang nagtatanong nito sa lalaki.
"Natural bibisitahin ko ang tatay ko. Ikaw? Bakit nandito ka?"
Nagkamot ng batok si Lucas at umiwas nang tingin sa kan'ya. Bumalik ito ng tingin sa puntod, animo'y naroon ang sagot.
"Binibisita ko din si Mang Leroy," sinsero nitong saad.
Bumuntong hininga si Lera. "Bakit?" tanong niya.
Bumaling sa kan'ya si Lucas. Tila nag-aalangan itong sumagot.
"I promised to visit him often. Sabi niya kasi papatawarin niya lang ako kapag pinatawad mo na ako."
Itinikom ni Lera ang bibig upang pigilan ang pamilyar na emosyon na naglalaro sa kan'yang puso.
Idinaan niya ito sa mahinang pagtawa. "Nakakausap mo na pala ngayon si itay?" sarkastiko niyang tanong.
Tila sumigla naman si Lucas nang makita ang reaksyon niya. Ngumiti ito nang malaki. "Oo, noong unang pagbisita ko dito napanaginipan ko siya. Iyon ang sinabi niya."
Gusto niyang tumawa. May weird side pala itong si Lucas.
Umupo siya at itinirik ang dalang kandila. Nagdasal siya nang tahimik habang nasa kan'yang likuran ang lalaki. Wala pa yata itong balak na umuwi kaya hinayaan niya na lang.
Hindi niya inaasahan na bibisita ito sa kan'yang ama. Akala niya ay sa kanila lamang ni Aling Nora hihingi ng tawad ang lalaki ngunit maging sa yumao niyang ama ay nagpakumbaba ito.
Lumalambot ang kan'yang puso. At alam niya na sa paglipas ng mga araw kung patuloy niyang makakasama si Lucas ay hindi niya na ito mapipigilan.
quietpen: It will be much appreciated if you'll leave a comment and a 5-star rate. 😘 Sorry kakapalan ko na mukha ko 😅

Komento sa Aklat (71)

  • avatar
    BarcinasNecresia

    super love this story❤❤❤

    30/08/2022

      1
  • avatar
    Rolando Priagola

    nice po

    17/10/2025

      0
  • avatar
    Cely Bautista Andres

    Ang ganda

    07/08/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata