Pagdating sa condominium unit ay binalak niyang doon muli matulog. Kung maaari lang ay doon niya na din balak tumira. Kung nasaan ang anak ay dapat naroon din siya. Dumating si Lucas. Inaasahan niya na maaabutan niya ang babae doon. Wala siyang magawa dahil wala ang yaya ni Arim. Tumabi siya dito sa carpeted floor matapos niyang makapagbihis ng pambahay. Gumagawa ng assignment ang anak. Kagaya kagabi ay handa sana muli siyang makipag-unahan kay Lera sa pagtuturo sa anak nang makita niya ang isang imbitasyon para sa family day. "May family day kayo sa school? Bakit hindi mo sa akin sinasabi anak?" Tumigil si Arim sa pagsusulat at ibinaling ang atensyon sa ama. "Wala naman po kasi akong mama dito. Pero, sabi po ni Tita Lera at siya na ang sasama sa atin." Malaki na ang ngiti ng bata. Nasasabik na ito sa family day. "Nag-confirm na ako," saad ni Lera na nagpakunot ng noo ni Lucas. Hindi niya balak ipagkait sa anak ang event na iyon ngunit hindi niya nagustuhan ang ginawa ni Lera. Bukod sa pag-imbita nito sa sarili na sumama sa kanila sa family day nang hindi nagsasabi sa kan'ya kagaya ng kanilang pinag-usapan, ay pinangunahan siya nito sa pag-confirm sa paaralan, na dapat ay siya ang gumagawa bilang guardian ni Arim. Hinintay niyang pumasok sa kwarto ang anak bago komprontahin si Lera. "Dito ka na naman ba matutulog?" Tumutol ang kan'yang puso nang itanong iyon kay Lera, ngunit hindi dapat siya magpadala dito. Isip ang dapat niyang pairalin. "Oo. Aasikasuhin ko si Arim bukas," kaswal na sagot ni Lera. "Hindi ka nagpaalam sa akin. We talked about it, right? Hindi kita pinapayagan na matulog dito, pero narito ka pa din. You're even sleeping in my bed nang wala ang permiso ko. You're cooking in my kitchen and you're taking a bath in my comfort room nang hindi nagsasabi sa akin. Bahay ko pa din ito Lera." "Ano ba ang ipinupunto mo? Ito'ng pag-stay ko ba dito sa condo mo? Pwes! Hahatian kita sa kuryente at tubig. Huwag ka mag-alala. Papagawa din ako ng isa pa'ng higaan sa kwarto mo para doon kami matutulog ni Arim." Humalukipkip si Lera. Komportableng-komportable siya sa lugar ni Lucas kaya nagulat siyang biglaan itong magsasabi ng mga hinaing niya. Ang babaw ng mga dahilan ni Lucas. Hindi naman siya naninira ng gamit. Kung pumapayag lang sana ito na sa kan'ya ang bata kahit apat na araw sa isang linggo, 'di sana ay hindi siya nagsusumiksik sa condo nito. "Pinapangunahan mo ako sa pagdedesisyon para kay Arim. Ako pa din ang ama niya. Nasa akin ang kustodiya. Ako ang guardian niya. Kakampi ko ang batas Lera kaya wala ka'ng karapatan na mangialam sa mga bagay pagdating sa bata." Bumangon ang pagkainis ni Lera kay Lucas. "Is this about the family day? Sasamahan ko ang bata dahil nalulungkot siya na kayo lang ang dadalo doon. Ayaw mo ba siya na maging masaya? Are you thinking na this is still a competition between you and me? Kasi ako hindi. Kapakanan at kasiyahan ng bata ang iniisip ko. Hindi kita pinangunahan. Binigyan ko lang ng kalinawan si Arim na dadalo tayo doon dahil malinaw na naiinggit ang bata sa iba." "Wait. Are you thinking na huwag paunlakan ang bata dahil ayaw mo akong kasama?" dugtong ni Lera. Galit na tumugon si Lucas. Kalahati ng sinabi ng babae ay natamaan siya kaya hindi niya napigilan ang pagtaasan ito ng boses. "Shut up! Stop putting words into my mouth!" Dinuro niya si Lera dahilan upang mapaatras ang dalaga. Hindi sinasadyang may matamaan itong vase at mahulog sa paa nito. Napaupo si Lera nang makaramdam ng sakit doon. "Tita Lera!" Lingid sa kanilang kaalaman ay kanina pa sila pinapakinggan ni Arim. Lumapit ito kay Lera at niyakap. "Arim," tinawag ni Lucas ang anak gamit ang maotoridad na boses, kahit pa may parte ng kan'yang loob ang nais tingnan si Lera kung ayos lang ba ito. Mas nananaig sa kan'yang isipan ang selos na hindi siya ang unang nilapitan ng anak kun'di si Lera. Yumuko si Arim, hindi makatingin sa ama. "Hindi na po tayo dadalo sa family day. Huwag mo lang pong awayin si Tita Lera." Marahas na bumuntong hininga si Lucas. Hindi niya nagugustuhan na nagmumukha siyang kontrabida sa mata ng anak. "Arim, pumasok ka sa kwarto." Hindi siya nito inintindi. "Arim, pumasok ka sa kwarto!" May diin at mas malakas na ang pagkakasabi niya. Puno ng mga luha ang mata ni Arim nang tumingin ito sa kan'ya. Mabilis na nawala ang kan'yang galit, napalitan ito ng takot at konsyensya. "Anak, I'm sor—" Mabilis na bumangon si Lera. Matalim ang titig sa kan'ya. "Tara na Arim." Nakaramdam ng labis na pag-aalala si Lera sa emosyon na ipinakita ng anak. Hindi niya kayang pabayaan na masaktan ito ng emosyonal ni Lucas. Hinila niya ang bata palabas ng unit. Nagpatianod ito sa kan'ya kaya walang nagawa ang pagpigil ni Lucas hanggang sa makarating sila sa parking area. Walang takot siyang nagmaneho palayo doon. "Saan po tayo pupunta? Bumalik na po tayo kay papa," sabi ni Arim nang tumahan ito. "Uuwi tayo ng Sta. Ignacia anak. Ako naman talaga ang dapat mong kasama, hindi ang papa mo."
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
super love this story❤❤❤
30/08/2022
1nice po
17/10
0Ang ganda
07/08/2025
0Tingnan Lahat