Chapter 36

"What's with that face Lera? You won the case! You should be happy," saad ni Peter sa kaibigan nang sumakay sila ng kotse galing sa korte.
Isinandal ni Lera ang ulo sa bintana ng shotgun seat habang pinagmamasdan ang mga gusaling dinaraanan nila. Hinilot niya ang sintido at pagod na bumuntong hininga.
"If the case involved my child's custody, I'd be overjoyed to win it."
Nanalo siya sa kaso laban kay Samuel. Mabuti na lamang ay dumating ang mga kaibigan nito upang magbigay ng statement na pumabor kay Lera.
Hindi sumipot si Lucas ngunit nasa Pilipinas pa ito. Natatakot lamang si Lera na anumang oras ay maaari na itong umalis ng bansa kasama ang anak. Malapit nang matapos ang semestre kaya nawawalan na siya ng pag-asa.
"Kung kidnap-in na lang kaya natin ang anak mo?" suhestyon ni Maris na sa likod nila nakaupo.
"What a helpful suggestion Marissa," sarkastikong sabat dito ni Peter.
Nagsimula na naman mag-asaran ang dalawa kaya pinili na lang ni Lera na huwag sagutin ang alam niyang pabirong suhestyon ng kaibigan.
Sumagi na iyon sa isipan niya at inaamin niyang na kaunti na lamang ay gagawin niya na. Nauudyok na siyang magbayad ng mga tao na kukuha sa anak niya, pagktatapos ay magpapakalayo-layo sila.
"Peter, dumiretso tayo sa Sta. Ignacia," maya-maya pa'y sabi niya kay Peter.
Binisita nila ang ipinapatayong mansyon. Finishing touches na lamang ang ginagawa at paglilipat ng mga gamit ay makakatira na sila. Subalit para saan pa'ng nagpagawa ng ganito kaganda at kalaking mansyon si Lera kung malalayo muli sa kan'ya ang anak.
Pinaghalong maroon, puti at itim ang kulay ng bahay. Mataas ang bakod na napapaligiran ng halaman sa labas at loob.
"Kailangan ko na pala bumili ng mga swimsuit! Dapat mabinyagan kaagad 'yang swimming pool na ipinapagawa mo."
Napailing na lamang si Lera sa ingay ni Maris. Nasa likod sila ng bahay kung saan nagsisimula nang maghukay para sa swimming pool na ni-request pa ni Mikoy. Pangarap ito ng kapatid niya at anak noon pa man.
Naalala niya pa na sa tuwing nakakakita ng dagat o swimming pool si Arim sa palabas sa telebisyon ay tumatalon ito sa tuwa. Hindi maaaring hindi niya ito maiparanas sa anak.
"Engineer, baka po pwede n'yo pa'ng ipasok itong si Buknoy. Maalam din naman po iyan sa paghahalo ng semento."
"Patapos na ang trabaho natin foreman."
"Sige na po engineer. Kahit po kalahating bayad lang. Nagbawas po kasi ng mga trabahador si Ginang Juana. Isa po ako sa natanggal."
Mula sa pagmamasid sa pagpipintura sa likod ng bahay ay napabaling ng tingin si Lera sa dalawang lalaking kausap ng engineer ng kan'yang mansyon.
Nilapitan niya ito nang marinig ang pangalan ni Ginang Juana.
"Ano po ang problema engineer?" tanong niya dito.
"May gusto pa po sana'ng mag-apply."
Nakaramdam ng awa si Lera sa lalaki. Dati rin na magsasaka ang kan'yang ama kaya naiintindihan niya ito.
"Narinig ko po na dati kayong manggagawa sa lupain ni Ginang Juana. Ano po'ng nangyari?"
"Nagbabawas po ng mga manggagawa si Ginang Juana. Nang isang buwan pa po ay may mga naalis na. Akala ko po ay hindi na siya magtatanggal muli pero ngayon po ay isa ako sa tinanggal sa trabaho. Ako lang po ang bumubuhay sa pamilya ko." Mas lalo pa'ng binalot ng awa si Lera nang marinig ang sagot nito.
Nang tanungin niya ito kung bakit nagbabawas ng mga trabahador ang pinakamarangyang angkan sa Sta. Ignacia ay sinabi lamang nito na sa tingin niya ay magbebenta na ng mga lupain ang pamilya Valle.
Sumagi man ang pagtataka at pagkakaroon ng interes sa balitang nasagap ay hindi niya iyon ipinahalata.
"Kung gano'n po ay dito na muna kayo magtrabaho," nakangiti niya'ng tinanggap ang lalaki sa trabaho.
Yumaman man si Lera ay nasa mahihirap pa din ang puso niya.
Umakyat siya sa ikalawang palapag. May mga kwarto doon ngunit higit niyang pinagtuunan ng pansin ang kwarto ni Arim. Pinalawak niya ito kung saan may sariling espasyo ang mga bagay na kahihiligan ng anak.
Nilapitan niya si Peter doon.
"Peter. I have a favor to ask."
Si Peter at Maris ang natatangi at mapagkakatiwalaan niyang kaibigan, kaya kung kailangan niya ng tulong ay dito siya lumalapit. Hindi naman siya binibigo ng mga ito.
"What's that?" nakapamulsang tanong nito.
Sumeryoso ang mukha ni Lera. Alam na kaagad ng dalawang kaibigan niya na may kaugnayan ito sa kan'yang anak.
"Paki-imbestigahan si Ginang Juana at ang mga lupain niya dito sa Sta. Ignacia. Kung maaari ay lahat ng negosyo niya." Kung tama ang kan'yang hinala ay mayroong problema sa pera ang matapobreng ginang upang ibenta nito ang malawak na lupain. Imposibleng magtanggal ito ng mga empleyado kung hindi iyon ang dahilan.
Nagkatinginan si Maris at Peter. Hindi nila mahulaan ang iniisip ng kaibigan.
"Sa tingin ko, dito pa lang magsisimula ang pakikipaglaro ko kay Lucas."

Komento sa Aklat (71)

  • avatar
    BarcinasNecresia

    super love this story❤❤❤

    30/08/2022

      1
  • avatar
    Rolando Priagola

    nice po

    17/10

      0
  • avatar
    Cely Bautista Andres

    Ang ganda

    07/08/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata