Isang simpleng tanong ang binitiwan ni Lera ngunit kakaibang kaba ang naidulot nito para kay Lucas. "He's fine. Arim's fine with me. You don't have to be worried about him." Marahan na tumango si Lera. Marami pa siyang nais itanong ngunit pinili niya ang itikom ang bibig. Tumayo siya at napagpasyahan na magpaalam na dito. Naiwan si Lucas na mayroong kaunting awa para kay Lera. Pinagkaitan niya ang babae para maging ina sa kan'yang anak. Subalit hindi niya pinagsisisihan ang nangyari. Ito ang unang bumali sa pag-uusap nila. Tinangka nitong ipagdamot sa kan'ya ang bata. Isa pa'y hindi dapat siya lubos na magtiwala dito lalo pa't mukhang mayroon nang kakayahan ang babae para kalabanin siya. Hindi pumasok si Lera sa kan'yang klase kinahapunan. Hindi niya kayang makita si Lucas at pakitunguhan ito nang naaayon sa kan'yang plano. Napupuno ng galit ang kan'yang puso, natatakot siyang sumabog sa harap nito. Nang mga sumunod na araw ay nakontento siyang sulyapan ang anak mula sa malayo. Naroong kinukuhanan niya ito ng mga patagong larawan. "Bakit mo po kinukunan ng larawan ang pinsan ko?" Mabilis niyang itinago ang cellphone nang makarinig ng boses mula sa likod. Kaagad niyang nakilala ang dalagita bilang anak ng kapatid ni Lucas na si Alexis. Sa kabilang banda ay hindi siya namukhaan nito dahil una'y isang beses pa lamang silang nagkikita noon at pangalawa'y iba na ang itsura niya ngayon. "Sorry, hindi naman siya ang kinukuhanan ko. 'Yong playground," palusot niya. Marahan na tumango ang dalagita na nabasa niya sa ID bilang si Chesca. Akmang lalagpasan na sana siya nito nang pigilan niya. "Sandali, can I ask you a favor?" Nag-aalangan man si Chesca ay tumango siya. Binunot ni Lera ang biniling bracelet sa bag na nakapaloob pa sa maliit na box at iniabot dito. "Pwede mo ba'ng ibigay ito kay Arim?" Napaawang ang labi ni Chesca. Bakas sa mukha nito na ito'y naguguluhan. "Paano n'yo po nakilala ang pinsan ko?" Mahigpit ang seguridad sa paaralan kaya kahit papaano'y hindi gaanong kinakabahan si Chesca sa babaeng kausap, na habang tumatagal ay nagiging pamilyar sa kan'ya. "Estudyante ako ni Sir Lucas kaya nakilala ko ang anak n'ya. Ang cute kasi ng bata. Baka pwede mo'ng iabot ito?" Sinubukan niyang magtunog kaswal. "Bakit po hindi na lang kayo ang magbigay?" Kung pwede lang. Kung maaari niya lang lapitan ang anak ay noon niya pa ginawa. Ayaw niyang sumubok. Paano kung malaman ni Lucas at muling ilayo ang bata? "Baka kasi makita ng ibang estudyante ni Sir Lucas at isipin na nagbibigay ako ng regalo sa anak niya para sa grades." Sa unang tingin, masasabi ni Lera na ayaw kunin ni Chesca ang regalo, subalit pinakiusapan niya pa'ng muli ito hanggang sa pumayag. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa ibigay ang regalo sa kan'yang anak. Sumilay ang ngiti sa labi niya nang makitang masaya si Arim sa natanggap na regalo. Ang paghingi niya ng pabor kay Chesca ay nasundan pa ng ilang beses. "Ayaw n'yo po ba talaga magpakilala kay Arim?" Nasa cafeteria sila. Inaya niya itong kumain habang breaktime upang ibigay ang ipinamili niyang damit. "Soon, magpapakilala din ako. Nagustuhan n'ya ba ang ibinigay ko kahapon?" Bawat araw ay hindi nagsasawa si Lera na pakinggan ang kwento ni Chesca tungkol sa reaksyon ni Arim sa tuwing nakakatanggap ito ng regalo. Natutuwa siyang napapangiti ang anak sa bawat materyal na bagay na ipinapaabot niya. "Opo, kaya lang nagtatanong po siya kung kanino galing. Sinasabi ko na lang na sa parents ng kaklase ko." Hinawakan niya ang kamay ni Chesca at humingi ng tawad. Pati ang bata ay tinuturuan niya nang magsinungaling. "Chesca! Si Arim sinugod sa clinic." Isang humahangos na batang lalaki na kasing-edad ni Chesca ang lumapit dito upang sabihin iyon. Hindi na nakapagpaalam pa ang dalagita kay Lera at dali-daling tumakbo patungo sa clinic. Binalot ng malamig na pakiramdam si Lera nang marinig iyon. Mabilis siyang tumakbo upang sumunod dito. Pumasok siya sa clinic kasunod ni Chesca. Hindi na nagtanong ang nurse na naroon. Iniisip sigurong kasama siya nito. Sa isang kama na tanging kurtina lamang ang tumatabing bilang partisyon sa iba pa'ng kama ay naroon ang kan'yang anak. Nakapikit ito at banayad ang paghinga. Ito ang pinakamalapit na nasulyapan ni Lera ang anak. "Inatake ng hika ang pinsan mo Chesca," ani university doctor. Naalala niya ang araw na unang inatake ang anak. Labis ang pag-aalala niya noon. Wala pa din iyon pinagbago hanggang ngayon. Nilubos niya ang pagkakataon at pumwesto sa gilid ng kama nito. Hinaplos niya ang buhok ng anak. Kinagat niya ang likod ng labi upang pigilan ang sariling lumuha. Nararamdaman niya ang pagtitig ni Chesca at ng doktor sa kan'ya ngunit wala siyang pakialam. "Hindi po ba natin siya dadalhin sa ospital?" tanong niya sa doktor. Tumingin muna ito kay Chesca, tila nagtatanong kung sino siya. "Hindi na po Ate Lera. May inhaler naman po siyang dala." Iniwan sila ng doktor nang masigurong mabuti na ang lagay ni Arim. Umupo si Lera sa tabi ng anak. Mayroong maliit na ngiti sa labi niya habang hawak ang kamay nito at panaka-nakang hinahaplos ang mukha. Ang pinsan naman nito'y puno nang pagtatakang pinagmamasdan siya. "Palagi ba siyang inaatake ng hika?" "Ngayon na lang po ulit. Baka po napagod siya sa paglalaro, sobrang init din po kasi." Alam niya naman na hindi ito papabayaan ni Lucas ngunit nais niyang alagaan ito. Alaga ng isang ina na kailanman ay hindi kayang ibigay ng kahit anumang gamot. "Hello, Tito Lucas. Nandito po kami sa clinic. Natutulog pa po siya. Okay naman po si Arim. Sige po." Mula sa pagkatulala sa natutulog na anak ay umangat ang tingin ni Lera kay Chesca. Tumayo siya at masuyong hinaplos muli ang mukha ng anak. Gustuhin niya man na manatili doon upang bantayan ito ay hindi siya maaaring maabutan ni Lucas. Kapag nalaman nitong lumalapit siya sa anak ay baka muli itong ilayo sa kan'ya. "Aalis na po kayo?" Marahan siyang tumango kay Chesca. "Mayroon pa kasi ako'ng klase. Huwag mo na lang sana'ng banggitin kay Sir Lucas na nanggaling ako dito." Mataman siyang tinitigan ni Chesca. Labis na nagtataka ang dalagita sa inaasta nito. "Mr. Valle, nasa likod po ng ikalawang kurtina ang anak n'yo." "Thank you doc." Mabilis na naalarma si Lera nang marinig ang boses ng lalaking dapat niyang pagtaguan ngayon.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
super love this story❤❤❤
30/08/2022
1nice po
17/10
0Ang ganda
07/08/2025
0Tingnan Lahat