Chapter 25 (Part 2)

Si Ginang Juana ang dumating. Nakalimutan yata nitong itago ang emosyon nang gumuhit sa mukha nito ang pagkabigla sa bagong anyo ng babaeng inapi niya noon.
"Magandang araw Ginang Juana. I was expecting Lucas to be here, not you. Sabagay, ano nga ba ang aasahan ko sa lalaking iyon, kun'di ang magtago sa ilalim ng saya ng kan'yang ina."
Marami ang nagbago kay Lera hindi lamang sa pisikal na anyo kun'di maging sa panloob. Mas matapang at palaban na siya ngayon.
Matalim na tingin ang ipinukol sa kan'ya ng ginang. Gusto niyang matawa, hindi na siya nito kaya pa'ng husgahan ng tingin.
"Si Lance Arim Santillan Valle —"
"Santillan?" Pagputol niya sa sasabihin ng judge na pumapagitna sa kanila. Natapos na ang pagprepresenta nila ng mg papeles kung kaya't magbibigay na sana ito ng hatol, kung nararapat ba'ng dumiretso sa korte o hindi na, kaya lang ay hindi napigilan ni Lera ang magtaka. Inaasahan niya nang Valle na ang apelyido ng anak at dahil nga nilayo na ito sa kan'ya ni Lucas, akala niya'y apelyido na ni Maica ang gagamitin sa middle name dito.
Pasimple siyang hinawakan ng kan'yang abogado. Hindi niya maaaring putulin ang pagsasalita ng judge.
"Si Lance Arim Santillan Valle ay pitong taong gulang na. May karapatan na siyang mamili kung kaninong magulang sasama. Iminumungkahi ko na magkaroon na lamang kayo ng joint custody sa bata."
Sa ikalawang pagkakataon bigo si Lera. Isang ngisi ang iniwan sa kan'ya ni Ginang Juana bago ito lumabas ng kwarto.
Hindi pala makakaya ng pera na madaling makuha ang nais niya.
"What's your next plan?" tanong sa kan'ya ni Peter na kasama ni Maris sa paghihintay sa kan'ya sa loob ng sasakyan.
Sinundan niya nang tanaw ang papalayong kotse ni Ginang Juana.
"Pakisundan ang kotseng iyon Peter."
Nag-aalangan man ay sinunod pa din siya nito.
Natatandaan niya pa din ang direksyon patungo sa mansyon ng mga Valle. Imposibleng hindi, gayong pabalik-balik siya dito noon.
Nang mawala ang kan'yang ama ay umalis na sila sa Sta. Ignacia kung kaya't naninibago siya sa dinaraanan nila, subalit magbago man ang lugar ay parehong memorya pa din ang kan'yang naaalala. Memoryang punong-puno ng kalungkutan.
"Teka, maling bahay yata ang hinintuan ni Ginang Juana," puna ni Maris nang huminto ang sinasakyan ng ginang sa isang bagong tayong bahay na kasinglaki din ng mansyon nito.
Mataman niyang pinagmasdan ang bahay. Ano'ng naisipan nito upang magpatayo muli ng mansyon?
Ang kan'yang pagmamasid sa bahay mula sa malayo ay natigil nang dumapo ang kan'yang mata sa isang pamilyar na batang lalaki.
Mayroon itong itinutulak na bike palabas ng gate. Huminto ito sa bintana ng kotse ni Ginang Juana upang magbigay ng halik sa pisngi nito.
Sa edad na pitong taon ay tumangkad na ito at mas lalong nakita ang pagkakahawig kay Lucas.
Bumilis ang tibok ng puso ni Lera nang makita ang anak matapos ang higit tatlong taon.
Walang pakundangan niyang binuksan ang pintuan ng kotse upang sana'y puntahan si Arim ngunit mahigpit na hinigit ni Peter ang kan'yang braso.
"Peter, ano ba? Bitiwan mo nga ako!"
Hinila siya ni Peter papasok pagkatapos ay ni-lock ang pintuan.
"Peter, pupuntahan ko ang anak ko!" Halos magwala na siya sa loob upang makalabas.
"Lera! Huminahon ka! Matagal mo'ng pinaghandaan ang araw na makapaghiganti at mabawi ang anak mo, kaya huwag mo'ng sayangin iyon. Huwag ka'ng magpadalos-dalos!"
Natahimik si Lera nang marinig ang sinabi ni Peter.
"Sa tingin mo kapag lumapit ka d'yan ngayon ay sasama sa'yo ang anak mo? Hindi Lera. Tingnan mo siya. Look at the smile in his face."
Sinunod niya ito. Hindi na ito mag-isang nagba-bike. Kasama na nito si Lucas na nagbibisekleta palayo sa kanila. Kitang-kita niya ang ngiti at paggalaw ng balikat ng anak. Simbolo na masaya ito sa piling ng ama.
"Ang sabi ni Attorney, si Arim ang magdedesisyon kung kanino siya sasama. Sa ngayon Lera, hindi ikaw ang pipiliin niya. Ilang taon ba siya nang malayo sa'yo? Tatlo? Limitado lang ang maaalala niya tungkol sa'yo."
Tuluyan nang kumalma si Lera. Napagtanto niyang may punto ang kaibigan. Mataas ang posibilidad na kung lalapitan niya ito ngayon ay baka hindi siya makilala ng bata.
Nakontento siyang pagmasdan ang anak hanggang sa mawala na ito sa paningin niya. Pinalis niya ang luha. Ito pa rin ang lakas at kahinaan niya.
"Tara na," pag-aaya niya sa dalawang kaibigan. Natatakot siyang baka kung mananatili pa siya doon ay hindi niya na mapigilan ang sariling bumaba ng sasakyan at kunin ang anak.
"Lera. Hindi naman sa kinokontra kita, pero nag-aalala lang ako sa plano mo. Sigurado ka ba na babalik kayo sa Sta. Ignacia?" bakas ang pag-aalala sa mukha ni Maris nang malaman ang plano ng kaibigan.
Wala ito sa plano ni Lera. Hindi niya gusto ang lugar na kinalakihan subalit sa puntong ito ay wala siyang ibang naiisip kun'di manirahan doon upang maisagawa ang plano.
"Oo, Maris. Sinabi ko naman sa'yo 'di ba? Hindi ako babalik ng Hongkong hangga't hindi kasama ang anak ko."
Marahas na napabuntong hininga si Maica. Noon pa man ay matapang na ang kaibigan niya subalit mas higit pa itong naging matapang ngayon.
"Ano ba talaga ang plano mo sa pagbabalik doon?"
Pinaikot ni Lera ang wine sa loob ng babasaging baso na hawak niya. Tumayo siya at pinagmasdan ang malakas na buhos ng ulan mula sa bintana ng kan'yang kwarto.
Inamoy niya ang wine bago sumimsim dito.
Ang init na dulot ng alak sa katawan niya ay lalong nagpalakas sa kan'yang loob upang gawin ang plano.
"I'll seduce my son's father."

Komento sa Aklat (71)

  • avatar
    BarcinasNecresia

    super love this story❤❤❤

    30/08/2022

      1
  • avatar
    Rolando Priagola

    nice po

    17/10

      0
  • avatar
    Cely Bautista Andres

    Ang ganda

    07/08/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata