CANDICE acted as if no one entered her office when Max stepped in with her friends. "You didn't tell us you're going here." Tiningnan niya si Key nang mataman. "I told Nice about me leaving." Tiningnan nilang dalawa ni Ten ang dalagang parang walang pakialam sa mundo at prenteng nakaupo sa visitor's chair na nasa harap niya. Naningkit ang mga mata ng mga ito at biglang inatake ng batok ang salarin. Kaagad naman itong umalis sa kinauupuan at nagtago sa likod niya. Siya nama'y napalatak at hinayaan lang na gawin siyang shield ni Nice. At mula sa gilid ng mga mata, tiningnan niya ang binatang matamang nakatingin lang sa kanilang apat. Max looked thinner the last time she saw him. Nangingitim din ang ilalim ng mga mata nito at mas lalong humaba ang mga bigoteng tumubo sa pisngi nito. Seeing his state, she felt something tugged her heart but she didn't let it melt the negative feelings he inflicted on her. Maliit na bagay lamang kung tutuusin ang dahilan ng sama ng loob niya rito pero ganunpaman, sinaktan parin siya nito. And she planned to get even, or even not, make him feel the pain she's feeling. Nabalik siya sa ulirat nang maramdamang sumakit ang bumbunan niya. "Aray!" Sigaw niya at hinawakan ang parte ng ulong nasaktan. Nakita niyang bahagyang umangat sa kinauupuan ang binata pero nang mapagtantong galit siya rito ay umayos ito ng upo at tumikhim na lang. Masama niyang tiningnan si Key na siyang dahilan ng masakit na ulo niyang ikinatigil nito at ng dalawa pa. Napalabi naman si Ten at bumalik sa kinauupuang sofa kanina katapat ng inuupuan ng binata saka humalukipkip. Sumunod na rin ang dalawa rito. Siya nama'y umayos ng upo habang sapu-sapo ang ulo. "Why are you even here?" Napangiwi siya nang diinan ang pagkakahawak sa ulo. Si Ten ang sumagot. "Because you're here?" Patanong na saad nito. Napabuntong-hininga siya at sumandal sa upuan. "Shouldn't you be at your respected areas doing some stuffs?" "Actually, sinamahan lang namin ang isa riyan dito para kamustahin ka. Iniwan mo lang daw siya kanina sa mansion kaya hindi kayo nakapag-usap." Kumunot ang noo niya at umiiling-iling. "Magsialisan na nga kayo. I can't concentrate on reading these reports from the generals." Pagtataboy niya sa mga ito habang nakatuon ang pansin sa binabasa bago pa pumasok ang mga ito. Kita niyang nagsikuhan ang mga ito at pasimpling tinulak-tulak si Max papunta sa kanya. Umiling lang ito at saka nauna nang naglakad papunta sa kinaroroonan ng pinto. "We're leaving, you're majesty. Call me when something happens." Pormal na paalam niya bago pinihit ang pinto. Bago pa nito mabuksan ang pinto ay bumukas na ito at iniluwa ang taong inaasahan niyang makikita niya. Tumayo siyang may ngiti sa mga labi at binati ang taong kapapasok lang. Nanatili namang nakatayo ang apat sa gilid at kunot ang mga noong nakatingin sa bagong dating. "Hi. I know you'd come." Napalatak ito at prenteng umupo sa upuang kaharap niya. "I know you're expecting me," tiningnan niya ang apat, "And I didn't know you got visitors before me." Anito at matamang tiningnan isa-isa ang mga ito ngunit tumagal ang titig nito kay Nice. Ngumisi ito at kinindatan ang kaibigan. "You got the face. I like you already." Nice gave him a deadpan look and went out of her office. Sumunod naman ang dalawa pero huminto ang mga ito para kaladkarin ang binatang nagpalipat-lipat ang tingin sa kanya at sa lalaking nakaupo sa harap niya. Bumuka ang bunganga nito pero bago pa ito makapagsalita ay nakalabas na ito habang darag ng dalawa. "It's your fault if she's already taken!" Rinig niyang mahinang sigaw ni Key rito bago sumarado ang pinto. Nang masigurong malayo na ang mga ito ay binalingan niya ang pinsan. "So, have you made up your mind?" Nang matapos ang pag-uusap nilang dalawa kahapon ay sinabihan niya itong maging miyembro ng council. At hindi niya alam na madali pala itong kausap. Napabuntong-hininga ito. "Just so you know that I'm doing this not because I want to but because I need to. I need to find out what happened to my father and serve him justice if anyone killed him. My mom suffered because of his death and we're clueless about what truly happened to him," tiningnan siya nito nang mataman bago muling nagsalita, " And I want the woman with the golden eyes." She swallowed the shocked gasp on her throat and looked at him coolly. "Get her if you can. She's no ordinary woman I tell you." Nagkibit-balikat ito. "I know. She's of royal descent after all." "You somehow know something about my friend." He shrugged. "I saw the two of her already. And I wanted to meet the third. Glad I decided to join your organization. My wish was granted even before I said yes. Luck really run in the family, aye?" Umangat ang sulok ng mga labi niya. "Indeed. Luck is really on our side." _________ Happy 2000! Thanks for the 2000 readers reading my story.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
i want to read this ..
05/06/2025
0super Ganda Ng story
09/02/2024
0I like it
19/07/2023
0Tingnan Lahat