Homepage/The Innocent's Revenge/
Chapter 8
E I G H T
Maximum Prison …
Nasa kalagitnaan ng pagtulog si Connor ng gabing iyon, nang may humablot sa dalawa niyang braso dahilan upang maalimpungatan siya. Pilit siyang ibinangon ng dalawang pares ng kamay na huila sa kaniya. Nang maibangon na siya ng mga ito kahit pa nga siya ay nanlalaban, may isa pang pares nang kamay na lumitaw mula sa kawalan, ang isang kamay nito ay may hawak na tuwalya at nanlaki ang mata niya ng ibinusal sa kaniya ang tuwalyang iyon.
The room was in silence and you can’t hear anything except from the whispering between his cell mates and her muffle groans of resistance.
“Wag ka nang pumalag!” pagalit na bulong ni Mario, ang boss nang selda na iyon, na siya ring bumugbog sa kaniya nang araw na pumasok siya sa seldang iyon.
Itinulak siya ng mga ito at idiniin ang kaniyang katawan sa rehas. Patuloy pa ring nanlalaban si Connor ngunit nang mahawakan siya ng lalaki sa buhok ay iniangat nito ang kaniyang ulo, kapantay mismo ng hawak nitong patalim. Ipinakita nito ang hunter’s knife na hawak hawa nito sa mismong mukha ni Connor. Agad siyang nabalot ng takot para sa kaniyang buhay. Nanlaki ang mga mata ni Connor sa takot at napailing ng paulit ulit, pilit na ipinahihiwatig sa mga ito na maawa na sila, hindi siya lalaban wag lang siya saktan ng mga ito.
“Hawakann niyong mabuti yan, tatatakan ko ang lalaking iyan,” iiling pa sanang muli si Connor ngunit naramdaman niya na lang ang sakit mula sa kniyang kaliwang balikat papunta sa kaniyang kanang baywang at muling umilit sa iba’t ibang parte ng kaniyang katawan. Napahiyaw si Connor, ngunit walang nakaririnig noon dahil sa tuwalyang ibinusal sa kaniya ng grupo. The man slashed him on his back using that hunter’s knife he just showed him. He repeatedly slashed him, hanggang sa halos mawalan na nga ng malay si Connor.
Nang makita ni Mario ang duguang likod ni Connor ay ngumiti ito na akala mo isang pintor na nasiyahan sa kaniyang masterpiece. Matapos noon ay hindi pa nga nakuntento si Mario, hinablot niya si Connor at ipinihit upang humarap ito sa kaniya at sinimulan itong paulanan ng mga suntok. Hanggang sa mawalan siya ng malay.
Kinabukasan ay may dalaw si Connor sa kulungan. Pinilit niyang silipin kung sino ito. Nang makitang si Don Rodrigo ang bumisita sa kaniya ay lumabas siya upang harapi ito. Mabagal ang lakad ni Connor at iika ika dahil sa mga injury na natamo nito mula sa ginawa sa kaniya ng mga ka selda nang nagdaang gabi.
Nang makita ni Don Rodrigo si Connor ay hindi siya makapagsalita. Pikit at kulay talong ang kaliwang mata ni Connor, pilay pilay maglakad, puno ng galos ang mukha braso at mga hita nito. Parang nadurog ang puso niya ng makita ang kalagayan ng lalaki.
“Balita ko, hindi mo raw hinaharap ang best friend mo tuwing dumadalaw siya sa iyo?” bungad na salita ni Don Rodrigo kay Connor.
“Paano ko naman po gagawin iyon Don Rodrigo? Eh tignan naman po ninyo ang hitsura ko. Hindi naman po kakayanin ni Laurel na makita na ganito ang hitsura ko. Mag aalala lang po iyon.Madudurog po ang puso niya,” sagot ni Connor na may luha ang mga mata.
Hindi nakakibo ang Don sa sinabi ni Connor. Nakokonsensya siya sa nangyari kay Conoor sa loob ng kulungan. Maging siya ay naawa rito. Bago pa man nakapagsalita ang Don ay muling nagsalita si Connor.
“ Don Rodrigo, parang awa ninyo na po, ilabas na po ninyo ako dito. Hindi ko na po kaya. Hirap na hirap na po ako. Halos mamamatay na ako dito,” umiiyak at nagmamakaawang hinawakan ni Connor ang kamay ni Don Rodrigo. Hindi maikakaila sa mukha ni Connor ang kagustuhang makalabas na sa impyernong kinalalagyan niya ngayon.
“ Connor, ginagawa ko naman ang lahat ,”
“pero nangako ka di ba? Nangako kayo sa akin ni Sophia na tutulungan ninyo ako. Na hindi ako makukulong ,” humahagulgol at nakatingin sa mga mata ni Don Rodrigo ng sabihin iyon ni Connor.
“Malakas lang talaga ang kalaban,” ani Don Rodrigo matapos dahan dahang alisin ang kamay ni Connor na nakahawak sa kaniyang kamay.
“Pero, Don Rodrigo, sir. Hindi ko na ho talaga kaya dito. Hirap na hirap na po ako eh. Tulungan na po ninyo ako makalabas. Sasabihin ko na ho yung totoo sa mga pulis. Sasabihin ko na ho na si Sophia ang totoong nakapatay kay Krysta,” Pinilit na magsalita ni Connor sa gitna ng pag hikbi. Ngayon lamang siya umiyak ng ganito buong buhay niya. Hindi niya na talaga kaya ang hirap at pagdudusang nararanasan niya dahil lamang sa bagay na hindi naman siya ang gumawa. Muling hinawakan ni Don Rodrigo ang kaniyang kamay at sinabing,
“Connor, patawarin mo ako na hindi ko natupad ang pangako ko sa iyo. Pero hindi ako tumtigil gumawa ng paraan para makalabas ka sa kulungan. Maniwala ka sana sa akin,”
Matapos sabihin iyon ng Don ay agad binawi ni Connor ang kaniyang kamay mula sa pagkakahawak nito.At nagsimula na namang bumuhos muli ang kaniyang mga luha. He was in so much pain. Mentally, physically and emotionally. Hindi na alam ni Connor ang gagawin kundi ang umiyak na lang ng umiyak hanggang sa maubos ang kaniyang luha.
Matapos ang kalahating minuto ay nagsimula nang tumayo si Connor at maglakad pabalik sa loob ng kulungan. Tinawag siya ni Don Rodrigo ngunit hindi siya kumibo o nilingon man lamang ito. Hindi na siya muling magtitiwala at maniniwala sa mga sasabihin nito. Pinabayaan siya ni Don Rodrigo at ng anak nitong si Sophia. Hinayaan siya ng mag ama na magdusa at maghirap sa kulungan para sa kasalanang hindi naman siya ang gumawa.
“Ang kakapal ng mga mukha ninyo, pinabayaan ninyo ako. Hinayaan ninyo akong mabulok sa kulungang ito,” nakakuyom ang mga kamay na bulong ni Connor habang siya ay naglalakad patungo sa kaniyang selda. Puno ng galit at hinanakit ang nararamdaman ni Connor ng mga oras na iyon.
Nang makapasok na siya sa kaniyang selda ay tumayo siya sa gitna noon ng hindi niya namamalayan. Para siyang robot kumilos. Walang pakialam sa paligid, walang emosyon at nararamdaman kundi poot. Poot sa mag amang Santillan, poot kay Mykael na nagdiin sa kaniya, poot sa gobernador, at sa buong mundo. Wala na halos mapaglagyan ang kaniyang poot na nararamdaman. Nakatayo lamang siya, nakakuyom ang palad at nakatingin sa kawalan habang inaalala ang lahat ng nangyari sa kaniya kung bakit siya napunta sa ganitoong sitwasyon.
Nang biglang pumasok si Mario, ang boss sa seldang iyon at hinila siya at tinabig para tumabi. Agad namang nagulat si Connor nang gawin ng lalaki iyon. Nanatili siyang nakatayo kahit pa nga ginawa iyon ni Mario.
“Ano, paharang harang? Paharang harang ka, sa iyo ba tong seldang to ha? Saka ano yang tinitingin tingin mo ha? Ano kaya mo na ko ha?” tanong ng lalaki sa maangas at matapang na tono pagkatapos ay binato siya nito ng kumot sa mukha na agad din namang nahulog sa semento dahil hindi niya sinubukang saluhin ito.
Hindi kumibo si Connor ngunit hindi pa rin siya umalis sa pwestong kinatatayuan niya.
“Oh anong tinitingin tingin mo ha? Bakit lalaban ka? Kaya mo na ako? Matapang ka na ba ha?” sunod sunod na galit na tanong ni Mario at tumayo mula sa kinauupuan nitong kama upang hablutin ang leeg ni Connor at sakalin ito.
Ngunit laking gulat ni Mario nang hindi pa man nakalalapag ang kaniyang kamay sa leeg ni Connor ay tinabig na agad nito ang kaniyang kamay at dahil doon nawalan ito ng balanse dahilan para mahila ni Connor ang kaniyang kamay at maitulak ito sa pader. Nasaktan ang lalaki sa ginawa ni Connor ngunit bago pa ito makapagreklamo at makapagsalita ay inilagay na ni Connor ang kaniyang mga braso sa leeg ni Mario at nilagyan ito ng pwersa dahilan upang mmahirapan itong huminga. Ang tatlong alipoes nito na naroon sa loob ng selda ay akmang susugod upang tulungan ang kanilang boss ngunit bago pa makalapit ang mga ito ay natadyakan na ni Connor ang mga lalaki. Nawalan ng balanse ang mga alipores ni Mario at nagsimulang matumba ang mga ito.
Binilisan naman ni Connor ang kilos at agad na kinuha ang kaniyang sepilyo upang itutok sa mga lalaking muling lalapit. Matulis ang dulo ng sepilyo dahil lagi itong kinikiskis ni Connor sa pader upang mahulma ang mala kutsilyo sa tulis na dulo nito. Nanlaki naman ang mata ng mga alipores nang gawin niya iyon at itinaas ang kanilang mga kamay, senyales na suko na ang mga ito.
Binalingan niyang muli si Mario nang maramdamang nanlalaban ito sa pagkakaipit niya rito sa pader at itinutok dito ang sepilyo saka sinabing,
“Sige, ha Sige! Saktan ninyo ako! Ang tagal tagal ko ng nagtitimpi sa inyo. Ang tagal ko na kayong pinagpapasensyahan sa lahat ng ginagawa ninyo sa akin! Ano! Sige! Saktan ninyo ako ngayon, kung gusto mong itarak ko sa ulo at puso mo ito!” pagbabanta ni Connor sa lalaki at kitang kita sa mga mata at mukha nito ang takot na nararamdaman nang mapuno si Connor.
“Tandaan mo! Hindi ako magdadalawang isip na itarak ito sa inyo! Subukan niyo lang talaga ako! Ngayon ninnyo ako subukang saktan at maaga kayong magkikita kita nina Satanas!” Sigaw muli ni Connor at inihagis si Mario papunta sa kumpulan ng kaniyang mga alipores nang makita ni Connor na halos mawalan na ito ng hininga.
Puno ng takot ang mukha ng mga ito. Alam nila sa kanilang mga sarili na tototoohin ni Connor ang banta niya sa mga ito kung kaya naman agad silang nagsitango ng paulit ulit para makita ni Connor na sineseryoso nila ang sinabi niya.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (22)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
salamat hahha
21/09/2024
0injoy me
19/06/2024
0Nice story 😊
21/04/2024
0Tingnan Lahat