Chapter 24

T W E N T Y - F O U R
Nawalan nang malay si Sophia habang patungo sa ospital kaya naman ginamit iyon ni Connor na tyansa para tawagan si Red.
“Red, papunta kami sa St. Martin Hospital manganganak na si Sophia. I need you to head there and talk to the doctors and nurses. Bayaran mo silang lahat. I need them to tell her na namatay ang batang lalaki so I could get my son away from them,” utos ni Connor kay Red sa telepono at sumulyap siya sa kaniyang rearview mirror at nakitang nakatitig sa kaniya si Laurel.
Connor is having a hard time reading what is on Laurel’s mind. Kinakabahan si Connor na magalit ang babae sa kaniyang pinaplano. Ngunit nang makita niya ang determinasyon sa mata at pag tango ni Laurel, ay nakahinga ng maluwag si Connor. He knew that she agreed with her plan.
Nang makarating sila sa ospital ay nakita nilang naroon na si Red. Tinanguan siya nito at kinausap ang doktor. Nang tingnan ng doktor si Connor ay tinawag niya ang isa sa mga nurse upang bigyan ng PPE ang lalaki. Agad namang nagkaroon ng malay si Sophia nang ipasok siya sa Emergency Room.
“Please, save my babies, doc. Please save them,” humahagulgol na pagmamakaawa ni Sophia sa doktor.
“Misis, gagawin po namin ang lahat para ma-i-salba ang mga anak ninyo,” sagot naman ng doktor.
Nang lummingon si Sophia ay nakita niya ang mukha ni Connor. Agad niyang kinuha ang kamay nito at sinabing,
“Connor wag mo akong iwan, please. Natatakot ako. Asan si Mykael?” ani Sophia.
“Laurel is now contacting your husband. I just persuade the doctors to let me in dahil nag aalala ako sa iyo,” sagot ni Connor.
Sophia smiled and it was sweet. Sa pag aakalang nag aalala talaga sa kaniya si Connor. At nang maramdaman na naman niya ang sakit ay napahiyaw siya. The contractions are very painful. Sophia felt like she’s dying real soon.
“Misis, your babies are in danger, kailangan ka naming operahan. Kung hindi natin ito gagawin, hindi namin masisave ang buhay ng mga anak ninyo,” untag ng doktor kay Sophia.
After Sophia agreed to the doctor, her pain subsided and everything went black.
* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
St. Martin Hospital Delivery Room 4
Nagmamadaling ibinaba ni Mykael ang babae sa passenger seat ng kaniyang kotse at tumawag ng nurse.
“Nurse! Nurse! Manganganak na siya!” sigaw ni Connor.
Agad namang kumuha ng stretcher ang mga nurse at isinakay ang babae na ang pangalan ay Lorraine. At muli niyang narinig na sumigaw si Lorraine.
“Lorraine, it’s going to be okay. I’m here. Wag ka mag alala. Sasamahan kita hanggang sa mailabas mo ang baby natin,” ani Mykael sa babae. Sasagot na sana ang babae nang maramdaman na naman ni Lorraine ang pag hilab ng kaniyang tyan at napasigaw ito sa sakit.
Nang makarating sila sa delivery room ay hiinarang si Mykael ng mga nurse at agad na nag panic si Lorraine at sumigaw.
“Siya ang tatay ng anak ko , papasukin ninyo siya, parang awa niyo na,” malakas na pahayag ni Lorraine.
Kung kaya naman ay binigyan ng PPE si Mykael at pinayagang makapasok sa loob ng delivery room.
Makalipas ang kalahating oras ay nailabas na ng maayos I Lorraine ang kanilang anak. Isa itong malusog na batang lalaki. Napakasaya ni Mykael. This is his first born. After so many years of waiting nahawakan na niya ang kaniyang panganay na anak. Napaluha pa si Mykael sa saya. Nang tignan niya si Lorraine ay nakangiti ito habang pinagmamasdan ang kaniyang mag ama bago nawalan ito ng malay.
* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
Hinihintay ni Mykael na magising si Lorraine nang tumunog ang kaniyang cellphone. It was Laurel.
“Hello, Laurel. What’s wrong? Bakit napatawag ka?” tanong ni Mykael.
“Mykael, nasaan ka ba? Kanina pa kami tumatawag sa iyo ni Connor! Nanganak na si Sophia. Nandito kami sa St. Martin. Your baby is in NICU. Nakainom siya ng tubig mula sa panubigan at nakakain din siya ng sarili niyang dumi,” pahayag ni Laurel na nakapag patayo kay Mykael mula sa kaniyang inuupuan.
“What? What happened? Eh yung isang baby? Kamusta siya? Okay lang ba siya? Si Sophia, kamusta siya?” sunod sunod na tanong ni Mykael kay Laurel.
“Namatay ang baby boy ninyo. I’m sorry. The doctor did all their best to save him at hindi na siya maisasalba pa dahil lumabas siya na wala nang heartbeat. As per Sophia, wala pa siyang alam sa lahat ng bagay dahil wala pa rin siyang malay. You have to get here,” ani Laurel.
“Yes, I’ll be there in fifteen,” sagot ni Mykael. Nang lingunin niya si Lorraine ay nakita niyang gising na ito at mukhang narinig nito ang lahat.
“Hindi pa alam ng asawa mo na patay na ang isa ninyong baby? Take our baby. Gawin mo kung ano ang dapat mong gawin. Naririnig kita kanina na hindi mo na hahahayaang mawalan ka pa ulit ng anak dahil nakailang beses nang nakunan ang asawa mo. Wala na tayong magagawa sa pagkamatay ng isa sa kambal ninyo, but then, take our baby. I just need you to pay me at hayaan mo akong makita ang bata ppaminsan minsan,” ani Lorraine na lumuluha.
“Thank you, Lorraine. Thank you. I will make sure na lagi mong makikita ang anak natin. I’ll hire you as one of the nanny and you’ll take care of Lucas. We will name him Lucas. Kaya please, kailangan mong magpa galing. Kailanagan ka ng anak natin,” ani Mykael at humalik sa noo ni Lorraine bago lumabas ng kwarto nito at inasikaso ang pakikipag sabwatan sa mga nurse at doktor na nag asikaso kay Lorraine.
* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
St. Martin Hospital waiting area…
Nakaupo sina Red, Connor at Laurel sa waiting area habang hinihintay na ilipat si Sophia sa kaniyang kwarto.
Nang matapos sa tawag si Red ay nag salita ito.
“Boss, pwede ba kitang makausap in private?” tanong nito kay Connor at tinignan si Laurel. Sending Connor a message na tungkol ito sa kanilangmga plano.
“No. You can talk to me here. Laurel knows everything,” ani Connor kay Red at nilingon si Laurel.
“Laurel, this is Red ang aking kanang kamay. Well he is my brother legally. Inampon siya nina Mama at Papa limang taon na pero hindi pa rin ako nahahanap. And he is a brother to me. I trust him with all my life,” ani Connor.
“Hi Red! Nice meeting you. And thank you sa pag aalaga mo kay Connor, nang mga panahong wala ako para gawin iyon,” ani Laurel
“Pleasure is all mine, Laurel. He is a great brother for me,” wika ni Red at humarap naman kay Connor.
“Nanganak na si Lorraine, bro. Nag report sa akin si Lorraine at ang mga nakatokang mag bantay sa kaniya at kay Mykael. And guess what? Matalino talaga si Lorraine. She offered the baby to replace ‘the dead baby’ at sinabi kay Mykael na kailangan niya ng pera at gustong makita ang kaniyang anak. Now hintayin na lang natin si Mykael na dumating,” nakangising pahayag ni Red.
“Tuso sa tuso. I like it. Madami tayong magiging bala at panakot sa mag asawang yan. Now, kailangan ko nang tawagan si mama para maiuwi na sa mansiyon si Sebastian,” ani Connor.
Malapad ang ngiti ni Laurel nang mapagtantong may pangalan na ang anak ni Connor.
“Sebastian… Your baby’s name is beautiful. Just like him,” ani Laurel kay Connor.
“What? Who told you it was just my baby? You will be his mom. I mean… well… kung papayag kang maging mommy ni Sebastian?” utal utal na pahayag ni Connor.
Laurel felt like she was in cloud nine when Connor told her that she will be Sebastian’s mom. Dahil nang unang beses pa lamang sabihin ni Connor na anak niya ang isa sa mga kambal ay inangkin na ni Laurel na kaniya ang batang iyon. And now, Connor telling her siya ang tatayong ina ni Sebastian was a dream come true.
“Of… Of course… I would love too,” masayang pahayag ni Laurel at kitang kita niya kung paano nawala ang kunot sa noo at pag aalala ni Connor.
“Oh wow. I think, I am hearing the sound of the wedding bells,” natatawang pahayag ni Red at siniko naman siya ni Connor.
“Not yet, uncle Red. Madami pa tayong plano,” aani Connor na ikinatango naman ni Laurel.
“Well said,” sagot ni Red.
Nasa gitna sila ng pag uusap nang dumating si Mykael. Na humahangos at may bitbit na sanggol.
“Guys, mahabang paliwanag but, this is my baby from another mother. Nakausap ko ang mga doktor at sinabing wala pa ring malay si Sophia. I need to replace this baby. I need your help, para hindi niya malaman ang mga ito,” gulat na gulat ang tatlo at sumang ayon na lamang sa plano ni Mykael.
“I agree with you, dude. Hindi na kailangan pang malaman ni Sophia ang nangyari sa isa sa mga kambal. It will just break her heart,” Ani Connor.
“Salamat pare, I owe you guys,” ani Mykael at tumalikod na upang asikasuhin ang mga kailangan niyang asikasuhin.
“You owe me way more than one, Mykael. And I’ll make sure to make you pay for every single thing,” ani Connor na mahina ngunit hindi nakaligtas sa pandinig ng dalawa.

Komento sa Aklat (22)

  • avatar
    Jemuel Rafanan

    salamat hahha

    21/09/2024

      0
  • avatar
    Mary Jane Leones

    injoy me

    19/06/2024

      0
  • avatar
    Bayawa jr.Rogelio

    Nice story 😊

    21/04/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo