Homepage/The Innocent's Revenge/
Chapter 23
T W E N T Y - T H R E E
Nang umagang iyon ay maagang umalis si Connor lupang bisitahin si Sophia. Gusto niyang malaman ang kalagayan ni Sophia. Araw na lang ang hinihintay nila sa paglabas ng mga sanggol.
Nang makarating siya sa bahay ng mga Castillo ay agad niyang kinuha ang isang bungkos ng bulaklak, tsokolate at mga prutas. Nang pumasok siya sa pintuan ng bahay ay agad niyang nakita si Sophia. Nang tumingala ang babae ay lumapad ang ngiti nito nang makita ang mga hawak ni Connor, iniisip na para sa kaniya ang lahat ng iyon.
Dahang dahang tumayo si Sophia at sabay namang pag labas ni Laurel sa kusina. Ngumiti ng malapad si Connor nang makita si Laurel.
“Sophia, Laurel. Good morning,” bati ni Connor.
Lumapit si Sophia kay Connor nang dahan dahan at nang ilang pulgada na lamang ang layo niya ay huminto ang lalaki at iniabot sa kaniya ang mga prutas na dala nito, at tumingin kay Laurel na masama ang tingin sa kanila.
Connor knew why Laurel is frowning. Dahil ang mga dala ni Connor na bulaklak at tsokolate ay mga paborito ng babae. She though na ibibigay ni Connor ang mga ito lahat kay Sophia. But then, matapos niyang iabot ang mga prutas kay Sopphia ay lumapit si Connor kay Laurel at sinabing,
“Wag ka na sumimangot, please? Papangit ka niyan. These are for you,” at iniabot ni Connor ang bungkos ng lilies at ang paboritong tsokolate ni Laurel sa kaniya.
Bakas ang gulat sa mukha ni Laurel. Nanlaki ang mga mata nito nang mapagtantong para sa kaniya ang mga iyon.
“Para sa akin ang lahat ng ito?” tanong ni Laurel
“Well, yes. Who else would I give those lilies and chocolates na mga paborito mo?” pahayag ni Connor at pumalatak ito.
Lumapad ang ngiti sa labi ni Laurel at hindi naman nakaligtas sa kaniyang peripheral vision ang reaksiyon ni Sophia. The bitch thought it was for her. Ha! Sobrang kompiyansa naman ng babaeng ito. Ang magagandang bulaklak na ito ay hindi nababagay sa isang babaeng katulad niya na manggagamit at makasarili.
“Sophia, you mind if I stay here for a while para makipag catch up kay Laurel?” tanong ni Connor kay Sophia
Gulat na gulat si Sophia nang sabihin iyon ni Connor. Here she was, thinking that Connor came for her and her babies. Dahil alam niyang iniiisip nito na maaaring sa kaniya ang mga batang dinadala niya. Pero sa totoo lang ay hindi alam ni Sophia kung sino sa kaniyang asawa at kay Connor ang ama ng mga batang kaniyang dinadala.
“Sophia? Are you okay?” untag sa kaniya ni Connor. She spaced out.
“Uhm, yeah? I’m okay. Don’t worry about me. And of course, pwede kang mag stay dito. Hindi ka naman na iba sa amin, ano ka ba? I have to go upstairs. Masakit na kasi ang balakang ko. I need to rest,” pahayag ni Sophia.
“Okay ka lang ba, Sophia? Gusto mo samahan kita?” nag aalalang tanong ni Laurel.
“No, Laurel. I am perfectly fine. Just stay with Connor,” ani Sophia at ngumiti nang malapad uoang maitago ang kaniyang pagkadismaya.
* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
Sa isang Mall…
Pumunta nang mall si Mykael upang mamili ng damit para sa kanilang kambal. Hindi mawala ang excitement na nararamdaman niya, lalo pa nga at isa sa mga araw na ito ay makakasama at makakapiling na nila ang kanilang mga anak.
Pumasok siya sa isang boutique na pulos damit ng mga sanggol at infant ang tinda. Nagpunta siya sa isang section para sa mga newborns. Nais niyang bilhan ng ternong damit ang kaniyang mga anak. Nang makapunta sa aisle na kaniyang hinahanap ay hindi niya sinasadyang mabangga ang isang babaeng buntis at nalaglag ang lahat ng mga dala nito.
“I’m sorry, miss. Hindi ko sinasadya, hindi ako nakatingin. Nawala sa isip ko na puro buntis nga pala ang mga nagpupunta dito. Are you okay?” Mykael blabbered while picking up everything.
Nang matapos ang kaniyang pag pulot sa ahat ng mga nahulog ng babae ay tumayo siya at iniabot sa babae ang mga ito. He was about to say something at ang ngiti niya ay nauwi sa pag nganga nang mapagtantong ang babae sa kaniyang harapan a ang babaeng kaniyang nakasama nang isang gabi sa isang hotel.
Hinagod niya ng tingin ang babae at nakitang malaki ang tiyan nito at pno g katanungan ang kaniyang isipan at bago pa man siya makapag simulang mag salita ay naunahan na siyang mag salita ng babae.
“To answer your silent question, yes. Ang batang ito ay bunga ng isang gabing nag sama tayo,” wika ng babae.
“But, how? Why?” iyon lamang ang mga salitang nasabi ni Mykael.
“Unfortunately, we forgot to use protection cause we were too hot for each other that night. It was wild and forgot it. So anong ibig mong sabihin sa why?” nakahalukipkip na pahayag ng babae. Halatang hindi natutuwa sa mga tanong ni Mykael.
“I’m sorry. You mind talking somewhere else? Kanina ka pa siguro nakatayo, you need to sit,” ani Mykael at pumayag naman ang babae.
Nang makaupo na sila sa isang private booth ng cafe ay nag salita nang muli ang babae.
“So ano nga ang ibig sabihin mo sa why?”
“Why, I mean bakit hindi mo ipinaalam sa akin na nag buga ang gabing iyon sa pagitan natinng dalawa?” tanong ni Mykael.
“Paano ko sasabihin iyon sa iyo kung hindi mo iniwan ang contact number mo sa akin. You told me you are married and hindi maaaring malaman ng iba na may nangyari sa atin at binayaran mo pa ako para lang sa katahimikan ko?” sunod sunod na pahayag ng babae na halata sa hitsura na galit na galit ito.
“I’m sorry. If I did that. I was an ass. Will you even let me see the child?” tanong ni Mykael.
“Actually, dahil nag kita na tayo. I need to be honest with you. Ayoko sa batang ito. Masisira ang buhay ko kapag nailabas ko na ang batang ito kaya naman naisip kong ipaampon ang bata. Naghahanap na ako ng mga mag asawang maaaring mag ampon sa kaniya,” wika ng babae.
“Say, what? Ipaaampon mo ang bata?” bulalas ni Mykael.
“Yes. May pamilya akong binubuhay. May tatlong kapatid ako na nag aaral sa kolehiyo at dalawang kapatid na nasa highschool. Kailangan kong ipaampon ang batang ito. Malaking tulong sa pamilya ko ang perang ibibigay sa akin ng mag asawang aampon sa kaniya,” muliing pahayag ng babae.
Hindi makapaniwala si Mykael sa sinasabi ng babaeng ito. Ipaaampon niya ang bata. Hindi makapapayag si Mykael na gawin ito ng babae. He needed to convince her not to let the child be adopted by other people. Nais na niya sanang mag offer sa babae na bibigyan niya ito ng monthly allowance at ttutulungan ang pamilya nito sa mga gastusin, wag lang nito ipaampon ang kanilang anak. But then, napasigaw ang babae ng may maramdaman itong sakit sa kaniyang tiyan at nagulat sila nang may bumuhos na tubig sa sahig ng private booth na kinaroroonan nila.
“Manganganak na yata ako!” bulalas ng babae.
Nag panic si Mykael at hindi alam ang gagawin hinndi siya makatayo sa kaniyang kinauupuan nang tingnan siya at sinabing, “Moron! Dalhin mo na ako sa ospital! Manganganak na ako!” sigaw ng babae.
At agad na binuhat ni Mykael ang babae at dinala sa ospital.
* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
“You did what, Connor???!!!” gulat na bulalas ni Laurel nang marinig ang mga sinabi ni Connor sa kaniya.
Inamin ni Connor kay Laurel ang lahat ang katotohanan dahil hindi na niya kayang mag sinungaling sa babaeng hindi naaalis sa kaniyang isipan. Inamin niya rito kung paano nag simula at ano ang nangyari sa kaniya ng mga panahong nawala siya.
“The reason why I want to get you out of this home is, si Sophia ang totoong pumatay sa anak ni Governor Natividad. Gusto kong makatulong noon kay Sophia dahil naaawa ako sa kaniya. Kaya naman inako ko ang kasalanan para sa kaniya. Dahil mahal na mahal ko siya nang mga panahong iyon. Buong pag aakala ko na mahal rin niya ako. Pinangakuan naman ako ni Don Rodrigo na hindi niya ako hahayaang makulong at bibigyan ako ng pera bilang pampalubag loob. Ngunit hindi iyon nangyari. Dahil nakulong ako at idiniin ni Mykael sa pagpatay nila ni Sophia kay Krysta. At sumunod siya sa Amerika at nagpakasasa sila dalawa sa lugar na iyon at kinalimutan ako. Kung hindi pa ako mahahanap ng mga tunay kong magulang bago pa mamatay ang mga ito, malamang ay nabulok na ako sa kulungang iyon. Worst case, namatay na ako. Hirap na hirap ako sa impyernong kulungan na iyon, Laurel. Hirap na hirap. Naranasan kong gumising sa gitna ng gabi dahil naboboring ang mayor ng selda at nakatuwaan niya akong bugbugin at hiwaan sa likod. Naranasan kong gahasain ng mga preso. Naranasan kong ingudngod sa toilet, sa drum sa pagkain at kung ano ano pa. Pagkatapos, sila, nagpapakasarap at nagppapakasaya lang sa Amerika. Kaya hindi ako papayag na hindi ako makaganti sa kanila! Iyon ang rason bakit sa tuwing dumadalaw ka ay hindi ako lumalabas para makita mo. Dahil ayokong makita mo ang paghihirap ko sa impyernong iyon. Dahil alam ko, na mawawasak ka at masasaktan, Laurel,” mahabang pahayag ni Connor na hilam sa luha ang kaniyang mga mata.
Niyakap siya ni Laurel at umiyak kasabay nito. Sobrang lungkot ang nararamdaman ni Laurel dahil wala siya para kay Connor ng mga panahong iyon.
“Oh my God, Connor. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng mga impormasyong ito. I’m sorry, connor. I’m sorry dahil wala ako sa tabi mo ng mga panahong iyon,” puno ng luha na wika ni Laurel kay Connor.
Kumalas si Connor sa pagkakayakap sa babae upang hawakan ang magkabilang bahagi ng mukha ni Laurel at nang makita na puno ito ng luha ay pinunasan niya ang mga luhang itong gamit ang kaniyang magkabilang hinlalaki at hinalikan ang noo ng babae.
“Shhh… Stop crying. Tapos na ang mga iyon. Kaya nga ako nagbalik para bigyan ng hustisya ang mga nangyari,” ani Connor.
“But… You need to tell the police, Connor,” wika ni Laurel.
“No, Laurel. Kailangan kong maranasan nila ang lahat ng hirap na naranasan ko at ng mga magulang ko dahil sa mga pamilyang ito. Ipinag utos ni Don Rodrigo na ipapatay ako para makuha nila ang shares ng mga magulang ko na nakapangalan sa akin, ngunit hindi sila nag tagumpay. Gusto kong maranasan nila ang lahat ng naranasan o at ng mga magulang ko, Laurel. So please, you need to leave this house,” pag mamakaawang pahayg ni Connor.
“No, Connor. Gusto kong mag stay sa bahay na ito, hindi para hindi matuloy ang mga plano mo. But to help you. Bukod sa surveillance videos mo, kailangan mo ng isang taong mapagkakatiwalaan para alamin ang lahat ng galaw ng mag asawang ito,” puno nng determinasyon ang mga mata ni Laurel ng sabihin niya ito kay Connor.
“No Laurel, I can’t let you go through this mess. Ayokong madawit ka pa sa gulong ito na sinimulan ng mga Santillan at Castillo sa buhay ko. I love you, Laurel. Hindi ko hahayaang mapahamak ka sa lahat ng ito,” kontra ni Connor kay Laurel at kasabay noon ay ang pagpapahayag nito na mahal niya ang babae.
“No, Connor. Dawit na ako sa gulong ito simula nang pagsinungalingan ako ni Don Rodrigo ukol sa kaso mo. Hindi ako makakapayag na hindi sila magbayad sa lahat ng ginawa nila sa iyo. Kaya… Wait, what did you say?” sunod sunod na pahayag ni Laurel at huli na nang mapagtanto niya na sinabihan siya ni Connor na mahal siya nito.
“I love you, Laurel. I always do. I just thought I’d say this so you’d let me court you. Kaya inamin ko na sa iyo ang lahat dahil kgusto kong malaman mo na totoo ako ksa nararamdaman ko para sa iyo,” sunod sunod na pahayag ni Connor.
Muling nagsimulang bumagsak ang mga luha ni Laurel mula sa kaniyang mga mata nang marinig ang mga sinabi ni Connor. Napakatagal na panahon ang kaniyang hinintay para lamang sabihin ito ng lalaki. At ngayon, hindi siya makapaniwalang mahal rin siya nito.
“No. You can’t court me, Connor,” wika ni Laurel.
“Wait, What? Why? May nagmamay ari na ba ng puso mo?” gulat na tanong ni Connor kay Laurel.
“Yes. May nagma may ari na ng puso ko, Connor. Noon pa man mayroon nang nagma may ari nito, and it was you. You don’t have to court me anymore, cause I’m saying yes. I love you, too, Connor,” nnakangiti ngunit puno pa rin ng luha ang mukha na pahayag ni Laurel.
Napakasaya ni Connor. For the second time in his life, ay muli na namang napuno ng saya ang kaniyang puso. Una, ay nang makilala niya ang kaniyang totoong magulang at ito, ang malaman niyang mahal rin siya ni Laurel.
“But, Laurel, may nais pa akong malaman mo. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon mo. Pero maiintindihan ko kung magagalit ka sa akin,” ani Connor na puno ng pag aalala ang mukha.
Napakunoot ang noo ni Laurel nang sabihin iyon ni Connor at nagtanong sa lalaki.
“What is it, Connor? Tell me,” ani Laurel
“Inakit ko si Sophia… I… I know hindi ito makatarungan para sa iyo, but… something happened between us and then, she got pregnant,” nag aatubili at puno ng pag aalala na pahayag ni Connor.
“What? You mean… ang kambal na anak ni Sophai ay ikaw ang ama?” Laurel asked in a whispered hiss.
“No… I mean… yes… alam ko mahirap ipaliwanag ito but, the baby boy is mine. At ang batang babae ay si Mykael ang ama. Sophia is a cunning woman at hindi siya papayag na madiin siya sa mga bagay na ginawa niya,”
Naguguluhan si Laurel sa mga sinabi mi Connor but then, she knew, Connnor has a plan kaya naman tinanong niya ito.
“So what’s your plan, Connor?”
“What? Aren’t you mad na may nangyari sa amin ni Sophia at nag bunga iyon?” nagtatakang tanong ni Connor.
“No, you have a plan. And I trust you, Connor. Alam kong sa lahat ng plano mo ay may mga back up plan ka pa,”
“You know me so well. So here’s the thing. I need to be there when she delivered the babies at kailangan kong makuha ang anak ko mula sa babaeng iyan. Ayokong makasama niyang lumaki ang maduming babae na iyan. I need to make sure he is safe,”
Tumango tango naman si Laurel.
“I set Mykael up with a woman na binayaran ko para gawin iyon. And luckily, she got pregnant…” dagdag ni Connor.
“I understand. Susuportahan kita, Connor sa lahat ng ito. Simula ngayon, hindi mo na kailangang mag isa. I am here for you, Connor. I love you,” nakangiting pahayag ni Laurel habang hawak ng kaniyang kanang kamay ang mukha ni Connor. Humilig naman si Connor sa mga palad ni Laurel habang masayang naakatitiog sa babae.
* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
Sa kabilang bahagi nang bahay ng mga Castillo, ay nakatayo si Sophia. Nasa ikaapat na baitang na si Sophia nang matanaw niya si Connor at Laurel na masayang nakatitig sa isa’t isa habang nakaupo sa isang bench sa garden ng kanilang bahay. Hindi siya natutuwa sa nakikita. Gusto niyang sa kaniya lamang mapunta ang atensiyon ng lalaki. Sa sobrang sama ng kaniyang pagkaka tingin sa dalawa ay hindi niya napansin na maling hakbang na pala ang kaniyang nagawa kaya naman nadulas siya at dumausdos pababa ng hagdan mula sa kinatatayuan niyang ikaapat na baitang.
Napasigaw siya sa sakit at nang tingnan niya ang kaniyang hita ay nakita niyang tumutulo na ang dugo dito, kaya sa sobrang panic ay napasigaw na lamang siya.
“Connor! Laurel! Help!”
Nagmamadali namang pumasok ang dalawa at nang makita siya ng mga ito na nakahandusay at may dugo sa pagitan ng kaniyang hita ay bumakas ang pag aalala sa mukha ng mga ito.
“Connor! We need to get her to the hospital, Now!” sigaw ni Laurel at nagmamadaling binuhat si Sophia patungo sa kaniyang sasakyan. Nang maisakay ang babae ay agad na pinakaripas ang takbo ng sasakyan patungo sa pinakamalapit na ospital.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (22)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
salamat hahha
21/09/2024
0injoy me
19/06/2024
0Nice story 😊
21/04/2024
0Tingnan Lahat