Homepage/The Innocent's Revenge/
Chapter 22
T W E N T Y - T W O
Nasa kaniyang opisina si Mykael nang Santillan Drugs and Cosmetics para gampanan ang Chief Operating Officer role. Dahil si Connor ang acting president at CEO ng kumpanya hindi papayag si Mykael na hindi siya magkaroon ng posisyon sa kumpanya kaya kinausap niya ang asawa at pinilit itong pumayag na gawin siyang COO ng kumpanya. Good thing his wife can’t resist his charms kaya naman napapayag niya ito.
Kailangan niyang malaman kung ano ang pakay ng Connor na iyon dito. Kailangan niyang umaktong friendly sa lalaki upang hindi nito mahalata ang kaniyang mga plano.
* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
Sa Mansiyon ng mga Guerrero…
“Okay, thank you,” ani Connor sa kausap sa telepono at ibinaba iyon.
“Sino ang kausap mo, anak?” ani Donya Julieta.
“Isa sa mga tao ko, ma. Ngayon I-ha-hijack ang mga materials para sa mga order ng pinakamalaking kliyente ng cosmetics company ng mga Santillan,” sagot niya sa ina.
“Mukhang inuunti unti mo na iyan, anak. Good job,” hihintayin ko ang magiging reaksiyon nila.
“Yes, ma. Ito na ang simula ng paghihirap ng mga Santillan. Uunti untiin ko ang kumpanya nila hanggang sa wala nang matira sa kanila at magmakaawa na sila sa akin na tulungan ko silang lahat,” nakangising wika ni Connor at sumimsim sa kaniyang inumin.
* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
Maghapong napagod si Mykael sa pag aasikaso at pakikipag usap sa mga supplier ng materyales para sa kanilang mga cosmetics. Kailangan siya mismo ang mag asikaso ng mga iyon dahil para iyon sa kanilang pinakamalaking kliyente. Kapag nagustuhan ng kanilang kliyente ang kanilang mga produkto ay he will be there regular client and will put their products to his stores abroad.
Nang makauwi siya ay nakaabang sa kaniya ang kaniyang asawa na si Sophia. At may nakahain sa mesa. Masaya siya na hindi na nagta trabaho ang kaniyang misis. Magsisimula na sana silang kumain ni Sophia nang tumunog ang kaniyang telepono at nakita ang caller ID. It was Connor.
“Sagutin mo na, baka importante iyan,” ani Sophia sa asawa.
“Hello, Connor? What’s up?” tanong ni Mykael.
“Bro, you are not answering my texts. This is important! Yung truck na may dala ng mga materials para sa product na order ni Mr. Lim, na-hijack,” ani Connor kay Mykael.
Gulat na gulat at parang nabuhusan ng malamig na tubig si Mykael. Hindi basta basta ang presyo ng mga materyales na iyon. Kaya naman hindi siya mapakali ngayon.
“Anything wrong, hon?” tanong ni Sophia.
“No… No… Wala naman, hon. Everything is perfectly fine. Just give me a minute,” sagot ni Mykael sa asawa.
Hindi niya maaaring sabihin kay Sophia ang nangyari. For sure mag aalala ito at hindi maganda iyon sa kalusugan ng baby nila.
“Connor, you need to contact the police. Update me sa mga mangyayari and please, do not tell Sophia, gagawan ko ito ng paraan,” ani Mykael at ibinaba ang tawag.
Sa kabilang banda ay nakangiti naman ng matamis si Connor. Alam niyang malaking kawalan sa kumpanya ni Sophia ang pangyayaring ito.
“Let’s see what you can do about it, Mykael,” at pumalatak ito.
* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
Kinabukasan…
Santillan Drugs and Cosmetics Company
“Connor, may balita na ba mula sa mga pulis regarding sa mga nawawalang truck?” tanong ni Mykael kay Connor. He was on the phone when he entered his office.
“Okay I’ll call you later,” ani Connor sa telepono at ibinaba ito saka humarap kay Mykael. “yes, at hanggang ngayon, ay hindi pa rin daw nahahanap ang mga trucks. Paano na Mykael? Malaking pera ang inilabas ng kumpanya para sa mga produktong iyon,”
“Well, we have no choice, kailangan nating maghanap ng supplier na makakapag provide sa atin ng materials. And I have to talk to Mr. Lim para I-assure siya na makakarating ang kaniyang mga produkto,” sagot ni Mykael kay Connor.
“What? Are you out of your mind? Malaking pera na ang inilabas ng kumpanya para sa mga nahijack na produkto. And you are still thinking of buying again? Lahat ng supplier natin ay wala nang maibibigay na materyales dahil pinakyaw na natin lahat. Lung may mabibilhan man tayo, the price will be doubled,” hindi makapaniwalang sabi ni Connor.
“Wala tayong choice, Connor. He is the biggest client of this company. I need you to help me another supplier,” pagmamakaawa ni Mykael.
“Okay, Okay. Pero wag mo akong sisisihin sa bagay na ito dahil sinabihan na kita. If all went down, I’m not going down with you,” babala ni Connor.
Nagpasalamat si Mykael kay Connor at lumabas na ng opisina nito. Pumasok naman ang kaniyang kaibigang si Red.
“Red, I need you to find someone from our company para kausapin si Mykael. Yung mga na hijack na produkto ang ibenta sa kaniya, I want the price doubled,”
“Hindi ba paranng malulugi naman ang Santillan doon, bro?” tanong ni Red.
“That’s exactly the point, brother,” malapad ang ngiti sa labing wika ni Connor.
* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
“Mykael, nakahanap na ako ng supplier, I sent you their office address at nakapag set na din ako ng appointment, meet them first before you meet Mr. Lim,” ani Connor sa telepono nang sagutin ni Mykael ang tawag.
“Okay, salamat, pare. Hulog ka ng langit sa amin,” ani Mykael at ibinaba na ang tawag.
Buong akala ni Mykael ay magiging okay na ang lahat. He purchased the products double the price. Ngunit nag back out naman si Mr. Lim dahil naka set na ang lahat para sa pag launch nila ng mga bagong produkto sa kanilang mall. Hindi na maaaring ma delay iyon. Kaya naman nag back out ito at nag punta sa kanilang kalabang kumpanya. Ang Guerrero Industries.
Punyetang mga Guerrero. Sigurado siyang ito ang may pakana ng mga nangyayari ngayon sa kumpanya. Ayon sa kwento ng ama ni Sophia sa kaniya noon ay matinding karibal na talaga nila ang mga Guerrero at gagawin ng mga ito ang lahat para lamang mapabagsak ang Santillan. Pero hindi siya papayag. Fucking Bastards!I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (22)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
salamat hahha
21/09/2024
0injoy me
19/06/2024
0Nice story 😊
21/04/2024
0Tingnan Lahat