logo text

Chapter 18 Pagsira Sa Relasyon Ng Mag Asawa

E I G H T E E N
Maagang nagtungo sa opisina si Connor upang gampanan ang kaniyang trabaho bilang bagong Chief Operating Officer ng Santillan Drugs and Cosmetics Company. He went straight to Mykael’s office. Para iyon ang kaniyang gamitin. Mykael is the second to Sophia when it comes to holding the highest share of stocks in the company. Nang mag imbestiga si Connor at ang kaniyang mga magulang ay napagtanto nilang ibinigay ni Governor ang kaniyang share kay Mykael Castillo nang mahatulan siya ng pagkakakulong sa pagpatay kay Krysta.
Ito ang anging kabayaran ng pag diin sa kaniya ni Mykael. He even stole Sophia from him. Nang makapasok siya ng opisina nito he sawa pictures of them on every desks. He took one of their pictures as a couple and looked at it with rage in his eyes.
Sobrang saya naman yata ninyo. Pagkatapos ninyo akoong pabayaan na magdusa sa kulungan, akala ba ninyo pagbalik ko ay wala akong intensyon na gantihan kayo? I will take everything that is rightfully mine. Sisirain ko ang mga buhay at kasiyahan ninyo.
* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
Pumasok si Connorsa office ni Sophia upang tanungin ito tungkol sa isa nilang kliyente when he saw that Sophia isn’t looking well.
“Sophia, what’s with the face? Ano ang nangyari at nakabusangot ka?”
“Oh, hi, Connor. Hindi ko napansin na nandiyan ka pala,” ani Sophia na gulat na gulat.
“Mukha nga. So what’s with the face?” tanong muli ni Connor.
“Si Mykael kasi. Hindi niya sinasagot ang phone niya. Medyo nag away kasi kami kagabi. He got touchy, naglalambing at umiwas ako. Ngayon nagtatampo sa akin and I don’t know what to do. I am worried about him,” sagot ni Sophia na laglag ang balikat.
“Alam mo, Sophia, baka ikaw naman ang dapat mag first move. Puntahan mo siya, suyuin mo. This is a new generation. Hindi lang lalaki ang dapat sumuyo sa mga babae, ypou girls should should do the same for us, you know? Sige na puntahan mo na, ako na ang bahala dito sa opisina,” payo ni Connor na nakangiti and wiggling his eyebrows.
“Wala nga siya sa opisina, so paano ko siya susuyuin kung hindi ko alam kung nasaan siya?” tanong ni Sophia.
Connor thought of something. Alam niyang may problema si Sophia at kaniyang mga in-laws kaya naisipan niyang gamitin iyon sa babae.
“Eh baka naman nasa bahay ng parents niya, nagpapalamig,” pahayag ni Connor na ikinalingon ni Sophia at ikinalaki ng mga mata nito. The moment he saw her reaction, he knew he hit the perfect spot.
* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
Sa Mansyon ng mga Castillo…
Nakaupo si Sophia sa Living area ng mansyon nang biglang bumaba ng hagdan ang kaniyang biyenan na si dating Congressman Joaquin Castillo na galit na galit.
“Ilang apo ko pa ba ang malalaglag bago ka tumigil sa kakatrabaho mo? Para kang walang pakialam sa mga nangyayri! Gusto nang mag anak ni Mykael pero lagi iyong nawawala dahil sa kapabayaan mo! Hiindi lang siya nagsasalita sa iyo dahil lagi niyang inuuna ang nararamdaman mo! Pero siya? Iniintindi mo ba ang nararamdaman niya?”
“Nararamdaman ba talaga ni Mykael ang pinag uusapan natin dito, o nararamdaman mo?” sagot ni Sophia
“Oo tama ka! Nararamdaman ko nga ang pinag uusapan natin dito!” sagot muli ng ama ni Mykael.
“Oh eh di lumabas din ang totoo. Nararamdaman ninyo lang naman talaga ang palaging naiisip ninyo!” pasigaw na sagot ni Sophia. Marami pa sana siyang sasabihin ngunit hindi na niya naituloy nang biglang bumaba si Mykael mula sa ikalawang palapag ng mansyon.
“Sophia! Tama na!” Sigaw ni Myakel at nakatiim bagang itong nakatitig sa kaniya.
* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
Sa bahay ng mag asawang Sophia at Mykael …
“Wala ka na ba talagang respeto sa pamilya ko?” tanong ni Connor nang makapasok sila sa pinto ng kanilang bahay.
Paakyat na sanna ng hagdan si Sophia nang marinig ang tanong ng asawa. Agad siyang humarap rito at nag salita.
“Excuse me? Bakit parang ako pa yata ang masama ngayon? Bakit hindi mo pagsabihan yang magaling mong tatay na ubod ng insensitive---” naputol ang sasabihin ni Sophia nang biglang magsalita ang kaniyang asawa.
“Alam mo, Sophia, naiintindihan ko naman kung san nanggagaling ang galit mo. Pero dapat nagpakita ka pa rin ng respeto sa kanila. Magulang ko ang mga iyon, Sophia! Pati mga kapatid ko lagi na lang din nadadamay dito!” galit na galit na pahayag ni Mykael.
“Bakit? Totoo naman nna lahat sila ang tingin sa akin ay walang kwenta, na wala akong pakialam kahit pa nga paulit ulit ako mawalan ng anak. Kahit nga ikaw hindi ba?” pagalit na sagot ni Sophia sa asawa.
“Ganiyan ba ang tingin mo kung bakit kita pinakasalan? Paanakan? Kaya pala! Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganoon ang reaksyon mo sa akin nitong mga nakaraan. Kasi akala mo tuwing hahawakan kita, may balak na akong buntisin ka!” Mykael scoffs.
“Ako pala kong iniisiip kung ano ang mararamdaman mo sa lahat ng bagay na gagawin ko, at ikaw, sana maisip mo din ang nararamdaman ko. Na ganoon din ang gagawin mo para sa akin. Alam mong hindi lang ikaw ang nawalan ng anak dito, Sophia. Ako din!” dagdag pa ni Connor. Hilam na sa luha ang mga mata ni Sophia nang sabihin niya ito sa kaniyang mukha.
“Ah ganon?! Napapagod ka na? Eh di umalis ka at iwanan mo na ako! Kung ako pala ang laging masama dito at yung tatay mo ang palaging tama, eh di bum,alik ka sa kaniya! Mabuti pa siguro, maghiwalay na lang muna tayo!” sagot ni Sophia na puno ng galit ang tono.
“Iyon ba ang gusto mo? Na umalis ako? Sige! Aalis ako!” tiim bagang na sagot ni Mykael bago siya tinignan nito nang ilang segundo at lumabas na ng kanilang bahay.
Nang sumara ang pinto, hudyat na nakaalis ni si Mykael, doon bumuhos ang lahat ng luha na kanina pa pinipigil pigil ni Sophia.
* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
Mansiyon ng mga Guerrero…
Malapad ang ngiti ni Connor habang pinanonood niya ang live feed ng pag aaway ng mag asawang Castillo sa bahay ng mga ito. Kasama niya ang kaniyang ina na si Donya Julieta, at ang kaniyang kaibigang si Red.
Nang araw na bisitahin niya ang kaniyang kaibigang si Laurel sa bahay ng mag asawa ay sinipat niya ng husto ang bahay na ito para malaman kung saan maaaring ilagay ang mga spy camera sa bahay na iyon. Kinabukasan, nang nasa ospital silang lahat ay naikabit na ng mga tauhan nila ang mga camera.
“Nice job, bro! Mukhang magaling kang mag brainwash ng mga babae talaga ah!” bati ni Red sa naging resulta ng kaniyang plano.
“Great job, anak!” bati naman ng kaniyang ina.
“This calls for a celebration then,” ani Connor.
“So what’s your next plan, then?” tanong naman ni Red.
“Just wait and see, bro!” nakangiting wika ni Connor.
Ayaw niya munanng sabihin ang kaniyang plano rito, hanggat hindi niya pa muling nahaharap si Sophia. I am a fucking genius

Komento sa Aklat (22)

  • avatar
    Jemuel Rafanan

    salamat hahha

    21/09/2024

      0
  • avatar
    Mary Jane Leones

    injoy me

    19/06/2024

      0
  • avatar
    Bayawa jr.Rogelio

    Nice story 😊

    21/04/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata