Chapter 17

S E V E N T E E N
Pumayag si Sophia na tulungan siya ni Connor sa kaniyang presentation. Tinulungan siya ng lalaki sa pag gawa ng powerpoint presentation at nag ensayo rin sila ng mga sasabihin ng lalaki sa harap ng mga malalaking kliyente ng Santillan Drugs and Cosmetics.
At nang oras na para sa presentation, upang siguruhin ang magiging kaayusan ng meeting ay tumawag si Sophia sa kaniyang sekretarya. Ang dahilan ay upang matulungan niya kung sakali si Connor kapag nagkaroon ng aberya. Ngunit mukhang walang kwenta ang pag aaalala ni Sophia. Connor is really confident at parang sanay na sanay na nga ito sa ganitong gawain. Presenting in front of Santillan Drugs and Cosmetics Company’s biggest potential client is just a piece of cake for him.
“And here in Santillan Drugs and Cosmetics, we believe that beauty and health should not be expensive, thank you!” pagtatapos ni Connor sa kaniyang presentation.
At ang pag aalala at nerbyos ni Sophia ay nauwi sa wala nang ora mismo ay pumirma ng kontrata ang mga kliyente. Pahayag ng mga ito ay nagustuhan nila ang presentation at ang explanation sa bawat detalye ng produkto ng kumpanya. Nasagot din ni Connor ang kanilang mga tanong nang walang kahirap hirap. Sophia was full of joy and excitement for this and she was very grateful for Connor’s help.
Malapad ang ngiti ni Connor nang maging succesful ang kaniyang presentasyon sa mga kliyente ng kumpanya ni Sophia.ito na ang unang hakbang niya para mapasok ang kumpanya ng pamilya ng mga Santillan. Uunti untiin niya ang kumpanyang ito dahil alam niyang ito ang kahinaan ni Sophia. At si Sophia naman ang kahinaan ni Mykael.
Malapit niya nang maisakatuparan ang kaniyang paghihiganti, at babawiin niya ang lahat ng bagay na dapat ay sa kaniya maging ang kumpanyang ito. Kalahati ng shares ng kumpanya ay sa kaniya nakapangalan, ngunit hindi alam iyon ni Sophia dahil hindi niya ipinaaalam sa mga ito na si Connor Saavedra at Alessandro Connor Guerrero ay iisa. Napangisi siya habang nakikini kinita ang magiging reaksyon ng mga taong nagpahirap sa kaniya sa kaniyang isipan.
It’s payback time, assholes!
* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
Nakaupo si Sophia sa couch habang hinihintay ang pagdating ng asawa. Nang marinig niya ang pagbukas at muling pagsara ng pinto ay agad siyang nag salita.
“Alam ko ang iniisip mo kahit hindi mo iyon sabihin. Alam kong sinisisi mo ako sa pagkawala ng baby natin. Dahil bumalik ako sa trabaho kaya nawala siya,” pahayag ni Sophia.
Tinignan siya ng kaniyang asawa na si Mykael na halatang iritado sa kaniyang sinasabi at nagsalita, “May narinig ka ba sakin, Sophia?”
“Ako, may gusto akong sabihin. Na closed na ang deal with the companies biggest potential client, Mr. Rossini. Ibig sabihin, ang kumpanya ng dad ko ay maaari nang maka survive,” pahayag ni Sophia.
“So, bumalik ka na pala agad sa trabaho,” Mykael stated.
“No. Hindi ako. Si Connor. She went there in my behalf to present in front of our biggest client,” sagot ni Sophia.
“Si Connor?” gulat na tanong ni Mykael.
“Yes. Binigyan ko siya ng instruction, tinuruan ko siya kung paano mag present sa kliyente ng kumpanya, at agad agad niya itong naintindihan at nakuha. At gustong gusto ng mga Italyano ang presentation niya,”
“Uhm… Okay… Well … that’s great news then,” sagot ni Mykael na hindi alam kung ano ang magiging reaksyon niya sa mga pahayag ni Sophia sa kaniya.
Hindi nakaligtas sa mata ni Sophia ang reaksiyon ng kaniyang asawa nang tumalikod ito kaya naman tumalikod siya upang harapin ito at muling nagsalita.
“Naaalala mo ba noong sinabihan mo ako na kumuha na ng manager para naman mabawasan na ang workload ko? Pero nagdadalawang isip ako kasi ayokong ipagkatiwala ang pagpapatakbo ng kumpanya ng dad ko sa kung sino sino lang. Now, I think, Connor is the perfect person for the job,”
“What are you saying?” Mykael said in a curious tone.
“All I’m saying here is that, I think that I am going to hire Connor to be my manager,” sagot ni Sophia sa asawa na may diin sa kaniyang tono.
Connor was stunned for a moment thinking. His doubts with Connor coming back made him doubt the man’s intentions. Pero hindi niya hinayaang mamayani iyon sa kaniyang isipan. Kaya muli siyang nagtanong.
“Do you think she is qualified?”
“Nagawa niyang mapapirma ng kontrata ang mga Italyano, kahit pa nga sandali ko lang siyang tinuruan ng gagawin sa presentation. She was able to land it quick that made me think she does this every single day. I think that makes her more than qualified for this job,” sagot ni Sophia sa asawa.
Lumapit naman si Mykael sa asawa, hinawakan ang dalawang kamay nito at tinitigan siya sa kaniyang mga mata at sinabinng, “But, do you trust her?”
Isang tanong na punong puno ng laman. At nagsimulang mag flashback sa isipan ni Sophia ang araw kung saan aalis siya patungong Amerika ngunit binisita niya muna si Connor, bago siya pumuntang airport. Naalala niya kung paano nito inako ang kasalanan para sa kaniya. Kung bakit nito inako ang krimeng nagawa niya. Kung ano ang reaksiyon nito noong aalis na siya. At muli siyang tumingin sa mga mata ng kaniyang asawang si Mykael at sinabing, “With all my life,”
Gusto mang kontrahin ni Mykael ang sinabi ng asawa ay hindi niya na ito ginawa. Ayaw niyang mag away na naman silang muli at magkaroon na naman ang kaniiyang asawa ng rason para muling lumuha sa gabi. Lumapit siya kay Sophia at niyakap ito ng mahigpit.
* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *
Patungo ngayon si Connor sa isang restaurant para I-meet sina Mykael at Sophia. Sophia called him first thing in the morning and told him if they could have lunch together at may ibabalita raw silang mag asawa sa kaniya.
Kahit pa ngaayaw ni Connor na makita ang mag asawa ngayong araw na iyon ay umoo pa rin siya sa mga ito. Kaya naman kahit nakakunot ang noo niyang nagmamaneho ay wala siyang magawa.
Nang makapag park na siya sa mga parking space na provided sa customer, nakasimangot pa rin si Connor nang ma-I-park na ang sasakyan. Hindi kaagad bumaba nang sasakyan, pinipilit pakalmahin ang sarili. Huminga siya ng malalim bago pinatay ang makina at isinuot ang fake na ngiting lagi niyang inilalagay sa kaniyang mukha sa tuwing makikipagkita siya sa mag asawang Sophia at Mykael.
Nang makita niya ang mag asawa ay agad siyang lumapit sa mesang kinauupuan ng mga ito at umupo na rin.
“So, what is this all about? Bakit agad agad yata kayong nakaisip na isali ako sa lunch?” nakangiting tanong ni Connor.
“Well, Connor, sinasabi ko kasi dati pa kay Sophia na dapat na siyang mag hire ng manager para mattulungan siyang magpatakbo ng Santillan Drugs and Cosmetics Company, pero ayaw niya,” ani Mykael na halatang hindi nasisiyahan sa kaniyang sinasabi.
“Well … that was before. When I couldn’t find someone na pwede kong pagkatiwalaan sa kumpanya ni dad,” mabilis na bawi ni Sophia sa sinabi ng kaniyang asawa. Tinitigan niya muna si Mykael ng ilang segundo bago muling tumingin kay Connor at nagsalita.
“But now… Sa tingin ko ay natagpuan ko na ang taong maaari kong mapagkatiwalaang magpatakbo ng aking kumpanya. How would you like to be the Chief Operating Officer of Santillan Drugs and Cosmetics Company?” at ngumiti ng matamis kay Connor.
Connor was stunned for a moment and he was speechless. Hindi niya naisip na magiging ganito kabilis ang pagtitiwala sa kaniya ng mag asawa.
“Uhm… Sa totoo lang, I did not expect this, I mean, I expect something is going on kaya ninyo ako tinawagan, but this. Well…” sagot ni Connor.
“So? Do you accept?” untag ni Sophia sa kaniya.
“Sophia, Mykael, um… Kung sa palagay ninyo ay kaya ko at pinagkakatiwalaan ninyo ako, then who am I to refuse? I would gladly accept your offer,” at tumingin kay Mykael, bago muling bumalik ang tingin kay Sophia.
Masayang masaya si Sophia sa sagot ni Connor at si Mykael naman ay hindi malaman kung matutuwa ba siya o dapat siyang kabahan.
“Well, cheers to that,” ani Sophia at itinaas ang kaniyang inumin.
They clinked glasses and Connor made a sip of off his champagne. Nakangiti ng matamis at iniisip na ito na ang simula nang kaniyang paghihiganti. Uunti untiin niyang agawin lahat ng bagay na kinuha ng mga ito sa kaniya. Negosyo. Kasiyahan. Pamilya. Sisirain ko ng unti unti ang mga buhay ninyo!

Komento sa Aklat (22)

  • avatar
    Jemuel Rafanan

    salamat hahha

    21/09/2024

      0
  • avatar
    Mary Jane Leones

    injoy me

    19/06/2024

      0
  • avatar
    Bayawa jr.Rogelio

    Nice story 😊

    21/04/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata