CHAPTER 85

EMAYA'S POV
KASALUKUYAN na kaming nandito sa baryo at maingat na naglalakad sa mga bahay-bahay, sarado ang mga bintana nila at pinto na para bang walang taong nakatira ro’n, pinakiramdaman naming mabuti kung may tao ba o wala ngunit wala kami naramdaman na kahit isa man sa kanila. Nagkatinginan kaming anim nang naunang naglakad si Katana, tuloy-tuloy itong naglakad patungo sa isang bahay. Ang hitsura ng mga bahay dito ay dikit-dikit hanggang sa dulo pero sa gitna ay may malawak na hallway at sa kabilang side ay ang katapat na bahay na nilapitan ni Katana.
Akmang bubuksan na ni Katana ang pinto nang mabilis na lumapit si Lohr at pinigilan siya sa pamamagitan ng pag hawak sa kamay niya, napatingin do’n ang walang emosyong mga mata ni Katana ’tsaka nag-angat ng tingin kay Lohr pero wala ni isang emosyon ang mababakas do’n. Sa gano’ng tingin niya’y agad na binawi ni Lohr ang kaniyang kamay at bahagyang lumayo.
"Don't." Tipid na sabi ni Lohr, tila ba napilitan pa siyang mag salita. Sa gano’ng sinabi niya ay alam na naming pinipigilan nito si Katana, Umiling-iling ang katabi kong si Scarlet habang si Aw naman ay nakanguso lang.
Tumikhim ako. "Katana, baka may trap sa loob." Ako na nag salita, tumingin siya sa ’kin at muling bumaling sa pinto saka walang pagdadalawang isip na pinihit ang busol dahilan upang bumukas at nagtuloy-tuloy siya sa pagpasok. Lumaylay ang balikat ng lahat sa kaniyang ginawa.
"Separately, walk into the houses one at a time, just in case there are persons hiding, and be cautious." Tumango kami sa sinabi ni Lohr.
Sa kabilang side kami nag-tungo ni Alvinno at Almond habang ang tatlo ay sa side ng pinasukan ni Katana. Pumasok ako sa gitnang bahagi at nang tuluyang makapasok ay naningkit ang mga mata ko dahil wala ni isang tao ang na ro’n. Ang mga gamit ay maayos at tila hindi nagagalaw o ginagamit man lang, nag-tungo ako sa kusina pero malinis din.
"Walang tao rito," wika ko nang makabalik sa kinaroroonan namin kanina, ang lahat ay nandito na rin maliban kay Katana na kanina pa nasa loob. Nagkatinginan kaming lahat at papasok na rin sana sa loob ng bahay na pinasukan nito pero natigilan kami dahil lumabas siya.
"May mga tao sa baryong ito." Kasing lamig ng atmosphere rito sa lugar na ito ang paraan ng pagkakasabi niya, gusto kong ngumiwi ngunit ’di ko na nagawa dahil mula sa likod niya ay may babae at lalaking sa tingin ko’y nasa mid-30's ang edad. Magkayakap ang mga ito at sa gilid nila ay may isang batang lalaki na sobrang payat.
"N-nandito ba kayo para iligtas kami?" tila nabubuhayang tanong ng lalaki, tumango kaming lahat liban kay Katana na ngayo’y nakatingin lang sa batang lalaki.
"Oh, d’yos ko! Mahigit isang taon na naming pinagdadaanan ang ganito! Salamat sa d’yos ay may naglakas loob na tulungan kami! Buong akala namin ay inabanduna na kami ng Hari't Reyna ng kahriang ito!" napaluhod ang babae, nagulat kami sa nalaman. Hindi namin alam na mahigit isang taon na pala at may ganito palang problema ang baryong ito. Napatingin kaming lahat kay Lohr, bahagya itong umiling, hindi makapaniwala sa nangyayari.
Marahil wala rin siyang alam. Ang tanong, alam ba ito ng kaniyang mga magulang?
"Pumanhin, wala kaming kaalam-alam na may ganito pala kayong kinakaharap." Yumuko ako.
"Hindi niyo alam?" magkasabay na tanong ng mag-asawa kaya nag-angat ako ng tingin sa kanila. Kumunot ang noo ni Lohr maging kami rin liban kay Katana na tila ba na-iinip.
"Hindi niyo alam? Pero alam ito ng Reyna, nag-tungo sa kaniya ang kapatid kong lalaki no’ng makatakas ’to sa mga Snow bears." Nagkatinginan kaming anim at naguguluhan.
Anong sinasabi niya? Alam ng Reyna? Ngunit kung alam ito ng Reyna, bakit hanggang ngayon ay ganito pa rin sila?
"Are you sure my Mother is aware of this?" nabaling kay Lohr ang atensyon ng mag-asawa, napaawang ang labi nila..
"P-prince A-shlohr?" matamang tumango si Lohr at matapos n’on ay nanahimik ang dalawa.
"Ang kapatid ko, matapos niyang tumakas ay nag-tungo siya sa palasyo para humingi ng tulong ngunit ang Reyna ang kaniyang naka-usap. Ang sabi ng Reyna ay gagawin nila ang lahat para ma-iligtas kami pero nang bumalik ang kapatid ko sugatan na siya at hinang-hina na..." humina ang boses nito at hindi na kayang ituloy ang sasabihin, napayakap na lamang ito sa kaniyang asawa.
Nang bumaling naman ako ng tingin kay Katana ay kuyom na ang mga kamay nito bagama’t walang ekspresyon ang mukha.
"Paumanhin, hindi pa rin kasi kaya ng asawa kong sabihin ang sinapit ng kaniyang kapatid. Masakit pa rin para sa kaniya ito." Ngumiti si Scarlet.
"We get it. But, what actually happened?" nalilito ako sa sinasabi nila. bakit gano’n ang nangyari sa kapatid ng babae?
"Hindi na kinakaya ni Rolan ang pinagdaanan niyang hirap kaya mga ilang araw mula ng bumalik siya ay binawian din siya ng buhay, pero bago ’yon ay sinabi niya sa amin ang nangyari," saglit itong tumigil at lumunok. "Ang sabi niya’y hinuli siya ng mga kawal ng palasyo at ikinulong sa dungeon, walang araw na hindi siya nakakatanggap ng hagupit ng bakal at ’yon marahil ang dahilan kung bakit siya namatay." Nagimbal kami sa mga nalaman namin, hindi kami makapaniwala.
"Paano siya nakatakas sa Dungeon?" biglang tanong ni Alvinno na kanina pa rin tahimik kagaya ni Katana.
"Ang sabi niya ay may nag ligtas sa kaniya, isang babaeng may magkaibang kulay ng mga mata," kumunot ang noo ko. Napansin ko namang napatayo ng tuwid si Katana.
"Kulay ginto at pilak ang kaniyang mga mata." Napanganga ako. Sa tanang buhay ko at pag-aaral, wala pa akong nakikita o napag-aaralang gano’ng klaseng mga mata.
"Dorothy..." Wala sa sariling turan ni Katana kaya napatingin kaming lahat sa kaniya, nang mapansin niya ang tingin namin ay tumikhim siya.
"Ang babae bang ito ay bata?" kunot-noong tanong niya, nalilitong umiling naman ang babae.
"Ang sabi ng kapatid ko ay dalaga ito." Tumaas ang isang sulok ng labi ni Katana, hindi ko alam ngunit kinilabutan ako sa pagkakangisi niya.
"Anyway, where's the other?" walang gana niyang tanong. Lumabas ng pinto ang mag asawa at nag tungo sa gitnang hallway saka lumapit sa nakasabit na tambulin sa puno. Ang bata ang nag patunog n’on.
Maya-maya lamang ay isa-isang lumabas ang mga ito, nagulat kaming lima dahil nang pinasok namin ang mga bahay ay walang kahit na isang Santuarian na nakita.
"May underground room sila sa loob ng kanilang mga bahay." Marahil napansin ni Katana ang pagtataka namin kaya niya sinabi iyon, tumango-tango naman ako.
"Sino sila Centine, Lestero?" isang matandang lalaki ang nag tanong. Ang iba ay nakatingin sa ’min.
"Sila ang magliligtas sa ’tin!" natutuwang sabi ni Centine pero napasinghap lang ang iba at nagulat.
"Mga bata lamang sila! Nasisiraan na ba kayo ng ulo?!" bahagya kaming nagulat sa pag sigaw ng matanda, sa tingin ko’y nasa 50's pa lang ito kasi hindi pa ’to gaanong mukhang matanda.
"Pero Tatang Canor—" Naputol ang sasabihin ni Lestero dahil sa pag sigaw ulit ni Tatang Canor.
"Niloloko mo ba kami? Paano nila tayo ililigtas e' ang babata pa nila! Para mo na ring sinabing wala na tayong pag-asa! Kasalanan ito ng walang hiya at makasariling Reynang iyon!" saglit akong napanganga dahil sa huli niyang sinabi pero agad akong umayos nang biglang nag salita si Katana. Nakita ko namang kumuyom ang mga palad ni Lohr.
"Anong oras sumasalakay ang mga Snow Bears?" sa halip na pansinin ang sinabi ng matanda ay iyon ang naging tanong ni Katana, buong akala ko nga’y mag-iinit na ang ulo niya’t bubulyawan ang matanda pero napakakalmado niya which is nakapagtataka dahil madalas ay mabilis siyang mainis, pero ngayon? Hays! Epekto ba ito ng nangyari sa kanila? Pero sabagay, kung paiiralin niya ang galit niya ngayon ay hindi kami magtatagumpay.
"S-sumasalakay sila kapag malapit nang dumilim, malakas kasi ang pandinig at matalas ang mga paningin nila kapag sumasapit ang gabi." Isang dalaga ang sumagot,  tumango si Katana at naglakad paalis ngunit bago siya umalis ay tumigil siya saglit. Alas tres pa lang ng hapon kaya tatlong oras pa ang hihintayin namin para sa pag salakay ng mga Snow bears.
"Pumasok na kayo sa mga bahay niyo. Don't whine or underestimate our abilities because, first and foremost, we couldn't come to this village if we were regular people," nagpatuloy na siya sa paglalakad pero nag salita pa rin siya at napakalamig ng paraan ng pagkakasabi niya n’on.
"Pumasok na kayo at hayaan na sa ’min ang lahat ng ito." Matapos niya iyong sabihin ay bumuwelo ito saka namangha kaming lahat ng mula sa baba ay tinalon niya ang mataas na bubong ng mga bahay at walang pagdadalawang isip na nahiga ro’n.
Seryoso? Matutulog ba siya?
Tumawa si Scarlet at umiiling-iling naman sina Aw, Almond at Alvinno habang ako naman ay hindi makapaniwala sa sinabi at inasta niya.
Nang tuluyan ng nakapasok ang lahat ay na iwan kaming pito, tumayo ng maayos si Lohr.
"We will find a good spot for the surprise attack once they step on here." Tumango kami, saglit siyang tumingin sa paligid at tinuro kung saan kami dapat naka-position. Sa may puno sa bandang gilid si Alvinno at Aw, ako naman at si Scarlet ay sa kabilang side ng bubong. Si Almond naman ay sa malapit sa p’westo ni Katana at si Ash naman ay sa gitnang bahagi.
Naka-ayos na kami ng pwesto at ang tangi na lamang naming magagawa sa ngayon ay ang mag-hintay sa pag dating ng mga hayok na halimaw.

Komento sa Aklat (99)

  • avatar
    Souza VianaLuiz Fernando

    gostei muito deste livro

    16/08/2025

      0
  • avatar
    DemoreJellybie

    thank you novelah

    20/05/2025

      0
  • avatar
    BaliliAngel Rhaine

    hi thank for this app I like it very much thank I can't help my family

    12/04/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata