Homepage/Tale of Santuaria: Sunrise and Moonlight/
CHAPTER 84
EMAYA'S POV
DALAWANG araw na ang lumipas mula sa nangyaring pagtatalo sa pagitan ni Lohr at ng kaniyang parents, nang araw na mag walk out si Katana at Lohr ay natuwa ako sa pag-aakalang magiging totoo na sila sa tunay nilang nararamdaman pero nagkamali ako dahil mas naging malala pa nga ang nangyari. Hindi na sila nagpapansinan at nag-uusap o maging ang mag tama ang kanilang paningin ay iniiwasan nilang mangyari.
Tahimik at wala lang kaming sinasabing lima pero alam ko namang hindi lang ako ang nakakapansin sa pagbabago sa dalawang ’to. Humugot na lang ako ng hininga matapos magsalitan nang tingin kay Katana at Lohr.
Kanina nakita kong pasimpleng nakatitig si Lohr kay Katana habang naka-upo ito ng tuwid at natutulog, sa dalawang araw na lumipas madalas tulog si Katana kahit nakatayo at naka-upo ay natutulog siya o kulang na nga lang ay kahit naglalakad matulog siya.
Umiling-iling ako, ngayon ay gising na si Katana’t nakatulala lamang habang si Lohr naman ay titig at hindi maalis ang tingin kay Katana. Alam ko namang ramdam ni Katana ang mga titig ni Lohr pero tila ba para sa kaniya ay hindi niya ito nararamdaman na para bang hindi talaga nag-e-exist si Lohr.
Ano bang nangyari sa kanilang dalawa? Ano ba ang pinag-usapan nila para magkaganito sila?
"Oh, shit!" naagaw ni Scarlet ang atensyon ko kaya kunot-noo akong bumaling ng tingin sa kaniya. Pansin ko namang ako lang ang nakarinig dahil ang iba ay nagpapahinga, kasalukuyan kasi kami ngayong nakahinto mula sa paglalakbay sakay ng karwahe at patungo kami sa bundok ng Icy Kingdom para iligtas ang mga mamamayan ng kahariang ito. Sa bundok na pupuntahan kasi namin ay ang maliit na baryo kung saan naninirahan ang ilang mga Santuarians na gusto ng tahimik na buhay at nagbabakasakali rin kaming baka na ro’n ang kakambal ni Katana dahil nalibot na kasi namin nag buong bayan ngunit hindi namin ’to nakita.
"No! No way! Mom, you can't do this to me, err!" bahagya akong lumapit sa kaniya, mayro’n siyang hawak na nakarolyong papel.
"Anong problema, Scarlet?" bumuntong-hininga siya at dahan-dahang inabot sa ’kin ang papel. Nanlaki naman ang mga mata ko sa nabasa, isa iyong sulat galing sa kaniyang ina. Nilalaman sa sulat na sa oras na mag-tungo kami sa Firero Kingdom ay kakausapin ni Queen Elizabeth si Scarlet tungkol sa kasal. Mayro’n ng napili ang Reyna na magiging asawa ni Scarlet at gusto niyang formal nang magkakilala ang dalawa.
Napatampal naman ako sa noo ko dahil una si Lohr tapos ngayon si Scarlet naman. Bakit ba puro na lamang kasal ang nagaganap ngayon?
Wala sa sariling napatingin ako kay Almond at saktong tumingin din siya sa ’kin at matamis na ngumiti. Umiwas ako ng tingin habang ramdam ko ang pamumula ng mga pisngi ko.
Hindi ko pa rin alam kung ano na ba ang status naming dalawa dahil hindi naman siya totally nagsasabi kung mahal niya ba ako o kung gusto niya ba akong maging girlfriend.
"Emaya! Anong gagawin ko?" natigil ang iniisip ko dahil sa tanong ni Scarlet, wala sa sarili naman akong sumagot.
"Wala," hinampas niya ako kaya nahimasmasan ako sa sagot ko.
"What do you mean wala?" ngumiwi ako.
"I mean hayaan mo na lang, malay mo iyong lalaking makikilala mo ay siya na palang para sa ’yo." Natigilan naman siya at nag-isip, maya-maya’y ngumiti siya pero unti-unting napawi ang ngiti niya nang mapansin kong para siyang may naalala.
"I'll try." Ang tanging tugon niya saka tumahimik na, nagtataka naman ako pero minabuti ko na lang ’wag nang manghimasok pa.
Mga isang oras pa ang lumipas at nag desisyon na kaming ituloy ang paglalakbay. Tahimik ang lahat at walang sino man ang gustong basagin ang katahimikan namayani sa pagitan naming lahat. Malaki ang sinasakyan naming karwahe, sa buong kaharian, ang Icy Kingdom ang may pinakamalaking karwahe sa lahat at ang mga iba pang kagamitan sa kanila ay ’di mas hamak na angat kaysa sa lahat.
Bahagya akong humiga para sana matulog pero napatingin ako kay Katana na siya palang katabi ko, kumunot naman ang noo ko nang mapansin ang kulay lilang ugat sa kabilang pisngi niya at tila ba ngayon lang ’yon tumubo ro’n.
Ito pa ang mas nakapagtataka, kung paano siya magkakaroon ng gano’n? Sa tingin ko meron talaga siyang hindi sinasabi sa ’min at kahit gusto ko naman siyang kausapin tungkol sa bagay na ’yon ay hindi ko rin magawa dahil ramdam ko na iniiwasan din niya ako. Ramdam ko na hindi na katulad no’ng una na bukas kaming dalawa sa isa't-isa, basta nararamdaman ko na para siyang may inilagay na wall sa pagitan namin. Bigla kong naisip ang nangyari sa ’kin, marahil natatakot lang siya na baka ma-ulit iyon o baka hanggang ngayon ay sinisisi pa rin niya ang kaniyang sarili pero palagi ko namang sinasabi at pinaparamdam sa kaniya na wala siyang kasalanan at ’wag na siyang mangamba pero balewala ang lahat ng mga sinasabi ko dahil sarado ang isip at puso niya.
Nalulungkot lang ako sa nangyayari ngayon, bumalik siya sa dati. Ang ibig kong sabihin ay bumalik siya sa dating 'siya' kung ano siya no’ng una namin siyang nakilala, bumalik siya sa pagiging tahimik, cold at tulugin na kung titingnan mo para siyang hangin na hindi namin kasama. Nagsasalita naman siya pero napakacold at hindi katulad ng kinasanayan naming Katana na mainitin ang ulo at medyo funny.
Napabumuntong-hininga ako ’tsaka ipinikit ang mga mata.
Sana pag-gising ko maayos na ang lahat...
•••
Nang magising ako ay tuluyan ng nakahinto ang karwahe at napag-alaman kong nandito na kami sa paanan ng bundok. Bumaba kami at handa na sa paglalakad paakyat.
Lumipas ang mga oras at ilang hakbang na lamang ay malapit na naming marating ang tuktok ng bundok, medyo nakakabingi ang katahimikan sa aming lahat. Minsan nga’y napapansin kong gusto nang mag salita ni Aw pero nagdadalawang isip siya dahil maging siya man ay iniisip din ang nangyari sa dalawa.
"Oh f*ck! Guys! This is really a torture!" sa wakas ay sinira ni Scarlet ang katahimikan sa pagitan naming pito.
"Waah! Sa wakas naman may nag salita na!" napangiwi naman kaming lahat sa napakalakas na boses ni Aw, agad siyang binatukan ni Scarlet kaya nagpalitan sila ng masasamang tingin.
"At kailan ka pa nag-alangang mag-ingay?" umirap si Aw na ikinamangha ko, hindi ko inaasahan iyon HAHA.
"Hoy! Ano tingin mo sa ’kin makapal ang mukha! Malamang nahihiya rin ako at isa pa inaalala ko iyong dalawa, alam mo namang hindi sila okay..." Pinandilatan ko ng mga mata si Aw dahil napaka-ingay niya, pansin ko namang natigilan ang dalawa pero hindi ipinahalata. Napakamot naman sa buhok si Aw at tipid na ngumiti habang ang dalawang lalaki naman ay umiling-iling.
"Ano...Katanagirl, sorry—" naputol ang sasabihin ni Aw nang biglang hinagis ni Katana ang isang punyal sa p’westo ni Aw.
Nagulat kaming lahat lalong-lalo na si Aw kaya hindi siya agad nakagalaw hanggang sa sumigaw si Katana.
"Yuko!" wala sa sariling yumuko si Aw at ikinagulat namin ang isang bear na nasa likod ni Aw at handa na itong sakmalin. Nag handa kaming lahat at nakikiramdam sa paligid.
Mabuti na lamang ay naging maagap si Katana dahil kung hindi nasakmal na ng oso si Aw pero ikinagulat talaga namin ang galaw niya, akala namin ay nagalit siya kay Aw kaya niya binato ang punyal niya rito.
Ang mga bears na ito ay mas kilala bilang Snow bears, ang kanilang katawan ay nababalutan ng n’yebe o mas tamang sabihing gawa sa snow ang kanilang balat kaya tinawag silang Snow bears. Mapanganib ang mga ito, mabilis din silang dumami lalo na kapag marami silang nakakaing karne ay mas lumalakas sila kapag ang kinakain nilang karne ay ang laman ng tao.
Kaya kami nandito sa baryong ito ay dahil nakarating sa ’min ang balitang napapalibutan ng mga Snow bears ang baryo at kahit maraming kawal na ang nag tungo rito para protektahan sila ay nagiging pag kain lamang ang mga ito ng mga Snow bears kaya kami na ang pumunta.
"Watch out!" biglang sigaw ni Scarlet at nagulat na lang ako nang bigla akong itulak ni Katana kaya si Katana ang nakatanggap ng atake nito, nag-aalala naman ako dahil ihinarang ni Katana ang braso niya kaya kagat-kagat na ito ng Snow bear. Pansin kong lalapit na sana si Lohr pero malakas na tinulak ni Katana ang Snow bear kaya tumalsik ito pero hindi natinag. Nanlaki ang mga mata ko nang mapansing ang kulay lilang ugat sa kanang pisngi niya ay kumakalat na patungo sa mata niya at hindi lang ’yon, may halo na itong itim at mas makulay kumpara sa nakita ko kanina.
"Katana..." Bulong ko sa hangin pero mukhang narinig niya kaya bahagya siyang bumaling sa ’kin. Muli niyang hinarap ang Snow bear at sinummon ang Katana sword niya, nag-fighting position siya’t hinihintay na sumugod ang kalaban.
Ilang segundo lamang ay sumugod na ito, umiwas si Katana at winasiwas ang espada niya pero tila may sariling isip din ang Snow bear dahil iniilagan nito ang nag-aapoy na espada ni Katana. Tumalon si Katana at sinipa ang Snow bear, gaya kanina ay tumalsik agad ito. Nanibago naman kaming lahat sa kakaibang lakas ni Katana ngayon, mas malakas siya kumpara sa dati.
Hindi ko alam kung dapat ba ’kong matuwa o hindi pero kakaiba ang nararamdaman ko, para bang may kapahamakang dulot ’yon.
"Bastard," walang emosyon niyang wika at kusa nang sumugod sa Snow bear, akmang sisipain na ito kaya umilag ang bear pero pineke niya ang kaniyang atake at namangha na lamang kami dahil ang nag-aapoy na espada ni Katana ang sumalubong sa Snow bear. Walang pakundangang pinutol ni Katana ang ulo nito at hinihingal na nakatukod ang kaliwang tuhod sa lupang punong-puno ng n’yebe at ang espadang umaapoy ay hawak parehas ng dalawa niyang kamay. Sa tanawin na iyon ay tila isa siyang warrior.
Tumayo na siya at blanko ang ekspresyon ng mukha na tumingin sa amin at tila ba na iinip. "Kailangan na nating mag madali." Matapos niyang sabihin iyon ay na una na siyang umalis na parang walang nangyari, na para bang hindi siya nakipaglaban sa Snow bear.
"Katana..." Sabay-sabay naming turan maliban kay Lohr na walang imik.
Hays, hanggang kailan ba siya ganito?
~To Be Continued...I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (99)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
gostei muito deste livro
16/08/2025
0thank you novelah
20/05/2025
0hi thank for this app I like it very much thank I can't help my family
12/04/2025
0Tingnan Lahat