CHAPTER 19

MABILIS na lumipas ang mga araw at ngayon ay Friday na.
Ang araw ng Levelling, marami nga ang excited at ang iba naman ay kinakabahan habang ako?
Hmm…hindi naman ako nakakaramdam ng kaba ngayon kaya relax lang.
Ngayon ay nandito kami sa Battle Area kung saan gaganapin ang Levelling.
Marami kasi ang mga estudyante kaya dito sa Battle Area ginaganap ang levelling, napakalawak nito, parang triple ng soccer field sa mundo ng mga tao, it’s oval shape na puno ng mga bermuda grass.
“Katana!” Tawag sa ’kin ni Aw na kumakaway-kaway pa, nakita ko namang umirap si…Sca?...What ever her name I don’t care about her!
“Dito ka na maupo Katana!” Sabi ni Em na pasigaw dahil talaga sa ingay dito sa Battle Area.
“Tara do’n tayo Lin.” Anyaya ko kay Lincy na mukhang nahihiya pa:rin pero walang nagawa kun’di ang sumama.
Nang makaupo na kami sa bench na tabi ng mga Guardians ay si Almond na nasa dulong bahagi ay lumipat sa tabi ko, marami pa kasing bakanti do’n.
“Hey, Babe,” Bati nito sa ’kin, tinaliman ko naman siya nang tingin na siyang kinalunok niya.
“I will punch you if you even dare called me babe.” Malamig at makapanindig balahibo kong turan na naging dahilan para bumalik ito sa kinauupuan niya kanina. Tumawa naman ang lahat liban lang do’n sa bitch at sa nag mamay-ari ng mala abong mga mata.
“Iba ka talaga Katana!” Pahiyaw na sabi ni Aw, ano pa nga bang bago!
“HAHA ang epic ng itsura ni Almond HAHA ‘yan napapala mo babaero ka kasi!” Tawang tawang komento ni Em, napangiti na lamang ako dahil ngayon ko lamang ito makitang tuwang-tuwa.
“Umpisahan na natin ang Levelling, let’s begin with
The Guardians. Remember, the results is up to you, whether you’ll lose or win,” Anunsiyo ni Headmistress na nasa gitna ng mayroong floating stage, umayos na ako ng upo dahil mag-uumpisa na ang laban.
“Sa loob ng Barrier ay makakatanggap o makararamdam kayo ng sakit ngunit sa oras na lumabas kayo sa barrier ay mawawala ang inyong matatamong sugat o galos.” Paliwanag pa nito, namamangha naman ako dahil sa barrier na ‘yon may gano’n pala 'no? Sabagay ano pa nga bang nakapagtataka do’n, nasa Santuaria ako anyway.
“Alam mo ba—” Hindi na ituloy ni Em ang sasabihin niya ng mag salita ako.
“Hindi,” Napangiwi naman siya dahil sa sinabi ko pero nagpatuloy pa rin sa sasabihin niya, actually katabi ko siya nakipag palit siya kay Lincy kanina.
“Napakatibay ng barrier na ginawa ni Headmistress dahil wala pang kahit na sino ang nakakatibag diyan kahit kami mga guardians ay hindi magawang sirain ‘yan kaya safe na safe ‘yan.” Pagbibigay alam nito sa ’kin, tumango lamang ako sa tinuran niya. Well, well lets see mamaya kung talagang nga matibay.
“The first one who will fight is the Guardian of Light Element.” Pagkasabi no'n ni Headmistress ay agad na tumayo si Aw na seryosong-seryoso ang mukha, aba! Talaga ngang tumitino siya kapag may labanan ah.
Ang mangyayari ay kalalabanin niya ang bagay na kinatatakutan niya kung noon daw ay kapwa mga estudyante ang naglalaban, ngayon naman daw ay ang fear mo ang kalalabanin mo, sa tingin ko’y mas mahirap nga ang kalabanin ang bagay na kinatatakutan mo kaysa sa kapwa mo mag-aaral.
So, ayon na nga nagtungo na sa
Field si Aw, ilang segundo siyang nanatiling naka tayo saka lumabas ang kinatatakutan niya.
Napasinghap naman ako dahil ang kinatatakutan pala nito ay isang clown.
“Seriously? A clown?” Hindi makapaniwalang tanong ko, tumango naman si Em.
“Hindi lang siya basta-basta clown, Katana, dahil ang clown na ‘yan ay may powers din.” Paliwanag niya sa ’kin hmm..sabagay mukha pa lang nakakatakot na, labanan ka pa kaya? Kita ko naman kung paano manginig ang kamay ni Aw.
“F*ck! Mahihirapan nga talaga tayo kapag ‘yong kinakatakutan natin ang ating haharapin.” Nahihintakutang sabi ni Lincy kaya napalingon naman ako dito at takot nga talaga siya. Tumingin naman ako sa iba pa, si Em naman ay napapalunok, si Almond naman halatang pilit ang ngiti, si Mr.Innocent naman ay pinagpapawisan at kahit si Maldita ay bakas din ang takot sa mukha as usual ang balankong ekspresyon ni Mr.Grayish eyes at mukhang wala itong kinakatakutan pero malay natin.
Ako? Ito kalmado lamang sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang kinatatakutan ko o kung meron ba o wala?
Nang tumingin naman ako sa field ay nakikipaglaban na si Aw pero mabagal ang mga kilos niya, mukhang takot talaga siyang harapin ang clown at kapag ipinagpatuloy niya ‘yon ay baka matalo siya kaya naman pumikit ako saka sinabi ang mga katagang...
Aw kaya mo ‘yan tatagan mo ang ‘yong loob, matatalo mo din ang clown na ‘yan. Clown lang ‘yan nakakalimutan mo atang mas malalakas at malalaki pa ang mga nakakalaban mo sa mission niyo kaya mag pakatatag ka!
Pagkasabi ko no'n gamit ang telepathy ay agad na napatingin sa ’kin si Aw saka ito tumango’t pumikit.
Sa pagmulat ng mga mata nito ay lakas loob itong nakipaglaban sa Clown, ang hawak nitong ispada ay iwinawasiwas niya sa clown ngunit sadyang magaling umilag ang clown kaya hindi niya ito nasasaksak, sumugod ang clown na mayroong hawak na arnis na may mga patusok umilag nang umilag si Aw ngunit sa huli ay hindi siya nakailag kaya nadaplisan siya sa balikat at lumayo ito sa clown, pagkaraan ng ilang sandali ay sumugod na ulit ang clown at akma na naman siya nitong matatamaan ng iharang ni Aw ang ispada niya saka pwersahang tinulak ang ispada kaya tumilapon ang arnis na sandata ng clown.
Ginamit naman niyang tyempo ‘yon saka sinaksak ang clown sa kaliwang dibdib nito, kung saan naroon ang puso kaya biglang naglaho ito saka nag blink-blink ang monitor hudyat na tapos na at nakalagay sa monitor ang level niya, it’s 83 dati naman ay 80 lang. Lumabas na sa barrier si Aw kagaya nga ng sabi ni Headmistress nawala na ang sugat ni Aw sa balikat.
“Nice fight, Aw.” Puri ni Alvinno, nakita ko namang namula ang pisngi ni Aw.
Oh! I smell something fishy, bumaling sa ’kin nang tingin si Aw ng nakangiti.
“Thanks, Katana!” Sabi niya saka ako niyakap, pagkabitiw nito sa yakap ay umupo na siya sa upuan, nagtataka namang nakatingin sa ’kin ang mga Guardians saka si Lincy hindi ko na lamang sila pinansin.
“Can I sit beside you?” Biglang may nagsalita kaya napatingin ako sa kaniya at napag-alamang iyon ‘yong lalaking tatamaan ng dagger, hays ano bang pangalan niya?
Ivan?
“Sure, Ivan,” Tipid kong tugon, nakita ko namang nangunot ang noo nito.
“Ivan?” Nagtatakang tanong niya, ako naman ngayon ang kumunot ang noo.
“Pangalan mo diba?” Pagkasabi ko no'n ay tumawa naman ito ng bahagya kaya naagaw namin ang atensyon ng iba lalong-lalo na ang boys na Guardians.
“You’re funny, it’s not Ivan it’s Ivvo remember that name,” Titig na titig nitong sabi sa’kin.
“You’re so beautiful, Kata—Aww!” Nagulat na lang ako nang bigla ‘tong humawak sa batok niya na tila nakakaramdam ng sakit.
“Are you okay?” Walang emosyon kong tanong pero medyo nag-aalala ako sa loob-loob ko. Ngumiti naman ito sa ’kin saka tumango.
Hindi na siya muling umimik pa, nangunot naman ang noo ko nang mahagip ng mga mata ko si Mr.Grayish eyes, na nakangisi ng nakakaloko habang nakatingin sa katabi ko. Ano trip niya? Pinagsawalang bahala ko na lamang ‘yon.
“The next who will fight is Guardian of Wind Element, Goodluck.” Nakangiting sabi ni Headmistress saka nagtungo na din si Mr.Innocent which is Alvinno pala ang pangalan.
Nang makarating na ito sa field ay tulad ni Aw nag hintay din siya ng ilang segundo saka lumabas na din ang kinatatakutan niya at hindi ko malaman ang itsura basta nakakatakot para siyang aswang na ewan, basta nakakasindak ang mukha pati na rin ang katawan napapalunok pa nga siya pero hindi kagaya ni Aw naglakas loob siyang labanan ang kinatatakutan niya. Nag palabas siya ng Wind blades unang tira pa lang niya’y natamaan na kaagad ang kaniyang kalaban ngunit daplis lamang ito, bigla na lang may lumabas na latigo sa mga kamay ni Alvinno hindi ko alam kung sa'n nanggaling, maaring sinummon niya ang latigo na ‘yon.
Nag simula ng mag laban ang dalawa, namamangha naman ako dahil ni isang galos ay walang natamo si Alvinno habang nag lalaban sila, natapos din ang laban ni Alvinno at ng kaniyang kinatatakutan kaya agad na itong lumabas sa barrier saka bumalik sa kinauupuan niya kanina, ang level naman nito ay from 84 to 87.
Not bad.
~To Be Continued…

Komento sa Aklat (99)

  • avatar
    Souza VianaLuiz Fernando

    gostei muito deste livro

    16/08/2025

      0
  • avatar
    DemoreJellybie

    thank you novelah

    20/05/2025

      0
  • avatar
    BaliliAngel Rhaine

    hi thank for this app I like it very much thank I can't help my family

    12/04/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata