Homepage/Tale of Santuaria: Sunrise and Moonlight/
CHAPTER 17
Katana Luna Silvyria “IT’S you,” Gulat na gulat na sabi ni Mr.Grayish eyes, napangisi naman ako dahil sa unang pagkakataon ay nakitaan ko ito ng ekspresyon at gulat pa and yeah alam kung nagtataka kayo kung bakit ako nandito? Simple lang, sumunod ako at no'ng isang gabi hindi naman talaga ako nag-tungo agad sa Dorm dahil ang totoo n'yan ay sumunod ako sa kanila sa infirmary. I’m just curious, so sumunod ako at narinig ko ang lahat kaya nag desisyon akong sumunod sa kanila nang palihim dito sa mission na ‘to. Gusto ko lang namang makatulong at alam kung makakatulong nga ako lalo na’t mukhang dehado na sila ngayon, mabuti na nga lang at hindi na tunugan ni Mr.Grayish eyes ang presensya ko kaya matiwasay kong nagawa ang pag sunod sa kanila. I’m great, aren’t I? “Who are you?” Kunot-noong tanong ni…ni…Sia? Grrr… ano na nga ba pangalan niya? Hmm…basta ‘yong maldita na sobrang laki ng galit sa ’kin. “It’s better if you don’t know.” Malamig at brusko kong tugon na alam kung hindi nila mabibisto ang aking boses. Alam kong nagamit ko na ang line na ‘yan, wala lang trip ko lang paki niyo ba?! “Tama na ang daldalan! Ito na ang katapusan niyo!” Sigaw na naman no'ng nakakadiring halimaw at agad itong umatake sa pito na sa tingin ko’y hindi kaagad napansin ng pito kaya madali akong lumapit sa kanila at gumawa ng napaka tibay na shield. Nagulat pa ang pito dahil sa ginawa ko, ngayon ay nasa loob kami ng kulay pula, orange at dilaw kong apoy. “Wow! Is this a fire?” Namamanghang tanong ni Mr.Innocent, hayysss kailan ko ba matatandaan ang mga pangalan nila? “Yeah,” Tipid kong sagot habang nakatingin sa labas ng apoy, kung sa'n umaatake ang halimaw ngunit kahit anong atake nito ay hindi nito masira-sira ang apoy na shield na kinaroroonan namin. “Your fire is different, kakaiba din ang kulay, hindi ko akalain na pwede palang tatlo ang kulay ng apoy.” Namamangha ding komento ni Mr.Playboy. “This fire is so strong, the aura is mighty and I can feel it.” Biglang ani maldita, nagulat pa 'ko ng papuri ang lumabas sa bibig nito, alam naman niyo na kumukulo ang dugo niya sa ’kin, oh! Well baka no choice lang siya’t wala lang siyang masamang masabi tungkol sa ’kin kaya gano’n. “Stop with that chitchat, I have a great plan to beat that monster.” Malamig kong sabi na ikinatigil naman nila sa pag kukwentuhan at biglang sumeryoso, pinakatitigan ko naman sila at masasabi ko lang na pagdating pala sa labanan ay nagiging matino’t seryoso sila. “What plan?” Tanong ni childish sa seryosong paraan, kaya naman pala nitong maging seryoso bakit hindi na lang kaya siya maging seryoso kahit walang labanan na nagaganap, mas makakabuti pa ‘yon. “Katulad ng isang basong puno ng tubig kapag ‘yong nilagyan nang nilaygan ng karagdagang tubig, ano sa tingin niyo ang mangyayari?” Seryoso kong tanong nang bumaling naman ako nang tingin sa kanila ay maatiim silang nag-iisip. Base na rin sa sinabi ng fairy na nailigtas ko ay nanghihigop nga ang halimaw na ‘yon ng kapangyarihan. “Can you just say your plan na lang? Ang dami mo pang pasakalye.” Naiiritang sabi na naman ni Maldita, pinanlisikan ko naman ito ng mata kaya natigilan siya. Remind me to burn that bitch later, uh! “I get it, so you mean kailangan natin siyang atakihin ng sabay sabay hanggang sa sumabog siya? Katulad sa isang basong puno ng tubig pag punong-puno na ito ay bigla na lamang siyang bubulwak hanggang sa wala ng matira sa kaniya, I am right?” Nakangiting sabi ni Em, kahit kailan talaga ang talino ng isang ‘to, akala ko nga ay ang leader nila ang makakaunang maka gets sa sinabi ko. I made a mistake in that part. “Gotcha!” Sabi ko na may kasama pag kindat, napa dapo naman ang tingin ko kay Mr.Grayish eyes na titig na titig sa ’kin, nangunot naman ang noo ko saka tumitig din sa kaniya and that's it, nag staring contest na naman kami. “Hey,” Natigil lang ‘yon ng mag salita si Mr.Playboy, nang bumaling naman ako ng tingin sa kanila ay nakita kung nanlalaki ang mga mata ni Em ngunit madali din itong nawala. “In count of three be alert,1…2…3…GO.” Pagkasabi ko no'n ay agad na nawala ang apoy na nakapalibot sa 'min saka mabilisan kaming umatake sa halimaw nang sabay-sabay pati na rin ang fairy na si Aisha ay ginagamit din ang kaniyang kapangyarihan. Habang patuloy ang pag-atake namin ay dahan-dahan akong lumapit sa halimaw at agad kong pinalabas ang isapada ko't itinarak ko 'to sa kaniyang puso saka bumalik na ako sa dati kong pwesto. “Hindi niyo ako matatalo kahit mag tulong-tulong pa kayo!” Malakas na may kumpyansang sabi ng halimaw. “Hindi!” Malakas na sigaw nito saka bigla siyang sumabog, kumalat pa sa katawan namin ang malagkit nitong katawan, ewww! “Look!” Sigaw ni childish saka itinuro ‘yong iba’t ibang makukulay na bilog. “Ang mga kapangyarihan ng mga kapwa ko fairies.” Masayang sabi ng Fairy na kasama namin habang nakanganga at tila namamangha sa kaniyang nakikita. Ang kapangyarihan na sinasabi nito ay lumilipad patungo sa mga fairy na bihag kani-kanina lamang, I think bumalik na sila sa dati nilang anyo. “Aisha!” Napalingon kami sa likod nang may sumigaw at nakita namin na may tumatakbong dalawang fairy patungo sa amin. “Ina, Ama!” Sigaw din ng fairy sa mga magulang pala niya saka sila nag-yakapan, napayuko naman ako nang makita silang masayang-masaya dahil bigla kong naalala si dad. I miss him so much, kailan ko pa ba siya makikita? “Are you okay?” Agad ko namang naiangat ang paningin ko nang biglang mag salita si Mr.Grayish eyes, tumango lamang ako sa tanong niya't nag umpisa nang mag lakad paalis sa lugar na 'yon. “Wait!” Pigil sa ’kin ni childish kaya napaharap ako sa kanila, na ngayon ay ang kanilang paningin ay na sa ’kin na. “Aalis ka na?” Tanong ni Mr.Innocent, tumango naman ako. “What’s your name?” Tanong naman ni Em bumuntong hininga ako bago sumagot. “Tawagin niyo na lamang akong MOON.” Pagkasabi ko no'n ay mabilis akong tumakbo paalis sa lugar na ‘yon. To be continued...
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (99)
Souza VianaLuiz Fernando
gostei muito deste livro
16/08/2025
0
DemoreJellybie
thank you novelah
20/05/2025
0
BaliliAngel Rhaine
hi thank for this app I like it very much thank I can't help my family
gostei muito deste livro
16/08/2025
0thank you novelah
20/05/2025
0hi thank for this app I like it very much thank I can't help my family
12/04/2025
0Tingnan Lahat