Homepage/My Favorite Mistake (Limit of Reality Series #2)/
18
"Damn it!"
Inis kong kinapa ang alarm clock ko at pinatay iyon bago muling sinubsob ang mukha ko sa aking unan. Makalipas ang ilang sandali ay papungas-pungas akong bumangon mula sa pagkakahiga at naupo sa kama ko. Napahilamos ako sa mukha ko bago tumayo at inayos ang higaan ko. Kumuha ako ng isang hair tie mula sa drawer ko at itinali ang aking buhok bago lumabas ng kwarto.
Dumiretso ako sa banyo para maghilamos at magmumog bago ako bumaba sa dining para kumain.
"Good morning, Manang," bati ko kay Manang Esther nang makita ko siyang naghahanda ng pagkain sa dining.
"Good morning, anak," ngumiti siya sa akin bago hinila ang isang bangko para sa akin.
"Ano pong ulam?" parang batang tanong ko sa kanya.
"Tapa at tocino. Paborito mo," sambit niya bago ako kinuhaan ng plato at sinandukan ng pagkain.
Tatanggi pa sana ako sa ginagawa niya dahil kaya ko namang gawin iyon pero hindi nalang ako nagsalita dahil hindi din naman magpapapigil si Manang. 16 na ako but she's still treating me like 6 years old. Parehas sila ni Kuya Ian. Nagpasalamat ako sa kanya bago niya ako iniwanan sa dining para kumain.
Right after eating breakfast, I went back to my room and started doing my output for the club. Bukas na ang festival at hindi pupwedeng wala akong iaambag do'n. Binuksan ko ang aircon ng kwarto ko bago ako naupo sa study table ko para gumawa. Habang naghihintay ng pagbukas ng laptop ko, narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon para tignan. Agad akong napangiti sa 'di malamang dahilan nang makita kung sino ang nagmessage.
itszane: good morning aria ko. i'm currently having my breakfast.
May kasamang picture ang message niyang iyon. I clicked on the picture to see it clearly. He's having a fried rice with ham and a sunny side up egg. Malalaki na ang bawas ng pagkain niya at halatang paubos na. I bit my lower lip before typing a reply.
ariacg: don't use ur phone while eating. finish ur food before u talk to me.
He replied fast.
itszane: copy boss. give me 5 minutes then we'll talk again :))
Napailing nalang ako at hindi na siya nireplayan. Habang hindi pa siya nagrereply ay sinimulan ko nang gawin ang outputs na ipapasa ko kay Franz para sa festival bukas. Maya mga booths kasi bukas at parang plano nila na lagyan ng mga pictures ang booth namin. May pinasa naman na kaming photos nung isang araw kaya hindi ko alam kung bakit nagpapapasa na naman si Franz ng mga pictures. Mabuti nalang ay hindi lahat ng pictures na nakuhanan ko noon ay naipasa ko kaya may mga bago pa akong pictures na pwedeng maipasa.
I checked my email and saw Cai's email for me. Binuksan ko iyon at nakita kong nag-attach siya ng sample na pangagagayahan ko ng gagawin kong output. He also sent me some pictures that he took na pupwede ko daw idagdag sa output ko kung gusto ko. I viewed the pictures and surprisingly, it was perfectly taken. Ang ganda ng lightning at hindi masakit sa mata ang mga pictures na kinuhanan niya. He really fits in this club. He really has an eye for photography.
After sometime, I got a message from Zane.
itszane: may ginagawa ka ba ngayon?
ariacg: yes. ginagawa ko yung pinapasa samin para sa club. why?
itszane: mamayang hapon nalang tayo lumabas. tapusin mo muna yang ginagawa mo tapos i-chat mo ako kung anong oras ka na pwede para masundo kita.
itszane: tapusin mo na yan. kapag kailangan mo ng tulong sa kahit ano, just hmu ;)
I bit my lower lip, trying to suppress my smiles. I just reacted on his message before I closed my phone and continue on doing my work. Sa sobrang subsob ko sa paggawa ay hindi ko namalayan na pasado ala una na pala ng hapon. Kung hindi pa ako chinat niZane para paalalahanan na kumain ako ay hindi ko pa malalaman. Mabuti nalang at agad ko ding natapos ang ginagawa ko kaya inemail ko na 'yon kay Franz bago bumaba para kumain ng tanghalian.
Pagkatapos kong kumain ay bumalik ako sa kwarto at kinuha ang phone ko para i-message si Zane.
ariacg: hi katatapos ko lang maglunch, anw, anong oras tayo lalabas?
He replied so fast.
itszane: tapos ka na ba sa lahat ng dapat mong gawin?
ariacg: yes.
itszane: okay then. take a bath if u haven't taken a bath yet. expect me to pick you up in an hour and a half :)
I typed 'okay'. I threw my phone on the bed and took my robe then headed to the bathroom. I entered the bathroom and took a bath. I brushed my teeth then did my skincare afterwards. I walked towards my walk-in closet to pick clothes that I'll be wearing for today.
Wala akong alam sa kung saan kami pupunta ni Zane ngayon kaya medyo nahirapan pa akong pumili. In the end, I just chose to wear a green dress, ending inches below my knees. I went out of my walk-in closet and sat on the vanity table to fix myself. While blow-drying my hair, I received a message from Zane.
itszane: what color is your outfit for today?
I typed a reply.
ariacg: 💚
Maya-maya ay nakatanggap muli ako ng reply mula sa kanya. I bit the insides of my cheeks while reading his message.
itszane: ang cute nung heart. yung heart mo kaya, kailan magiging akin? :)
itszane: jk. magbibihis lang ako. see you in a bit, aria.
Napailing nalang ako bago binaba ang phone ko at pinagpatuloy ang pag-aayos ng sarili ko. I just applied a minimal make-up on my face then curled my hair a bit to achieve some wavy hair look. I finished the look by putting on some cute hairclips. After fixing myself, I took my white Prada heels from the shoe rack but I didn't wear it yet. I also took my white Hermes handbag and put my perfume, liptint, hairtie, wallet and phone in it.
After a few minutes, Zane messaged me that he's already in front of our house so I wore my heels and took my bag before leaving the house. As soon as I opened the gate, I saw Zane leaning against his car while playing with his car keys. He was wearing a sage green short sleeve polo with a designer brand engraved on it. It was paired with white jeans and white Gucci sneakers. His hair was pushed back with few strands falling on his forehead. I must admit that he looks good on his outfit today. Mukha tuloy kaming couple dahil parehas ang kulay ng mga suot naming dalawa.
Nang makita naman niya ako ay kita ko ang pag-awang ng labi niya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Napakurap ako ng ilang beses nang manatili ang tingin niya sa mukha ko. Bakit ganyan siya makatingin sa akin? Nasobrahan ba ang make-up ko? May dumi ba ako sa mukha?
"B-bakit ganyan ka makatingin?" I let out a nervous laugh.
"Je n'ai jamais vu un visage aussi beau de toute ma vie," sambit niya na nagpakunot ng noo ko.
"Pardon?"
He let our a soft chuckle and shook his head a bit. "Wala. Sabi ko tara na para maiuwi kita ng maaga. Mayayari ako sa Kuya mo kapag hindi ka nakauwi sa tamang oras," sambit niya at binuksan ang shotgun seat ng sasakyan niya. Kahit medyo nagtataka sa sinabi niya kanina ay naglakad ako palapit sa sasakyan niya at sumakay. Sinara niya ang pintuan bago umikot papuntang driver's seat.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.
"Magsisimba. Tapos after ng misa, ikaw na bahala kung saan mo gustong pumunta," kaswal na saad niya habang nagmamaneho.
"Ayala Triangle tayo!" masayang sambit ko sa kanya habang inalog ng bahagya ang braso niya na dahilan para matawa siya ng mahina.
"Okay, miss," sabi niya tumingin sandali sa akin bago binalik ang tingin sa daan.
Gaya nga ng sinabi niya ay dumaan muna kami sa isang simbahan upang umattend ng misa. Pagkatapos ng halos isang oras at kalahati ay natapos din naman ang misa kaya nagdrive na si Zane papuntang Ayala Triangle. We've been to Ocean Park and Intramuros for the previous weeks so I suggested na doon kami pumunta para naman makapag-shopping kami.
Pagkapark niya sa parking ng mall ay tinanggal ko ang seatbelt ko at bumaba ng sasakyan niya. Hindi din naman nagtagal ay bumaba na din siya mula sa driver's seat. Pagkalapit niya ay agad kong inangkla ang braso ko sa braso niya bago nagsimulang malakad. Dahil nga sa mahahaba ang biyas niya ay binabagalan niya ang lakad para makasabay ako. Nakaheels na ako ngayon pero mas matangkad pa din talaga siya. Hanggang dibdib lang niya ang taas ko ngayon. Medyo unfair.
Una kaming pumasok sa isang clothing store para magtingin-tingin ng damit at bumili na din kung sakaling may magustuhan ako. Habang nag-iikot ako ay nakasunod lang sa akin si Zane na para bang binabantayan ako. Pumipili din siya ng mga damit at itinatapat iyon sa akin para tignan kung babagay ba sa akin o hindi.
"Bakit hindi ka kumukuha ng para sa'yo? Wala ka bang nagugustuhan?" tanong ko nang mapansing wala siyang dala maliban sa mga damit na kinuha ko. Siya ang nagbitbit ng mga iyon dahil siya din naman ang suwestiyon no'n kaya hinayaan ko nalang.
"Wala akong nagugustuhang mga damit. Pero kung nagugustuhang tao, ikaw na 'yon. Walang duda," sabi niya. Lumingon ako sa kanya at tinignan siya sandali. Tinaasan niya ako ng kilay na para bang nagtatanong kung bakit. Napailing nalang ako. Kahit kailan talaga.
Nang matapos na akong pumili ng mga damit ay dumiretso agad kami sa cashier para magbayad. Habang nasa pila kami ay kita ko ang tingin ng mga babae doon dito sa kasama ko. Bumaling ako kay Zane na wala namang paki-alam at... nakatingin lang sa akin.
"Next, please," inilapag ni Zane ang mga damit at hinayaang i-punch ng cashier lahat. "That will be ₱ 12, 327 in total. Are you going to pay in cash or by card?"
"Cash po," sabi ko at binuksan ang bag ko para kuhanin ang wallet ko. Kumuha ako ng ₱12, 500 at inabot iyon sa cashier. Hinintay namin ang sukli bago hinawakan ni Zane ang kamay ko ay iginaya ako palabas ng clothing store.
Habang nag-iikot ikot kami sa mall ay nakahawak pa din si Zane sa kamay ko. This is the first time I held hands with a guy aside from Papa and Kuya Ian. And surprisingly, I didn't felt a sting with Zane's touch. His touch brought comfort in my whole system and for some reason, I don't want him to let go of my hand. I've never felt this safe to anyone before aside from my own brother. He really has his way to make me feel comfortable and safe around him everytime we're together.
Pumasok kami sandali sa loob ng isang beauty store dahil sabi ko sa kanya na bibili ako ng pang-skincare ko. Malapit na kasing maubos ang mga facemask at serum ko. Game na game naman siyang sumama sa akin. Habang nag-iikot sa loob ng store ay biglang tumunog ang phone niya at may tumatawag sa kanya. Akala ko ay aalis siya para sagutin ang tawag pero nanatili pa din siya sa tabi ko at sinagot ang tawag.
"Sab, bakit?" bungad niya. "Nasa mall pa kami. Maya-maya pa kami uuwi, bakit? Para saan? Ah, sige. Ilan ang bibilhin? Sige bye," pinatay naman niya agad ang tawag at binalik ang phone niya sa bulsa.
"Sino 'yon?" tanong ko habang nagtitingin ng serum.
"Kapatid ko. Daan tayong National Bookstore mamaya ha? Nagpapabili kasi si Sabrina ng mga materials para sa project niya," sabi niya sa akin.
Bumaling ako sa kanya at tumango. "Sure. Anyway, okay na 'to. Ito lang naman lahat ng kailangan kong bilhin," sabi ko sa kanya at iginaya siya papuntang counter para bayaran.
Gaya nga ng sinabi ni Zane kanina ay dumaan kami ng National Bookstore para ibili ng materials ang kapatid niya. Dahil nga sa magkahawak naming kamay ay nakasunod lang ako sa kanya. Paminsan-minsan ay hinihingi niya ang opinyon ko tungkol sa mga materials na kinukuha niya at palagi naman niyang sinusunod ang suggestion ko kaya napapailing nalang ako.
Bago kami tuluyang umuwi ay kumain muna kami sa isang restaurant. Siya ang nag-order samantalanag ako naman ang naghanap ng mauupuan namin. Naging dahilan din iyon upang maghiwalay ang mga kamay naming kanina pa magkahawak. I pouted a bit because of that but good thing it happened because my hands were sweaty! Bahagya tuloy akong nahiya dahil nahawakan niya ang namamawis kong kamay.
After having our dinner at Wendy's, he drove me home. We arrived home 5 minutes before 9 in the evening. Takot na takot talaga ang isang 'to na hindi ako maiuwi ng tamang oras. Kinuha ko na ang mga paperbags na naglalaman ng mga pinamili ko bago bumaba ng sasakyan niya. Pinanood ko siyang inikot ang sasakyan niya bago nagdrive palabas ng village. Hindi pa gaanong nakakalayo ang sasakyan niya ay nakita kong muli ang tatlong beses na pagblink ng headlights ng sasakyan niya. I bit my lower lip to suppress my smiles before I opened the gate of house and went inside.
I woke up around 8 in the morning the next day. Maaga akong nagising dahil maaga din akong papasok ng school dahil tutulong pa ako kay Cairo at Franz sa pag-aayos ng booth namin. After having my breakfast, I went to the bathroom to take a bath, brushed my teeth and did my skincare. Wala namang color coding when it comes to our outfits kaya pwedeng pwede akong magsuot ng kahit anong kulay. Since I'm in a good mood today for some reason, I chose to wear cream colored long sleeve top paired with beige colored ruffled skirt. I opted to wear something minimalistic today.
I blow dried my hair and curled it a bit to achieve some wavy hair look. I didn't put any make-up on my face and just applied face powder and lip tint. I sprayed perfume before I took my bag and camera and left the house. Habang nasa biyahe papuntang school ay binuksan ko ang camera ko at tinignan ang mga pictures na kinuhanan ko last week. It looks pretty... dull to me, to be honest.
"What do you mean it's dull? It's picturesque, Celine,"
Pagdating ko sa gym ay agad kong pinakita kay Cairo ang mga pictures na kinuhanan ko last week. I told him that I think those photos were dull and lifeless than my previous pictures that I took. Ewan ko pero ganoon ang dating niya para sa akin.
"Really? I'm not sure about it that's why I showed it to you. I really need to hear someone's judgment and you're kind of a judgmental person that's why I showed it to you," sabi ko habang tinitignan ang camera ko.
"Why does it sound like I'm a bad person?" he scoffed. "Well, if you're not satisfied with my judgment, let's show it to someone who's more judgmental than you think I am," he said and roamed his eyes as if looking for someone. "Oh, there she is. Ciara!"
Napalingon si Ciara sa gawi namin nang marinig ang pagtawag ni Cairo. She was wearing a blue top and a high waist pants. Her long hair was tied in a high ponytail and she's also wearing make-up today which made her look more beautiful. Ngumiti siya sa mga tumatawag sa kanya habang naglalakad papunta sa gawi namin.
"Hi there. You look fantastic," she said to me and gave me a smile. She then diverted her gaze to Cairo who's standing beside me. "What do you need?"
"Since you're a judgmental person, we need to hear you judgments on these," Cai said then handed my camera to Ciara. The girl seemed to get offended upon hearing Cairo's words but didn't bother answering the latter and just took my camera from him.
"These are fantastic! You really is a good photographer!" she said with a smile while looking at the pictures in my camera.
"Told you," Cairo whispered to me.
"Your shots are so beautiful. It's even better than Cai's shots," she said and I heard Cairo scoffed. "Those pictures that he passed seem to be from ancient times. The theme that was discussed last week was about emotions but because he's stupid, Mr. Handsome right here, passed to me his shots with a goddamn buffalo. What does a buffalo have to do with emotions, huh?" she glared at Cairo.
"Hey, that was a mistake and I took responsibilty for it,"
"Next time, double check everything before you pass it to me. And make sure that is appropriate for the assigned theme, kay?" she rolled her eyes before diverting her gaze to me and smiled as she handed me my camera. Nagpaalam siya sa amin na may aasikasuhin pa daw siya sa clubroom at tumalikod na sa amin.
Nang magsimula na ang festival ay halos hindi na kami umalis sa booth namin ni Cairo. Mdaming tao ngayon dahil lahat ng grade levels ay kasama dito. Hindi din kami halos nagkita ni Zane dahil bukod sa napakaraming tao, magkaiba din ang mga club namin. Ang alam ko ay magpeperform sila mamayang hapon bago matapos ang first day ng festival.
"Ate, pwedeng papicture?" sabi sa akin ng ilang mga 1st year students.
Tumango naman ako. "Sure. Tayo kayo do'n para-"
"Hindi po. Papicture po kami sa'yo. Ang ganda mo po, e. Mukha kang koreana," sabi nila na nagpangiti naman sa akin.
Tumango ako sa kanila, indikasyon na pumapayag akong magpakuha ng litrato kasama sila. Masaya naman silang lumapit sa akin at nakipagpicture. Kung tutuusin ay parang mas madami pa ngang nagpapapicture sa akin kaysa sa mga kinukuhanan ko ngayong araw.
Nang sumapit ang alas kuwatro ng hapon ay nakita kong nag-aayos na ng mga instruments sa stage. Mukhang tutugtog na sila Zane. Hindi din naman nagtagal ay nasimula nang magkumpulan ang mga estudyante upang manood sa pagtugtog ng Music Club.
"Hello," agad akong bumaling sa may stage nang marinig ang isang pamilyar na boses.
It was Zane. My heart skipped a beat for some reason upon hearing his voice but I stared at him longer when I realized the he was wearing the same color as mine. He was wearing a cream colored dress shirt and a black jeans with his hair ruffled. I could clearly see him from afar because of his height.
"I'm going to sing a song for the girl that I like. So if you're here, you know who you are, this song is for you," he said and signaled his clubmates to start playing.
"Oh, there she goes again.. every morning it's the same. You walk on by my house...I wanna call out your name," he started singing. "I wanna tell you how beautiful you are from where I'm standing...you got me thinking what we could be 'cause," I don't know if it's just me but I saw our gazes met. He smiled before returning his gaze to the crowd and started singing the chorus.
"In my dreams you're with me...we'll be everything I want us to be. And from there, who knows..maybe this will be the night that we kiss for the first time...or is that just me and my imagination," he swayed while singing.
"Kahit hindi niya sabihin, alam kong para sa'yo yung kantang 'yan," napaangat ang tingin ko kay Cairo nang marinig ko siyang magsalita. Hindi nalanag ako nagsalita at pinanood nalang si Zane na magperform sa stage.
Pagkatapos ng dalawang kanta ay bumaba na din sila ng stage. Iyon na din ang naging hudyat ng pagtatapos ng unang araw ng festival kaya nagsimula na kaming mag-ayos ng booth. Tutulong pa sana ako kila Cairo pero hindi na nila ako pinatulong at sinabihang umuwi na dahil kaya naman na daw nila.
"Sige na, Celine. You already done enough for today. Kami na ang bahala dito," sabi sa akin ni Cairo. "And he's already waiting for you,"
Bumaling siya sa isang direksyon kaya napatingin din ako doon at nakita si Zane na nakasandal sa poste habang nagcecellphone. May mga kumakaway sa kanya pero tumatango lang siya sa mga iyon at hindi nag-abalang kumaway pabalik. I returned my gaze to Cairo and smiled.
"Okay sige. Ingat kayo pag-uwi. Bye," sambit ko bago tumalikod sa kanila at naglakad papunta kay Zane.
Nang makita niya ako ay agad siyang tumayo ng maayos at binalik ang phone niya sa kanyang bulsa at umakbay sa akin palabas ng school. Tinext ako ni Kuya Vince na baka matatagalan pa siya bago makapagsundo sa akin dahil nasira ang kotse at kailangan pang ayusin.
"Pwede akong sumabay sa'yo pauwi?" tanong ko kay Zane.
"Oo naman. Bakit, may problema ba?"
"Nasira daw 'yung kotse namin at kailangan pang ipa-repair kaya hindi ako masusundo ng driver ko,"
Tumango-tango naman si Zane at sinabihan akong itext si Kuya Vince na 'wag na akong sunduin dahil nga sa kanya na ako sasabay. Kaya iyon ang ginawa ko. Hindi din naman nagtagal ay dumating na ang sundo nila Zane. Binuksan niya ang passenger seat para sa akin bago siya umikot sa kabila at sumakay.
"Kuya, hatid po muna natin 'to sa bahay nila bago tayo umuwi. Ito po yung address nila," inabot ni Zane ang phone niya sa driver nila.
"Sige po, walang problema," sambit ng driver nila. "Girlfriend mo, Zane?"
"Nililigawan po," kaswal na sagot ni Zane at tumango-tango naman ang driver nila.
Hindi naman gaanong traffic kaya mabilis lang kaming nakarating sa bahay namin. Pagkahinto ng sasakyan nila Zane sa tapat ng bahay namin ay agad kong tinanggal ang seatbelt ko at bumaba ng sasakyan. Sumunod naman sa akin si Zane.
"Thank you sa paghatid. Sorry kung medyo nakaabala ako-"
"Anong abala? Wala kang naabala, Celine. Ayos na ayos lang 'yon," pampalubag-loob na sambit ni Zane sa akin.
Ilang sandali pa ay napansin kong nakatingin si Zane sa may likuran ko kaya lumingon din ako. Halos manlambot ang tuhod ko nang makita si Papa na nakasandal sa may poste habang nakakrus ang braso sa dibdib niya at walang ekspresyon sa mukha. Nakatingin lang siya kay Zane na kalmado lang na nakatingin kay Papa.
"Good evening po, Sir," bati ni Zane kay Papa.
"Good evening. Ano ka ng anak ko? Manliligaw?" diretsong tanong ni Papa sa kanya.
"Uh-"
"Hindi po!" tanggi ko. Ramdam ko ang tingin sa akin ni Zane mula sa likuran ko. "Magkaibigan lang po kami," medyo nanginginig na sabi ko dahil natatakot ako sa tingin ni Papa sa akin.
Bumaling naman si Papa kay Zane, tila hinihingi ang sagot niya.
"Totoo po 'yon. Magkaibigan po kami," sambit niya.
Papa gave him a slight nod and dismissed him. Agad namang sumunod si Zane at lumakad papunta sa sasakyan niya. Bago siya sumakay ay nagtama ang mga tingin namin. Ngumiti siya ng bahagya sa akin bago tuluyang sumakay. Habang pinapanood na makaalis ang sasakyan nila ay narinig ko ay narinig kong muli ang boses ni Papa.
"Pumasok ka na. Mag-uusap pa tayo," maawatoridad na sabi niya na siyang nagdala ng matinding kilabot sa buong sistema ko.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (1)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
yayy may story si celine. lovelots talaga sa author grabe ang gaganda ng storyy!!
09/05/2022
0Tingnan Lahat