“May babae na nahimatay sa C.R!!” “Si Andy!” Mabilis na bumitaw si Denum sa pagkakayakap sa ina nang may marinig itong sigaw ng babae. Nakutoban siya na si Andy ang tinutukoy nito kaya halos patakbo niyang tinungo ang lugar. Sumalubong sa kaniya ang babaeng nakahandusay sa sahig at walang malay... Ngunit hindi iyon si Andy. Nakahinga nang maluwag si Denum at hinayaan ang ibang mga tao roon na tulungan ang babaeng makaalis sa loob ng banyo. Paalis na dapat siya nang may humawak sa kamay niya kaya sinulyapan niya ito ngunit wala siyang nakita. Tiningnan niya ang kamay na makailang ulit nitong pinisil bago niya ito tinanguan. “Andy.. nasaan ang katawan mo?” malumanay na tanong ni Denum. Imbes na sumagot ay naramdaman ni Denum na niyakap siya ng dalaga na lingid sa kaniya kaalaman ay punong-puno ng takot. Dahil sa pagkailang ni Andy naisipan niyang tumungo sa banyo para ayusin ang sarili. Naghilamos siya at ilang beses na pinunasan ang mukha gamit ang tissue bago tumingin sa repleksyon sa salamin. “Ano kayang nakita ni Tita Demmy sa akin at trip niya akong asarin sa anak niya? Hmm..” napapaisip na tanong sa sarili. Nanatili siyang nakatingin sa repleksyon nang makita niyang ngumiti ito sa kanya. Medyo umatras siya bago kinuskos ang mga mata at muling tiningnan ang repleksyon sa salamin. Wala na itong pagbabago. Akala niya ay wala na mababago ngunit may umihip na hangin mula sa kaniyang tenga at tila may bumubulong sa kaniya. “Magiging isa na tayo...” “Magiging isa na tayo...” “Magiging isa na tayo...” “Magiging isa na tayo...” “Magiging isa na tayo...” Tila paulit-ulit iyon na tumutunog sa isipan ni Andy hanggang sa namalayan na lang niyang may kamay na sumakal sa kaniya mula sa likod. Pilit niyang hinahawakan iyon ngunit masyadong malakas ang pwersa ng itim na kamay na maging mukha niya ay binalot sa kadiliman. “Tulong! Ahhhhh! Sino ka? Anong gusto mo sa.. akin?” pinipilit kumawala ni Andy sa kung anumang sumasakal sa kaniya. Naramdaman niyang mawawalan na siya ng malay habang umaagos ang luha sa isang mata. “Miss?” Biglang bumalik sa reyalidad si Andy at nakita niya ang isang babae na mukhang staff ng restaurant at may pangambang nakatitig sa kaniya. “Ayos ka lang ba? Narinig kasi kitang nagsalita?” pag-uusisa nito. Doon napagtanto ni Andy na kamay niya ang sumasakal sa kaniyang sarili kaya mabilis niyang tinanggal ang mga kamay at inayos ang sarili. “Ay opo, nag-aacting lang ako para sa school play namin. Pasensya na po sa abala.” palusot ni Andy kahit ramdam niya ang malalamig na butil ng pawis na tumutulo pababa sa kaniyang leeg at mga braso. Paalis na sana ang babae ngunit isang malakas na pagbukas ng pintuan ang tumama sa mukha nito at siyang dahilan kaya ito napahiga sa sahig. “Gagi!” gulat na wika ni Andy at handa na lapitan ang babae ngunit isang kamay ang humila sa kaniya padapa sa sahig at pilit siyang hinihila. Tiningnan iyon ni Andy at laking-gulat na makita ang sariling katawan sa sahig habang hinihila ang kaniyang kaluluwa. Dahil sa takot walang nagawa si Andy kundi magpahila rito. “Tulong!!!” umiiyak na sigaw niya bago binalot ng kadiliman. Nagising na lang siya na kaluluwa pa rin kaya naisipan niyang puntahan si Denum ngunit nasa loob na ito ng Comfort Room kaya hindi siya nahirapan tawagin ito. “Do you think normal na mangyari iyon?” Naluluhang umiling si Andy habang nasa sarili niyang kwarto. Matapos ang nangyari ay inuwi nina Denum at Demmy ang katawan niya kahit gusto ni Demmy na dalhin ito sa Hospital. Si Denum ang pumigil sa ina at nagsabing ayos lang ang dalaga. “I have visions and dreams of me with someone. Parang may kaluluwang palaging nakasunod sa akin at gustong kuhain ang katawan ko. She looks like me but she has this dark aura na palaging nagbibigay ng takot sa akin. Pakiramdam ko kakainin ako ng buhay ng aura na iyon.” diretso ang tingin ni Andy ngunit kita ang pamamasa ng pisnge dahil sa pag-iyak. Ramdam pa rin niya ang panginginig ng mga kamay at hirap sa paghinga ngunit mas ginusto niyang mailabas ang mga gusto niyang sabihin. Umupo si Denum sa tabi ni Andy bago nilagay ang isang kamay sa balikat ng dalaga upang tapikin ito. “Malalaman din natin kung bakit nangyayari sa iyo ‘yan. Huwag kang mag-alala, hindi na kita ilalayo sa paningin ko.” pagpapakalma ni Denum. Tumingin sa kaniya si Andy bago tipid na ngumiti at tinanguan na lang ang binata. “Kumusta si Andy?” Demmy asked before sipping her chamomile tea. Nasa living room siya at abala sa sa kaniyang laptop nang maabutan niya si Denum na kumuha ng tubig at umiinom. Natigilan ito sa pag-inom bago lumapit sa puwesto niya. “She is fine. Nothing to worry, Ma. Palagi siyang ganoon.” “Bakit? May sakit ba siya or other complications?” pag-uusisa ni Demmy bago ibaba ang iniinom at masuyong tiningnan ang anak. “No. It's just normal for her. Just don't think of bringing her in the Hospital again, Ma. Promise, wala siyang sakit.” paniniguro ni Denum bago umupo sa sahig at panoorin ang ina. Tumango si Demmy bago nagsimulang magtipa sa laptop niya. Iyon naman ang naging pagkakataon ni Denum para magsalita ulit. “Are you willing to do the Annulment, Ma?” Halos mabitawan ni Demmy ang kinukuha niyang tsaa mabuti na lang at nasalo ni Denum. Nagkatingnan silang mag-ina, kita ang pagiging taranta ni Demmy. “Anong ibig mong sabihin, Emmanuel? Saan mo nalaman iyan?” pinilit na ngumiti ni Demmy ngunit hindi nawala ang nag-uusisang tingin ni Denum. “I overheard you two talking about that the other night. Talaga bang gusto mo siyang hiwalayan?” pag-amin ni Denum. Tinigil ni Demmy ang ginagawa bago umupo rin sa sahig para tapatan si Denum. Hinaplos niya ang buhok ng anak. “I am willing to do it. Nakalimutan mo na ba ang ginawa niya sa iyo? Sa inyo ni Kino? Mas importante kayo sa akin.” paliwanag ni Demmy. “But you are happy with him, right? Kailangan mo ba siyang hiwalayan?” seryosong tanong ni Denum. Naguguluhang hinawakan ni Demmy ang mukha ni Denum bago umiling. “To be honest, I don't know Emmanuel. Hindi ko kayang magsinungaling na hindi ko na mahal si Kris pero I feel betrayed, Anak. Kahit naging masaya ako sa kaniya kung kapalit non ay pahirapan kayo ni Kino, hindi ko gugustuhin na maulit pa. Kung pwede ko lang ibalik yung mga taon na ‘yon, itatakas kita, kayo sa bahay na ‘to para lang hindi niyo naranasan ang mga yon. Hindi ko pinangarap sa iyo ‘yon at mas lalong ayoko na mangyari kay Kino ‘yon.” hinalikan ni Demmy sa noo ang anak na si Denum bago hinaplos ang mukha nito na lumuluha na rin ‘gaya niya, “Huwag mo na ulit isipin ang kaligayahan ko, Anak. Dahil ikaw lahat iyon, ikaw ang una sa lahat. Baliwala lahat ng masasayang taon ko na iyon kung nagdusa ka, at si Kino. I am sorry, my Emmanuel. My dear Emmanuel..” mahigpit na yakap ang naging sagutan ng mag-ina at hindi na nakakibo si Denum dahil sa tagpong iyon. ——— END OF CHAPTER 58 ———
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (62)
imjfran
the flow of the story. I loved it.
gusto ko yung part na yung babaeng bida is humihiwalay yung katawan and that nahulog as bangin part dahil may lumapit sa kaniyang kaluluwa na hindi nakita ni kino.... OMG! ANG GANDA! pero gusto ko po si denum. ang gwapo niya sa imagination ko!!!
16/07/2022
0
Scarlett Moon
synopsis pa lang interesting na! highly recommended story, must read! ♡♡♡
the flow of the story. I loved it. gusto ko yung part na yung babaeng bida is humihiwalay yung katawan and that nahulog as bangin part dahil may lumapit sa kaniyang kaluluwa na hindi nakita ni kino.... OMG! ANG GANDA! pero gusto ko po si denum. ang gwapo niya sa imagination ko!!!
16/07/2022
0synopsis pa lang interesting na! highly recommended story, must read! ♡♡♡
30/05/2022
0the best story highly recommended ❤️❤️❤️❤️
26/05/2022
0Tingnan Lahat