IT took them one more week before letting Denum out of the Hospital. Tinupad ni Andy ang gusto ni Denum na siya ang mag-alaga rito at nag-modular na pansamantala para hindi siya mahuli sa klase. Bumisita rin sina Lylia at Krem ngunit hindi sila pinansin ni Denum at si Andy lang ang kumausap. Tanging si Andy lang ang kinakausap ni Denum kahit binisita siya ng kaniyang ina na si Demmy kasama si Kino. “Finally! Makakauwi ka na.” nakangiting sabi ni Andy habang nagliligpit ng mga gamit ngunit tila siya lang ang natutuwa sa nangyayari. Denum stood still while holding the giant stuffed toy. Tila malalim pa rin ang iniisip nito. “Susunduin tayo ni Tita Demmy.” paglalahad ni Andy bago buhatin ang dalawang bag ng mga gamit nila. Doon lang siya tiningnan ni Denum, “Where are we going?” “Sa bahay niyo..” maikling tugon ni Andy. Kumunot ang noo ni Denum bago umiling ng makailang beses. “At bakit ako uuwi sa bahay na iyon? I have my own rental room. Doon ako uuwi, sa tirahan ko.” “Pero gusto ni Tita Demmy na maalagaan ka. You let me took care of you for a week. Dapat hayaan mo naman na maalagaan ka niya ngayon.” sansala ni Andy. Pagak na tumawa si Denum bago tinitigan si Andy. “I should go home by my own. Tapos na ang duty mo sa akin. Ikamusta mo na lang ako sa lahat, kahit sa ama ni Kino if you want.” Walang pasabi na ibinaba ni Denum ang malaking stuffed toy at mabilis na nilisan ang kwarto. Naiwan si Andy na hindi alam ang gagawin dahil alam niya ang dahilan kung bakit ayaw umuwi ni Denum at naiintindihan niya ito. Walang nagawa si Andy nang makarating si Demmy kundi ikwento na lang ang nangyari. Ngumiti na lang si Demmy bago tinulungan si Andy na buhatin ang mga gamit. “He is old enough now. He is no longer that child who wants to spend more time with me. I guess I don't have a choice, I should accept it.” tanging nasabi na lang ni Demmy kay Andy habang nasa biyahe sila. Hanggan sa makarating sila sa bahay, hindi nila inaakalang may sasalubong sa kanila. Gulat na tiningnan ni Andy si Denum na nasa labas ng bahay. “I thought hindi ka uuwi?” nangingiting tanong ni Andy. Bago pa makasagot si Denum ay tumakbo na si Demmy rito para yakapin ang binata. “Oh, Thank God! Salamat at umuwi ka. Akala ko hindi kita maaalagaan matapos mong magising.” naluluhang wika ni Demmy bago hinalikan ang buhok ni Denum. Ngumiti naman si Andy nang tingnan siya ni Denum. That's when Andy realized how Denum loves his mother. Andy thought it would be a great day ahead but it turns out worse when Kris called out a meeting in the dining area. “Dad, what are we gonna talk about? Hindi ba pwedeng magpahinga muna ang bahay na ‘to?” Kino asked out of a sudden. “Not until you go back to that camp and secure your graduation.” Kris scoffed before turning his gaze towards them. Kakaiba ang mga tingin nito, mga tingin na hindi nila nagugustuhan. Tumalikod ito sa kanila at tumingin sa malaking bintana bago nagsimulang magsalita. “I’m done talking to Entice’s Parents. Wala silang balak iurong ang mga kaso. You know what does it mean? Maaari kayong makulong at ma-expell sa School na pinapasukan niyo! Papaano na lang ang kinabukasan niyo?! Hindi niyo ba iyon naisip?!” Umalingawngaw sa buong kabahayan ang boses ng Padre de pamilya. Tila isang malakas na kampana na narindi ang tenga ng mga nakarinig ngunit tanging si Denum lang ang nagawang ngumiti. Hindi iyon nakalagpas sa mata nina Kino at Andy kaya dali-dali silang nagtinginang dalawa. “Patigilin mo si Denum..” walang boses na wika ni Andy dahil si Kino ang katabi ni Denum. Ngumuso si Kino at umangat ang isang kilay, “Baliw ka ba, papaano? Natatakot ako kay Dad.” tugon ni Kino na walang boses. Pinandilatan ni Andy si Kino ngunit iniwas lang ni Kino ang tingin sa dalaga kaya mariing napapikit si Andy bago yumuko. “Bwiset ka talaga, Kumag.” pabulong na sabi ni Andy. Nakatalikod si Kris kaya hindi niya nakita ang nakangiting mukha ni Denum nang paharap na siya at dali-dali siyang iniyuko ni Kino gamit ang isang kamay na ikinagulat ni Denum ngunit hindi na nagreklamo. “Kris, hindi ba pwedeng magpa-imbestiga rin tayo? Imposibleng walang naiwang ebidensya na magtuturo kung sino talaga ang may kasalanan. And besides, kilala ko ang anak ko. Hindi maganda ang pinapakita niya sa ‘yo pero hindi ko siya pinalaking masamang tao. Mas sigurado pa akong mananakit siya ng harapan kaysa gumawa ng ganoong bagay! Kidnapping?! Hindi lisensyadong baril?! Mga sugat at bali sa katawan niya? P*tangina naman, Kris! Kahit sino hindi maniniwalang nakaya nilang kidnappin ang ganoon kadaming estudyante na silang dalawa lang.” halos hindi na rin maipinta ang mukha ni Demmy habang kausap ang asawa, maging siya ay hindi makapaniwalang gagawin iyon ng sariling anak. Parehong nag-angat ng tingin sina Kino at Andy at sumang-ayon sa suhestiyon ni Demmy, tanging si Denum lang ang naiwang nakayuko at tila malalim ang iniisip. “Yeah. I think that's a great idea, Dad. Imposibleng wala tayong mahanap na mas matibay na ebidensya gamit ang mga koneksyon mo. Malilinis natin ang pangalan ni Denum kapag nagkataon.” komento ni Kino. Dahil sa narinig na sinabi ng sariling ina ay nawala ang ngiti sa mukha ni Denum. Sa ilang taon, ngayon na lang niya ulit narinig ang galit na tono ng ina dahil sa pagtatanggol sa kaniya. Hindi normal iyon dahil hindi niya pa nakikitang magalit ng husto si Demmy kahit hindi maganda ang trato niya rito. Ilang sandaling napaisip si Kris bago muling magsalita, “No! Nakita niyo naman, Demmy. Matibay ang ebidensya nila. Yung baril palang! How come na nagkaroon ng baril ang anak mo?! Iyon palang pwede na sagutin kung paano nila nakayang kidnappin ang grupo nila Entice. Kamag-anak ko pa, Demmy. Ano ang sasabihin ng pinsan ko kapag hindi ko pinagbayad ang anak mo?! Sasabihin nilang nagpalaki ako ng kriminal!” Mabilis pa sa alas-kwatro na lumapat ang mga palad ni Demmy sa mukha ni Kris. Sunod-sunod niya itong pinagsasampal habang sinisigawan ang asawa. “Wala kang karapatang tawaging kriminal ang anak ko! Ako ang nagpalaki sa kaniya! Hindi ikaw! Anong karapatan mong tawagin siya ng ganiyan?!” galit na galit na sigaw ni Demmy habang paulit-ulit na sinasampal si Kris hanggang sa paghahampasin, “Kris! Kung iniisip mo ang sasabihin ng pamilya mo! Dapat inisip mo rin kung anong iisipin ng asawa mo!” Halos matulala ang tatlo habang tinitingnan ang away ng mga nakakatanda. Hindi makapaniwala si Andy na masasaksihan niya ang away ng mga magulang nina Kino at Denum. Hindi niya alam kung ano ang unang gagawin. “Mom, stop it! Nasasaktan si Dad.” unang tumayo si Kino para pigilan si Demmy sa patuloy na pagsampal at paghampas kay Kris na hindi na rin nakapagpigil. Mahigpit na hinawakan ni Kris ang mga kamay ni Demmy bago malakas na sinampal ang babae dahilan para mapasandal ito kay Kino. Napatayo si Andy dahil sa nangyari. “Tito..” tanging nasabi ni Andy bago hinawakan sa braso si Kris. “Tumahimik ka!” malakas na tinanggal ni Kris ang pagkakahawak ni Andy. “Dad! Look what you've done?! Bakit mo sinaktan si Tita Demmy?!” hindi makapaniwalang tanong ni Kino bago dinala sa likuran niya si Demmy na natulala sa pagkakasampal ng asawa. “She slapped me! Nakita niyo naman kung paano niya ako sinaktan at wala siyang balak tumigil hanggat hindi ko siya pinatatahimik!” buong tapang na sigaw nito. Lumapit si Andy kay Demmy at hinawakan ang mga balikat nito bilang suporta. “Dad! That's not enough reason! Wala kang karapatan saktan ang tumayong nanay ko. You're not in your right mind, Dad. Amoy alak ka. Just please, let's call it a day. Magpahinga ka na muna.” pilit na pagpapakalma ni Kino sa ama ngunit kinuwelyuhan lang siya nito. “Wala kang karapatan utusan ako dahil anak lang kita..” tinulak niya ito kaya napaupo ito sa sahig bago tingnan ang tahimik na nakaupong si Denum, “And you... Anong kapal ng mukha mo para bumalik pa rito sa bahay ko?” “Kris, anak ko si Denum kaya may karapatan siyang magpunta rito.” sabat ni Demmy na mukhang nakarecover na sa sampal ng asawa. “Oh yeah! Right! ‘Di ba tinakwil na niya ang pamilyang ‘to? Ngayong gumawa siya ng gulo, dito siya tatakbo sa atin.” dahil sa tama ng alak ay wala na sa kontrol ang sinasabi ni Kris sa asawa. Tinanggal ni Demmy ang pagkakahawak ni Andy bago naguguluhang tinitingnan ang asawa. “What’s wrong with you? Nagkakaganiyan ka ba dahil nadamay ang pangalan mo sa nangyari sa anak ko? Iyon lang ba ang dahilan? O may mas malalim pa roon?” sumeryoso ang mukha ni Demmy habang tumutulo ang luha. Nagkatinginan sina Andy at Kino matapos nilang makatayo bago walang ideya na pinanood ang susunod na mangyayari. Nalukot naman ang mukha ni Kris dahil sa sinabi ng asawa, “Anong tinutukoy mo? Natural, itong ginawa ng anak mong krimen ang ikinagagalit ko.” Pilit na tumawa si Demmy bago umiling at pinahid ang mga luha. “Kris, I love you for so many years. But I love my son more than anything else. At itong mga nalaman ko, mas masakit ito dahil minahal kita at tinanggap kita dahil akala ko tanggap mo ako. Kami ng anak ko!” “Demmy! Anong sinasabi mo? Hindi kita maintindihan. Wala akong maintidihan..” Demmy stepped forward before slapping Kris really hard. Ito ay nagpagising sa diwa ni Kris. Napasinghap naman sina Andy at Kino dahil sa nakikitang pangyayari. “You ruined my child’s life! Sinasaktan mo si Denum kapag wala ako! Is that enough for you to realize what I am talking about!” galit na sigaw ni Demmy sa asawa. Labis na nabigla ang ibang taong nakakarinig lalo na si Denum na napatingin sa ina. Kitang-kita niya na lumuluha ito ngunit puno ng galit ang mga mata. Nagkatinginan sina Andy at Kino bago lumingon kay Denum at binalik ang tingin sa mag-asawa. Hinawakan ni Kris si Demmy at pailing-iling na tinitingnan ang asawa. “Demmy, saan mo naman nakuha ang istoryang ‘yan? Ginawa ba iyan ng anak mo para ako ang madiin dito.” Ngumiti si Demmy bago buong lakas na tinulak si Kris. “I heard from your child how you violated my son! Habang nanaginip si Kino, wala siyang ibang sinasabi kundi itigil mo na ang pananakit kay Denum. I confirmed it when I heard his conversation with Andy. Hinayaan ko iyon dahil akala ko galit ka lang, nagbabago ka na. But you know what's the worse? Yung mga dugo sa damit mo bago mo pinalitan. Nakita ko iyon kaya inalam ko ang dahilan kung bakit. Nalaman ko na binayaran mo yung mga pulis para pagtakpan ang pananakit mo sa anak ko. Kris, hindi ito ang pinangako mo sa akin. Hindi ito ang sinabi mo sa akin na magiging buhay namin ng anak ko! Hindi ito ang pinangarap kong buhay sa kaniya!” hindi na napigilang maluha ni Demmy habang pilit siyang niyayakap ni Kris. “Honey! Ssshhh! Let me explain! I am just disciplining your son, kita mo naman kung ano siya ngayon. Kung anuman ang iniisip mo, it's not what you think! Demmy, huwag mo isipin na ginusto kong saktan ang anak mo.” pagsalba ni Kris sa sarili. Isang malakas na sampal muli ang pinakawalan ni Demmy bago niya pinuwersang tanggalin ang mga kamay ni Kris. “Discipline? Without my knowledge? How come na naging trauma para sa anak ko ang pagsama sa bahay natin? Is that really to discipline him? Or to let him stay away from me?” pagtatama ni Demmy. Napahilamos ng mukha si Kris bago pilit pinapakalma ang asawa. “I will never do that! Oh god! Demmy! Ginagawa mo ba ‘to para makalimutan ko ang krimen na ginawa ng anak mo? Why opening this up all of a sudden? Para mapilitan akong gawin ang gusto mo?” ngumiti si Kris na parang nang-iinsulto bago tumingin kay Denum, “Hindi ko kasalanan kung lumaking kriminal ang anak mo. It was your fault to let him grow that way.” “Anong sinabi mo?” balak pa sana sugurin ni Demmy si Kris ngunit naunahan na siya ni Denum. Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Denum dahilan para magdugo ang bibig ni Kris at mapahiga sa sahig. Ilang segundo lang ay nawalan ito ng malay. “Dad!” “Denum!” Kaagad na lumapit sina Andy at Kino para pakalmahin ang mga ito. Namumula sa galit si Denum habang tinitingnan ang nakalumpasay na ama ni Kino. “Kulang pa iyan sa lahat ng trauma na binigay mo sa akin.” gigil na wika niya at sisipain pa sana ito ngunit pinigilan siya ni Demmy gamit ang pagyakap sa likod. “Denum, Anak! Huwag mo na saktan ang Tito Kris mo. Hindi mo deserve na maging katulad niya. Anak, pakiusap. Kumalma ka.” naluluhang pakiusap ni Demmy, “Nandito na si Mama, hindi ka na papabayaan ni Mama... Denum anak.” mahinang bulong ni Demmy. Napatingin sa itaas si Denum at huminga nang malalim bago hinarap ang ina at niyakap ito. “Mama..I’m sorry, Mama.” buong lakas na niyakap ni Denum ang ina at naluha sa bisig nito. “Ssshhh.. wala kang kasalanan, Anak. Ang mundo ang may kasalanan sa iyo. Nandito lang si Mama, I am sorry Denum.” pagpapakalma ni Demmy rito. Pinanood ni Andy ang tagpong ito bago tinulungan si Kino na ayusin ang lagay ni Kris. “Kumusta?” Huminga nang malalim si Kino habang pinapanood si Andy na umupo sa gilid ng kama niya. Abala siya sa pag-aayos ng mga gamit na dadalhin bago bumalik sa Camp. “It saddens me, how things turned out. Pero, gumaan ang pakiramdam ko na malamang nalaman na ni Mommy ang totoo.” may lungkot sa mata nito ngunit pinilit pa ring ngumiti, “And if this would end bad, I will not blame anyone but myself for not standing up years ago.” biglang nawala ang ngiti sa labi ni Kino at nabalot ng lungkot. Hinawakan ni Andy ang isang kamay ni Kino bago umiling. “Ano bang iniisip mong mangyayaring masama?” tanong niya sa binata. “I know this may affect my parents marriage, but I am more concerned to Denum. How things may affect his relationship to you and me. Yung hindi namin pagpapansinan ng ilang taon, nakaya ko. Pero yung hindi ko na sila makasama ni Mommy, at hindi ko na masabing kapatid ko siya. That would really affect me kasi I am proud to be his older brother, hindi ko pinapakita yon dahil ayokong mapagalitan ni Dad pero I see him as my younger bro with or without his mother. He belongs to my memory, my childhood who gave him trauma. I am sorry for it, but I never think of erasing him in my family.” malungkot na paglalahad ni Kino habang humihigpit ang hawak sa kamay ni Andy. Hindi maiwasang malungkot ni Andy habang pinapanood ang binata na umaagos ang mga luha. “You know what you need to do?Talk to him. Makipag-usap ka sa kaniya bago ka bumalik sa Camp mo.” Sandaling natigilan si Kino at tumango. Ngumiti si Andy bago binitawan ang kamay ni Kino at tinulungan ito sa ginagawa. “Kumain ka na ba? Wala ni isa sa inyo ang bumaba buong araw.” pag-iiba ng usapan ni Andy. “Mukha bang makakain ko ‘tong mga unan?” naiiling na tanong ni Kino kaya napanguso si Andy at mahinang sinuntok ang braso ng binata. “Alam mo, balak sana kitang ikuha ng pagkain kaso nawalan ako ng gana.” “Sus, tinatamad ka lang bumaba! Ikuha mo nga ako nang maramdaman ko binabayad ko sa iyo.” biro ni Kino. Kumunot ang noo ni Andy bago binato ng unan si Kino, “Gag*!” Nagtawanan lang sila bago maisipan ni Andy na bumaba para pumunta sa Kusina. Hindi naiwasan ni Andy na kabahan dahil baka makita niya si Kris at pagalitan siya. Marahan niyang tinungo ang ref. “Jusko. Buti wala pa ring tao.” dahan-dahan ang pagbukas ni Andy sa refrigerator at kumuha ng juice dahil ito ang iniutos ni Kino kasama ang kanin at delata ng sardinas. “Ay putaragis!” Muntikan na mahulog ang juice na hawak niya nang makita kung sino ang nasa gilid ng ref matapos niya itong isarado. It was Denum. Laglag ang medyo basa nitong buhok at pipikit-pikit na tumingin sa kaniya. “Anong ginagawa mo rito?” “What are you doing here?” Halos magkasabay silang nagtanungan kaya pareho silang kumunot ang mga noo. “Ako unang nagtanong.” bungad ni Andy. “Ladies first.” tipid na tugon ni Denum. “Fine. Inutusan ako ni Kino na kumuha ng pagkain dahil wala ni isa sa inyo ang balak bumaba rito at kumain.” mahinang sabi ni Andy habang tumitingin sa paligid. “Pero nasa baba ako ngayon.” tugon ni Denum. “Dahil kakababa mo lang.” iritableng tugon ni Andy, “Bakit ba ako nagpapaliwanag sa iyo? Halata naman bumaba ka rito para kumain.” Nagmamadaling dumaan si Andy sa gilid ni Denum habang bitbit ang mga pagkain. “Samahan mo ako.” Natigilan siya nang magsalita ang binata kaya nilingon niya ito. “Saan?” “Kumain. Bumaba ka rito pagkatapos mo diyan.” tipid na sagot ni Denum bago nagsimulang magkalikot sa kusina. Naguguluhang tinungo ni Andy ang kwarto ni Kino at tahimik na ibinigay ang pagkain dito. “Bat ang lalim naman ng iniisip mo?” pansin ni Kino habang nakahiga sa kama. Tumayo siya para salubungin ang dala ni Andy at kuhain agad ito. “Si Denum kasi, nakasalubong ko sa Kitchen. Gusto niyang sabayan ko siya.” sagot ni Andy. Saglit na natigilan si Kino bago tinitigan si Andy, “Oh, ano pang hinihintay mo? Samahan mo siya.” “Okay lang sa iyo?” naguguluhang tanong ni Andy. Kumunot ang noo ni Kino, “Hindi naman kita girlfriend para ipagdamot. Tsaka nabigay mo na pagkain ko, lumayas ka na.” nakakalokong sabi nito. Ngumiwi si Andy bago hinampas si Kino sa balikat. “Tarantado ka talaga, Kumag. Sige, bababa na ako.” Paalis na si Andy nang magsalita si Kino. “Ayos na ba siya?” Lumingon si Andy bago napaisip, “Hmmm... Bat di kaya ikaw na lang ang magtanong?” “What? What do you mean?” walang ideyang tanong ni Kino. Huli na ng mapagtanto niya kung ano ang sinasabi ni Andy dahil nandito na siya ngayon sa Kusina at naiilang na pinapanood si Denum na magluto. “Hindi mo ba siya lalapitan?” bulong ni Andy na nasa gilid ng ref at hindi nagpapakita kay Denum. Ngumiwi si Kino at sinamaan ng tingin si Andy. “Lumayas ka na kaya at hayaan mong ako ang gumawa ng paraan.” gigil na bulong ni Kino. Nagpipigil ng tawa na tumango si Andy, “Subukan mong hindi siya kausapin, ilalayo ko si Komasan.” pananakot nito bago tuluyang umalis ng Kusina. This gives Kino a time to think on how to start the conversation. Dahan-dahan siyang lumapit sa puwesto ni Denum na abala sa paghahalo ng niluluto. “Hindi ko alam na marunong ka palang magluto?” there it is the only question that comes over from his mouth. Sandaling natigilan si Denum sa ginagawa at sinulyapan si Kino bago tinutok ang atensyon sa ginagawa. “When you left your home at a young age, you need to be more independent.” seryosong wika nito bago kinuha ang itlog na nasa mangkok at binati iyon. Hindi naman agad nakakibo si Kino dahil lubha siyang nalungkot sa tinugon ng nakababatang kapatid. Mas lalo lang bumigat ang nararamdaman niyang pagsisisi na hinayaan itong lumayas ilang taon na ang nakakaraan. “Ano iyan? Bakit may dala kang gamit?” Kahit may mga pasa sa braso at marka ng sampal sa mukha ay desidido ang mukha ni Denum na gawin ang naisip na solusyon para makalayo sa dinadanas na pananakit ni Kris. “Why do you care? Hindi ka ba natutuwa na makukuha mo na ang nanay ko? Ang nanay ko na kinuha ng ama mo sa akin at inangkin niya at siya pa itong may galit sa akin!” sumisinghot na wika ng batang si Denum habang pinigilan ang mga butil ng luha na kumawala sa mga mata niya. “Alam mo namang ganoon lang si Papa dahil...” kahit si Kino ay hindi mahanap ang tamang dahilan. Mariing umiling si Denum, “Walang kahit anong rason ang magpapawala ng galit ko sa ama mo at sa pamilyang ‘to na wala akong balak na tanggapin! Kung pinakita niya ito sa Mama ko, tingin mo ba pakakasalan niya ang ama mo? I highly doubt it! Pero dahil kasal na sila at masaya ang mama ko sa pamilyang ‘to, I’ll let her! Ito na lang ang bayad ko sa sakripisyo niya bilang magulang ko.” Binuhat na ni Denum ang dalawang bag kung nasaan ang ilang pirasong damit at mga gamit sa Paaralan. Papalabas na siya ng kwarto ngunit hinarangan siya ni Kino. “Please, Denum... Papakiusapan ko si Dad na huwag ka na saktan. Malaki na ako, hindi na ako takot na ako ang saktan niya. Huwag mo kaming iwan ni Mommy, malulungkot si Mommy!” may pagmamakaawang sabi ni Kino ngunit tinulak lang siya ni Denum na hindi kalakasan ngunit tumalsik siya sa pintuan ng kwarto nito kaya napahawak siya sa ulo.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (62)
imjfran
the flow of the story. I loved it.
gusto ko yung part na yung babaeng bida is humihiwalay yung katawan and that nahulog as bangin part dahil may lumapit sa kaniyang kaluluwa na hindi nakita ni kino.... OMG! ANG GANDA! pero gusto ko po si denum. ang gwapo niya sa imagination ko!!!
16/07/2022
0
Scarlett Moon
synopsis pa lang interesting na! highly recommended story, must read! ♡♡♡
the flow of the story. I loved it. gusto ko yung part na yung babaeng bida is humihiwalay yung katawan and that nahulog as bangin part dahil may lumapit sa kaniyang kaluluwa na hindi nakita ni kino.... OMG! ANG GANDA! pero gusto ko po si denum. ang gwapo niya sa imagination ko!!!
16/07/2022
0synopsis pa lang interesting na! highly recommended story, must read! ♡♡♡
30/05/2022
0the best story highly recommended ❤️❤️❤️❤️
26/05/2022
0Tingnan Lahat