logo text

Chapter 19

FIVE SENSES
CHAPTER 19: AUDITION
"Ayoko." pagtanggi ni Andy habang hinihila siya ni Kino papunta sa Music Club.
"Sa ayaw at sa gusto mo, kailangan mong sumali sa Music Club para mas makilala mo si Lylia." pamimilit ni Kino.
Kumunot ang noo ni Andy.
"Kakasabi ko lang na ayaw ko siya para sa Club natin at hindi ko siya papakisamahan. Tapos gagawin ko 'to?!" naiinis na tanong ni Andy.
"You don't have any choice because she will be our member whether you like it or not, you should be helping me in developing our Club." maawtoridad na wika ni Kino.
Nakasimangot at pinipilit magpabigat ni Andy upang hindi siya mahila ni Kino. Nilingon siya ng binata at tiningnan ng masama. Pinilit na ngumiti ni Andy bago umupo na parang bata at nagpahila kay Kino.
"Hindi ka ba tatayo?" naiiritang tanong ni Kino ng huminto ito sa paghila kay Andy.
Ngumiti na parang aso si Andy bago umiling. Napahilamos ng mukha si Kino bago muling tumingin kay Andy.
"Kapag hindi ka tumayo diyan, bubuhatin kita at pagkapasok natin sa pintuan na iyon.." tinuro ni Kino ang pintuan ng Music Club bago ngumisi."Ipapakilala kita bilang girlfriend ko sa harapan ni Krem. Mukhang gusto mo tawagin kitang baby o kaya naman ay asawa ko bilang magulang ni Baby Koko."
Namilog ang mga mata ni Andy sa narinig at bago pa makalapit si Kino ay mabilis siyang tumayo at patakbong tinungo ang pintuan ng Music Club.
Mahinang tumawa si Kino dahil sa ginawa ni Andy at hinayaan niya ito na mauna sa pagpihit ng pinto. Tinapunan ni Andy ng masamang tingin si Kino bago pinihit ang pihitan at dahan-dahang pumasok.
Napalunok si Andy at halos hindi makagalaw ng bumungad sa kanya ang walang pang-itaas na lalake habang nililinis ang drum set. Namilog ang mata ni Andy ng ngumiti ang lalake at bago pa siya makaiwas ng tingin ay tiningnan na siya nito.
"Hi." bati nito habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.
Awtomatikong napangiti si Andy ng salubungin siya ni Krem. Tila nakakita siya ng iniidolong artista.
"H-ha-ha-h-hi?" nahihiyang tugon niya rito.
Hindi siya makapagsalita ng maayos dahil ramdam niya ang pamumula ng mga pisnge niya.
OMG! !O. O!
Mas lalong hindi nakapagproseso ng maayos ang utak at katawan niya ng makita niya ito na tumayo at naglakad palapit sa kanya. Kitang-kita ang pamamawis ng matipuno nitong katawan habang dahan-dahan na lumalapit sa kanya. Nang makalapit si Krem ay naestatwa si Andy ngunit nanatiling nakangiti.
Nakasuot pa rin ito ng headphone at hindi nakakaasiwang tingnan ang medyo basa niyang buhok.
"Kumusta? Ayos na ba ang paa mo?" tanong nito habang sinusulyapan ang kaliwang paa ni Andy.
Mabilis ma tumango si Andy.
"A-ah, Oo.. Kumikirot na lang naman." naiilang pa rin na sagot ni Andy.
Tumango si Krem bago pinagkrus ang mga kamay.
"Ngayon, ano naman ang ginagawa mo rito?" ngumisi si Krem. "Akala ko ba hindi ka makikipag-usap sa kung sinu-sino lang?"
Natahimik si Andy ng maalala ang sinabi niya ng una silang magkita ni Krem.
Pinilit niyang matawa bago umiling.
"Ah kasi nung oras na iyon ay—"
Hindi natuloy ni Andy ang pagsasalita nang biglang bumukas ang pinto kaya natabig siya nito at napayakap kay Krem. Nagkatitigan sina Andy at Krem bago naghiwalay. Iniluwa ng pinto si Kino habang malawak ang ngiti sa labi at mabilis na lumapit kay Andy upang akbayan ito.
"Baby ko, bat bigla mo akong iniwan?" nakanguso na tanong nito na ikinakunot ng noo ni Andy at mabilis na pinandilatan ng mata si Kino.
"Anong bab— Aww, g*g*. Ang tagal mo pumasok!" daing ni Andy ng tapakan ni Kino ang kaliwang paa niya. Mabilis itong inalis ni Kino.
Halata ang pagkagulat sa mukha ni Krem pero pinanatili niya ang tingin kay Andy na matagal niya ng gustong makilala dahil madalas niya itong makita sa Clinic na walang malay. Minsan ay sa isang room lang.
"Is he your boyfriend?" Krem asked all of a sudden.
Napatigil sa pagtitinginan ang dalawa at kaagad na binalingan ng tingin si Krem. Mabilis na umiling si Andy, gayundin si Kino.
"Nope, we are partners. I'm just kidding her." sagot ni Kino para kumalma na si Andy dahil hindi ito mapakali.
Parang nakarinig ng magandang balita si Krem at mas lumawak ang ngiti na binalingan ng tingin si Kino.
"Why did you called her 'baby?" puno ng kuryosidad na tanong ni Krem.
Nagkibit-balikat si Kino.
"I just want to. Is there any problem?" sagot ni Kino na ikinailing ni Krem.
"Nothing. I'm just curious." muling ibinalik ni Krem ang tingin kay Andy. "Back to the topic, anong kailangan mo sa akin?"
Tumaas ang mga kilay ni Andy.
"Hindi ko naman sinabi na ikaw ang kailangan ko." napapailing na sabi ni Andy.
"Pfft.." nagpipigil na tawa ni Kino.
'And this is the real Andy I am used to, a savage one.' sabi niya sa kanyang sarili.
Namamangha na tumingin si Krem sa dalaga na nakikipagsabayan ng tingin sa kanya. Ilang segundo lang ay kaagad siyang umiwas ng tingin at pinilit na matawa.
"Ano ba talaga? Sasabihin niyo ba ang dahilan ng pagpunta niyo rito o paalisin ko na kayo?" pinanatili ni Krem ang pagiging kalmado kahit nagsisimula na siyang mairita sa presensya ng dalawa.
Umayos ng tayo si Andy.
"G-gusto namin mag-audition para maging member ng Club niyo." diretsahang sagot ni Andy na ikinabigla ni Kino.
"Anong tayo? Ika— aray, Oo kaming dalawa nga." hindi na nakapagprotesta si Kino ng tapakan rin ni Andy ang paa niya.
Nagkatinginan sila bago alisin ni Andy ang paa na nakatapak kay Kino. Tumaas ang dalawang kilay ni Krem bago pumalakpak at ngumiti.
"Great! We really need an applicant because yesterday, after the scene in the Auditorium. No one wants to audition, they were really scared about Lylia. Good to hear that the two of you wants to join." masayang sabi ni Krem bago sumeryoso. "But before you do the Audition, we should wait for my bandmates. Kailangan rin ng desisyon nila bago kayo makasali. Maybe, later.. Pagkatapos ng mga klase natin ay pwede kayong bumalik ulit rito."
Dahil sa sinabi ni Krem ay nagkatinginan ang dalawa. Napatango sila.
"Sige, may klase rin pala kami." pagsang-ayon ni Andy bago hinila si Kino na nakikipagtitigan kay Krem.
Hindi na sila nakapagpaalam kay Krem dahil buong lakas na hinila ni Andy si Kino.
Nang makalabas sila at makalayo sa Music Clubroom ay nakakunot ang noo na tumingin si Andy kay Kino.
"Bakit?" painosenteng tanong ni Kino.
Sinuntok ni Andy ng dalawang beses ang braso ni Kino.
"Tinulak mo lang naman yung pinto at pinahiya ako kay Krem!" naiinis na sabi ni Andy.
Mahinang tumawa si Kino ng maalala ang ginawa.
"Ginawa ko iyon dahil mukhang hindi na audition ang pinupuntahan ng usapan, tingin ko nga ay balak mo na siya ayain ng date."
Namilog ang mga mata ni Andy at hindi makapaniwala sa narinig.
"Monggiii... Nailang lang ako dahil nakahubad siya." paliwanag ni Andy.
Umiling si Kino.
"Sus! Pwede ka naman sa ibang direksyon tumingin. Halata naman na gusto mo ang view na nakikita mo."
Nakasimangot na tumango si Andy.
"Inggit ka lang kasi may maganda siyang katawan kaysa sa iyo, Kumag." pag-iiba ni Andy ng usapan.
Nagpantay ang mga kilay ni Kino bago tumawa na parang nainsulto sa sinabi ni Andy.
"Baka kapag naghubad ako rito, mas malala pa ang maging reaksyon mo kaysa naging reaksyon mo sa lalakeng iyon." napapangisi na sabi ni Kino.
"Sige nga, patingin nga."
Nakuha ng nagsalita ang atensyon ng dalawa. Mas sumama ang timpla ng mukha ni Andy at nagliwanag ang mukha ni Kino. Lumapit sa kanila ang babaeng napakaamo ng mukha ngunit nababalutan ng kaonting kulay lila ang itim na buhok.
"Pwede ba ang ganiyan klase ng buhok dito?" bulong ni Andy sa sarili.
Nang makalapit sa kanila ay kaagad na tinapunan ng tingin ng babae ang nakangiti na si Kino.
"Ano? Ipakita mo nga ang katawan mo? Huwag ka puro yabang." may paghahamon na sabi nito kay Kino na mas ikinagulat ni Andy.
Mas lumawak ang ngiti ni Kino bago nagsimulang tanggalin ang pang-itaas na butones. Namilog ang mata ni Andy at hinampas sa  braso si Kino.
"Siraulo ka ba?! Tumigil ka nga." utos ni Andy kay Kino ngunit hindi ito huminto hanggang sa dalawang butones na ang nabubuksan nito.
Tinapunan ni Andy ng tingin ang babae na nagpapainit ng ulo niya.
"Bat ka ba nangingielam?" naiiritang tanong ni Andy kay Lylia.
Mapang-asar siyang nginitian nito.
"Gusto ko lang.." tinapunan ni Lylia ng tingin si Kino. "Ang bagal mo naman kumilos."
Mahinang natawa si Kino at binuksan ang ikatlong butones ng damit. Naalarma si Andy ng dadapo na ang kamay ni Kino sa ikaapat na butones kaya napasigaw siya.
"ITIGIL MO 'YAN!" sigaw ni Andy habang nakatakip ang mga mata.
Dahil sa pagsigaw ni Andy ay nahinto ang mga klase sa mga katapat nilang silid-aralan. Nakarinig si Andy ng tawa sa katabi niya kaya mabilis niyang tinapunan ng tingin si Kino.
"HAHAHAHAHA!" tawa ni Kino habang inaayos ang pagkakabutones ng mga damit.
Kumunot ang noo ni Andy.
"Anong nakakatawa?"
Napailing si Kino kay Andy. Narinig niya naman na natawa si Lylia kaya tinapunan niya ito ng masamang tingin.
"Anong nakakatawa?" muling tanong ni Andy.
Pinagkrus ni Lylia ang mga kamay bago sumagot.
"Alam mo, masyado kang painosente. Sinubukan ko lang naman kung totoo na mas grabe ang reaksyon mo. And that's it, your reaction was really exaggerated." diretsahang sagot ni Lylia. "Parang ikamamatay mo kapag nakakita ng katawan ng lalake." dugtong nito na ikinainit ng ulo ni Andy.
"Yung pangingielam mo rin naman, masyadong nakakairita." tugon ni Andy.
Napangisi si Lylia bago sumeryoso.
"Sa itsura mong iyan, nakakapagtaka na may kasama kang magandang lalake na kagaya niya." nadidismaya na sabi ni Lylia bago sumulyap kay Kino na natuwa sa narinig.
Umirap sa kawalan si Andy.
"Ah, may batas pala na bawal makasama ng mga 'gaya ko ang mga magagandang lalake? Kung inggit ka, iyak ka. Huwag mo itahol sa akin yung mga hinaing mo sa buhay." naiinis na sabi ni Andy bago nilagpasan si Lylia at iniwan si Kino na hindi makapaniwala sa nakitang pagsasagutan ng dalawa.
Napangiti siya ng maalala ang itsura ni Andy habang pabiro niyang tinatanggal ang butones ng damit.
'Nakakatawa talaga ang itsura ni Komasan sa kahit anong paraan, parang bata na spoiled.'
Habang nakangiti ay napansin niya ang tingin ng kaharap niya na babae.
"Salamat at sinabayan mo ako sa trip ko." masayang sabi ni Kino.
Hindi sumagot si Lylia at tinapunan ng tingin ang dinaanan ni Andy.
"Iyong babae na nakausap ko? Girlfriend mo ba siya?" tanong ni Lylia na ikinabigla ni Kino.
Napaisip si Kino kung bakit itinanong iyon ni Lylia.
"Hindi, hindi pa." tanging nasagot ni Kino.
Habang papunta sa Paranormal Clubroom ay nakasimangot na naglalakad si Andy. Hindi pa rin siya makapaniwala na bibiruin siya ni Kino sa tulong ni Lylia. Isama pa ang panlalait ni Lylia sa kanya, ngayon lang siya nalait ng ganito.
"Simula ngayon, hindi na talaga ako lalapit sa mga magagandang lalake." naiinis na sabi ni Andy.
Bubuksan na niya ang pinto para makapasok ng may marinig siyang nagsalita.
"Hindi ako magandang lalake.."
Mabilis niyang hinarap si Denum na may hawak na libro, isang manga series.
Tumaas ang dalawang kilay ni Andy bago pinilit na ngumiti.
"Good to hear pero ayoko naman talaga sa iyo.." puno ng sarkasmo na tugon ni Andy.
Mahinang tumawa ng nakakaasar si Denum bago ibigay kay Andy ang libro. Nagtatanong na tumingin si Andy kay Denum.
"Bakit mo ibinibigay iyan?" medyo nawala ang inis na tanong ni Andy.
"Natapos ko na ang librong 'to. Ayoko itapon kaya ibibigay ko na lang." pagkasabi ni Denum ay kaagad na tinanggap ni Andy ang libro.
"Siguraduhin mo lang na walang bayad 'to, wala akong pera." paniniguro ni Andy.
"Napansin ko lang, bakit paika-ika kang maglakad ngayon? Parang kahapon lang ng makita kita na tumakbo." nakangisi na sabi ni Denum.
Tumaas ang isang kilay ni Andy bago umirap sa kawalan.
"Ha Ha, nakakatawa. Sinong hindi magkakaroon ng adrenaline rush kapag nasa harap ng demonyo?" seryosong tanong ni Andy.
Nagkibit-balikat si Denum bago tinalikuran ang dalaga at nagsimulang maglakad. Napangiti si Andy habang tinitingnan ang Yokai watch manga, nawala ang inis niya sa natanggap na libro.
Tumingin siya sa naglalakad na si Denum bago sumigaw, "Salamat!" pahabol ni Andy.
Palihim na ngumiti si Denum bago nagpatuloy sa paglalakad.

Komento sa Aklat (62)

  • avatar
    imjfran

    the flow of the story. I loved it. gusto ko yung part na yung babaeng bida is humihiwalay yung katawan and that nahulog as bangin part dahil may lumapit sa kaniyang kaluluwa na hindi nakita ni kino.... OMG! ANG GANDA! pero gusto ko po si denum. ang gwapo niya sa imagination ko!!!

    16/07/2022

      0
  • avatar
    Scarlett Moon

    synopsis pa lang interesting na! highly recommended story, must read! ♡♡♡

    30/05/2022

      0
  • avatar
    Mimisu

    the best story highly recommended ❤️❤️❤️❤️

    26/05/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata