FIVE SENSES CHAPTER 16: THE GHOST BRIDE PT. II "Ayos na ba ang pakiramdam mo?" may pag-aalala na tanong ni Kino ng magkita sila ni Andy sa gilid ng pool area. Umupo si Kino sa tabi ni Andy at inilubog rin ang paa sa tubig. Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin dinadapuan ng antok ang dalaga. Bumabagabag sa kanyang isipan ang iilang mga tanong na mukhang si Kino ang makakasagot. Hindi siya kumibo at mataman na tiningnan si Kino. Medyo nagulat ang binata sa tinuran ni Andy. "Bakit?" pinilit na ngumiti ni Kino. "Sinabi ng mama mo na aalis na dapat si Denum kaya nagulat sila ng bumalik ito." binasa ni Andy ang mga labi. "May nangyari ba sa pagitan niyong dalawa?" diretsahan niyang tanong. Hindi nakakibo kaagad si Kino at napaiwas ng tingin kay Andy. Tumango si Andy at hinawakan sa isang braso si Kino. "Magkuwento ka, makikinig ako." seryosong sabi ni Andy. Muling tumingin si Kino bago tumango. "Nagkasagutan kami." pag-amin nito. "Bakit?" "Dahil sa iyo.. Nagalit ako dahil muntik ka na mapahamak sa ikalawang pagkakataon at dahil iyon sa pinabayaan kita kay Denum." mariing umiling si Kino. "Umamin siya na ayaw niya rin sa iyo dahil malapit ka sa akin. At dahil doon, mas buo ang loob ko na ilayo ka sa kanya." Umawang ang mga labi ni Andy at umiling. "Hindi mo kailangan na ilayo ako sa kanya dahil magkalayo naman talaga kami." Ngumiti ng pilit si Kino. "Hindi ko maramdaman.. Kasi habang kasama ka ni Denum, pakiramdam ko ay ilalayo ka niya sa akin. Natatakot akong magising na lang ako isang araw, iba na ang kaibigan mo." Mahinang tumawa si Andy bago naniningkit ang mga mata na tiningnan si Kino. "Alam mo, masyado kang OA." puna niya sa binata. "Hindi ko magiging kaibigan ang tao na ayaw sa akin kahit niligtas niya pa ako. Sapat na sa akin ang kaharap ko ngayon na takot mawala ako bilang kaibigan niya, Kumag.." dagdag ni Andy bago itinaas ang isang kamao. Ngumiti si Kino. "Komasan.." tawag niya kay Andy bago nakipag-twist bomb. Pareho silang natawa dahil sa pinag-usapan nila. "Teka, paano ka nakabalik dito?" pag-iiba ni Kino ng usapan. Muling sumeryoso ang mukha ni Andy. "Niligtas ako ni Denum..." sagot niya na ikinataas ng mga kilay ni Kino. "Paano ka niya nahanap?" Nagkibit-balikat si Andy. "Malay ko, baka sinundan ka niya." opinyon ni Andy na sinang-ayunan ni Kino. "Alam mo, natakot talaga ako nang makita kita na walang malay at nakatali. Pakiramdan ko, wala akong silbi dahil hindi kita matulungan." pag-amin ni Kino. "Paano na lang kung mangyaring muli sa iyo ang ganoon tapos wala akong magawa kundi panoorin ka?" Pinilit na ngumiti ni Andy. "Kahit ako rin naman ay natakot dahil first time kong hindi nakabalik sa katawan ko. Kinabahan rin ako pero tulad ng sabi ko noon, alam kong nandiyan ka at hindi ako papabayaan." Nakaramdam ng tuwa si Kino sa narinig kaya hindi niya maiwasan na hawakan ang isang kamay ni Andy na nakahawak sa braso niya. "Pangako ko, gagawin ko ang lahat para hindi na maulit pa iyon. Kung mauulit man, handa akong makiusap kay Denum para lang matulungan ka." pangako niya sa dalaga bago ngumiti. Umiling si Andy. "Hindi mo kailangan mangako, alam ko naman na gagawa ka ng paraan." binawi ni Andy ang kamay kay Kino. "Salamat rin sa pagligtas mo sa akin kanina. Akala ko mamamatay akong hindi na muling makikita pa si Kremir." Tumaas ang isang kilay ni Kino. "Ang harot mo." naiiritang sabi niya sa dalaga. Tumawa ng malakas si Andy habang pumapalakpak. "Paano ka nahulog sa pool?" Nahinto sa pagtawa si Andy at hindi alam kung aamin ba siya na si Entice ang tumulak sa kanya. Umiling si Andy bago tumingin sa kaliwang paa niyang may benda. "Ah, nadulas kasi ako habang inaayos ang benda ko." pagsisinungaling niya na mukhang pinaniwalaan ni Kino. "Sabi ko kasi iyo ay mag-iingat ka. Hindi ka marunong makinig." kunot-noo na sabi ng binata. Pinilit na lang ngumiti ni Andy bago may naalala. "Kanina, habang naglalakad ako sa gubat ay may nakita akong naka-gown na babaeng kaluluwa. Siya 'yung nagtali sa akin sa puno." biglang kwento ni Andy. "At mukhang heartbroken siya dahil may tinawag siyang manloloko." dagdag ni Andy. Napaisip si Kino bago tumingin muli kay Andy. "Siya rin ang dahilan ng pagkahulog mo sa bangin. Sa pagkakaintindi ko, siya ang nobya ng tour guide na nakasama natin." dagdag ni Kino. "Baka pwede natin siyang tulungan.." suhestiyon ni Andy. "Mukhang malaki ang galit na nararamdaman niya kaya hindi pa siya makaalis. Sa ganoong sitwasyon, walang makakatulong sa kanya kundi tayo." Namamangha na tumango si Kino. "Sige. Ituring mo ito bilang first official case natin matapos ang training mo." pagsang-ayon ni Kino bago tumayo at inalalayan na makatayo si Andy. "Matutulog na tayo?" tanong ni Andy. Umiling si Kino. "Hindi, medyo maaga pa naman kaya naisip ko na kausapin natin yung kaluluwa dahil panigurado na may gagawin na naman tayo buong araw. Tanging gabi lang ang oras natin." sagot ni Kino bago inalalayan si Andy sa paghakbang. Ngumiwi si Andy. 'Alas-onse ng gabi? Maaga pa pala iyon.' hindi makapaniwalang sabi niya sa kanyang isipan. "Saan natin siya hahanapin?" tanong ni Andy. "Sa pinuntahan natin na bundok, kapag hindi mo na kayang humakbang bubuhatin na lang kita." sagot ni Kino na mabilis na ikinailing ni Andy. "Kaya ko sarili ko." pagtanggi niya. Nang makarating sila sa bundok ay nakaramdam sila ng malakas na hangin. Mabilis na inilibot ni Kino ang paningin at nakita niya ang babaeng hinahanap na nasa bangin kung saan nahulog si Andy. "Nandito nga siya.." mahinang sabi niya kay Andy bago nauna sa paglalakad. Dahan-dahan niyang nilapitan ang kaluluwa na nakatalikod sa kanila. "Anong ginagawa niya?" puno ng kuryosidad na tanong ni Andy habang nakasunod kay Kino. Umiling si Kino. "Hindi ko alam, nakatalikod siya." Nang iilang hakbang na lang ang layo nila ay nagulat si Kino nang unahan siya ni Andy sa paghakbang kaya mabilis na humiwalay ang kaluluwa nito sa katawan na nasalo ni Kino. "Andy, anong ginagawa mo? Baka saktan ka niya." nag-aalalang tanong ni Kino bago binuhat ang walang malay na katawan ni Andy. Kinakabahang lumapit si Andy sa kaluluwa bago nagsalita. "Hi?" bati niya rito. "Ako nga pala yung nakita mo kanina sa baba nitong bangin, 'yung tinali mo." dagdag niya. Hindi kumibo ang babae kaya mas lumapit pa siya. "Ako nga pala si Andy, isa akong miyembro ng Paranormal Club. Narito ako at ang kasama ko para tulungan ka." pakilala niya ngunit hindi pa rin nagsalita ang babae kaya tumingin siya kay Kino na umiling. "Lumayo ka sa kanya, baka kung ano ang gawin niya sa iyo." utos ni Kino ngunit hindi pinakinggan ni Andy. Marahan niyang hinawakan ang babaeng kaluluwa. "Pakiusap, kausapin mo ako para matulungan ka namin." sabi ni Andy. Sa isang iglap ay naramdaman niya ang paonti-unting paggalaw ng ulo nito at humarap sa kanya. Napaatras ng kaonti si Andy ng makita ang hindi makilalang mukha ng babae. "Layuan niyo ako, hindi ko kailangan ng mga manloloko na katulad niyo." galit na sabi nito. Kumunot ang noo ni Andy bago umiling. "Hindi kami manloloko, si Kino mukha lang pero hindi kita niloloko na tutulungan ka namin." humakbang ng isa si Andy palapit. "Hindi ka makakaalis dito kung hindi mo sasabihin ang dahilan ng mga hinanakit mo. Gusto mo bang makulong sa lugar na 'to habangbuhay?" Nakipagtitigan si Andy sa kaluluwa. Maya-maya pa ay hinarap na nito pati ang katawan sa kanya. Nanatili itong tahimik habang nakikipagtitigan kay Andy. Ngumiti si Andy at inabot ang kaliwang kamay. "Huwag kang matakot o magalit sa amin, wala kaming gagawin na masama sa iyo." paniniguro ni Andy. Ilang segundo pa ang lumipas bago tinanggap ng babae ang kamay niya. "Tulungan niyo akong makaalis rito, hindi ko na kayang mag-isa." natatakot na sabi ng kaluluwa. Tumango si Andy bago tumingin kay Kino at nag-thumbs up dito. "Meron pa akong oras para makausap ka.." sabi niya sa kaluluwa at pinaupo ito sa may bangin kung saan siya nahulog. Umupo siya sa tabi nito at tiningnan ang madilim ngunit magandang kalangitan. Si Kino naman ay umupo hindi kalayuan sa kanila habang buhat pa rin ang walang malay na katawan ni Andy. "Magkwento ka, bakit hindi ka makaalis sa lugar na ito?" panimula ni Andy. Tumingin sa langit ang babaeng kaluluwa bago sumagot. "Kasi gusto kong tanungin ang huling lalake na minahal ko kung bakit niloko niya ako." "Sa papaanong paraan?" tanong ni Andy. "Nung araw ng kasal namin ay hindi siya nakapunta kaya pinuntahan ko siya sa resort. Nakita ko siya na may kasamang babae sa kwarto, may nangyari sa kanila." kwento ng kaluluwa habang nakakuyom ang mga kamay. Ramdam ni Andy ang galit habang nagsasalita ang kaluluwa. Hindi niya alam kung papaano papakalmahin ang kaluluwa kaya hinawakan niya ang kamay nito. "Labis akong nasaktan kaya tinakbo ko ang lugar na ito. Ang lugar kung saan kami nagkakilala. Gusto kong isigaw ang lahat ng galit ko sa kanya. Pero hindi ko inaasahan na mahuhulog ako habang narito sa gilid ng bangin." tumingin kay Andy ang kaluluwa habang may tumutulong luha sa mga mata. "Sa bundok na ito nagsimula ang aming istorya, sa bundok rin na ito natapos ang pagiging bida ko sa kwento naming dalawa." Naramdaman ni Andy ang dahan-dahang pagtulo ng luha sa mga mata niya. Pinilit niyang ngumiti. "Lahat ng bagay may dahilan pero sana kapag nalaman mo ang sagot sa katanungan mo, hindi mo pagsisihan. Kasi may mga bagay tayong gustong itanong at may mga sagot na ayaw marinig. Handa ka bang masaktan sa maririnig mong sagot?" diretsahang tanong ni Andy. Kaagad na umiwas ng tingin ang kaluluwa. "Patay na ako, Andy.. Mas masakit matanggap na kung kailan patay na ako ay saka ko lang ginusto na marinig ang paliwanag niya. Kung anuman ang marinig ko, hindi na no'n mapapalitan ang sakit na naramdaman ko noon." sagot ng kaluluwa bago muling tumingin kay Andy. "Iyon na lang siguro ang dahilan kung bakit hindi ako makaalis, ang alamin ang dahilan kung bakit hindi ako naging sapat." "Wala na ba talagang iba?" paniniguro ni Andy. Umiling ang kaluluwa. "Wala na dahil ramdam ko na tanggap na ng mga magulang ko ang pagkawala ko." Tumango si Andy. "Sige, gagawa kami ng paraan para makausap mo siya. Pangako.." huling sinabi ni Andy bago niya naramdaman ang pagkahilo. Nagising si Andy na nakahiga siya sa mga hita ni Kino at nakatingin sa kanya. Nagkatitigan silang dalawa. Medyo nagulat si Andy ng may punasan si Kino sa mukha niya gamit ang hintuturo nito. "Umiyak ka.." komento ni Kino bago tinulungan na makaupo si Andy. "Ano ang napag-usapan niyo?" tanong nito bago sinulyapan ang kaluluwa na nakaupo pa rin sa may bangin. Napayakap sa mga tuhod si Andy bago tumingin kay Kino. "She died accidentally here after the wedding day was canceled. The man she loved the most gave her the most painful heartbreak. She have regrets, she wants to ask something." panimula ni Andy. "Gusto niyang malaman kung bakit nagawa siyang lokohin ng lalake na pinagkatiwalaan niya. Iyon lang ang magpapagaan ng loob niya." "Bakit pakiramdam ko ay may bumagabag sa isipan mo?" puna ni Kino kay Andy. Umiwas ng tingin si Andy bago huminga ng malalim at magsalita. "Ayoko siyang masaktan sa malalaman niya, alam kong masasaktan siya kahit hindi siya umamin. Napakasakit lang isipin na ang makakaalis lang siya kapag nasaktan siyang muli." sagot ni Andy at pilit inuunawa ang sitwasyon. Nanatili ang tingin ni Kino kay Andy. "Maybe, that's how life introduce the word love to the single one's like us. More on pain, sacrifices and heartbreaks." paliwanag ni Kino. "To heal the broken heart, you need to seal it with a closure even if it will hurt you so bad, at least you have a peace of mind." dagdag nito. Hindi makapaniwalang ngumiti si Andy. "If that's the cycle of love, I don't want to be inlove with someone. I don't want to waste my time asking myself 'Am I not enough?' like I am just a food who wasted because of another cravings." komento ni Andy na ikinatawa ng mahina ni Kino. "Don't write an ending in the first page, marami pang oras para maireto ka kay Denum." biro ni Kino na ikinasama ng timpla ni Andy. "Monggii.. Kailan ba matatapos ang pangrereto ng pamilya mo?" naiinis na tanong ni Andy. Umiling si Kino. "Ang mga magulang ko, sa lunes. Ako, wala yata. " asar ni Kino kaya sinuntok siya sa braso ni Andy. "Fine. Hindi rin naman ako magkakagusto sa demonyo kahit maging anghel pa siya." may paninindigan na sabi ni Andy bago tumayo. "Saan ka pupunta?" tanong ni Kino. "Uuwi, madaling araw na kaya. Inaantok na ako." reklamo ni Andy bago nauna sa pag-alis. Mabilis na tumayo si Kino at sinundan si Andy para alalayan. Nang makarating sila sa resthouse ay kaagad na nagpaalam si Kino kay Andy. "Goodnight- I mean, good morning, Komasan." Ngumiti si Andy. "Sweet dreams, Kumag." paalam nito bago pumasok ng kwarto. Papahiga na siya ng may mapansin siya sa kama kaya kaagad niya iyon tiningnan. Nanlaki ang mata niya at napaawang ang bibig sa nakita. "Komasaaaaaaaaaan!" masayang sabi ni Andy bago niyakap ang napakalaking stuff toy na bigay ni Kino. Pagkatapos yakapin ay muli niya itong sinuri ng maalala na may sira ito sa paa at kamay ngunit laking-gulat niya ng maayos ito. Malawak siyang ngumiti. Habang yakap ang stuff toy ay paika-ika niyang tinungo ang katapat na pintuan at kumatok doon ng mahina. Ilang katok lang ay iniluwa ng pintuan si Denum na may hawak na libro at yakap ang isang stuff toy na medyo maliit sa hawak ni Andy. Namilog ang mata ni Andy. "Si Jibanyan ba 'yan?" namamangha na tanong niya. Tumango si Denum bago magsalita. "Anong kailangan mo?" Itinaas ni Andy ang stuff toy na hawak bago ngumiti. "Salamat at ibinalik mo ang stuff toy ko.." medyo lumapit si Andy kay Denum. "Itatanong ko lang kung paano mo inayos?" "Pinagawa ko, huwag kang mag-alala. Hindi kita sisingilin." sagot ni Denum at isasarado na ang pintuan ng may mapansin si Andy kaya hinarangan niya ng kamay ang pinto. "Teka lang, bat puro sugat yung kamay mo?" nangingiting tanong ni Andy bago naningkit ang mga mata. "Tinahi mo ito 'no? Kunwari ka pang hindi ako sisingilin. Monggiiiiii.." "Nyaaahhh..." Nahinto si Andy ng marinig ang sinabi ni Denum. Ginaya ng binata ang paraan ng pagsasalita ng hawak na stuff toy. "Yokai fan ka pala ah." sabi ni Andy bago tinalikuran si Denum at pumasok ng sariling pintuan. Isasarado na sana ni Denum ang pintuan ngunit natigil siya nang makita ang pagsilip ni Andy. Muli itong ngumiti sa kanya. "Salamat sa pagtahi mo kay Komasan at pagligtas sa akin kahit galit ka sa mga taong nakapaligid kay Kino, salamat ulit." huling sinabi ni Andy bago isinarado ang pintuan. Naiwan tulala si Denum na napatingin sa hawak na stuff toy. "Bakit hindi pa kita ibinigay? Mukhang gusto ka rin niya." napangising tanong niya sa laruan.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (62)
imjfran
the flow of the story. I loved it.
gusto ko yung part na yung babaeng bida is humihiwalay yung katawan and that nahulog as bangin part dahil may lumapit sa kaniyang kaluluwa na hindi nakita ni kino.... OMG! ANG GANDA! pero gusto ko po si denum. ang gwapo niya sa imagination ko!!!
16/07/2022
0
Scarlett Moon
synopsis pa lang interesting na! highly recommended story, must read! ♡♡♡
the flow of the story. I loved it. gusto ko yung part na yung babaeng bida is humihiwalay yung katawan and that nahulog as bangin part dahil may lumapit sa kaniyang kaluluwa na hindi nakita ni kino.... OMG! ANG GANDA! pero gusto ko po si denum. ang gwapo niya sa imagination ko!!!
16/07/2022
0synopsis pa lang interesting na! highly recommended story, must read! ♡♡♡
30/05/2022
0the best story highly recommended ❤️❤️❤️❤️
26/05/2022
0Tingnan Lahat