Chapter 11

FIVE SENSES
CHAPTER 11: THE MUSICIAN
Nakatulala si Andy habang kumakain ng agahan. Kinulang kasi siya sa tulog dahil sa pag-uusap nila ni Denum na inabot ng alas-tres.
(FLASHBACK)
Umiling si Andy.
"Oo na, hindi na ako mag-iingay." kunot-noo na sabi niya kaya umalis na sa pagkakayakap si Denum at inunahan siyang bumangon habang yakap pa rin ang malaking stuff toy.
Bumangon rin siya at umupo bago tumingin sa laruan.
"Huwag mo nga yakapin 'yan.." utos niya bago inagaw ang laruan ngunit hindi pinaubaya ni Denum.
"Ayoko. Favorite ko ang stuff toy na 'to." seryosong sabi ni Denum na ikinataas ng kilay ni Andy.
"Pake ko?" tanging tugon niya bago pinilit na agawin yung stuff toy pero hindi ibinigay ni Denum.
"Pake ko rin sa pakielam mo?"
Umawang ang kanyang mga labi bago mariing pumikit at napasabunot sa buhok.
"Bakit ka ba narito?" tanong niya bago may sumagi sa isipan. "Siguro, gusto mong bisitahin ang mama mo 'no?" biro niya kay Denum.
Hindi kumibo ang binata.
Naningkit ang mata ni Andy bago ngumiti na parang aso.
"Yiee.. Bibisitahin niya mama niya." asar niyang muli kay Denum.
Nagsalubong ang mga kilay ng binata bago hinampas kay Andy yung malaking stuff toy kaya napangiwi si Andy.
"Oo na.." pagsuko ni Denum bago muling niyakap yung stuff toy.
Nakasimangot si Andy habang hinihimas ang ulo na tinamaan sa paghampas ni Denum.
"Nakakasakit ka ah." puna niya bago umayos ng upo. "Kung bibisitahin mo ang mama mo, bakit ka nasa kwarto ko?"
"Kasi kwarto ko 'to. Umalis lang ako dahil ayoko makasama si Kino." sagot ni Denum.
Napangalumbaba si Andy.
"Kwarto ko na 'to ngayon kaya wala kang magagawa kung paalisin kita. Dumiretso ka sa mama mo, magsumbong ka na parang bata na naagawan ng kendi." biro ni Andy.
Sa ikalawang pagkakataon ay hinampas ni Denum ng malaking stuff toy sa ulo si Andy kaya napanganga si Andy dahil sa sakit ng ulo niya.
"Oh, ang sakit!" daing niya bago masama ang ipinukol na tingin kay Denum. "Nakita mong may benda pa ang ulo ko tapos hinampas mo pa."
Umirap sa kawalan si Denum bago tinaasan ng kilay si Andy at hinagis sa mukha nito ang stuff toy.
"Pake ko?" tanging tugon nito sa sinabi niya.
Naiinis na nakipagtitigan siya kay Denum.
"You know what? Based on your attitude, no one would dare to date you, even handle a relationship towards you. In short, hindi ka magkakajowa dahil mapanakit ka." mahinang sabi niya rito.
Napahalukipkip ng mga braso si Denum bago nginisian si Andy.
"Woah, based on the way you talked. It looks like you are my ex or the one I rejected." pang-aasar nito kay Andy.
Dahil sa inis ay sinuntok ni Andy sa braso si Denum.
"Monggii.. Kilabutan ka nga, tingin mo papatol ako sa iyo?" may pandidiri na sabi ni Andy habang nanginginig pa.
Medyo lumapit sa kanya si Denum.
"Tingin mo rin ba papatulan kita? Yuck.." may pandidiri na sabi ni Denum bago ipinakita ang stuff toy. "Pero papatulan ko 'to, si Komasan surah." nakangiting dagdag ni Denum bago muling inagaw ang stuff toy kay Andy.
'Wait? Is he saying that one that Komasan always added in the last word?' tanong ni Andy sa kanyang isipan.
Namilog ang bibig at mata ni Andy.
"Pinabili iyan ni Kino sa mga magulang mo para sa akin," hinila niya ang stuff toy. "Kung gusto mo magkaganito, magpabili ka!"
Pinilit niyang maagaw kay Denum ang stuff toy ngunit hindi nito binibitawan.
"Ibigay mo na! Monggiii..." nanggigigil na sabi ni Andy.
Ngunit ngumiti lang na parang aso si Denum.
"Ayoko nga surah.." pagmamatigas nito na tila nagpapacute pa.
Nakipaghilahan siya hanggang sa marinig nila ang napupunit na tela. Kaagad na huminto ang dalawa at umayos ng upo. Pareho silang hindi makapaniwala sa nangyari.
Naputol ang kaliwang kamay at paa ni Komasan na hawak ngayon ni Andy. Hindi siya nakakibo at natulala habang pilit iniintindi ang nangyari. Nilapitan siya ni Denum at pinitik sa noo para bumalik sa reyalidad.
Itinaas niya ang mga putol na kamay at paa ni Komasan.
"S-si K-komasan.." naluluha niyang tiningnan si Denum. "P-pinatay mo siya.."
Tahimik siyang pinagmasdan ni Denum. Hindi makapaniwala ang binata na iiyakan ni Andy ang malaking stuff toy.
Tumungo si Andy at ipinatong ang ulo sa mga tuhod habang patuloy sa paghikbi.
"Ito ang unang beses na nakatanggap ako ng regalo mula ng mamatay sina Mama at Papa tapos sisirain mo lang." humihikbi na sabi niya. "Waaahhh... Pinatay mo si Komasan. Huhuhuhu.." patuloy pa rin siya sa pag-iyak.
Napangiwi si Denum.
"Seryoso ka? Iiyakan mo talaga ang stuff toy na 'to? Papalitan ko na lang." sabi ni Denum na ikinailing ni Andy bago tumingala para tumingin kay Denum.
"Hindi naman 'yung laruan yung mahalaga, yung memories habang hawak ko siya kanina. Hindi mo mapapalitan iyon." malungkot na sabi ni Andy.
Hindi na kumibo pa si Denum. Humiga si Andy at lumuluhang nagtalukbong ng kumot.
Ang saya na naramdaman niya kanina ay sinira lang sa isang iglap ng demonyo.
Ilang oras siyang umiyak hanggang sa naramdaman niya na wala na siyang kasama. Dahan-dahan niyang inalis ang talukbong bago inikot ang paningin.
"Wala na siya.." bulong niya at hihiga ng muli ngunit napansin niya rin na nawawala ang stuff toy na si Komasan pati ang mga nasirang parte nito.
"Pinatay na nga niya, ninakaw pa." malungkot na sabi ni Andy.
(END OF FLASHBACK)
"Andy.. Andy.."
Nabalik siya sa reyalidad ng marinig ang boses ni Kino sa tabi niya.
"Ayos ka lang? Masyado kang lutang ngayon." may pag-aalala na tanong ni Kino bago kinuha ang pinggan niya. Ito na ang naglagay ng pagkain sa pinggan niya.
Napansin naman iyon ng mag-asawa at parehong nagpipigil ng ngiti habang tahimik na kumakain.
Ayaw ni Andy na malaman ni Kino na nasira at nawala si Komasan kaya tumango siya.
"Ah, naisip ko lang yung isang assignment sa math. Nahilo ako sa trigonometry." palusot niya bago tinanggap ang pinggan na inabot ni Kino.
Natawa ng mahina si Kino.
"Anong trigometry? Quadratic equation ang pinag-aaralan ng mga third year ngayon, sa amin ang trigonometry."
Tumaas ang dalawang kilay ni Andy bago pinilit na tumawa.
"He he he... Gusto ko lang maging advance." palusot niyang muli.
Dalawang beses na tumango si Kino na mukhang naniwala sa sinasabi niya.
"Sige, kumain ka na.. Hindi tayo pwedeng ma-late dahil may program sa school ngayon."
"Anong program?" tanong ni Andy habang may nginunguya at medyo puno ang bibig.
"Pft." pinigilan matawa ni Kino kaya kaagad siyang nagtakip ng bibig. "Lunukin mo nga muna iyan bago magsalita." sabi niya kay Andy.
Nilunok muna ni Andy ang nginunguya bago nagsalita.
"Ano bang program?" pag-uulit ni Andy.
"Music Club Program.." tipid na sagot ni Kino.
Tumango si Andy bago ipinagpatuloy ang pagkain.
"Kumusta si Komasan?"
Naubo si Andy dahil sa biglaang tanong ni Kino. Mabuti na lang at kaagad siyang binigyan nito ng tubig.
Nakataas ang isang kilay na tiningnan siya ni Kino.
"Sigurado ka bang Trigonometry ang iniisip mo? O si Denum?"
Nasamid naman si Andy dahil sa muling pagtatanong ni Kino. Binigyan naman siya kaagad ng pamunas ni Kino.
Ang mga magulang naman na nasa harapan lang nila ay hindi na naiwasan na mapangiti sa nakikita at naririnig. Nang maayos ang sarili ay napapailing na tiningnan niya si Kino.
"Pwede ba? 'Wag mo banggitin si Denum sa harapan ng mga magulang niyo. Mukha kang nagseselos na an-" hindi natapos ni Andy ang sasabihin dahil kaagad na sumingit si Tito Kris.
"Nagseselos na boyfriend." dugtong nito sa sasabihin ni Andy.
Nagkatinginan sina Kino at Andy bago umiling.
"Pa, usapang magkaibigan ito." seryosong sabi ni Kino.
"Pero hindi kaibigan ang nakikita naming trato mo kay Andy, Kino sweety." sabad ng mama niya.
Pareho silang hindi nakakibo dahil ayaw nilang palakihin ang isyu ng ma-issue na magulang.
Nang palabas na sila ng bahay ay inihanda na ni Kino ang motor niya at inabot kay Andy ang isang helmet.
"Sakay na. Male-late na tayo." utos niya kay Andy ngunit hindi tinanggap ni Andy ang helmet.
Umiling si Andy.
"Ayoko."
Kumunot ang noo ni Kino.
"Bakit? Dahil ba ayaw mo mabigyan na naman ng meaning ng magulang ko ang ginagawa ko sa iyo?"
Umiling si Andy.
"Ayokong makulong kapag nahuli ang driver na menor de edad." palusot ni Andy kahit tama ang sinabi ni Kino.
Hindi niya na kasi nagugustuhan ang ginagawa ni Kino. Dahil sa ginagawa ni Kino ay nabibigyan ng ibang kahulugan ng magulang nito ang pagkakaibigan nila kaya medyo naiilang siya.
Gamit ang hawak na saklay ay nagsimula na siyang maglakad palabas ng gate. Hindi na niya narinig ang pamimilit ni Kino. Kahit wala siyang masasakyan at mahuhuli siya sa Program ay mas gugustuhin niya iyon kaysa makasabay si Kino.
Medyo malayo na siya sa bahay ng may marinig siyang magsalita.
"Ayaw mo talaga akong makasabay 'no?"
Muntik na matumba si Andy dahil sa gulat nang sumulpot si Kino sa gilid niya. Nagsalubong ang kilay niya bago muling naglakad.
Nawala ang ngiti ni Kino dahil ramdam niya ang pag-iwas ng kaibigan.
"Hmm.. Alam kong may problema ka sa akin. Umamin ka na, Komasan." pamimilit nito.
Huminto si Andy bago tiningnan si Kino.
"Ayoko magsinungaling kaya sasabihin ko sa iyo na naiilang ako sa tuwing aasarin tayo ng magulang mo." nahihiyang pag-amin niya.
Napamulsa si Kino.
"Ako rin naman. Kaya nga sabi ko sa iyo kagabi na pagpasensyahan mo sila kasi ngayon lang nila ako nakitang may kasamang babae sa bahay."
Napanguso si Andy.
"Hindi naman sila ang may problema, ikaw."
Nagpantay ang mga kilay ni Kino.
"Gusto ko na bawas-bawasan mo ang pagiging concern sa akin para hindi tayo pag-isipan ng masama ng mga magulang mo." diretsahang sabi ni Andy.
"Pero gusto ko lang naman na maramdaman mo na may nakakatanda kang kaibigan, na kapatid ang turing sa iyo. Wala naman masama doon 'di ba?" paglilinaw ni Kino.
Napangiti si Andy sa narinig dahil nalinawan siya sa intensyon ni Kino.
"Pasensya ka na kung nailang ako. Hindi lang talaga ako sanay sa paraan ng pagtrato mo sa akin."
Umiling si Kino.
"Naiintindihan ko. Hindi naman kita susundan dito kung hindi ko napansin." inangat ni Kino ang kamao. "Ikasa mo."
Mas lumawak ang ngiti ni Andy bago nakipag-twist bomb kay Kino. Sabay silang natawa bago naglakad.
"Tara na, late na talaga tayo." pag-aaya ni Kino.
Nakarating ang dalawa sa Paaralan. Medyo nagulat sila sa ingay na nanggagaling sa School ground. Punong-puno ng tao ang school ground, mabuti na lang at nakapila ng maayos ang mga estudyante.
Nanatili sa dulong pila ang dalawa dahil wala naman makakapansin sa kanila.
"Woah, ngayon ko lang nakita na ganito ka-active ang mga estudyante na manood ng Program." may paghanga na sabi ni Kino kay Andy.
Tumango si Andy bago inilibot ang paningin.
"Ngayon nga lang ako nanood ng Program." pag-amin ni Andy. "Palagi kasi akong nasa room dahil ayaw ng guro na himatayin ako sa gitna ng school ground."
Napaawang ang bibig ni Kino bago ngumiti.
"Hayaan mo, babantayan na kita tuwing may program para hindi na mag-alala ang mga guro mo." paniniguro ni Kino.
Walang sinabi si Andy bukod sa pagsuntok sa braso ni Kino.
Nang bumati ang mga principal at ginawa ang flag ceremony ay nagsimula na ang Program.
Kitang-kita ni Andy ang grupo ng mga estudyante na paakyat ng stage. Binubuo ito ng apat na miyembro. Tatlo ang lalake at isang babae. May mga inayos itong instrumento sa unahan bago nagsimula. Isa sa drums, piano, gitara at sa mikropono. Ngunit may mikropono rin ang lalakeng may hawak na gitara.
Namilog ang bibig ni Andy nang makilala ang lalake na nanguna sa pag-strum ng gitara. Ang lalake na may headphone at nakausap niya kahapon.
Nagtilian ang mga kababaihan habang pinapanood ang lalake.
"I love you, Kremir!!!"
"Kyaaaaahhh!!! Krem oppa!"
"Heart heart Kremir!!!!"
Napatakip ng tenga si Andy dahil sa tilian ng mga nasa unahan nila. Nang medyo humupa ang tilian ay muli niyang pinakinggan ang tugtog mula sa gitara.
"Woah, mukhang maganda ang kakantahin nila." ginaganahan na sabi ni Andy
Namangha si Andy habang pinakikinggan ang boses ng lalake na tinatawag ng iba na 'Kremir'. Parang gusto niya bawiin ang sinabi niya rito na kung sino lang ito. Sa buo ng boses ng lalake ay parang dinadala nito sa langit ang mga nakikinig. Hindi niya maiwasan na makigaya sa mga estudyante na itinataas ang mga kamay at iwinawagayway.
Dumako ang tingin niya sa babaeng may hawak ng mikropono na kasabay ng lalake sa pag-awit. Para siyang anghel na bumaba sa langit. Kung titingnan, bagay ang dalawa.
Nawala ang atensyon niya sa nagpe-perform nang hawakan siya ni Kino sa braso niya. Mabilis niya itong tiningnan.
"Bakit?" nababahalang tanong niya.
Inilibot nito ang paningin bago tumingin sa kanya.
"Kailangan natin makalayo rito.." tanging nasabi nito bago siya inalalayan paalis ng school ground at dinala sa Clubroom.
Nang maiupo siya ni Kino sa sofa ay inilibot nitong muli ang tingin bago tumingin sa kanya.
"May kakaiba sa bandang iyon.." seryosong sabi ni Kino na nagpakaba kay Andy.
"Anong kakaiba?" naguguluhang tanong ni Andy.
"Kasi marami akong nakita na multo habang nagpe-perform sila."
Medyo natawa si Andy.
"Anong bago kung may mga kaluluwa?"
Mas sumeryoso ang mukha ni Kino.
"Nagsilabasan lang ang mga kaluluwa nung magsimula na kumanta yung babae.." mas humina ang boses ni Kino. "At ang kakaiba pa ay parang naririnig siya ng mga kaluluwa dahil nakita ko na nakikitaas ng kamay ang mga ito."
Nanlaki ang mata ni Andy at hindi makapaniwala sa sinabi ni Kino.
"Monggii.." namamangha na sabi ni Andy.
----END OF CHAPTER 11----

Komento sa Aklat (61)

  • avatar
    Rhnlndr

    their senses used in paranormal things make the story unique from the other stories i've read, nice work author! 💛💛

    26/08/2022

      0
  • avatar
    imjfran

    the flow of the story. I loved it. gusto ko yung part na yung babaeng bida is humihiwalay yung katawan and that nahulog as bangin part dahil may lumapit sa kaniyang kaluluwa na hindi nakita ni kino.... OMG! ANG GANDA! pero gusto ko po si denum. ang gwapo niya sa imagination ko!!!

    16/07/2022

      0
  • avatar
    Scarlett Moon

    synopsis pa lang interesting na! highly recommended story, must read! ♡♡♡

    30/05/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata