CHAPTER 31

Nakapasok na ang sinag ng araw sa kwarto, pero nakatingin parin ako kay Crystal. It's already 8AM in the morning, pero hindi parin ako tumatayo.
Pinagmasdan ko lang ang kagandahan niya mula kanina. Tulog pa siya habang nakaharap sa 'kin. Nakabalot ng kumot ang walang saplot niyang katawan.
Gumalaw siya kaunti at dahan-dahan na binuksan ang mga mata niya. Ngumiti siya ng makita ako.
"Good morning." Bulong ko.
Umungol lang siya bago siniksik ang katawan sa 'kin. Umayos ako ng higa at pinaunan ang ulo niya sa dibdib ko.
"Still sleepy?" Tanong ko.
Marahan siyang tumango. "Pinagod mo ako kagabi, eh."
Natawa ako sa sinabi. "Edi, matulog ka pa. Maaga pa naman."
Hindi siya sumagot kaya sinilip ko siya at nakitang kong nakapikit na ang mga mata niya. I took a deep breath before I kissed her forehead.
Mariin ko na pinikit ang mga mata ko. Hindi ko naman sinasadya na hindi siya kausapin nitong mga nakaraang araw. I just need time alone. Ang dami ng nangyari habang nasa America ako.
Napabuntong hininga ulit ako ng maalala ang nangyari sa 'min ni Dennise bago ako umuwi. 'Yon ang dahilan bakit napaaga ang uwi ko.
I'm drunk that night and I didn't know what happened. I just woke up in the morning, naked together with Dennise beside me in her room.
"Basty, let's celebrate! We just finished our project." Ayaw sa 'kin ni Marco.
He's a American. Kaklase ko siya at ka-roomate.
Papunta na ako sa kwarto ko para tawagan si Crystal dahil gabi na do'n. Araw-araw kaming makausap dahil ayaw naming ma-miss ang isa't-isa.
Umiling ako. "No thank you, Marco but I need to talk to my girlfriend." Sagot ko.
"You're just a lame, Basty. Come on, just one drink. Dennise will come." Pag-pipilit niya.
"Sumama ka na lang, para hindi ka kulitin." Napatingin ako kay Nick na kababanyan ko.
Kagaya ko ay taga Pilipinas siya. Mas nauna nga lang akong napunta rito kesa sa kanya. Apat kami ng room ate at dalawa ay Americans.
Na pakamot ako ng batok bago sumama sa kanila sa baba ng hotel. Nasa isang hotel lang kami ng mga nag-aaral dito kasama ang mga mentor namin kaya nandito rin si Dennise.
Actually, I'm trying to avoid her after what happened in Isla Esme. She tried to kiss me when I was drunk. Tapos dapat talaga hindi siya kasama sa team namin sa field study, pero kinausap lang niya yung nakakataas para siya ang maging mentor namin.
Nakita namin si Dennise na may na liquor sa counter kasama ang iba naming mentor. Hindi ko siya pinansin at umupo malayo sa kanya.
Kagaya nga ng sinabi ko ay dapat saglit lang ako. Kagaya after ng 3 shot, ay tumayo na ako kaya napatingin sila sa 'kin.
"Where are you going, Basty?" Tanong ni Sir. Alfonso. Isa siya sa mga mentor namin.
"Sir, I'll go upstairs. My girlfriend is waiting for my call." I said.
Napangiwi sila. "Your girlfriend can wait! We're celebrating here!" Sigaw ng iba.
Sasagot pa dapat ako sa kanila ng maramdaman ko na may pumulupot na kamay sa braso ko.
"They're right, Basty. Snow will understand that once you talk to her." Napatingin ako kay Dennise.
Hinila niya ako sa upuan niya at ina-upo.
"Bitawan mo ako, Dennise." Ani ko bago tinanggal ang kamay niya sa braso ko.
She smirked. "Ayaw na ayaw mo ba talaga sa 'kin?"
"Ayoko lang na magselos si Crystal." Sagot ko.
"Basty, wala siya rito." Hinaplos niya ang balikat ko kaya tinanggal ko 'yon.
"Stop doing that, Dennise!" Mariin na sabi ko sa kanya.
She just looked at me before she stood up. Akala ko hindi na siya babalik, pero umupo siya sa tabi ko na may dalang liquor at binigay sa 'kin.
"Here," binigay niya sa 'kin ang hawak na liquor. "Have a drink."
"I can't. Crystal is waiting for me." Sagot ko.
"Pag naubos mo 'to, pwede ka ng umakyat sa taas." Aniya.
Wala akong magawa kundi ang kunin ang hawak na liquor sa kanya at inumin 'yon. The moment na nainom ko yung alak ay nag-iba ang pakiramdam ko.
Para akong lumulutang sa kawalan. Isang shot lang 'yon, pero iba ang impact sa 'kin. Umiikot ang paningin ko.
I heard someone saying, pero hindi ko maintindihan ang sinasabi nila. Basta ang alam ko nakahiga na ako sa kama.
"Basty. . ." I heard someone saying my name.
Hinalikan ako ng tao na 'yon. Nag-init agad ang pakiramdam ko sa ginagawa niya sa katawan ko. Sa sobrang init ng pakiramdam ko ay sinunggaban ko ang humahalik sa 'kin.
I grabbed her nape before I kissed her hard. Gusto ko lang ma-ilabas ang init ng katawan ko.
Wala na akong maalala bukod do'n. The next thing I knew, I woke up in the Dennise room. Naked. Together with her.
Na pasabunot ako ng buhok ko. Sa una, ayoko pang maniwala na may nangyari pero habang kinukuha ko ang damit ko at nakitang may gamit na condom ay gusto kong suntukin ang sarili ko.
"Saan ka pupunta?"
Napatingin ako kay Dennise na kakapasok ng kwarto ko habang inaayos ko ang mga damit ko.
"Aalis ako," Sagot ko. Hindi siya tinitingnan. "Babalik ako ng Pilipinas."
"You can't do that!" Inis na sambit niya bago lumapit sa 'kin. "May kontrata ka dito, Basty."
"Wala akong pakialam!"
"Gagawin mo 'to dahil sa nangyari sa atin?"
Blanko akong tumingin sa kanya. "Wala ng nangyari sa 'tin." Mariin na sambit ko.
"Alam mong may nangyari sa 'tin! Stop denying it!" Sigaw niya.
"Wala akong pakialam kung meron! Basta huwag na huwag kang mag-salita tungkol dito lalo na kay Crystal."
"Ano sa tingin mo hindi niya malalaman ang nangyari sa 'tin?" She scoffed. "Oh, wait! Takot kang malaman niyang dahil talagang mag-hihiwalay kayo pag nalaman niyang."
Na pahilamos ako ng mukha nang maalala na naman 'yon. Takot talaga ako na malaman ni Crystal ang nangyari sa amin ni Dennise. I am sure masasaktan siya.
Ayokong mangyari 'yon!
Kahit sabihin ko na lasing ako no'n, alam kong makikipag-hiwalay pa rin siya sa 'kin. Ang tanga-tanga ko kasi, eh! Alam ko ng may gagawin si Dennise, pero pinabayaan ko pa.
Inilig ko ang ulo bago mag-luto ng breakfast namin. Desperado na kung desperado, basta ayokong malaman ni Crystal ang tungkol doon.
I can't!
Sa gitna ng pag-luluto ko ay may yumakap sa 'kin mula sa likod.
"Good morning!" Masiglang sambit ni Crystal.
Nakangiti akong humarap sa kanya. "Good morning," Sabi ko. "Matatapos na ang niluluto ko."
Nakangiti siyang tumango. "Okay! I'll wait for you at the table." Aniya bago umupo sa lamesa.
Tinapos ko nilulutong scramble egg, fried rice and bacon. Nilapag ko ang mga 'yon sa lamesa.
Buong maghapon ay nasa bahay lang kami. Nanonood kami ng movies habang siya sa lap ko.
"Basty, kailan ang balik mo sa America?" Tanong niyang maya-maya.
"Hindi na ako babalik do'n." Sagot ko habang hinahaplos ng marahan ang buhok niya.
Tumayo siya sa pag-kakahiga sa lap ko bago umupo ng maayos sa sofa. Gulat siyang nakatingin sa 'kin.
"Bakit?" Tanong niya.
"Ayoko ng lumayo sa 'yo." Simpleng sagot ko.
Half true ang sinabi ko. Ayokong malayo sa kanya at ayokong makita ulit si Dennise.
Ngumiti siya bago ako niyakap ng mahigpit.
"Hindi na tayo magkakalayo?" Tanong niya ulit.
Umiling ako. "Hindi na."
Hindi ako papayag na maghiwalay kami. Mababaliw ako!

Komento sa Aklat (13)

  • avatar
    SeDion

    i want more like this

    30/01

      0
  • avatar
    Mimi Tecson Tanilon

    salamat ❤️💕💖

    03/12/2023

      0
  • avatar
    MONINA_BUENAFE

    Wow! ang ganda ng kwento ❤️❤️❤️

    23/04/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata