CHAPTER 20

Kinabukasan ay maaga akong nagising para bantayan si kuya sa Hospital. Pinauwi kami ni kuya, dahil si ate Christine na daw ang nagbabantay sa kanya kagabi. Wala kaming nagawa ni Daddy at umuwi sa bahay.
Naligo ako at nagsuot ng high waist ripped short at crop top na bulay purple na may design na flowers sa harapan. I wear my high top converse shoes and put my hair into a messy bun.
Nang maayos na ang hitsura ko ay bumaba ako at kumain. Wala na si Daddy dahil maaga ang meeting niya sa company namin.
"Good morning, nanay Cecil!" Bati ko sa mayordoma namin sa bahay.
Siya si nanay Cecil. Na sa amin na siya since noong kinasal sila Mom at Dad. Katulong siya nila Mommy dati na dito na nag tra-trabaho sa 'min ng mag-asawa si Mommy. Siya ang nagpalaki sa 'min ni kuya.
"Good morning, Snow!" Bati niya rin sa 'kin. "Kumain kana at hatidan mo ang kuya mo ng pagkain sa Hospital, dahil magandang kung makakatikim siya ng luto ko." Nakangiting sambit niya.
Umupo ako sa dining table namin at nag-simula ng kumain. After ko na kumain ay diretso ako sa Hospital kung nasaan si kuya dala ang pagkain na hinanda ni Nanay Cecil sa kanya.
"Good morning, kuya!" Bati ko kay kuya ng makapasok ako ng room niya.
Nakita ko siyang nag-babasa libro. Binaba niya iyon at ngumiti ng makita ako.
"Good morning, Snow!" Sambit niya sa 'kin.
Tinataas ko ang dalang baunan na may laman na pagkain. "I brought you something to eat. Alam ko na ayaw mo ng pagkain sa Hospital kaya nag-padala si Nanay Cecil ng pagkain mo." Ani ko at hinanda ang pagkain niya.
"Sinabi mo pa," Sabi niya. "Walang lasa ang pagkain dito sa Hospital."
"Syempre nasa Hospital ka, eh!" Inirapan ko siya at binigay ang pagkain sa kanya. "Kain kana."
"I thought you're leaving today?" Tanong niya maya-maya.
"Dito ako mag pa-pasko, kuya kasama si Basty." Nakangiting sabi ko.
"Yang Basty na ba yan, eh mabait? Pangalan palang mukhang playboy na." Aniya habang kumakain.
Hinampas ko ng mahina sa braso. "Sinabi ko na kagabi na sobrang bait ni Basty, eh! I think you two will get along, dahil parehas kayong may sense of humor."
"Siguraduhin mo lang dahil lagot yan sa 'kin pag sinaktan ka niya." Pang-aasar niya.
"Don't worry, kuya. Basty will never ever hurt me in any way. Siguro masasaktan niya ako, pero alam kong na hindi niya sinasadya yun." Pang a-assure ko sa kanya.
Alam ko naman na ayaw nilang masaktan ako dahil sa nangyari samin ni Aaron, kaya sila protective ngayon. Pero alam ko ring hindi naman gagawa si Basty ng ikakasama ng loob ko sa kanya.
Being in a relationship is not easy. Kahit na ilang beses ninyong ipangako sa taong mahal mo na Hindi mo siya masasaktan, masasaktan at masasaktan mo siya pag nag-away kayo. Syempre may mga struggle and pagsubok na dadaan sa buhay niyo.
Iyon rin naman ang nangyari sa 'min ni Aaron, eh. Ang problems nga lang, si Aaron ay paulit-ulit na ginawa ang kasalanan niya sa 'kin. I gave him a second chance, pero binalewala niya iyon.
Si Basty, mabait siya kaya alam kong hindi niya gagawin ang ginawa ni Aaron.
Natapos kumain si kuya, kaya niligpit ko ang tupperware na ginamit niya.
"Snow, I think you should talk to Annica." Maya-maya ay sabi ni kuya.
Natigilan ako sa sinabi ni kuya.
"Kuya, they lied to me. Pinag-mukha nila akong tanga ni Aaron!" Hindi ko mapigilan ang emosyon ko.
"I know, but you gave Aaron a second chance when he first cheated on you. Bakit hindi mo rin bigyan ng second chance si Annica? Gustong-gusto ka niya makausap simula ng umalis siya. Let her explain her side why she do that to you." Hinawakan ni kuya ang kamay ko.
"Tumatawag rin siya sa 'kin kaso hindi ko sinasagot." Pag-amin ko.
Gusto ko rin namang makausap siya at malaman ang totoo bakit niya pinagtatakpan si Aaron habang nag-loloko siya sa akin dati. Hindi palang ako dahil tinuring ko siyang kaibigan but they treat me like a shit.
"Talk to her today," Ani kuya. "Don't worry about me. Darating mamayang hapon si Christine after ng work niya kaya you can enjoy yourself while you're in here."
Sinunod ko ang gusto ng kuya. I text Annica that we can talk today sa coffee shop na favorite namin ng mag-kaibigan pa kami. Iniwan ko si kuya mag-isa sa hospital at umalis papuntang coffee shop.
Nang makarating doon ay hindi ko alam kung papasok ako sa loob or hindi. Hindi pa ako ready na maharap or makausap siya ngayon.
Nandito kana, Crystal.
Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob ng coffee shop. Nakita ko agad si Annica na nasa gilid ng coffee shop. Pumunta ako sa kanya at umupo sa harapan niya.
"Ahm. . . You want to drink a coffee?" Alok niya sa 'kin.
Umiling ako. "No, I'm fine." Sagot ko.
Tumango siya.
"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin sa 'kin. Madami pa akong gagawin." Pagtataray ko.
Ayokong maging mataray sa kanya, dahil may pinag-samahan rin naman kami. Gusto ko lang na magsabi agad siya sa akin ng totoo.
"Snow, alam ko na malaki ang galit agad mo sa 'kin pero wala akong magawa ng mga panahon na 'yon." Pagsisimula siya. "I saw him with another woman in the mall, of course I was shocked because I thought he really changed like what you said. Sasabihin ko dapat yun sayo agad, pero nakita niya ko. Alam mo namang noong mga panahon na yun ay baon ang company namin at ang company nila Aaron ang tumulong sa 'min para makaahon ulit. Ginipit niya ako, Snow! I have no choice dahil ayoko na bawiin nila ang in-invest ng parents niya para sa company namin. I know that I hurt you. Nasaktan din kita, pero I'm here saying sorry to you."
"Dapat sinabi mo sa 'kin agad na ginihipit ka ni Aaron. Edi sana, kami ang tumulong sa company niyo." Sabi ko.
"I know, but when I was about to tell you alam mo na ang lahat," Nakayukong sambit niya.
Nakatingin lang ako sa kanya. Pilot na pino-process ang mga sinabi niya. Alam ko na hindi siya nagsisinungaling dahil kita ko yun sa mga mata niya. She's telling the truth.
"I'm sorry too," Sabi ko. "Inuna ko ang galit ko kesa makinggan ang side mo."
Ngumiti siya. "I understand you. I betrayed you, that's why. I'm sorry, Snow."
"Okay lang yun, pero hindi ko masasabi na maibabalik natin ang mga pinagsamahan natin na parang walang nangyari. Siguro, soon we'll get along again but not for now."
Gusto ko lang ng time to think. Naging kaibigan ko siya, pero ayokong maloko ulit kagaya ng ginawa ni Aaron. I gave him a second chance, pero sinira niya ulit yun. This time, I have to make sure na okay ang lahat.
Sawa na akong maloko! Ayokong mangyari ulit na magbibigay ako ng second chance sa isang tao tapos sisirain lang nila yun.
"Okay lang," Aniya. "Alam ko na hindi ako madaling patawarin sa ginawa ko, pero sana soon mawala ang galit mo sa 'kin."
Hindi naman pang habang buhay akong galit sa kanya. Kailangan ko lang talaga ng panahon, para maghilom ang sugat na ginawa nila sa 'kin.
Natapos kaming mag-usap ni Annica diretso sana ako sa Hospital nang tumawag si Nang Cecil.
"Nay, bakit po?" Tanong ko sa kabilang linya.
"Snow, may naghahanap sayo dito sa bahay." Aniya.
"Sino po?"
"Eh, Basty raw po ang pangalan niya. Boyfriend niyo raw."
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Nanay Cecil. "Sabihin niyo pong hintayin lang ako at papunta na po ako diyan."
Mabilis akong sumakay ng kotse at pumunta ng bahay. Ang kulit talaga ng isang yun! Sabi nang bukas na pumunta rito.
Nang makarating ako ng bahay ay mabilis kong pinark ang kotse sa garage at pumasok sa loob ng bahay. Nakita ko si Basty na nakaupo sa sofa namin sa sala.
"Ang kulit mo! Sabi ko na bukas kana pumunta rito, eh!" Lumapit ako sa kanya.
Ngumiti siya sakin bago ako niyakap ng mahigpit. "Miss na kita, eh." Bulong niya habang yakap ako.
"Pasensya na hindi ko agad sinabi sayo kahapon na umalis ako." Humiwalay ako sa kanya, pero nakapulupot parin ang mga kamay niya sa bewang ko.
"Okay lang yun. Naiintindihan ko," Sabi niya. "Kamusta na ang kuya mo?"
"Okay lang. Mabuti minor injuries lang natamo niya sa aksidente." Sagot ko. "Paano nalaman ang address ng bahay namin?"
Ngumisi siya. "Tiningnan ko sa resume mo na hiniram kay Mr. Agoncillo."
"So, I finally meet you Mr. Herrera." Napatingin kami sa nag-salita.
Kapapasok lang ni Daddy sa sala. Mukhang katatapos lang ng trabaho niya.
"Good afternoon po, Sir!" Bati ni Basty.
Lumapit sa amin si Daddy. "Good afternoon too," Ani Dad at nilahad ang kamay. "It's nice to meet you."
Kinuha yun ni Basty para makipag-shake hands kay Daddy. "Nice meeting you too, sir!"
"Hindi na ko mag paligoy-ligoy pa, may matutulugan ka ba habang nandito ka?" Tanong ni Dad at umupo sa sofa.
"Wala po, Sir." Sagot ni Basty.
"Dad, dito muna siya sa atin magis-stay dahil dito kami magpapasko." Sab ko kay Dad.
"Ganon ba?" Tumango-tango si Daddy tila may iniisip. "May guest room tayo, so you can stay there while you are here. At sinasabi ko sayo Basty, maraming CCTV ang bahay namin kaya wag na wag kang mag-tangkang pumasok sa kwarto ng anak ko."
"Daddy naman!" Saway ko sa kanya.
Natawa si Basty. "No problem po, Sir!"
"Just call Tito," Ngumiti si Daddy. "I like you for now dahil sinabi sa 'kin ni Snow na mabuting tao ka, pero I'll keep my eye on you while you are here. Punta lang ako ng kwarto." Tumayo si Daddy at umakyat ng taas.
"Akala ko, gigisahin ako ng Daddy mo ng tanong." Umupo kami ni Basty sa sofa at hinawakan ang kamay ko.
"Ako ang ginisa no'n kagabi," Sabi ko. "Kumain kana?"
Umiling siya. "Hindi pa nga, eh."
"Tara, kain tayo ng tanghalian." Ayaw ko sa kanya at pumunta ng dining area.
Nandoon si Nanay Cecil naghahanda ng tanghalian.
"Kumain na kayo," Sabi niya sa 'min.
Kumain kami ni Basty. Pagkatapos ay pumunta kami sa guest room para ilagay ang mga dala niyang gamit.
"Saan ang kwarto mo?" Tanong niya at umupo sa gilid ng kama.
"Doon pa sa dulo," sagot ko. "Kaya hindi mo ako mapupuntahan agad. Katapat mo lang ang kwarto ni Dad."
"Crystal, baka ikaw ang pumunta sa kwarto ng 'to at gapangin ako." Ngumisi siya.
I rolled my eyes on him. "Tse! Manahimik ka nga diyan!" Hinampas ko siya sa braso.

Komento sa Aklat (13)

  • avatar
    SeDion

    i want more like this

    30/01

      0
  • avatar
    Mimi Tecson Tanilon

    salamat ❤️💕💖

    03/12/2023

      0
  • avatar
    MONINA_BUENAFE

    Wow! ang ganda ng kwento ❤️❤️❤️

    23/04/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata