Homepage/Sketching My Life (Limit of Reality Series #1)/
49
"Did you slept well last night?"
Zach was here in my office, having lunch with us as usual. I must admit that I slept late night not because of Asher but because I attended a damn meeting with the executives in the middle of the night! The meeting ended around 3 in the morning and I woke up early because Asher also woke up as early as 7 o'clock. I'm used to waking up early after sleeping late the other night so it's not a problem for me at all.
"Not really. I slept late because of work." I answered while eating.
I saw him nod slightly. "Ah. That's why you have those eyebags."
"Yeah. Why? Do I look ugly to you now?" I asked him.
I saw how his brows furrowed as if I said something offensive. He finished drinking before looking at me intently. "There was never a time you look ugly in my eyes, Ali."
I bit my lower lip, trying to hide my smile. I just rolled my eyes and continue eating. I was scheduled to visit a site in Rizal but since I'm babysitting a kid today, I just asked Dylan to check the project for me. Hindi ko din naman kasing pwedeng iwanan si Asher kay Zach dahil sa site din ang punta nito. Bringing a child, especially toddlers in the site is strictly prohibited.
"Busy ka ba sa weekends, mahal?" he asked me after we finished eating.
"I don't think so. Why?"
"I'm planning to start moving our things to your place by weekends so I'm asking if you're busy so I can change my plan." he explained.
"It's totally fine! You can start moving in on weekends. It's not a problem for me." I said and smiled at him. Hawak ko naman ang oras ko so it's fine. Also, I can just give him the access card of my unit if ever na may scheduled meeting ako that day.
He gave me a slight nod and smiled at me. He bid goodbye to us since kailangan na niyang bumalik ulit sa site. Like the usual, Asher just watched cartoons on my laptop while I'm working. After I finished checking some reports, I received a message from Celine.
ariacg: hi maggie! busy ka ba today? gala tayo pls miss u na :((
I typed a reply.
aliahmargaret: i missed you too babe! saan ba tayo gagala? i'm bringing a kid with me.
ariacg: ay hala may bb na agad kayo ni Zach?! ang bilis ha
aliahmagaret: gaga pamangkin ko.
ariacg: ahh. anyways, shangri-la tayo. otw na ako hehe
Ayon. Wala akong takas dahil on the way na pala ang bruha. Ang ganda din ng timing ng pagyayaya nito, e. Wala ka talagang choice kung hindi pumunta dahil nakakaawa naman kung 'di sisiputin. Hindi na nga sila nagkakausap ng love honeybunch niya tapos hindi ko pa sisiputin?
aliahmargaret: oo sige papunta na din kami.
ariacg: oki see uu mwa!
Napailing na lang ako at pinatay ang phone ko. Inayos ko muna ang mga gamit ko bago ako bumaling kay Asher.
"Baby, let's go."
Lumingon siya sa akin, bahagyang nakasalubong ang kilay. "Huh? Saan po?"
"Mall." I answered and smiled at him.
He nodded at me and stood up. I closed my laptop before we finally left my office. We went to the parking and rode my Lambo. It wasn't a long drive since Shangri-La is not that far from the company. I parked my car before we went inside the mall. Celine said that she's waiting at La Creperie, a restaurant inside the mall. Pagdating namin sa loob ng restaurant ay agad kong natanaw si Celine. She was wearing a white button down shirt and her hair was tied in a ponytail. Habang naglalakad kami palapit sa pwesto niya ay agad din niya akong nakita kaya ngumiti ito at kumaway.
"Maggie!" she almost screamed and hugged me. Her gaze immediately went form me to Asher who is now looking at her, maybe trying to memorize Celine's face.
"Hi baby." Celine said in her softest voice. Among the two of us, Celine has the calmest and softest voice. Kahit nga nagagalit na 'to ay maliit pa din ang boses.
Asher is not as hyper as other kids. Hindi din siya 'yung tipo ng bata na mahilig magturo ng kung ano-ano. He's just a calm and quiet kid whenever he's with me. We left the restaurant and went to Timezone. I brought a card that is used to play games inside. Pagkatapos maloadan ng card ay pinapili ko na si Asher kung saan niya gustong maglaro. Hinayaan lang namin siyang maglaro doon hanggang sa mapagod siya.
"You happy?" I asked him.
"Yes Tita!" he answered which made me laugh shortly. I took a video of him while playing but I didn't post it on my IG story dahil baka makita ni Ate. Masesermonan na naman ako ni Madam Chantria.
After playing, he told me he was already hungry so we went to Jollibee to eat. I ordered spaghetti and ice cream for him since that's what he wants.
"Ano sa'yo?" tanong ko kay Celine.
"Medyo gutom ako so spaghetti na may chicken sa'kin. Samahan mo na din ng coke." tuloy tuloy na sabi niya at ngumiti sa akin. Tumango naman ako.
After ordering, we look for a place to sit while we wait for our order. I asked for a high chair for Asher since he's having hard time eating when he's sitting on a normal chair.
Napaangat ang tingin ko sa waiter nang i-serve na nito ang pagkain namin. I smiled at her before she left. I placed the plate of spaghetti in front of Asher and placed the cup of ice cream beside it. Pinagputol-putol ko ang spaghetti para makakain siya ng maayos. Kinuha naman si Celine ang pagkain niya. I just let Asher eat for him to master holding the utensils but I made sure that I never lose my sight on him. Messy kasi siya kumain since hindi pa nga niya gaanong mastered ang paggamit ng spoon and fork.
"The future is bright. Nakikita ko na." bulong ni Celine na nasa tabi ko. Napailing nalang ako.
We had our chikas while eating. Infairness sa babaeng 'to, hindi siya nauubusan ng chika. Natatawa nalang ako sa kanya. Paminsan-minsan ay bumabaling ako kay Asher para punasan ang bibig niya dahil kumakalat ang sauce ng spaghetti.
"Hindi pa din ba kayo nag-uusap?" tanong ko kay Celine.
Tumikhim siya at umiling. "Hindi pa." tipid niyang sagot.
Hindi na ako nagtanong pagkatapos no'n dahil ramdam kong ayaw niya nang pag-usapan ang tungkol doon. It's for the both of them to decide whether they'll talk or not. I'll just leave it to the both of them.
Pagkatapos kumain ay inaya ako ni Celine sa Zara para tumingin ng mga damit dahil may mga new arrivals sila. Ang plano naming tingin-tingin lang ay nauwi sa bili! Paano ba naman kasi, ang gaganda ng mga damit lalo na 'yung mga pambata. Also, it's Asher's birthday next week kaya hindi naman masama kung iaadvance ko ang regalo ko sa kanya 'di ba? Paniguradong magagalit si Ate sa akin bukas pagbalik niya pero bukas pa naman 'yon. Wala din naman siyang magagawa dahil nabili ko na.
After buying at Zara, dumiretso naman kami sa Bottega Veneta boutique to check some bags. I brought two shoulder bags while Celine got one sling bag and a shoulder bag which costs around 12k each. Lastly, we went to Gucci store to check out some shoes. I found a nice pair of shoes so I decided to brought one for Zach and Asher. I also got myself a pair of white heels. I controlled myself in purchasing much since I don't want to waste all of my money in splurging. I need to save for our kids' future.
After strolling around, we finally decided to go home. Celine bid goodbye to us and even kissed Asher's cheek which made the kid giggle a bit. I opened the shotgun seat for Asher and buckled his seatbelt before I turned to the driver's seat and drove home.
As soon as we got home, I took Asher to my room and let him watch TV pero nililimitahan ko lang dahil hindi maganda sa bata ang nabababad sa panonood. Iniwanan ko muna siya sa kwarto at bumaba ako para magluto ng dinner since it's already 8 in the evening. I cooked rice and adobo for my dinner while I made pizza quesadillas for Asher. Pagkaluto ng mga pagkain namin ay tinawag ko si Asher para kumain.
"Yay pizza!" he cheered in joy when he saw the food on the countertop.
"Finish that so I'll give you chocolates, okay?" I said and he nodded.
Habang kumakain siya ay kumuha na din ako ng pagkain ko at naupo sa tabi niya. Maya-maya ay narinig kong tumunog ang phone ko kaya kinuha ko iyon at kita kong tumatawag si Ate Chanty kaya sinagot ko iyon.
"Musta?" bungad ko.
[Ayos lang. Katatapos ko lang magdinner kasama yung ibang executives.] sambit niya. [Kayo? Kumain na ba kayo? 'Yung anak ko nasa'n?]
Iniharap ko kay Asher ang camera ng phone ko at kumaway naman ang bata sa mommy niya.
"Hi Mommy!" saad ng bata.
[Hi baby. Miss you. Kamusta? Iniispoil ka na naman ba ng Tita mo?] tanong niya sa anak pero umiling lang si Asher.
Kinagat ko ang ibabang labi ko at nagpigil ng tawa. Nang matapos kaming kumain ay kinuha ko ang mga pinagkainan namin at hinugasan. Hinayaan ko lang silang mag-ina na mag-usap do'n. Halatang namiss din ng bata ang mommy niya kahit dalawang araw lang silang hindi nagkita.
Pagkatapos nilang mag-usap ay inabot sa akin ni Asher ang phone ko. Nang matapos akong maghugas ng mga pinggan ay dinala ko si Asher sa banyo para mag half bath. Inilagay ko din sa tub ang rubber duck na binili ko kanina sa mall para may mapaglaruan siya do'n. After showering, pumasok kami sa kwarto ko at binihisan siya doon. Umakyat siya sa kama ko at nahiga. Di din naman nagtagal, malamang ay dahil sa pagod sa kakagala kanina ay nakatulog agad siya.
"Good night, my love." I whispered and planted a soft kiss on his forehead. Inayos ko din ang kumot niya bago ako lumabas ng kwarto para magshower.
May trabaho pa akong tatapusin kaya I'll probably stay up until dawn. Mamayang 11 ang flight ni Ate Chantria pabalik ng Manila kaya pinatext niya sa akin ang address ng condo ko and also my unit number para masundo niya si Asher. Pagkatapos kong magshower ay bumalik ako sa kwarto ko at pumasok sa walk-in closet para magbihis before I sat in front of my table and started doing my work.
Zach texted me a while ago na kakauwi lang daw niya dahil kagagaling lang niya sa meeting para sa bago nilang project. We both became busy with our work these past few days but we made sure that we still have time for each other. Well, hindi na kami mamomroblema sa oras namin sa isa't isa kapag lumipat na sila dito kasama ko. I don't know but I feel excited. I can't wait for weekends to come. Gosh!
Habang nagtytype sa laptop ko ay narinig kong may nagdoorbell kaya bumaba ako para tignan 'yon. Pagkabukas ko ng pinto ay agad kong nakita si Ate Chantria na halatang kagagaling lang sa biyahe.
"Ang tagal magbukas ha? Bebetime kayo?" tanong niya sa akin pagkabukas ko.
"He's not here." I told her and gestured her to come in.
"Tunog dismayado ka ha!" sambit niya at bahagyang tumawa. Siraulo talaga.
I closed the door and gestured her to come with me to my room so she could pick up her child. I told her not to create some noises so she won't wake up the child. Napagod pa naman kakagala 'yan kanina. Lumapit siya sa anak niya at dahan-dahan itong binuhat. Sandaling nagising si Asher para tignan kung sino ang bumuhat sa kanya pero nang makita niya na si Ate iyon ay isinubsob niyang muli ang mukha niya sa leeg ng ina. Cute.
Inabot ko kay Ate ang bag ni Asher pati ang dalawang paperbag na may lamang damit at sapatos ni Asher na binili ko kanina sa mall. Mayroon din 'yong bag na para kay Ate na binili ko sa Gucci kanina. Peace offering ko na 'yon sa kaniya. Sinamaan ako ng tingin ni Ate pero kinuha din naman niya 'yon sa kamay ko. Ngumiti ako sa kanya pero inirapan niya ako. Attitude siya, e.
Binitbit ko ang mga bag at hinatid sila sa parking ng condo. Si Kuya Oliver pala ang sumundo sa kaniya sa airport. Lumabas mula sa driver's seat si Kuya at kinuha si Asher mula kay Ate. Matangkad si Kuya Oliver, matangos ang ilong, maputi at makapal ang kilay. Gwapo. Mas rough ang features niya, contrary kay Ate. Namana ni Asher ang halos lahat ng features niya sa daddy niya at parang halos walang nakuha kay Ate Chantria. Kawawa naman. Chos! Baka sabunutan ako bigla ni Ate dito.
"Thank you sa pag-aalaga kay Asher. Pwede ka nang maging mommy." pang-aasar ni Ate pero umirap lang ako.
"Matagal pa 'yon." sagot ko sa kanya.
"Pero sana soon. Gusto ko nang makita 'yung magiging pamangkin ko 'no! Jusko, ang gaganda pa naman ng genes ninyo, walang dudang maganda o gwapo din ang magiging pamangkin ko." aniya at bahagyang tumawa. Napailing nalang ako.
"Umuwi na kayo. Kailangan mong magpahinga, kagagaling mo lang sa biyahe." sabi ko.
"Oo nga. Sige, thank you ulit." niyakap niya ako. "I love you."
"Love you. Ingat kayo."
Ngumiti si Ate si akin bago lumakad papunta sa sasakyan nila. Kumaway sa akin si Kuya Oliver mula sa driver's seat at kumaway din ako pabalik. Pinanood kong umalis sila bago ako bumalik sa unit ko. Nakaramdam na ako ng antok kaya sinara ko na ang laptop ko at natulog.
"Where the hell are the technical reports? I told you I need them!"
I'm having a phone conversation with Dylan. Hindi ako papasok ng opisina ngayon since wala naman akong kailangang gawin do'n. Puro checking of reports lang naman ang gagawin ko at pag-attend ng isang virtual conference.
[I'll send it later after my meeting in our company. Calm down.] he said in a low voice.
"Fine! But I need you to send it to me today. I fucking need those files!"
[I know. I'm sorry.] he replied in the most sincere way. [The meeting is about to start, I'll just sent it to you right after. Bye.]
Since nandito lang naman ako sa unit, I told Zach that he could move some of their stuff from the old house para hindi na gaanong madaming gamit ang ililipat by tomorrow if ever na meron pa. Pumayag naman siya. Si Kuya Carlos daw ang maglilipat since nasa trabaho pa siya kaya hinihintay ko nalang na dumating ang driver nila dito. Bandang alas dos ng hapon nang marinig kong may magdoorbell kaya binuksan ko ang pintuan ng unit ko at nakita ko si Kuya Carlos na dala ang mga aso.
"Hi Ma'am! Good afternoon po!" bati niya sa akin habang buhat buhat ang anak ni Sage
"Good afternoon, Kuya. Dala niyo na po yung mga gamit?" tanong ko at kinuha sa kanya ang aso. Natawa ako dahil dire-diretso namang pumasok sa loob si Sage. Feel at home siya, o.
"Ah, opo. Nasa sasakyan na po. Pakibuksan nalang po yung pinto para maipasok ko." sambit niya at tumango naman ako.
Umalis siya para kuhanin ang mga gamit sa sasakyan. Nakisuyo na din ako sa ibang staff na tulungang magdala si Kuya Carlos. Mabuti nalang at malaki ang unit ko kaya nakakapagtakbuhan ang mga aso. Hinayaan ko lang silang maglaro do'n. Wala namang mababasag dahil hindi ako naglalagay ng mga babasaging display sa loob ng unit ko.
Unang pinasok sa unit ko ang dalawang itim na maleta na paniguradong naglalaman ng mga damit ni Zach. Bahagyang kumunot ang noo ko nang ipasok nila ang dalawang pamilyar na painting. Kung hindi ako nagkakamali ay ako ang nagpinta no'n. Nasa kanya pa rin pala 'yon? Pinakahuling ipinasok ni Kuya Carlos ang isang storage box na may lamang mga dog food.
"'Yan na po lahat 'yon?" Tanong ko kay Kuya Carlos.
Tumango siya. "Iyan lang naman po yung mga gamit na pinapalipat ni Sir Zach sa akin. May mga natira pa pong gamit sa bahay pero mukhang iiwanan nalang niya 'yon do'n." Tuloy tuloy na saad niya.
Tumango ako. Matapos mapasok lahat ng gamit ni Zach ay nagpaalam na si Kuya Carlos sa akin.
I attended a virtual meeting at 4 pm. Hindi naman gaanong nagtagal ang meeting dahil catching up at reporting lang ang naging agenda. After the meeting, I played with the dogs for a while. I didn't bother about them peeing or pooping around since they're wearing diapers. By seven o'clock in the evening, I fed them dogfood and milked the two puppies. I also changed their diapers dahil sabi ni Zach na kailangang palitan ang diapers every 3-4 hours to prevent urine scald and tract infections.
After changing their diapers, I made them play inside a vacant room in my unit. It's just a small empty room. Balak ko sanang gawing opisina 'yon pero wala na akong gaanong oras para ayusin pa 'yon kaya doon nalang ako sa kwarto ko gumagawa ng reports. Since it's already 7 in the evening, I went to the kitchen to cook for dinner. Zach is definitely on his way home.
I opened the refrigerator to see what I could cook for tonight. I found some beef inside so I took it and decided to cook mechado. I also want to show Zach my cooking skills. He can't be the only one who know how to cook for us 'no! I opened the refrigerator again and took the other ingredients that I'll use. Fortunately, I was able to go to the grocery last week.
"Ang bango naman niyan!" nagulat ako nang marinig ang boses ni Zach. Nakauwi na pala siya.
Maya-maya ay naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa likuran at pinatakan ng halik ang pisngi ko.
"I miss you, mahal ko." bulong niya, mahigpit pa ding nakayakap sa akin. I bit my lower lip, trying to suppress my smile.
"I miss you. Magbihis ka na do'n para makakain na tayo." sabi ko sa kanya at mabilis naman siyang sumunod.
Pagkatapos maluto ng ulam ay kumuha ako ng mangkok at dahan-dahang isinalin doon ang mechado. Kumuha din ako ng isa pang lagayan para naman sa kanin. Habang ginagawa ko 'yon ay sakto namang bumaba si Zach na nakabihis na ng t-shirt at shorts. Kumuha siya ng dalawang plato at kutsara bago pumunta sa dining.
"How's your day my love?" I softly asked him while we're eating.
He swallowed first before responding. "Good. Nothing much really happen since I just spend most of my hours at the site. You? How's your day?"
"Good as well. I did nothing but check reports and attend a meeting earlier."
He nodded. "Good thing, you didn't have a hard time taking care of the dogs?"
"Not really. Sage just slept the whole time while the two dogs just run around my unit." I said and let out a short laugh. I heard Zach chuckled.
Pagkatapos naming kumain ay naglipit na kami ng pinagkainan. I laughed shortly when I heard Zach burped. Naparami ang kain niya, e. I haven't seen him eat like that, actually. He probably liked the dish that I cooked! I smiled to myself.
"Ako na maghuhugas, magshower ka na do'n. Baho mo na." sabi ni Zach at tumawa ng bahagya.
Umirap lang ako sa kanya. "Whatever."
Dahil nga siya na ang nagpresentang maghugas ay dumiretso na ako sa banyo para magshower. I took a 30 minute shower, brushed my teeth and did my skincare. I went inside the walk-in closet to dress up. Saktong pagkalabas ko nang walk-in closet ay siya namang pagpasok ni Zach sa kwarto ko dala ang dalawang maleta. How the hell did he able to carry it without difficulty? Is he superman or something?
"What?" hinihingal na tanong niya.
"Hindi ka man lang ba nahirapang iakyat 'yang mga 'yan?" takang tanong ko habang nakaturo sa dalawang maleta.
"No, love. Those aren't that heavy." he said. "So, where can I put my clothes?"
"There still some space inside my walk-in closet. If ever naman na hindi magkasiya, ilagay mo 'yung iba dito sa cabinet." tuloy tuloy na sabi ko at tumango naman siya.
I suggested na tutulungan ko siyang mag-ayos ng mga damit niya pero sinabihan niya lang akong maupo lang at kaya naman daw niya 'yon kaya hindi na ako nakipagtalo. Habang hinihintay siyang matapos sa pag-aayos ng mga gamit niya ay bumaba ako saglit para silipin ang mga aso. I smiled to myself when I saw them peacefully sleeping. Nakatabi ang dalawang anak ni Sage sa kanya habang nakatagilid naman matulog si Sage. Cute.
Umakyat ulit ako sa kwarto ko at binuksan ang TV para manood ng netflix. Mayroon kasi akong tinatapos na series ngayon. Ang daming naglalabasang magagandang series kaya natatambakan ako! Hindi ko na alam kung ano ang una kong papanoorin!
"What are you watching?" tanong ni Zach bago siya tumabi sa akin.
"Cobra Kai." I answered.
Hindi na siya nagtanong pagkatapos no'n at yumakap nalang sa akin. I smiled to myself as I played with his hair. He's being clingy. We stayed in that position until we finished the whole freaking season! 10 episodes lang naman kada season kaya mabilis naming natapos. I off the TV and lay down, getting ready to sleep. I startled a bit when I felt him hugged me from behind.
"I missed being like this." I almost shiver when I felt his hot breath at the back of my neck.
I chuckled softly and caressed his arm that has been wrapped around my waist. "Good night love." I whispered.
"Good night indeed." he said in a low voice.
I woke up around 7 in the morning the next day without Zach beside me. Did he left already? I got up to bed and fixed it before I went to the bathroom to wash my face. Maaga akong aalis today since I have a lot of things to do. Malapit na kasi ang Christmas at balak kong tapusin lahat ng kailangang tapusin before the holidays.
Bumaba ako at dumiretso sa kusina only to find my boyfriend who is looking hot with a black apron on. He was already wearing his black slacks with nothing on top! His hair is also a bit ruffled. What a beautiful view the morning. He didn't notice that I'm here so I walked closer to him and hugged him from behind.
"Good morning." I greeted him in a soft voice.
He stopped for a moment and looked at me before planting a sweet kiss on my lips. "Good morning love."
"You're up early. Maaga ka din bang papasok?" tanong ko habang kumukuha ng tubig.
"I woke up early because I want to cook for you." he casually replied and I felt my face heated because of that! "But yeah, I'm also planning to left early since I have a meeting to attend at the company but the main reason is I want to cook for my baby."
I didn't know what to say anymore so I just nodded. He's making me damn speechless! After we had our breakfast, I went straight to the shower and took a half hour bath, brushed my teeth and did my skincare. I decided to wore a black jumpsuit since I'll do a site visit right after attending a meeting. I paired it with a pair of flats. I blow dried my hair and tied it in a bun, leaving some few strands out. I also put on minimal makeup and sprayed perfume before I took my bag and left the room.
Pagkababa ko ay nakita kong naghahanda na din para umalis si Zach. He glanced at me for a moment before his lips curved a smile.
"Ganda." aniya at pinatakan ng halik ang pisngi ko.
"Is it okay if we leave the dogs alone?" I asked Zach. Nag-aalala lang ako dahil baka hindi sanay ang mga aso na iwanan mag-isa at baka kung anong gawin nila kapag wala kami. We will be out for almost half a day! Who knows what they'll do here during that times.
"Tatawagan ko 'yung nagbabantay sa kanila kapag wala ako sa bahay no'n." he casually said while he's on his phone. "It's a guy, don't worry."
"I don't care about his gender. I'm talking about the dogs." I said and rolled my eyes.
"Sabi ko nga." aniya, nagpipigil ng tawa.
Hindi ko nalang siya pinansin at kinuha nalang ang susi ng sasakyan ko.
"Wala akong kiss?" rinig kong tanong niya.
"Malalate na a-" naputol ang sasabihin ko nang lumapit siya sa akin at hinalikan ang labi ko!
"Take care love." he said and smirked. Damn this guy!
Nauna na akong umalis sa kanya dahil hihintayin pa daw niyang dumating ang pet sitter. I went to the parking and rode my black Audi. I have a meeting in Rizal kaya doon muna ako pumunta. It took around two hours for me to arrive there since sobrang traffic! Ang daming ginagawang kalsada. After my meeting with a client, I drove to White Plains to visit my cousin. Medyo matagal na akong hindi nakakabisita dahil masyadong madaming ganap these past few weeks.
I parked my car in front of the apartment before I went inside. Pagdating ko sa tapat ng room nila ay kumatok. Matapos ang tatlong katok ay binuksan din niya ang pinto. Kunot-noo akong tumingin sa kanya dahil halatang kagigising lang ng bruha.
"Shuta akala ko kung sino!" sambit niya pagkabukas ng pinto. "Pasok ka."
She opened the door wider so I can come inside the apartment. I roamed my eyes around the room and saw some toys scattered on the floor.
"Hindi ka pumasok?" tanong sa akin ni Ciara habang kumukuha ng juice.
"I came from a meeting before I went here." I explained before I sat on the couch. "Where's Ria?"
"Nando'n sa kwarto." sagot niya sa akin.
Nagkatinginan kami nang marinig namin ang pagtawag ni Ria sa kanya. She told me to wait at the living room before she walked towards their room to check on her daughter. Shortly after, she came out of the room while carrying Ria. Ria giggled when she saw me. I place the glass on the table before I stood up to carry her.
"Hi mahal ko." malambing kong usal habang buhat-buhat siya.
Natagal ang titig ko sa mga mata ni Ria. She has a beautiful pair of hazel brown eyes which she got from her... dad. I slightly pinched her chubby cheeks which made her giggle. How adorable.
"Masyado ka nang nangigigil sa anak ko, gumawa na kaya kayo ni Zach ng baby niyo?" umangat ang tingin ko kay Ciara ng marinig ko siyang magsalita.
"Wala pa sa plano namin 'yon." sagot ko habang nakikipaglaro kay Ria.
"Wala din naman sa plano na mabuntis kay Ria, tignan mo ngayon." sagot niya at pinagkrus ang hita.
"Bakit, nagsisisi ka?" tinaas ko ang kilay ko.
Bumuntong hininga siya. "Wala akong pinagsisisihan sa mga nangyari, Mags. Kahit ulit-ulitin man ang nangyari sa'min, walang pagdadalawang isip kong gagawin 'yon ulit." ngumiti siya pero kita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya.
"Are you planning to tell him about his child?" maingat kong tanong.
"Oo. Hindi ko naman ipagkakait sa kanya ang bata dahil anak naman namin 'yan." sagot niya. "Pero hindi pa ngayon, hindi pa ako handa."
"But you have to be ready. Knowing that guy? He will do everything just to find you. The both of you. You'll be surprised one day, he's already at your doorstep." I told her but she's just silent.
Hindi din naman ako nagtagal sa apartment nila at umalis din ako agad dahil may pupuntahan pa akong site visit. Pagkatapos ng dalawang site visit ko ay pumunta ako ng kumpanya para pumirma ng papers at para umattend ng board meeting.
This meeting is about the project sales and the company's income from January to December. So far, the board of directors, including me are satisfied by the company's growth and performance for the whole year. Since new year is approaching, we come up with another goals and plans for the next year.
The meeting lasted for almost two hours. Right after the meeting, I went to my office to sign some papers and decided to go home by 8. Zach said he is already home and was waiting for me so we can have dinner together. I parked my car before I went up to my unit.
"Mahal!" bahagya akong nagulat nang marinig ko si Zach. Niyakap niya ako ng mahigpit na para bang hindi kami nagkita ng ilang taon. Napangiti ako at niyakap siya pabalik.
Bahagya siyang humiwalay sa pagkakayap sa akin pero nanatili pa din ang mga braso niya sa baywang ko. "Bihis ka na para makakain na tayo."aniya at pinatakan ng halik ang labi ko.
Dumiretso ako sa kwarto at siya naman sa dining para maghanda ng pagkain namin. Nagpalit lang ako ng shirt at shorts bago bumaba para sumabay sa kanyang kumain. Habang kumakain kami ay tinatanong namin ang isa't isa kung kamusta ang mga araw namin. This is like our bonding since we're out for almost half a day at tuwing gabi lang nagkikita.
May gagawin pa daw siya kaya ako na ang naghugas ng pinagkainan namin. After washing the dishes, I went to the bathroom to take a quick shower and brushed my teeth after. Pagpasok ko sa kwarto namin ay nakita ko siyang nakasuot ng specs at nakatutok sa laptop niya. Lumapit ako para silipin ang ginagawa niya at nakita ko siyang gumagawa ng 3D sketch ng isang bahay. Mayroon ding sketch pad na nakapatong sa lamesa, kaparehas nung nasa laptop niya.
"What's that?" I asked Zach while looking at his laptop screen.
"Zane's project." he answered. "What do you think? Okay na ba or do you want me to change something?"
"Okay naman na. Maganda yung design. Hindi din sobrang laki o liit." sagot ko sa kanya. "Why are you asking my opinion on that?" my brows furrowed.
It's his project so why would he need my opinion about it?
"I need to hear your opinion about our house." he said which made my eyes widened. What did he say?
"Pardon?"
He chuckled. "Our house." he said it clearly so I could understand it this time. "I'm designing our house, love."
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (26)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I had fun reading. The story is very interesting and there are times that I can not stop reading because it would be a waste not to continue as the story is getting good. I highly recommend this! I hope you do more stories, God speed!
18/08/2022
0cool reading
25/02/2025
0salamat sa maganda istotya
21/11/2024
0Tingnan Lahat