Homepage/Sketching My Life (Limit of Reality Series #1)/
47
"Official na ulit kayo?"
Nandito ako ngayon sa site sa Teresa para bisitahin ang project. Malapit na kasi ang target date of completion kaya kailangan kong i-monitor kung ano nang nagaganap sa site.
"Hindi pa."
"Anak ng tokwa naman! Napakabagal naman ng manok ko!" reklamo niya. Lakas makareklamo, e hindi nga niya maka-usap yung ex niya.
"Si Celine ba kailan mo kakausapin?" tanong ko sa kanya.
"Kapag handa na siyang kausapin ako." sagot niya at tipid na ngumiti.
May punto din naman siya. They're both in pain right now kaya hindi pa ito ang magandang oras para mag-usap sila. Buhay nga naman. Nagpaalam sandali sa akin si Zane para sumagot ng tawag at tumango naman ako.
Hindi din naman ako nagtagal sa site dahil may isang site pa akong pupuntahan. Tinawag ko ang isa sa mga engineer do'n at pinakisuyuan na sabihin kay Zane na umalis na ako. The engineer nodded so I thanked him before leaving the site. I rode my black Lambo and drove my way to Cainta for another site visit.
Pagdating ko doon ay agad akong inabutan ng hard hat ng isa sa mga engineers do'n. I asked a few questions about the project and he's answering me casually. Habang pinagmamasdan ang building ay nagulat ako nang may humila sa'kin mula sa baywang ko. Napaangat ang tingin ko at nakita ko si Zach na ngayon ay nasa tabi ko na. Engineer ang katabi ko kanina, ah? Paanong napunta 'tong buang na 'to dito?
"Hi love." he greeted me and kissed my cheek.
"Love ka diyan, e hindi pa nga tayo ulit." ani ko at umirap.
"Do'n din naman ang punta natin, e. Inadvance ko lang." sagot niya at bahagyang tumawa. "Kumain ka na ba?"
"Hindi pa."
"Dito ka na kumain, sabay ka na sa'kin." suwestiyon niya at ngumiti.
Naramdaman ko na din naman ang pagkalam ng tiyan ko kaya pumayag na ako. Bago kami maglakad ay nagulat ako nang pagdikitin niya ang mga palad namin at pinag-intertwined 'yon. We went inside a small room. This is where he probably eats or do some work while he's here at the site. Pagkapasok namin ay sinara niya ang pinto, pero hindi niya ni-lock. Uupo na sana ako sa monoblock chair pero nagulat ako nang kuhanin niya iyon at pinalitan ng swivel chair na ginagamit niya.
"Bakit mo pinalitan? Okay lang naman sa 'kin ang umupo sa monoblock?" takang tanong ko.
"It's more comfortable to sit on a swivel chair kaysa dito sa monoblock. H'wag mo 'kong alalahanin, ayos lang sakin ang umupo diyan." aniya at natawa ng bahagya bago niya kinuha ang dalawang lunch bag.
Inilapag niya sa harap ko ang pink na lunch bag at inilabas ang mga laman no'n. Dalawang tupperware ulit. 'Yung isa, may lamang kanin, adobo at dried fruits sa side. 'Yung isa pa, yung mas maliit, may lamang burger at fries. May maliit na container pang kasama na may lamang ketchup. Ang goal talaga siguro ni Zach sa buhay ay busugin ako araw-araw.
Umupo siya sa monoblock chair at kinuha ang lunch bag niya at inilabas ang mga laman no'n para makakain na din siya. Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy nalang sa pagkain dahil may meeting pa akong pupuntahan by 2 pm.
"May I?" I asked him while pointing at his tumbler.
"Sure." he nodded and handed me his tumbler. "Nainuman ko na 'yan." he added.
I nodded as I open his tumbler. I wiped the tumbler's mouth with a tissue before drinking. Narinig ko ang bahagya niyang pagtawa kaya kunot-noo akong bumaling sa kanya.
"You do realized that we already made out a lot of times, right?" he asked with a playful smirk on his face. Nabuga ko tuloy bigla ang tubig na iniinom ko dahil sa sinabi niya! Inabutan niya ako ng tissue habang nakangiti ng nakakaasar. Masaya pa siya niyan.
"Why do you have to say that?!" saad ko habang pinupunasan ang bibig ko. Pakiramdam ko ay namula ang buo kong mukha dahil do'n! Tinawanan lang ako ng kumag!
Pagkatapos kong kumain ay ibinalik ko ang tupperware sa loob ng lunch bag. Kumuha naman si Zach ng isang maliit na paperpag at inilagay doon ang isang tupperware na may lamang burger.
"Saan ka pagkatapos dito?" tanong niya pagka-abot sa akin ng paperbag.
"Makati. May meeting akong pupuntahan do'n." sagot ko at kita ko naman ang pagtango niya.
Pagkatapos niyang makapag-ayos ay lumabas na din kami ng mini-office niya. Ihahatid pa niya sana ako sa parking nang bigla siyang tawagin nang isa sa mga architects do'n. He glanced at the woman who called him and gave her a wait sign before he faced me again. He cupped my face and planted a soft kiss on my forehead which made me blinked twice.
"Take care, love." he said.
Tumango lang ako sa kanya bago ako naglakad paalis. I suddenly felt something in my stomach because of that! Bakit ako kinikilig?! Para naman akong 16 years old na kilig na kilig sa simpleng endearments. Nagdrive ako papuntang Makati para umaattend ng meeting bago ako nagdrive pabalik ng kumpanya.
Wala si Ate sa kumpanya dahil pumunta siyang Malaysia para sa business meeting at iniwan niya si Asher sa kapatid ng asawa niya. Sabi ko sa kanya ay sa akin nalang iwan si Asher pero tumanggi siya dahil baka pagbalik daw niya ay madami na namang bagong gamit at laruan ni Asher dahil binilhan ko na naman. She doesn't want Asher to be spoiled by me which I understood naman so hindi na ako nakipagtalo sa kanya.
"Ma'am?" umangat ang tingin ko kay Yen nang marinig ko siyang magsalita.
"Yes?"
"Ms. Catalina Rodriguez wants to talk to you po."
"Let her in, please."
Hindi naman nagtagal ay bumukas ang pinto ng opisina ko at bumungad si Cat na nakasuot ng semi-formal attire. A bitchy aura was seen on her face which made her look a bit intimidating. Nothing really changed to this girl.
"Ate Aliah!" she greeted me and gave me a tight hug. I missed this girl. "I've missed you! I haven't seen you in ages aside from the posters we saw on the mall. But that was like a few years ago!" she continuously said. "Are you a model na ba?"
I chuckled. "No. One time contract lang 'yung pinirmahan ko. After the shoot, my job is also done." I explained and gestured her to sit down.
"Being a model is a hassle especially now that you're handling a company. Anyways, I have something to give you. Hold up a second." she gave me a wait sign as she opened her bag and took something from it. My brows furrowed a bit when she handed me a card but my eyes widened in surprise as I realized what it was. A wedding invitation!
"You're getting married?" I asked.
"Yep! Next week. You must be there because I chose you to be my maid of honor." she said and chuckled a bit.
"Wow. Congratulations babe!" I said, smiling. "I'll free my schedule next week."
"Thank you ate. Pero mas mauuna pa dapat kayo ni Kuya kung hindi lang umepal yung mukhang paa na 'yon! Naiirita ako sa kanya, swear!" anas niya at umirap. There she goes. Cat and her bitchy personality. "How desperate! Asa naman siya na papatulan siya ni Kuya. Hindi pangit ang taste ng kapatid ko sa babae 'no! I can't imagine myself or mom approving other girls for Kuya aside from you."
"Geez. Calm down." I said and let out a short laugh.
"Kapag naririnig o naaalala ko lang 'yung Rebecca na 'yon, naiirita talaga ko. Isinusumpa ko siya from the bottom of my heart." inis na aniya. Napailing nalang ako. "Anyways, how are you? Hindi na tayo nagkakausap nang maayos ever since you left the country!"
"Well, I'm... fine. Being a CEO and engineer at the same time is so challenging but I like being challenged so I can handle it." I said, smiling. "You? How are you?"
"Well, I can say that I'm living the best life right now. The engagement was so unexpected. Also, ang saya magplano nang kasal! Naeexcite na tuloy ako! Good thing you came home na 'coz if not, mahihirapan akong maghanap ng maid of honor ko. Kuya was actually the one who suggested na kunin kitang made of honor for my wedding kasi he knows na you're one of the girl who are really close to me." pagkukwento niya.
"I'm also not expecting you to get married!" I said and chuckled a bit.
"We actually expected that you and Kuya will be the first one to get married. But since some jerk came into the picture, naudlot. What a bitch!" she said and rolled her eyes. "Anyways, I have to go, Ate. I still have a few invitations to drop." she stood up and took her bag. "Before I forgot, kindly send me your body measurements for the gown that you'll wear next week,"
I nodded. "Okay."
"I'll see you next week, Ate. Love you." she said before giving me a soft hug.
"Love you. Ingat ka."
Pagkaalis ni Cat ay agad kong tinawag si Yen para ipa-clear ang schedule ko sa Monday dahil iyon ang araw ng kasal ni Catalina. Good thing, wala akong meeting na pupuntahan that day. Puro site visits lang. Well, I can do it the next day. It's not that hard for me, anyway.
During weekends, wala akong ibang ginawa kundi umattend ng mga meetings, site visits, checking of reports and ensuring the company's growth. Malaking tulong na nandito si Ate as COO to help me manage this company. Pagkauwi ko ay dumating na ang damit na susuotin ko for Catalina's wedding tomorrow. It's a blue colored sleeveless long gown with some glitters all over it. How elegant!
I woke up around 6 in the morning so I would have a lot of time to prepare. 10:30 dapat ay nandoon na ako sa simbahan dahil 11 ang start ng ceremony. I must not be late dahil importante ang role ko sa kasal at sobrang nakakahiya kung malalate ako. Zach will pick me up later so sabay na kaming pupunta ng simbahan.
Around 8, I took a shower, brushed my teeth and did my skincare. I sat on my vanity table and started fixing myself. I've decided to do a light but elegant look. Started off with some primer, foundation and concealer. For my eyelids, I chose champagne colored eye shadow. I also applied eyeliner, mascara and some shimmer. For my lips, I've decided to put on velvet pink lipstick. I sprayed mist to lock in my make-up look. As for my hair, I blow dried it and curled it a bit to achieve some wavy hair look.
After doing my hair and make-up, I put on my long gown. I stood in front of the mirror and stared at my reflection for a while. But I felt something is missing.
My gaze went to my neck down to my hand. Guess it's time to put it back. I walked towards my vanity table, opened one of its drawers and took out the necklace and ring he gave me. I felt my heart throbbing as I put it on. I smiled as I stared again at the mirror. Feels like I filled the missing pieces in me.
Narinig kong tumunog ang phone ko kaya kinuha ko iyon at nakita ang message ni Zach. He's already here. I closed my phone and took my purse before leaving my unit.
Pagkadating ko sa labas ng building ay nakita ko siyang nakasandal sa itim niyang Mercedes habang nagcecellphone. He looked so hot in his tuxedo outfit. His hair was pushed back with wax but some of it's strands are falling. Lumipat ang tingin niya sa akin at kita ko ang pag-awang ng labi niya. He scanned me from head to toe but his gazed fixed on my neck... down to my finger. Maya-maya ay umiwas siya ng tingin kasabay ng pamumula ng mukha niya.
"Bakit?"
"Kinikilig ako, teka." bulong niya na siya namang ikinatawa ko ng bahagya.
After sometime, he took a deep breath before opening the shotgun seat for me. He then turned to the driver's seat and drove away. Tahimik lang kami buong biyahe. He played music to ease the boredom at paminsan-minsan ay sumasabay sa kanta. Nagkatinginan kami nang mag-play ang 'It might be you'. That song... brings back our high school memories. The song he sang at the club day. The same day that he asked to court me. The day where he finally said those three words. The day that changes everything we had.
Natigil ako sa pagrereminisce nang tumigil na ang kotse niya. Nandito na pala kami. Nauan siyang bumaba ng sasakyan at umikot para buksan ang pintuan ng shotgun seat. Todo alalay pa ang kumag sa akin na akala mo ay hindi ako marunong lumakad. Sinara niya ang pinto ng kotse at biglang humawak sa kamay ko. Umangat ang tingin ko sa kanya pero hindi siya nag-abalang tignan ako. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makita namin sila Tita Maddie. Nakangiting lumapit sa akin si Tita at niyakap ako.
"I've missed you darling." she whispered. "We thought the two of you will be the first one to get married! Kung hindi lang kasi-"
"Mom, it's done. No need to stress yourself about it." putol ni Zach sa sasabihin ng ina. "Rest assured that the next wedding you'll be in is ours." pakiramdam ko ay namula ang pisngi ko sa sinabing 'yon ni Zach. Lakas ng confidence, e hindi pa nga kami nagkakabalikan!
"You better be!" sambit naman ni Tita Maddie.
Naputol ang usapan namin nang lumapit ang event organizer para sabihin na kailangan na naming pumila dahil nandiyan na daw si Cat. Bibitaw na sana ako kay Zach para pumunta sa pila nang bigla niya akong hilahin ng bahagya dahilan para mapatingin ako sa kanya. Magsasalita na sana ako nang bigla niyang patakan ng halik ang noo ko dahilan para makaramdam ako ng pag-init ng pisngi ko!
"I'll have all my eyes on you." he said before letting me go.
Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya dahil kailangan kong magfocus sa kasal. Pinapila kami sa labas ng simbahan at isa-isang pinalakad. Naunang naglakad ang groom at kasunod naman niya ang best man. Sunod na naglakad ang mga groomsmen together with the bridesmaid. I walked after the last pair of groomsman and bridesmaid walked.
After a few moments, Cat entered and walked with her parents towards the aisle. The ceremony started not so long after. Lumalapit lang ako sa harapan kapag kailangan. I felt my eyes tearing up while listening to them exchanging vows. After their ring exchange, they finally shared their first kiss as husband and wife.
Nagkaroon ng picture taking kasama ang mga abay pati na din ang mga bridesmaid at groomsmen. I also had a photo with the best man and of course, the newly weds! Sunod naman ay nagpapicture sila Cat kasama ang parents at Kuya niya. Maya-maya ay sumenyas si Zach ng 'wait' sa photographer at lumakad papunta sa pwesto ko. Nagulat ako nang marahan niya akong hinila para sumama sa family picture nila. Pumwesto siya sa tabi ni Tita Maddie habang ako naman ang nasa tabi niya, sa pinakadulo.
"Okay na po ba?" tanong nang photographer at nakita kong nagthumbs-up si Zach. Bumilang ang photographer kasabay ang pagflash ng camera. Tinignan ng photographer ang picture na kinuha niya at binigyan kami ng 'okay' sign.
After ng picture taking ay umalis na din kami para pumunta sa reception. Hindi kami sumabay sa van na sinakyan nila Tita Maddie dahil may kotseng dala si Zach. Sa isang villa na pagmamay-ari nila Zach ang wedding reception. It is just within the vicinity kaya paniguradong hindi matagal ang biyahe. Pagka-alis ng van na sinasakyan nila Tita Maddie ay umalis na din kami.
"Pinanood kita habang lumalakad kanina, para kang model. Nakaka-inlove ka masyado." Zach chuckled while driving.
"Nainlove ka sa lakad ko?" pang-aasar ko.
He glanced at me for a moment before returning his gaze on the road. "I love everything about you and everything you do. Kahit kumakain ka lang, naiinlove ako sa'yo." he let out a short laugh.
"Baliw." natatawang ani ko at bahagyang umiling.
"Sa'yo? Matagal na."
Maya-maya ay tumigil ang sasakyan siya sa tapat ng isang private resort. Nandito na pala kami. Nauna siyang bumaba ng sasakyan bago umikot papunta sa shotgun seat at binuksan ang pinto no'n. Bago kami pumasok sa loob ng villa ay hinawakn niya ang baywang ko at hinila ako palapit sa kanya bago niya pinatakan ng halik ang gilid ng ulo ko.
"Ang ganda mo." bulong niya.
His compliments and random kisses never failed to give me butterflies.
Naglakad kami papasok ng private resort at agad na bumungad sa amin ang dalawang mahahabang lamesa! Siguro ay nasa 20 o 25 na tao ang kakasya sa isang lamesa. Maya-maya ay lumapit sa akin si Catalina at niyakap ako. Bahagya akong nagulat sa ginawa niyang iyon kaya mga ilang segundo din ang nakalipas bago ko naibalik ang yakap sa kanya.
"Thank you for coming, Ate. I love you." she whispered which made my heart flutter.
"Why would I be absent in this very special day of yours?" I uttered and I heard her chuckled a bit. "Congratulations love. I'm glad to be here."
Bumitaw si Cat sa pagkakayakap sa akin nang tawagin siya ng isang babae. Kamag-anak siguro nila. Nakipagkamay kami sa iilang mga tao doon bago kami pumasok sa loob ng bahay. Nanlaki ang mata ko nang salubungin ako ng tatlong aso. Pamilyar ang isa sa kanila dahil sa collar na nakalagay sa leeg nito.
"Sage!" I kneeled on the floor as I caressed his head. He wags his tail and licked my hand. How I miss this baby! "He knows me pa!" I shifted my gaze to Zach who is standing right next to me and watching me play with the dogs.
"How could he forget his mom?" his forehead creased a bit.
After I while, I stood up. Zach and I went to the kitchen and helped them served the food since it's already past 3 in the afternoon. Paniguradong gutom na ang mga bisita nila. Pagkalabas namin ay pinaupo na kami ni Tita Maddie para makapag-umpisa na. Zach pulled a chair for me before he sat beside me. Hindi talaga mabubuhay ang isang 'to kapag hindi ako kasama o katabi. Nang maka-upo na ang lahat ay nagsimula nang magdasal bago kami kumain. Plano kong simulan ang pagdidiet pero mukhang mauudlot. Babawian ko nalang ng workout 'to.
Si Zach ang sumandok nang pagkain ko at hinayaan ko lang siya. Kita ko naman ang pagngisi ni Catalina na naka-upo sa harapan namin. Hindi na talaga nagbago 'to. Pagsapit ng dilim ay nagsimula na ang pagbibigayan ng messages para sa bagong kasal. Since maid of honor ako, kailangan kong magbigay ng message. Hindi ako ready! Bahala na nga.
"Hi there lovebirds..." panimula ko. "Time really passed so quickly, huh? Cat, parang dati lang, kasama kita gumala-gala sa mall ngayon, kasal ka na..." I chuckled and took a deep breath. "I still remember how you are closer to me than your brother kasi sabi mo... ako lang 'yung nakakasabay sa mga trip mo. Inis na inis ka pa sa Kuya mo kapag sumasama siya sa mga girl time natin." I said which earned a laugh from them. "Kyle, please take care of her. Not for me to remind you but, she's very precious to me. Please, don't make her cry. I hope you'll love each other until your hair turns to grey. Wish you all the best." I raised a toast and smiled before returning to my seat.
Si Zach ang sumunod na tinawag para magbigay ng speech niya. Gaya ko ay halatang hindi din ready si Zach sa speech niya. Wala siyang ibang sinabi kundi ang pang-aasar sa kapatid niya at kung paanong mas nagmumukha pa kaming magkapatid ni Cat kaysa sa kanilang dalawa. Napapailing nalang ako. Cat's parents also gave a message.
I almost teared up while listening to Tita Maddie's message to Catalina. Naiisip ko, kapag kinasal na ako, hindi ko mararanasan 'to. Mom won't be able to give her message to me because... she's already gone. Dang it. I thought I moved on from it but I was wrong. The pain is still here. I looked down and bit my lower lip, stopping myself from bursting into tears.
"Hey, you okay?" I looked up when I heard Zach's voice. Nagtama ang tingin namin at nakita ko ang pagdaan ng pag-aalala sa mata niya.
I smiled and nodded. "I'm fine."
He gave me a slight nod before holding my hand. Hanggang sa matapos ang lahat sa pagbibigay ng messages sa bagong kasal ay nakahawak siya sa kamay ko at paminsan-minsan ay tumitingin sa akin. I somehow felt safe and calm because of that.
Pagsapit ng 10 pm ay umuwi na ang ibang bisita. Tanging mga kapamilya nalang nila Zach ang natira dito. Zach and I walked inside the house and went upstairs where the rooms can be found. This house has 3 rooms and 2 guest rooms. Pwedeng pwede na 'tong gawing bahay. Zach opened the door of one of the rooms and gestured me to come inside. Sakto lang ang laki nito. May aircon at TV din sa loob.
"Okay ka na dito?" tanong sa akin ni Zach.
I nodded. "Yep."
"Alright. I'll just drink with my cousins. Text me if you need anything." he said and I nodded. He walked towards me and planted a soft kiss on my forehead before he left the room.
I sat on the bed and took my phone to check my emails and social medias. Yen emailed me my schedule for tomorrow. I have a meeting to attend at 10, site visit and appointment with a new client. Another stressful day to come. I closed my phone and was about to take a shower when I remembered that I don't have extra clothes with me! Damn it!
I took my phone again and messaged Zach.
To: Arch. Rodriguez
Can you buy me some clothes? I was planning to take a shower kaso naalala kong wala pala akong dalang damit hehe.
I was surprised when he replied so fast!
From: Arch. Rodriguez
Okay. Wag ka nang bumaba. Hintayin mo nalang ako diyan.
I replied 'okay'. I've decided to watch a movie while waiting for him. After an hour, I heard a knock on my door so I stood up and opened it.
"Sorry natagalan ako. Traffic, e." saad niya at inabot sa akin ang paper bag na hawak niya. "Here are your clothes."
"How much is it?" I asked as I reached for the paper bag.
"I don't remember asking you to pay for it." he answered. I was about to protest when he speak again. "The bathroom is at the first floor. Near the kitchen. Take a shower, baho mo na." sambit niya dahilan para tignan ko siya ng masama. He chuckled and walked towards me and kissed my forehead. "Balik na 'ko do'n. Text me if you need anything."
I closed the door of the room and sat on the bed. I opened the paper bag he gave me to take the clothes. My eyes widened upon seeing the clothes he brought. There's a black plain shirt and sweatpants that I can wear tonight. He also brought a white top and ripped jeans, probably for my outfit tomorrow. My face heated upon seeing...underwear! He brought two red panties and beige colored bra. So what the hell made him choose red?!
Hindi ko nalang inisip 'yon at kinuha nalang ang bathrobe na binili niya bago pumuntang banyo para magshower. I took a 30 minute shower, brushed my teeth with the toothbrush that he also brought earlier and gargle some mouthwash. I wore my bathrobe before going out of the bathroom and headed upstairs.
I locked the door and dressed up. My eyes widened a bit in surprise when I wore the underwear that he brought for it fits me well! How the hell did he... nevermind. After dressing up, I put my used clothes inside the paper bag. Since I don't have anything to do, I opened the TV and watch a movie. The movie ended around 1 in the morning but, I still don't feel sleepy so I turned off the TV and left the room.
Pumunta ako sa terrace para magstar-gazing pero laking gulat ko nang makita si Zach na nandoon din. Lumapit ako sa pwesto niya at naamoy ko agad ang amoy ng alak. Pero mas nangibabaw ang amoy ng pabango niya nang tuluyan na akong tumabi sa kanya.
"Can't sleep?" he said in a hoarse voice.
"Yeah." I answered.
We were wrapped in silence after that. Itinuon ko lang ang buong atensyon ko sa maniningning na mga bituin at sa bilog na buwan. What a beautiful scenery. Maya-maya ay nalipat ang tingin ko sa bote na hawak niya.
"Is there any more beer downstairs?" I asked him.
He nodded. "There's some at the kitchen's ref. Yung Heineken lang ang kunin mo. Hindi ka pwedeng malasing dahil may trabaho ka pa bukas."
I gave him a slight nod before going to the kitchen. I opened the refrigerator and saw a few bottles of unfinished tequila and whiskey. But since I still have work tomorrow, I just get two bottles of Heineken. I opened it with a bottle opener before going back upstairs. Tahimik lang kami habang pinagmamasdan ang langit. Medyo lumalamig na din dahil nga madaling araw na.
"Ali," I glanced at Zach when I heard him called me. "Inside that 3 years that we're not together... was there a time that you thought of... forgetting me?"
I shifted my gaze in front and drink my beer as I felt a lump on my throat. I sighed. "Ginusto ko. Pero hindi ko nagawa."
Bumalik sa isipan ko lahat ng ginawa ko pagkatapos ng araw na 'yon. Pagkatapos kong sabihin na pagod na ako. Nang tumapak ako sa London ay wala akong ibang ginawa kundi ang magtrabaho. Pinilit kong abalahin ang sarili ko sa iba't ibang bagay para lang makalimutan siya. Pero kahit anong gawin ko... bumabalik pa din siya sa isipan ko. Sa tuwing titingin ako sa salamin at mahahagip nang mga mata ko ang singsing at kwintas na galing sa kanya ay naaalala ko siya. Sa tuwing sasalubong ang bagong taon, naaalala ko siya. Sa lahat ng mga bagay na ginagawa ko ay hindi ko maiwasang maalala siya. Ang hirap. Ang hirap niyang kalimutan.
"I did everything but I just... can't. We were together since we're kids. We spend our whole lives together so forgetting you or about you is just... unfeasible." I answered. "You? Was there a time that you thought of giving up on me?"
He scoffed. "If I did, do you think I'll ask you to give me another chance to win your heart again?"
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (26)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I had fun reading. The story is very interesting and there are times that I can not stop reading because it would be a waste not to continue as the story is getting good. I highly recommend this! I hope you do more stories, God speed!
18/08/2022
0cool reading
25/02/2025
0salamat sa maganda istotya
21/11/2024
0Tingnan Lahat