46

"Speechless?"
Napabalik ako sa wisyo nang biglang magsalita si Dylan sa tabi ko. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulala matapos kong mabasa ang article. Medyo matagal bago nag-sink in sa akin 'yon. I took a deep sigh and rest my head on the car's headrest. The information is just too much for me to handle!
Pinark ni Dylan ang kotse niya sa tapat ng bar. Pagkababa namin ay agad kong nakita sila Rae at Ivan na nakatayo sa tapat ng bar, malamang ay naghihintay sa amin. Nang makita kami ni Rae ay agad itong kumaway at tumakbo papunta sa akin at niyakap ako.
"Late kayo, ah!"
"Sorry! Medyo traffic, e."
"Gaga okay lang! Halos kakadating palang naman namin ni Ivan dito." saad niya habang nakaangkla ang braso sa braso ni Ivan. Nauna silang naglakad papasok sa loob at sumunod naman kami ni Dylan sa kanila.
Pagkapasok ay bumungad sa akin ang mga katagang 'Eat. Drink. Play.' Well, it make sense since you can drink while playing some games inside. Naupo kami sa isa sa mga tables doon at umorder agad ng alak at pulutan. Rae ordered beef salpicao, sisig, chicken skin and fingers para sa pulutan. She also ordered a bottle of John Jameson whiskey, brugal 1888 rum and 2 bottles of beer. We are also given red cups to serve as our shot glass.
Kinuha ni Ivan ang bote ng rum at sinalinan lahat ng mga baso namin. Pagkasalin sa baso ko ay agad kong ininom iyon sabay kain. Kita ko ang pagtingin sa akin ni Dylan na nasa harapan ko pero hindi ko siya pinapansin.
"So, Dylan, chumika ka naman. How's London?" tanong ni Rae kay Dylan.
"London is... great. A lot of stuff happen back there but everything was fine and fun. I would absolutely go back there if I can." he casually answered before sipping his drink. "You? How are the both of you? I heard you are now together."
"Happy naman kaso minsan sakit lang sa ulo ni Ivan. Puro ML, e. Sarap basagin ng cellphone niya." sagot ni Rachel bago sumubo ng pulutan.
"Minsan na nga lang ako naglalaro." depensa ng lalaki.
Mabilis lang naubos ang mga pulutan dahil pinapapak namin ni Rachel. Nililimitahan ko ang sarili ko na uminom ng sobra dahil naalala kong may meeting pa pala ako by 5 am bukas! Ang pangit no'n kapag bangag ako sa meeting.
Maya-maya ay inaya ako ni Rachel na umakyat sa second floor kung nasaan ang mga palaruan. Bitbit ni Rae ang bote ng whiskey dahil iyon nalang naman ang natitirang inumin maliban sa dalawang beer na iniinom na nila Dylan.
Una kaming naglaro ng Mario Kart. Habang naglalaro ako ay sige naman ang salin ni Rachel ng alak sa baso ko pero pakonti konti lang dahil bawal nga akong malasing ngayon. Lumipat si Rae sa isa pang laruan para maglaro, hinayaan ko lang siya do'n. Habang naglalaro ay narinig kong may tumawag sa akin.
"Aliah!"
Lumingon ako para tignan kung sino 'yon at nakita ko si Zane. Malawak ang ngiti nito at kumaway pa sa akin. Nabalisa tuloy ako bigla kaya luminga-linga ako sa paligid. Nandito ba siya?
"Hanap mo siya? Maya-maya nandiyan na din 'yon." natatawang saad niya.
"Hindi ko siya hinahanap." tanggi ko.
"Sus. Kaya hindi kayo nagkakaayos kasi walang nagfifirst move sa inyo! Galawin niyo ang baso, aba!" pasigaw na aniya. Maingay kasi dito sa loob ng bar kaya kailangan niyang lakasan ang boses niya. "May mga kasama ka ba?"
I nod my head. "Nasa baba yung dalawa naming kasamang lalaki tapos yung isa kong babaeng kasama, ayun!" sabi ko at itinuro si Rae na naglalaro. Kita ko naman na tumango-tango si Zane.
"Sinong maghahatid sa'yo pauwi?"
"Ihahatid ako ni Dylan sa condo ko mamaya. Don't worry, I'm fine!" I said and let out a laugh.
"Sinisigurado ko lang. Ang dami pa namang mga tarantado diyan, mamaya pagtripan ka, e." seryosong aniya. Sabay kaming napalingon nang marinig namin ang pagtawag ng mga kasama ni Zane. "Sige dude, dun muna ako. 'Wag iinom masyado. Magtira ka pauwi." bilin niya bago umalis at pumunta sa mga kasama niya.
Tinuloy ko na ang paglalaro ko at maya-maya ay naramdaman ko na tumabi si Dylan sa akin at pinapanood akong maglaro. Di nagtagal ay hinila na naman ako ni Rae para maglaro ng street fighter. Pinili namin ang multiplayer at kaming dalawa ang magkalaban. Natatawa ako dahil todo cheer pa si Ivan kay Rachel samantalang si Dylan ay bumubulong lang sa akin kung paano ang technique na gagawin to knock the enemy down. After namin maglaro at maubos ang bote ng whiskey ay bumaba na kami para magbayad.
Pagsapit ng 11 pm ay umuwi na din kami dahil may mga trabaho pa kami bukas. I need to have some rest since may meeting pa ako in as early as 5 am! We bid goodbyes before we parted ways.
Dylan opened the shotgun seat for me and went to the driver's seat and drove away. I rested my head on the headrest and closed my eyes for a while.
"You good?" Dylan asked while driving. I just nodded pero hindi ko alam kung nakita niya 'yon. Bahala siya diyan.
It wasn't a long drive since wala nang gaanong traffic sa kalsada. Dylan parked his car in front of our condo's entrance. I unbuckled my seatbelt and took my bag.
"Thank you for the ride. Good night." I said. I didn't wait for his response and just closed the car door.
Hindi naman masyadong madami ang nainom ko kaya I managed to walk upto my unit. I took my access card and opened the door of my unit. Pagkapasok ko ay sinara ko ang pinto at ibinagsak ang sarili sa sofa. Tinanggal ko ang heels ko at isinandal ang sarili sa couch. Bigla nalang bumalik sa utak ko ang balitang nabasa ko kanina. The one about his dating rumors. I unconsciously smiled while thinking about it.
Tangina, bakit ako masaya?! I'm not supposed to be happy! No!
Napailing nalang ako sa kagagagahan ko at dumiretso sa banyo para mahimasmasan, Kailangan kong magpahinga ng maaga dahil maaga din ang meeting ko bukas ng umaga. Ayaw kong umattend ng meeting na sabog.
Pagkatapos kong maglinis ng katawan ay pumasok ako sa kwarto ko para magbihis at gawin ang aking night care routine. Dahil na din sa pagod at kaunting alak sa sistema ko ay mabilis akong dinalaw ng antok.
"I think we've covered everything on the list. Thank you and have a great day ahead."
Finally, natapos din! Right after the zoom meeting, I stood up and took my coat off before going downstairs to have my breakfast. Since I have to left early, I just toast a bread and made some orange juice. After eating, I went straight to the bathroom and took a bath, brushed my teeth and did my skincare. I went inside my walk-in closet to dress up. I wore a blue pantsuit with a pair of black heels. I blow dried my hair and tied it in a bun, leaving some few strands out. I put on light make-up and sprayed perfume before I took my bag as well as my keys and left.
I spent most of my morning hours in attending meetings in Makati, Taguig and Marikina. Nakasama ko si Zach for my last meeting dahil magkapartner ang mga kumpanya namin sa project. He was the presenter for today's meeting.
"Any questions?" I shifted my gaze at the people in the meeting.
No one dared to ask a question so he ended the meeting. Pagkatapos ng meeting ay agad din akong bumalik sa opisina ko to check some emails and reports. I also checked my schedule that Yen emailed me this morning. According to my schedule, I still have site visits for our project in Tanza and Antipolo. What a stressful day!
Habang nagchecheck ng mga emails ay umangat ang tingin ko sa pintuan nang makita kong bumukas ito. Bahagyang nanlaki ang mata ko sa gulat nang makitang pumasok si Zach na may dalang paperbag. Hindi siya nagsasalita at inilapaga ang dala niyang paperbag sa isang lamesa at isa-isang nilabas ang laman no'n. Maya-maya ay lumapit ito sa pwesto ko at inilapag ang pagkain.
"Kumain ka." seryosong sambit niya pero nanatili pa din ang tingin ko sa kanya. "Sabi ng secretary mo hindi ka pa daw kumakain kaya binilhan na kita ng pagkain mo." paliwanag pa niya.
Tatanggi pa sana ako sa alok niya pero naramdaman kong kumalam ang tiyan ko kaya kumain nalang ako. Bumili siya ng chaofan, siopao at dumplings from Chowking. Bahagyang napaawang ang labi ko nang mapagtanto na binili niya lahat ng paborito ko. Noon kasi ay kada kakain kami sa Chowking ay ito ang palagi kong inoorder. Hindi ko alam kung naalala pa niya talaga o nagkataon lang na iyon ang nabili niya. Ah basta! Ang alam ko lang ay nagugutom na ako!
Umupo si Zach sa may couch at doon kumain. Walang nagsasalita sa aming pareho. Habang kumakain ako ay biglang bumalik sa utak ko ang naging message niya nung nakaraang gabi. Noong gabi na sinabi niyang gusto niya akong bumalik sa kanya. Hindi ko alam kung natatandaan pa niya 'yon pero... bahala na.
"Zach..." tawag ko sa kanya. Lumingon siya sa akin at tinaas ang dalawang kilay. "Yung... text mo sa'kin nung nakaraang gabi... was that just a drunk text or... never mind." I shook my head and looked away.
Awkward na nga kanina, mas naging awkward pa ngayon! Katangahan, Aliah! Uso naman kasi ang drunk text kaya ko pa tinanong 'yon?!
"Have you ever realized that the day after that, I didn't said the phrase 'sorry I was just drunk'?" Umangat ang tingin ko sa kanya nang marinig ko siyang magsalita. I shook my head. "Because I meant what I said to you over the text. I don't have the courage to ask you to give me a chance because I know I hurt you. That fucking article." he almost whispered the last words he said.
"That night, because of the alcohol in my system, I caught up a lot of courage so I texted you. You probably thought I was drunk. I guess I am but my intentions were real. All of it." he sighed and stood up. He placed his trashes in a plastic before walking towards my direction. I startled a bit as he hold my hand.
"So please give me another chance to prove myself to you. Allow me to win your heart again, Ali. If you still don't want me after that, I swear not to bother you anymore." he seriously said. Hindi na niya ako hinintay na magsalita at agad siyang tumalikod at lumabas ng opisina ko.
Pagpatak ng alas otso ng gabi ay nagsimula na akong mag-ayos ng mga gamit ko. Nag-aaya kasi kanina si Celine na magdinner daw kami together sa Makati. Medyo matagal na din nung huli kaming nagkita dahil parehas kaming naging busy sa mga ganap namin sa buhay at ito lang ulit ang magiging bonding namin.
I changed my clothes into a white top paired with black trousers. I retouched my make-up and fixed my hair before leaving my office. As soon as I reached the parking, I drove my black Jaguar and left.
It wasn't really a long drive since hindi naman gano'n kalayo ang restaurant na pagkikitaan namin ni Celine. I parked my car in front of a Japanese restaurant. Pagpasok ko sa loob ay agad kong natanaw si Celine dahil sa pagkaway nito sa akin.
"Maggie!" she squealed and hugged me as soon as I arrived at the table.
"Hi, babe." I whispered and hugged her back.
I sat down and placed my bag at the empty chair beside me. "So, did you order na ba?" I asked her.
She shook her head. "Not yet. I waited for you na."
I nodded as I took the menu in front of us. We're both not in the mood to eat heavy tonight so we've just decided to order the spicy tempura temaki, wafu steak, sushi and two red teas. Pagkaalis ng waiter ay agad akong bumaling kay Celine.
"How are you?" I asked first.
"I'm great!" she answered and let out a short laugh. "Ikaw? How are you? Nakapag-usap na ba kayo ng maayos ni Zach?"
I shook my head. "Not really."
"Not really? So nakapag-usap kayo kahit papaano? Like small talks ganon?"
I nodded. Nagtanong siya kung anong pinag-usapan namin kaya kinwento ko sa kanya. Mula doon sa article, drunk text hanggang sa confrontation namin kanina sa opisina ko. Seryosong nakikinig si Celine at tumatango-tango pa minsan.
"Chance? Kung ako ang tatanungin mo, yes ako. Kasi naman girl, alam mo bang wala nang ibang inatupag si Zach kung hindi ang magtrabaho ng magtrabaho magmula nung umalis ka? Not to mention na ang daming babae na nilalapit sa kanya pero wala siyang pinapansin ni isa." kwento ni Celine. "Also, yung si Rebecca na 'yon, sa pagkakaalam ko nireject niya na 'yon dati pa, e. Kaya nagulat nalang ako nung lumabas yung article na nagdadate daw sila. Asa naman siyang papatulan siya ni Zach 'no!" dagdag pa niya at umirap.
Natigil ang usapan namin nang iserve na ng waiter ang mga pagkain na inorder namin. Habang kumakain ay panay pa din ang kwento ni Celine. Natatawa nalang ako sa kanya dahil wagas siya kung makalait kay Rebecca. Napapaisip tuloy ako kung si Celine pa din ba 'tong kausap ko.
Habang kumakain ay naramdaman kong tumunog ang phone ko kaya kinuha ko iyon at tinignan, Nagmessage si Zach.
zachrodriguez: Just got home. Nakauwi ka na ba?
I stopped eating for a while and typed a reply.
aliahmargaret: Not yet. I'm having dinner with Celine.
I was surprised when he replied so fast.
zachrodriguez: Okay enjoy. Ingat ka pag uwi.
I just reacted on his message before I hid my phone on my bag and finished my food. Nagpahinga muna kami sandali pagkatapos kumain. That was so delicious! I even burped.
"Hoy teka, magbabayad muna ako." sabi ni Celine nang akmang tatayo na ako.
"I already payed for it." I casually said.
"Sabi ko KKB tayo, e! Sa susunod ako naman magbabayad!" saad niya bago kinuha ang bag at sumabay sa akin palabas ng restaurant.
"Ako naman magbabayad next time. I'll make sure na hindi mo 'ko mauunahan." ani Celine bago ako niyakap. "Bye, ingat ka."
"Take care babe." I said before riding my car and drove home.
Hindi naman naging matagal ang naging biyahe ko dahil within the vicinity lang din naman ang condo ko. I took my access card and entered my unit. Medyo magulo ang unit ko dahil hindi ko pa naayos yung mga kalat. Late na kasi ako umuuwi at parati pang pagod kaya ang ending, tulog agad ako.
Binagsak ko ang sarili ko sa kama ko at kinuha ang laptop ko para magcheck ng mga emails at reports. After a while, I took my phone and opened my camera. I took a picture of my works and placed it on my IG story. I put 'work mode' as a caption. Maya-maya ay napatingin ako sa phone ko nang marinig kong tumunog ito. He replied to my story. Awtomatikong pinindot ng daliri ko ang notification.
zachrodriguez: What time are you going to work tomorrow?
My forehead creased a bit while typing a reply.
aliahmargaret: Around 7 or 8. Why?
zachrodriguez: Nothing. Don't tire yourself too much. Good night.
What was that? He's really crazy. Napailing na lang ako at ipinagpatuloy ang paggawa ng trabaho ko. Dinalaw ako ng antok bandang alas onse ng gabi kaya napagdesisyunan ko nang matulog.
"Good morning, Ma'am!"
Ngumiti ako kay Yen nang batiin ako nito pagkapasok ko ng kumpanya. Medyo wala ako sa mood ngayon dahil hindi naging maayos ang tulog ko kaya ito, sumasakit ang ulo ko. Hindi ko na siya binati pabalik at dire-diretsong pumasok sa opisina ko.
Bahagyan kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka nang makakita ng bulaklak sa lamesa ko. It was a bouquet of red tulips. Napatingin ako sa isang sticky note na nakadikit doon at binasa ang nakasulat.
'Good morning.
Here's some flowers to brighten up your day :)'
Walang nakasulat kung sino ang nagbigay pero mukhang alam ko na kung sino dahil pamilyar sa akin ang handwriting na 'yon. I unconsciously smiled as I looked at the flowers. Kinuha ko ang mga bulaklak na nasa vase at ipinalit ang mga bulaklak na binigay sa akin ni Zach. Kung kanina ay wala akong gaanong gana pagkapasok ko, bigla nalang akong nakaramdam ng saya ngayon. Napailing nalang ako nang mapagtanto ko kung gaano ako karupok pagdating kay Zach. Sa kanya lang.
Pagdating ng lunch, akmang aalis na ako para kumain sa labas nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko at iniluwa no'n si Zach na may dalang pagkain. He was wearing a black dress shirt paired with black slacks and his hair was a bit ruffled. He looked... hot.
"Kumain ka na, Ali." sambit niya at inilapag ang pagkain na binili niya sa lamesa ko.
Maya-maya pa ay kita ko ang paglipat ng tingin niya sa vase na may lamang bulaklak na nakalagay sa gilid ng lamesa ko. Bahagyang nagsalubong ang kilay ko nang magtagal ang titig niya do'n at di kalaunan ay nakita ko siyang ngumiti ng kaunti kasabay ng bahagyang pamumula ng tenga niya. Kinikilig siya.
"Ubusin mo 'yan. Kailangan ko pang bumalik sa site." saad niya habang nagtytype sa cellphone niya.
"Hindi ka kakain?"
"Do'n nalang ako kakain sa site. Bibilhan ko din ng mga pagkain yung mga workers do'n." sambit niya bago tumingin sa akin. "Kumain ka ng maayos ha? Ubusin mo 'yan." bilin niya at itinuro ang pagkain ko.
Tumango naman ako sa kanya. Bahagyang nanlaki ang mata ko nang lumapit siya sa akin at pinatakan ng halik ang noo ko bago tuluyang umalis ng opisina ko. Pakiramdam ko ay nag-init ang pisngi ko dahil do'n!
Halos tatlong linggo nang ganoon ang ganap namin. Kada papasok ako ng opisina ay may nakalagay na red tulips sa lamesa ko. Nagdadala siya ng pagkain sa opisina ko tuwing lunch break ko at paminsan ay sumasabay sa akin kapag wala siyang gagawin sa site. Kapag naman wala akong meeting after lunch ay sa labas kami kumakain.
Isang araw ay pumunta na naman siya sa opisina ko para dalhan ako ng pagkain pero laking gulat ko dahil hindi na paper bag ang dala niya ngayon. Ngumiti siya sa akin pagkapasok nito sa opisina ko at lumapit sa akin para iabot ang isa sa mga bag na hawak niya.
"What's this?" I asked with my brows furrowed.
"Open it."
Kahit naguguluhan ay binuksan ko ang bag na binigay niya sa akin. Ganoon na lang ang gulat ko nang makakita ng dalawang tupperware sa loob. Isa-isa kong nilabas ang tupperwares at binuksan. Ang unang tupperware na binuksan ko ay may lamang kanin at... kaldereta! Mayroon ding nakalagay na grapes sa isang side. Itinabi ko muna ang lunch box na iyon at kinuha ang isa pang lunch box. Mas maliit ito kumpara sa nauna kong nabuksan. Sandwich ang laman no'n at may gummy bears sa gilid. Nakaawang ang labi akong tumingin sa kanya.
"Palagi nalang kasi tayong kumakain sa fastfood. Hindi na healthy. Kaya naisipan kong gawan ka nalang ng lunch mo. Alam ko ding sobrang busy ka these days dahil ang daming projects na under ng company niyo kaya paniguradong kahit pagkain ay 'di mo na maayos." paliwanag niya.
"Saka pala, ito..." bahagyang kumunot ang noo ko nang lumayo siya saglit sa akin at binuksan ang isang bag na dala niya. Tuluyan na akong hindi makapagsalita nang makita ko siyang may hawak na bote ng vitamins. Lumapit siya muli sa akin at inabot iyon. "Inumin mo 'yan dalawa o tatlong beses sa isang araw. Mahirap magkasakit ngayon. Kaya naman kitang alagaan kung magkakasakit ka pero mahirap pa din. Ano ba 'yan ang dami ko nang sinabi, hindi ka na tuloy nakakakain." aniya at bahagyang kinamot ang ulo. I bit my lower lip to stop myself from smiling.
"Zach..."
"Hmm?"
"Sobra sobra na 'to pero... salamat." sambit ko at ngumiti.
"Sobra din naman kitang mahal, e." sagot niya at marahang kinurot ang pisngi ko. Umirap lang ako sa kanya at narinig ko naman ang bahagyang pagtawa niya.
"Kamusta yung project natin sa Marikina? Napuntahan mo na ba?" tanong ko habang kumakain kami.
Sinenyasan niya ako ng sandali dahil puno pa ang bibig niya. I bit my lower lip to stifle a laugh. Nilunok muna niya ang pagkaing nginunguya niya bago nagsalita. "Galing ako do'n nung Tuesday. Patapos na siya, actually. Last 12 floors nalang yung gagawin."
I nodded while chewing my food. "Hindi pa kasi ako nakakapunta do'n. Dami kong inaasikaso dito saka sa ibang projects sa ibang lugar. Nakakapagod."
"It's normal to be tired because you're wasting a lot of energy. But also, you must learn to take a rest. 'Wag mong aabusuhin 'yang katawan mo, mahal. Kapag wala kang trabaho or free time mo, magpahinga ka."aniya habang inaayos ang pinagkainan niya.
Makalipas ang ilang sandali ay lumapit siya sa akin at hinaplos ang pisngi ko. I was froze on the spot!
"Don't push yourself too much. You're doing great, Ali." he whispered while looking straight into my eyes. Those eyes...I missed it. The feeling I felt whenever our gazes met, and the way he smiles, I missed all of it. God, I miss him.
"Estoy muy orgullosa de ti."
I felt my heart warmed upon hearing those words from him. After all these years, after all we've been through, he still had this huge impact on me. His words, his compliments, everything makes me feel happy. No one can make my heart melt like this. Siya lang.
"Thank you." I smiled. "I think it's a bit late but... I'm also proud of you."
Kita ko ang pag-awang ng labi niya kasabay ng bahagyang pamumula nang mukha niya. Makalipas ang ilang sandali ay nagulat ako nang makitang lumuluha siya. Umiwas siya sandali ng tingin sa akin at pinunasan ang luhang tumulo sa mata niya.
"A-are you okay?" maingat na tanong ko.
He returned his gaze at me and gave me a smile. A genuine one.
"I'm fine. It's just... I waited for almost four years for you to say that to me and... now that you did... it's just felt so... surreal." he said and chuckled.
"Kahit hindi ko sabihin, alam kong alam mo na proud ako sa'yo." sambit ko at hinawakan ang kamay niya na nasa pisngi ko.
"I know. Pero iba pa din yung maririnig ko mismo sa'yo." aniya. Maya-maya ay kinuha niya ang isa kong kamay at itinapat sa dibdib niya. My brows shot up as I felt his heart throbbing! It was beating so wild! "Did you feel it? After all these years, you can still make my heart go crazy." he said and chuckled.
"Ali..." he caressed my cheek and look straight into my eyes.
"Gusto kong malaman mo na hangga't nabubuhay ako, mananatiling ikaw ang tinitibok ng puso ko. At hanggang tumitibok ito para sa'yo, hindi ako titigil na mahalin ka."
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Komento sa Aklat (26)

  • avatar
    g******z@gmail.com

    I had fun reading. The story is very interesting and there are times that I can not stop reading because it would be a waste not to continue as the story is getting good. I highly recommend this! I hope you do more stories, God speed!

    18/08/2022

      0
  • avatar
    DanagMarshelle Divine

    cool reading

    25/02/2025

      0
  • avatar
    IsraelCristina Moneda

    salamat sa maganda istotya

    21/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata