45

"Happy birthday to my favorite assistant!"
Inabot ko kay Yen ang mga regalo ko sa kanya pagkadating ko sa kumpanya. Kita ko ang gulat na dumaan sa mukha nito nang abutin niya ang paperbag.
"Hala ma'am..." aniya habang tinitignan ang laman ng paperbag.
"Why? You don't like it ba-" naputol ang sasabihin ko nang bigla niya akong yakapin. Medyo nagulat pa ako dahil doon pero binalik ko din naman ang yakap sa kanya. Nagpasalamat siya sa akin para sa mga regalo at ngumiti lang ako sa kanya bago pumasok sa opisina ko.
I attended a board meeting as early as 9 am, I have a scheduled appointment to my dermatologist and 3 site visits. What a day!
Bago ako umalis papuntang derma ay sinabihan ko si Yen puwede siyang mag-half day today to celebrate her birthday. As expected, tuwang tuwa naman ang gaga. I rode my black Audi and drove my way to Taguig since doon ako nagpapaderma.
"Aliah!" bati sa akin ni Dr. Natividad, my dermatologist.
"Hi doc!" I greeted her back and kissed her cheeks.
"Gorgeous as ever! Hindi ka na gaanong pumupunta dito, nagtatampo na ako!" reklamo niya na ikinatawa ko.
"I'm just busy this past few days in the company, Doc. Medyo nakakastress na nga, e." I explained and laughed a bit.
"Well, you don't looked stressed. Maganda pa din." she complimented.
We did some facial treatments first. This includes cleansing, steam, exfoliation, extraction, facial massage, face masks, toner, serum and moisturizing. We also did the IPL treatment or the intense pulled light treatment. It is just basically unwanted hair removal. Lastly, we did the RF treatment or the radio frequency treatment. It is the process of tightening and lift skin.
Right after the treatment, I payed for the services before driving my way to Marikina to visit the site. It wasn't really a long drive since it's not that traffic. Bago lang kasi 'tong project na 'to kaya kailangang mabisita to see if there's already some progress made.
"Engineer Beltran!" tinawag ko si Ivan nang makarating ako sa site. Magkapartner kasi ang kumpanya namin pati ang kumpanyang pinagtatrabahuhan niya at siya din ang head engineer for this project.
He signaled me to wait as he called someone to give him a hard hat for me. Maya-maya ay lumapit siya at isinuot sa akin ang hard hat.
"How's the project going?" I asked him.
"So far so good. Almost 10% of the project has been completed since the day we've started. You can basically say na may progress nang nagaganap." he casually said.
Sana all may progress.
"That's great." Yon nalang ang tanging nasabi ko.
Narinig ko ang bahagyang paghagikhik niya sa tabi ko. "Kayo ba nung ex mo, may progress na?" pang-aasar niya.
Napairap nalang ako sa hangin at umiling.
"Gusto mo ba retuhan kita? Madaming kaibigan na artista yung kapatid ko. Pahanapan na ba kita?" suwestiyon niya.
"Hindi ako naghahanap. At wala akong balak." sambit ko at umiiling-iling.
"Loyal sa ex. Sana all." natatawang aniya at umirap lang ako.
Hindi ako nagtagal doon dahil may dalawang site pa akong kailangang puntahan. Bago ako dumiretso sa Teresa ay dumaan muna ako sa isang restaurant at nagdrive thru. Bibilhan ko ng pagkain ang mga workers at mga engineers do'n.
"Thank you. Have a good day." I said and smiled at the cashier before driving away.
Natagalan akong makarating sa site dahil may ginagawang kalsada akong nadaanan. Ang bagal tuloy ng galaw ng mga sasakyan. Pagdating sa site ay pinarada ko ang kotse ko kung saan nakaparada ang ibang mga sasakyan. Kinuha ko ang mga pagkaing binili ko bago bumaba ng sasakyan.
"Engineer Jimenez!" pagtawag ko kay Zane at itinaas ang paperbag na dala ko.
Tumigil siya sa pakikipag-usap sa isang engineer doon bago lumapit sa akin dala dala ang isang hard hat. Pagkalapit niya ay isinuot niya sa akin ang hard hat bago kinuha ang paperbag na dala ko.
"Hindi siya pupunta dito kasi nasa meeting." sabi niya sa akin.
"Hindi naman siya ang pinunta ko dito." saad ko at narinig ko ang bahagyang pagtawa niya.
Nagpaalam siya sandali sa akin para ibigay ang mga pagkain sa mga workers doon at tumango lang ako.
"Pasabi sa jowa mo engineer, salamat!" narinig kong ani ng isang engineer doon.
"Tanga, best friend ko 'yan." ani Zane at binatukan ang engineer. "Si Architect Rodriguez ang jowa niyan." bahagyang napaawang ang labi ko sa narinig. Tarantado talaga. Mukhang napaniwala naman niya ang mga tao doon. Kaya hindi binabalikan, e.
"Kumain ka na, Liah?" tanong sa akin ni Zane.
I nodded. "Kumain ako habang nagdadrive papunta dito."
"Kamusta siya?" umangat ang tingin ko sa kanya nang magsalita siyang muli. Hindi ko na tinanong kung sino ang tinutukoy niya dahil alam ko naman na.
"She's doing fine. I was with her few days ago. She's happy naman." I told him.
He just nodded and smiled before biting on his burger. Habang kumakain siya ay tinatanong ko sa kanya kung kamusta na ang project. Sagot lang din naman siya ng sagot habang puno ang bibig. Ang ending, ayan, nabulunan. Inabutan ko siya ng tubig habang bahagyang natatawa. Pulang pula kasi ang mukha niya.
"Punyeta." ani niya pagkatapos uminom ng tubig. Bahagya pa siyang umubo at tinapik tapik ang dibdib.
"Hindi ba kayo nag-uusap ni Celine? Or do you guys unfollow each other on Instagram?"
He shook his head. "I still have her number and I never unfollowed her in Instagram. But we're not communicating." paliwanag niya. "Okay na ako basta nakikita ko siyang masaya. If she's happy, then I am, too."
"You love her that much, huh?" I teased and he just smiled.
Pagsapit ng alas dos ng hapon ay nagpaalam na ako kila Zane na aalis na ako dahil may isang site pa akong pupuntahan. Pagkatapos ng site inspection ko sa Antipolo ay nagdrive na ako pabalik ng QC. Saktong pagkadating ko sa kumpanya ay nakakuha ako ng message mula kay Ate.
From: Ate
Nasa office ka ba? Iwan ko muna si Asher sayo. Nagpapasama sakin yung kapatid ni Oliver na bumili ng sasakyan e.
To: Ate
Yes ate kakadating ko lang. You can bring him here na.
Pagkasend ko no'n ay bumaba na ako ng kotse ko at dumiretso sa opisina ko para magcheck ng mga emails. Ako muna ang magmamanage ng mga 'to dahil wala si Yen. Hinayaan ko muna nga siyang magsaya ngayon. Birthday naman niya.
Lumabas muna ako sandali para pumunta sa office ni Mr. Torillo, chairman of the boards. Kailangan ko kasing malaman kung napirmahan na ba niya yung papers na pinaabot ko kahapon. Pagdating ko sa tapat ng opisina niya ay kumatok muna ako bago binuksan ang pinto at sumilip.
"Ms. Hermosa. What brings you here?"
"I just want to know if you already signed the papers that I'm asking you to sign yesterday." tuloy tuloy na saad ko.
"Ah, yes! Hold on a second." he signaled me to wait as he look for it in the pile of documents. Nang makita na niya ay agad niya itong inabot sa akin.
"Thank you so much." I thanked him before I left his office.
Habang naglalakad ako pabalik ng opisina ko ay natanaw ko agad si Ate na nakatayo sa tapat ng opisina ko. Buhat buhat niya si Asher na may bitbit na maliit na bag sa likod nito. Nang makita ako ni Asher ay agad itong nagpababa sa mommy niya at tumakbo papalapit sa akin.
"Tita!" sigaw niya habang tumatakbo.
"Hello my love." I smiled at him and walked with him to my office. "Galing ako sa office ng chairman of boards. Kinuha ko yung papers na pinapirmahan ko kahapon." sabi ko kay Ate nang makapasok na kami sa loob ng opisina ko. "Kanina pa ba kayo dito?"
She shook her head. "Hindi naman. Hinanap ko yung secretary mo para sana tanungin kung nasaan ka pero hindi ko naman nakita kaya tumayo nalang kami diyan sa tapat ng opisina mo."
"Yen is out. Hinayaan ko munang magparty since it's her birthday naman. She deserves some off." I casually replied before sitting in my swivel chair.
"Tita, cartoons." bumaling ako kay Asher nang magsalita ito.
I nodded and took my old laptop, the one he used yesterday and let him watch cartoons. Sumandal siya sa couch habang yakap ang stuff toy niya at tutok na tutok sa pinapanood. Napangiti nalang ako bago bumalik sa lamesa ko.
"The board already approved your application so you can start working here by tomorrow." sabi ko kay Ate habang nagtytype sa laptop ko. "Kindly give me your email so I can send you some files about the company's marketing, sales and financial status... and also some analysis."
"Okay. I'll review it later pag-uwi namin."
"Thought you we're doing some errands? Bakit hindi ka pa umaalis?" takang tanong ko. Sabi niya kasi kanina ay sasamahan niya ang kapatid ni Kuya Oliver pero nandito pa din siya.
"Hinihintay ko lang 'yung text. Bakit ba minamadali mo 'kong umalis ha? Pupunta ba 'yung jowa mo dito kaya ganyan ka?" tanong niya habang pinangliliitan ako ng mata.
"Wala ako no'n at hindi ko kailangan." sambit ko at umirap. Narinig ko naman ang pagtawa ni Ate.
"Wohoo! Yas queen!" she shouted and even raised her arms in the air. Siraulo.
Hindi din naman nagtagal ay nagpaalam na si Ate na aalis na. Matindi pa niya akong pinagbilinan na 'wag ko daw bibilhan na naman ng kung ano-ano ang anak niya dahil masasampal daw niya ako. Natawa lang ako sa kanya at umirap.
"Baby behave ha? Mommy will be back." sambit ni Ate sa anak at pinatakan ng halik ang noo nito. Tumango-tango naman si Asher sa kanya bago binalik ang atensyon sa panonood.
"Margaret, yung bilin ko ha?" bumaling si Ate sa akin at pinalakihan ako ng mata.
I lazily nodded at her. "Sure."
Hinayaan ko lang si Asher na manood sa laptop ko habang nagchecheck ako ng mga weekly reports na pinasa sakin ng marketing, OM at head engineers. For the last 3 months, almost 113 projects na ang nahandle namin, mas mataas kaysa sa mga projects noong nakaraang taon. Chineck ko din ang inemail sa akin ni Greyson kanina na file about sa bagong project na gagawin. Natigil ako sa ginagawa ko nang narinig kong magsalita si Asher.
"Tita... sleepy." he said and yawned. "Sing for me... please."
My lips parted a bit before standing and walked towards him. I sat down beside him and placed his head on my lap I played with his hair and started singing a song.
"You are my sunshine, my only sunshine... you make me happy when skies are grey. You'll never know, dear, how much I love you... please don't take my sunshine away." I sang 'You are my sunshine.'
This is the same lullaby that my mom used to sing to me back then. When I was still in London, dad showed me a video of my mom singing that lullaby for me to sleep. Then, right at that moment, I promised to myself that I will sing that song to my future child. But since wala pa naman akong anak, kay Asher ko nalang muna kakantahin.
"The other night dear, as I lay sleeping... I dreamt I held you in my arms. When I awoke, dear, I was mistaken...So I hung my head, and I cried. You are my sunshine, my only sunshine... you make me happy when skies are grey. You'll never know, dear, how much I love you... please don't take my sunshine away."
"Nice voice." my eyes widened when I heard a familiar voice. I glanced at the door and I saw Dylan leaning against it while a smirk plastered on his face.
"What the hell are you doing here?"
"I don't know. I just heard someone singing like an angel and for some reason my feet just walked towards the direction of your office and there, I found the woman behind that angelic voice. I think I'm inlove again." he said with a playful tone. I just rolled my eyes at him.
"You're crazy."
"Damn right I am." he said and smirked.
Napailing nalang ako. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ni Asher at pinatong iyon sa isang unan bago siya kinumutan. Pagkatapos ay pinatay ko ang laptop ko at tinupi iyon.
"Kung pumunta ka lang dito para mambwisit, mas magandang umalis ka na at baka mabasag ko pa yang mukha mo." sabi ko sa kanya, nakaiwas ng tingin.
He chuckled. "Damn, feisty." he said in a playful tone.
I glared at him which made him shut up. He cleared his throat before standing straight and handed me the paper he was holding a while ago. "Progress report for our project in Tanza."
I put in the laptop back to its bag before I went to my swivel chair and sat on it. I examine the report that Dylan handed me and flipped the pages since it was a 2 paged document. I nodded slightly before placing the document on my desk.
"I didn't know that aside from being a engineer and CEO, you are also a babysitter." he teased. "Who is he? Your kid?"
"What? No. That's my nephew, Asher. Pinabantayan lang sa'kin ni Ate kasi umalis siya para samahan yung kapatid ng asawa niya." pagkukwento ko.
"Hindi ka naman nahirapan magbantay?"
I shook my head and smiled. "No. It was fun. Also, hindi naman mahirap alagaan si Asher. Bigyan mo lang ng papanoorin o kaya ng laruan, ayos na. He's not the type of kid na mahilig mag-tantrums kahit kaming dalawa lang. He's actually clingy." I told Dylan, narinig ko naman ang bahagyang pagtawa niya.
"You're sounding like a mom telling someone about your kid." he commented. "Anyway, Ivan and Rachel wants to have some drinks later. Will you join?"
"Iinom? Sa'n?"
"Nasa GC yung details. Halatang wala ka pang alam, ah." sabi niya at bahagyang tumawa.
"Ang dami kong ginagawa kanina saka nag-aalaga ako ng bata." pagdadahilan ko.
He just shook his head. I took my phone from my bag and look for the GC na sinasabi ni Dylan. 45 messages?! Ang dami na pala nilang napapag-usapan tapos wala akong alam. Oh my god. I clicked the GC and did some back reading.
chelcervantes: nomi tayo later.
ivanb: kakainom ko lang nung nakaraan bb pero san ba yan? saka anong oras?
chelcervantes: Versus. 7 pm. G ba kayo? @d.delafuente @aliahmargaret?
d.delafuente: I'm down.
chelcervates: dapat lang! hindi ka nakasama nung nakaraan e. anw, @aliahmargaret chat ka once u see this!!!
d.delafuente: she's probably at a meeting or something. puntahan ko nalang sa office.
After reading their conversations, I typed a reply.
aliahmargaret: hi! sorry for late response but i'm down for that! also, baka malate ako later but i'll come!
Maya-maya ay nakatanggap ako ng message mula sa GC. It was from Rae.
chelcervantes: no prob girl! see yah latur guys! xxx
"I'll go ahead. I still have a fucking meeting to attend to." napalingon ako kay Dylan nang marinig ko itong magsalita.
I nodded. "Okay. Take care."
He was about to leave my office when he stopped and faced me again. "We'll use my car. I'll pick you up here. Paniguradong lasing ka na naman mamaya."
"Whatever. Get out." I said and gestured him to leave. He just chuckled and waved goodbye.
Maya-maya ay nakita kong tumunog ang phone ko. Bahagyang kumunot ang noo ko nang makitang nagtext si Dylan. Kakaalis lang nun, ah?
From: Engr. Dela Fuente
Someone's coming.
Ano daw? Ano na namang trip ng gago na 'to? Itetext ko sana siya kung anong ibig niyang sabihin pero napatigil ako nang bumukas ang pintuan ng opisina ko at iniluwa non ang ex ko.
"Yes?" I asked.
He walked closer to me and placed a document in my desk. "Report for our project in Makati. Almost 90% of the project has already been done so the project will most likely finish earlier than our targeted day." tuloy-tuloy na aniya habang seryosong nakatingin sa akin.
I was about to say something when I heard Asher called me. "Tita..." sabay pa kaming napalingon ni Zach dahil do'n.
Binaba ko muna ang papel na hawak ko bago tumayo at lumakad palapit sa kanya. "Hi my love..." I softly said. "How's your sleep?"
"Good." he answered in his small voice. "Tita... I'm hungry po." he said while caressing his tummy.
Hindi ko siya pwedeng ilabas ulit dahil may meeting pa akong dadaluhan by 5 pm. Wala din si Yen na pwede kong utusan bumili. I cursed myself and took a sigh before facing him. Siya lang ang pwede kong mautusan ngayon.
"Babalik ka pa ba ng site?" I saw a surprised expression from his face, maybe surprised because I talked to him.
He shook his head. "No. Why?"
"Can you buy some food for Asher? Nagugutom daw kasi siya. I can't take him out since I still have a meeting to attend at 5."
I was surprised when he nodded quickly. I moved a bit away from Asher when Zach suddenly walked towards the kid and kneel in front of him. I could smell his perfume. That's how close he is to me right now.
"What do you want to eat?" he asked Asher in a soft voice.
"Spaghetti and f-fries po..." nahihiyang sagot ni Asher.
"Spaghetti and fries? Do you want me to buy you ice cream for your dessert?" Zach asked again. Hindi ko alam kung bakit pero naiisip kong anak namin ang kinakausap niya ngayon. Me and my fucking fantasies.
Asher shook his head. "Mommy don't want me to eat ice cream because I still have a little cough." he said and coughed a bit. Zach chuckled and ruffled Asher's hair which made the kid giggled a bit.
Maya-maya ay tumayo si Zach at tumingin sa akin. "Have you eaten already?"
I shook my head. "Mamaya na ako kakain." sagot ko. Nakita ko ang pagseryoso ng tingin niya sa akin na parang may ginawa akong mali.
Hindi siya nagsalita at umalis na lang ng opisina ko para bumili ng pagkain. Habang naghihintay, binuksan ko muna ang laptop ko at hinayaang manood ng cartoons si Asher. Bumalik ako sa pwesto ko at pinagpatuloy ang pagchecheck ng mga reports. I also made some calls for some clarifications about the reports for this month.
Hindi naman nagtagal ay dumating na din si Zach dala ang binili niyang pagkain. Inilapag niya muna ang mga paperbag sa lamesa at isa-isang nilabas ang mga pagkain. Pinanood ko lang siyang gawin ang mga iyon. Kinuha niya ang spaghetti at fries bago lumapit sa pwesto ni Asher.
"Thank you, Tito." Asher thanked him and smiled. Ngumiti lang sa kanya si Zach.
Maya-maya ay nagsalubong ang kilay ko nang maglapag siya ng pagkain sa lamesa ko. Taka ko siyang tinignan.
"Eat up. Don't look at me." he seriously stated.
"Mamaya pa nga ako kakain. May meeting ako."
He took a deep sigh, starting to lose his patience. "Ang kulit mo 'no? 4:36 palang. 5 pm pa ang meeting mo. Kumain ka muna. You need energy for the meeting." sambit niya at inilapit sa akin ang pagkain. "Ano? Gusto mo bang subuan pa ki-"
"Kakain ako!" putol ko sa sasabihin niya.
Kinuha ko ang pagkain na inilipag niya at nagsimula nang kumain. Umangat ang tingin ko sa kanya nang makita siyang nakatitig sa akin. Maya-maya ay nakita ko nalang na ngumiti siya at napailing. Anong problema no'n?
Habang kumakain ako ay lumipat ang tingin ko sa kanya na ngayon ay nasa tabi na ni Asher. Sinusubuan niya si Asher at nakikisabay sa panonood. Paminsan-minsan ay may tinuro si Asher sa pinapanood niya at nakikinig naman si Zach sa bata. Nakikitawa pa. Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti habang pinapanood sila.
Tumigil ako sa pagkain nang marinig kong tumunog ang phone. Nagmessage si Ate.
From: Ate
Margaret mukhang matatagalan ako bago makabalik diyan. Traffic e. Kung may gagawin ka pa sabihin mo lang para matawagan ko si Oliver. Papakuha ko nalang diyan si Asher.
I took a sigh and massaged the bridge of my nose. I glanced at Zach who is now looking at me. He raised a brow at me, as if asking what's wrong.
"Can you look for Asher while I'm in the meeting? Matatagalan pa daw kasi bago makabalik si Ate." ani ko.
"Yeah sure. I'll just make some calls." sagot niya sa akin at binaling ang tingin kay Asher. "Tito will just talk to someone ha? Nood ka lang diyan." malambing na saad niya sa bata bago tumayo at lumabas ng opisina ko.
Binalik ko naman ang atensyon ko sa phone ko at nagtype ng message kay Ate.
To: Ate
Okay! pero may service fee 'to ha? jk labyu ingat! xx
From: Ate
Lakas makahingi ng service fee. naghihirap ka sis? lol love u
Napailing nalang ako at pinatay ang cellphone ko. Tinapos ko ang kinakain ko bago tumayo at nagsimulang maghanda para sa meeting. Habang nag-aayos ako ay sakto namang pumasok si Zach sa opisina ko. Nakita ko ang pagtingin niya sa akin mula ulo hanggang paa pabalik sa mukha ko. Tinaasan ko siya ng kilay at umiling lang siya bago umupo ulit sa tabi ni Asher.
"Tita, tito said you're pretty." nagulat ako nang magsalita si Asher. Bumaling ako kay Zach at kita ko ang bahagyang pamumula ng mukha niya at bakas din sa mukha niya ang pagkagulat sa sinabi ni Asher. He looked betrayed.
I just shook my head smiled at them. I took my bag before walking towards Asher. I bid goodbye to him and told him that he will be with Zach for sometime since I have a meeting to attend at mukhang naintidihan naman 'yon ni Asher. Lumipat ang tingin ko kay Zach at kita kong nakatingin din siya sa akin. I smiled at him and told him to take good care of Asher while I'm not around.
Pagdating ko sa boardroom ay nandoon na ang chairman, financers at iba pang mga executives. We waited for a few minutes before they started the meeting. The meeting was just about the analysis of the company's growth. I smiled to myself when the presenter stated that our company ranked 2nd all across the country. Next to us is the Sunstone Real Estate, Zach's company. Habang nagsasalita ang presenter ay naramdaman ko ang pagtunog ng phone ko. Tinago ko ang phone sa ilalim ng desk at binasa ang message.
From: Arch. Rodriguez
Aalis na ako. Dumating na yung mommy ni Asher umuwi na sila.
I glanced at the presenter for a while before typing a reply.
To: Arch. Rodriguez
Okay. Thank you for taking care of him. Ingat ka.
I hid my phone when the presenter called me for my suggestions and comments. Good thing, I managed to tell everything without stuttering. After a few minutes, the meeting ended. It lasted for a hour and a half. Habang naglaakad pagbalik sa opisina ay nakita ko si Dylan na naghihintay sa labas ng opisina ko. He glanced at me and gave me a small smile.
"How long have you been here?" I asked him and gestured him to come inside.
"Couple of minutes, I guess." he shrugged and sat on the couch. "Your lover left already?"
"Yes, he left already but he's not my lover."
"Sure." he lazily replied and rolled his eyes. "Aalis na ba tayo?"
"Yeah. I'll just retouch my make-up for a bit." I said and he just nodded.
After retouching, I took my bag and walked with him out of my office. We took the elevator going to the parking. Since, we're taking his car, siya din ang magdadrive. He opened the shotgun seat for me before he turned to the driver's seat. I buckled my seatbelt and leaned my head on the car's headrest. After a few moments, he started the engine and drove away.
"Did you saw the article? He already released his statement about the issue." I glanced at Dylan when I heard him speak.
"What issue?"
"The dating thing."
My brows shot up. "No I didn't. Malamang ay kinonfirm lang din niya yung issue."
"He denied it, actually." Dylan answered which made me confused.
He denied it? What the...para masagot ang mga tanong ko ay kinuha ko ang phone ko at hinanap ang nasabing article. After a few moments of scrolling...and there! I read the headline as soon as I found it.
Zachariah Rodriguez broke his silence about the dating rumors. Rodriguez denied the rumor and said that he and Ms. Palma are just friends... READ MORE
Nararamdaman ko na parang dinadaga ang dibdib ko. Dalawang araw na ang nakakalipas nang mapublish ang article na 'to. Biglang napakunot ang noo ko nang may maalala.The article was released on the same day na magkasama kami. That is the day na hinatid niya ako sa Teresa dahil nasira ang sasakyan ko.
Nagscroll pa ako at binasa ang laman ng article. Naguguluhan ako. Rebecca just confirmed the rumor few days ago tapos ngayon naman ay dinedeny ni Zach? Ang gulo.
Napaawang ang labi ko at naramdaman ko ang pagkalabog ng dibdib ko nang mabasa ko ang statement niya.
"The rumor wasn't true. None of it is. I'm not dating anyone right now and I don't have time to entertain anyone else. Me and Rebecca are just friends and nothing more than that. Said Rodriguez in an interview."
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Komento sa Aklat (26)

  • avatar
    g******z@gmail.com

    I had fun reading. The story is very interesting and there are times that I can not stop reading because it would be a waste not to continue as the story is getting good. I highly recommend this! I hope you do more stories, God speed!

    18/08/2022

      0
  • avatar
    DanagMarshelle Divine

    cool reading

    25/02/2025

      0
  • avatar
    IsraelCristina Moneda

    salamat sa maganda istotya

    21/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata