Homepage/Sketching My Life (Limit of Reality Series #1)/
42
Maaga akong pumasok dahil nag-email sa akin ang HR ng kumpanya na namatay ang company lawyer namin. Bago ako pumunta ng kumpanya ay pinuntahan ko muna ang naiwang pamilya ng namayapa naming abogado.
Pasado alas diyes ng umaga nang makarating ako sa bahay nila. Medyo matagal ang naging biyahe dahil may kalayuan ito at isama mo pa ang walang kamatayang traffic! Maganda ang bahay nila. Hindi ganoong malaki pero hindi din ganoon kaliit. Sakto lang para sa isang pamilya.
Pinindot ko ang doorbell at naghintay ng magbubukas ng gate. Maya-maya ay bumungad sa akin ang isang babae. Morena ito at may katangkaran pero mas matangkad pa din ako sa kanya. Bahagyang kumunot ang noo niya nang tignan ako, tila nagtataka kung anong ginagawa ko dito.
"G-good morning po. Ano pong sadya niyo?" tanong niya.
"Oh, good morning. I'm Aliah Hermosa, CEO of Hermosa Group. Mr. Alfredo Ortiz was our company lawyer. I just came here to visit and also to send my deepest condolences to your family." I introduced myself and explained why I'm here.
Her eyes widened a bit and she even covered her mouth due to surprise, I think?
"Hala, sorry po! Ako po si Mica. Hindi ko po kayo nakilala. Kayo po pala 'yung boss ni Papa. Pasok po kayo." she said and gestured me to come inside.
"No worries, it's fine. Also, is it okay if I parked my car in front of your house?" I asked pointing at my car.
"Ayos lang po. Village naman po ito kaya wala naman pong kukuha ng sasakyan niyo. Mauuwi niyo pa din naman po ng buo 'yang Lamborghini niyo." aniya at bahagyang tumawa. She's very approachable. Mr. Ortiz must be very proud to have her.
Pagpasok namin sa loob ng bahay nila ay doon ko nakita ang burol ni Attorney. Lumapit si Mica sa isang babae at may binulong habang nakaturo sa akin. Tumayo ang babaeng kausap ni Mica at lumapit sa akin.
"Good morning po." bati ko sa babae.
"Good morning din, Ma'am. I'm Gretchen Ortiz. Wife of Alfredo. Upo po kayo." she greeted me back and gestured me to sit down. "Do you want anything? Juice? Water? Tea?"
"I'm completely fine. Hindi din naman po ako magtatagal dito." sagot ko at bahagyang ngumiti.
I glanced at the casket where Mr. Ortiz was placed. "If you don't mind me asking po, what caused his death?"
Mrs. Ortiz looked up and released a heavy sigh, This must be the toughest situation for them. I feel their vulnerable side because like them, I also lost someone I loved few years back.
"Acute Respiratory Failure." she answered me after sometime.
"He was taking medications and going through a lot of check-ups. Most of his salary ay doon napupunta..." pagkukwento niya. "Umayos naman yung lagay niya, e. Kaso one day, sabi ng doktor, nagkabutas na daw yung baga niya... Edi panibagong medications na naman. Siguro napagod na siya sa kakapunta sa doktor kaya isang araw kinausap niya ako. He told me he don't want to take medications anymore. He doesn't want to be treated." she bit her lower lip and looked down.
She sighed and looked at me again, this time, she held my hand. "He spent his remaining days with us. Kapag tinatanong siya ni Micaella kung nakainom na siya ng gamot, parati niya sinasabi na tapos na... but I know he didn't. Hanggang sa isang araw, ayon... he asked me to take care of our child kasi hindi na niya kaya... It hurts seeing my husband died in front of me kasi it kills me inside...but do you know what's more painful?" I looked at her, waiting for her to speak again.
"He died thinking that he was a burden to us."
Nang marinig ko 'yon ay may parang kung anong kumirot sa dibdib ko at naramdaman ko ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. I remember my mom's letter. There was the phrase ' I don't want to burden you anymore.' I looked down for a moment to wiped my tears before looking at her again.
"Masyado ba akong madrama? Pasensya na-"
"No po. Medyo nakakarelate lang po ako sa inyo dun sa part na sinabi niyo namatay siya na iniisip na he was a burden to you... kasi like you po... I lost someone few years back thinking that she's also a burden to me... "
Her lips parted a bit and looked at me with her comforting eyes. "I'm so sorry, dear."
I chuckled a bit and shook my head. "It's fine po. I already recovered from what happened. The pain is still here, not gonna lie but, I kind of accepted the fact that she's gone." I said and gave her a small smile.
"If you don't mind me asking, was she your sister or-"
"My mom."
Her mouth formed an 'O' before she smiled weakly at me and squeezed my hand a bit. "I may not know you really well but I can see that you're brave. Your mom must be so proud to have you."
I really hope so.
After that little heart to heart talk that we have ay nagpaalam na akong aalis para bumalik ng kumpanya. Since it's almost lunch time, I decided to stop at a restaurant to eat and also to buy food for Yen. Madami akong pinapaasikaso sa kanya lately at hindi pa ako gaanong nakakabawi. But I planned a little surprise for her birthday next week.
"Ma'am!" nagulat ako nang sumulpot sa harap ko si Yen. "Dumating na po yung perfume na inorder niyo from Givenchy!"
"That fast? Akala ko after 3 days pa?"
"Hindi ko nga din alam, Ma'am. Pero heto na po 'yon." sambit niya at inabot sa akin ang isang paperbag.
I thanked her and was about to walk away when I remember the food that I brought for her. "Oh. Here's your lunch. Kumain ako sa restaurant kanina kaya naisipan kong bilhan ka."
"Yung totoo, Ma'am? Secretary niyo po ba talaga ako o kapatid?" tanong niya at bahagyang natawa bago kinuha ang paperbag. "Thank you, Ma'am."
I just shook my head while laughing softly before entering my office. Binato ako ng bag ko sa couch bago naupo sa swivel chair ko. I opened the paper bag and saw three bottles of perfume. Dalawa lang ang inorder ko, ah? Baka nagpromo sila. I took one bottle and called my assistant to come inside my office.
"For you."
Her eyes widened a bit when I handed her the perfume. "Hala, Ma'am di nga? Akin na 'to?"
I nodded. "Tatlo yung nadeliver sa akin so ibibigay ko na sa'yo yang isa. Take that as an advance gift for your birthday." pero syempre hindi lang 'yan ang surprise ko.
"Hala, Ma'am! Thank you! Hindi ko 'to gagamitin. Ididisplay ko lang 'to sa bahay para remembrance." pagbibiro niya. "Hindi pa kaya ako nakakagamit ng ganito kamahal na pabango."
I shook my head a bit and laughed at her response. Yen is very jolly and responsible at the same time. Kahit ang dami kong pinapagawa sa kanya ay ni minsan ay wala akong narinig na reklamo mula dito. This girl deserves everything.
Maya-maya ay pansin ko ang pag-iba ng ekspresyon ng mukha niya. "Hindi ba ito iaawas sa sweldo ko, Ma'am?"
My forehead slightly creased. "What? No. That's a gift. Free of charge."
She squealed and thanked me again before leaving my office. I called someone from the HR department to look for lawyers to replace Atty. Ortiz. I looked at my schedule for today and I saw that I have to visit a site in Makati. Magkapartner ang kumpanya nila Zach at kumpanya namin sa project na 'yon. I don't want to see him or to be with him but I have to set aside my personal problems with work. Bago ako umalis ay tinawagan ko muna si Axel, isa sa mga engineer namin. Ang alam ko kasi ay nandoon siya ngayon para sa site inspection.
[Ms. Hermosa? Napatawag po kayo?]
"Hi! Nasa Makati ka ba right now?" tanong ko.
[Hindi po, Ma'am. Nasa opisina po ako. Pero pupunta ako do'n. Bakit po?]
"Sabay ako! Balak ko ding pumunta do'n to check the project, e."
[Sige po. Hintayin ko nalang po kayo sa parking, Ms. Hermosa.]
"Okay. Thank you!" I replied and ended the call.
Since sa site ako pupunta, nagpalit ako ng jumpsuit at rubber shoes. Hassle kapag naka stilletos sa site. Mabato pa naman do'n. I tied my hair in a high ponytail and took my bag before leaving the office. Pagkadating ko sa parking ay nakita kong nakasandal ito sa sasakyan niya habang nagcecellphone.
"Let's go?"
He startled a bit which made me chuckled. "Nanggugulat ka naman, Ms. Hermosa."
He hid his phone on his pocket before opening the shotgun seat for me. He turned to the driver's seat afterwards. Habang nasa biyahe ay nagpatugtog siya para hindi masyadong tahimik. Naririnig ko din ang pagsabay niya sa kanta. He had a really good voice, huh?
"Brokenhearted ka ba?" tanong ko sa kanya. Paano ba naman kasi, sad songs ang mga tugtog niya.
"Ngayon po, hindi. Pero dati... oo." sagot niya, nakatingin pa din sa daan.
"Who broke your heart ba?"
He glanced at me for a moment before responding. "Si Ciara..."
What the? My cousin?!
"Ay gagi. Pinsan mo pala 'yon ,'no?" aniya at bahagyang natawa. "Ayos naman na 'yon. Nakamove on na ako sa kanya. Magkaibigan pa din naman kami hanggang ngayon."
Wow. I never knew that my cousin broke the heart of this guy! I mean, full package na siya. Gwapo, matalino, matangkad, engineer, pogi yung boses. He could actually get a girl in one wink.
Hindi din naman nagtagal ay nakarating na kami sa site. Pinarada ni Axel ang sasakyan niya kung saan nakapark ang mga sasakyan ng ibang engineers. Pagdating namin sa site ay agad kaming inabutan ng hard hat bago tuluyang ininspection ang project.
"Miss Hermosa!" napalingon ako nang marinig ang isang pamilyar na boses.
"Engineer Jimenez!" saad ko at bahagyang kumaway.
"Kung si Architect ang hanap mo, tumingin ka lang sa likuran mo at makikita mo siyang nakatingin din sa'yo." pang-aasar niya.
Hindi ko alam kung bakit pero agad naman akong lumingon sa likuran ko at nakita ko siya. Seryoso itong nakatingin sa akin, hindi pinapansin ang sinasabi ng kasama niyang lalaki. Hindi din naman nagtagal ang titig niya sa akin at agad na iniwas ang tingin niya.
"Hindi siya ang pinunta ko dito."
"Ay sus, kunwari pa kayo. Alam niyo walang mangyayari sainyo kung ganyan kayo ng ganyan. Teka." ani Zane na pinagtaka ko.
Umalis siya sa harapan ko at pumunta sa direksiyon ni Zach. Itinuon ko naman ang atensyon ko sa ginagawang building. Maya-maya ay nagulat ako nang marinig siyang nagsalita.
"Ano na naman bang trip mong tangina ka?" inis na anas ni Zach nang hatakin siya ni Zane papunta sa direksyon kung nasaan ako. Ako naman itong tila napako sa kinatatayuan ko.
"Walang mangyayari sa inyo kung magtititigan lang kayo sa malayo. Diba gusto mong maka-usap si Aliah? O ayan, mag-usap kayo." seryosong sabi ni Zane at agad na umalis. Lalapit sana si Axel sa akin pero agad siyang hinatak ni Zane.
"Nag-uusap yung mag-asawa, 'wag kang makikisali diyan." rinig ko pang saad ni Zane bago niya tuluyang hilahin si Axel papunta sa lugar kung saan nagkukumpulan din ang ibang engineer.
Hindi ako gaanong mapakali dahil masyado siyang malapit sa akin pero pinilit kong pakalmahin ang sarili ko at itinuon nalang ang atensyon sa ginagawang building.
"How are you?" matapos ang ilang sandali ay nagsalita na din siya.
"Fine." sagot ko habang nakaiwas ng tingin sa kanya.
He cleared his throat before talking again. "You're not... wearing it." he said which made me looked at him with confusion. He glanced at my neck and my brows shot up when I realized what he wanted to convey.
I returned my gaze in front. "I don't have any reason to do so."
"Right..." I heard him whispered.
"Also, kindly remove the ring. Respeto nalang din para sa girlfriend mo." ani ko.
"I don't have a girlfriend." he answered.
"You know you don't have to deny your relationship or her in front of me just to made me feel better because it won't change anything." malamig kong usal sa kanya.
We got interrupted by a sudden phone call. I took my phone from my pocket and saw Yen calling.
"Yes?"
[Ma'am, babalik po ba kayo ng kumpanya? Nandito po kasi yung lawyer na kinontak ng HR kanina. Hinahanap po kayo.]
"Really? Pakisabi pabalik na ako. I'll be there in an hour or less."
[Noted madam. Ingat po.] sabi niya at binaba ang tawag.
Agad kong tinawag si Axel dahil kailangan kong magpahatid pabalik ng kumpanya. Hindi ko kasi dala ang sasakyan ko dahil nga sa kanya ako sumabay kanina. Hindi pa kami nakakalayo ay narinig ko siyang tinawag ako.
"Ali..."
I stopped and glanced at him, waiting for him to say something.
"Ingat ka." seryosong saad niya.
"I will." sagot ko bago tumalikod at naglakad paalis.
Halos dalawang oras ang naging biyahe namin ni Axel pabalik ng kumpanya dahil sa lintek na traffic! Agad akong dumiretso papasok ng kumpanya at nakita ang isang lalaki na nakasuot ng formal attire na nakaupo sa reception area. The man glanced at me and fixed his glasses.
"Good afternoon, Ms. Hermosa."
My eyes widened a bit when I realized who it was. "Atty. Delgado?"
He chuckled a bit. "Nice meeting you again, Ms. Hermosa."
"Nice meeting you too. To my office, please." I said and gestured him to come with me. He stood up immediately and took his case before following me.
"I'm sorry I kept you waiting. I just came from Makati for a site inspection saka medyo traffic pabalik." paliwanag ko pagkapasok namin. "Have a seat."
"Don't worry. It's fine." he assured me.
I placed my bag on the couch and sat on my swivel chair. "Okay then. I just want to ask you a few questions for the interview." I stated.
"Ask away, Ma'am."
"How would you describe a complex legal procedure to a client?"
"First, I need to understand the client. Assess the technological IQ of the client, determine their communication styles. Are they an analyzer, bottom liner or a deep thinker? Next, align objectives. They have to care why you're talking to them because if people understand their role in the project, they're more likely to engage. Lastly, right timing. Give them time to consider it and then time to make up the contract and get all the pieces in place."
"What are the legal risks of a merger?"
"Based on the previous cases that I handled, the primary risk is financial. Mergers and acquisitions can place a huge cash burden on companies if not executed properly for most of the mergers that end badly are the ones that take on too much of a financial burden, dooming the deal to failure from the start."
"Lastly, how would you manage confidential information?"
"General safeguarding, which means all confidential information of a company should be restricted from the view of the public. When it comes to electronic information, access to computer systems containing confidential information should be restricted to only those that are under an obligation to keep the information private and lastly... distribution of private information should be restricted to those who have a legitimate business need to know it whenever feasible." he seriously stated.
I was amaze on how this guy answer my questions very well. Right after the interview, I hired him as the new head of the legal department. Finding a new head lawyer is now out of the list. Way to go, Aliah.
"Thank you for your time. I know you have a lot on your plate right now since your one of the most in demand attorneys in town but you still accepted the job." I said and I heard him chuckled a bit
"It's my pleasure." he said and smiled at me. "You've come a long way. From an engineer, you're now a CEO. I'm proud of you." I smiled upon hearing those words from him.
"Thank you. I'm also proud of you, Atty."
He smiled. "I'll get going. I still have a lot of paperwork to do back in the firm. See you around, Miss Hermosa." he said and bowed a little.
"See you around, Atty. Delgado."
Pagkaalis ni Greyson ay kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Celine. It's her birthday today at balak naming magkita sa Makati since I'm planning to treat her to shopping. Noong isang araw ay pina-gift wrapped ko ang regalo ko sa kanyang bag at pabango na inorder ko.
"Gora na ba tayo?" bungad ko pagkasagot niya ng tawag ko.
[Gaga ka teka lang naman. Pumipirma pa ako ng mga papers 'te. 'Wag mo namang ipahalata na miss mo na 'ko.]
"Hindi naman. Pero siya, miss ka niya. Actually nagkita kami kanina no'ng nagsite visit ako sa Makati." pagkukwento ko.
[Hindi ko tinatanong.] pagsusungit niya dahilan para matawa ako.
"Share ko lang naman. Anyway, sabihan mo ko kung paalis ka na para makalayas na din ako."
[Whatever. See you later! Love you!] aniya bago pinatay ang tawag. Bastos, ah.
Habang naghihintay ng chat ni Celine ay kinuha ko muna ang iilang mga paperowrks na kailangan kong pirmahan. Ang dami ko kasing trabaho noong mga nakaraang araw kaya hindi ko napirmahan lahat. Maya-maya ay tumunog ang phone ko at nakitang nagtext si Celine.
From: shinyuu
Pasundo ako. Flat yung gulong ng kotse ko. 😭
To: shinyuu
Be there in an hour.
Pinatay ko ang cellphone ko at agad na kinuha ang bag at susi ng kotse ko bago umalis. Driving from QC to Las Pinas takes about less an hour maliban nalang kung traffic. Pagkadating ko sa kumpanya nila Celine ay agad ko siyang tinext na nandito na ako. Maya-maya naman ay nakita ko na siyang naglalakad palabas ng kumpanya nila.
"Hassle nung sasakyan ko na 'yon! Napakabulok!" iritang sabi niya habang naglalagay ng seatbelt.
"Wanna use one of my cars? I can lend you one." I offered. "Honestly, I can give one to you since I'm not using all of them."
"If ever na manghiram ako ng sasakyan, alin ipapahiram mo sa'kin?"
"I can give you my Kia Stinger." sagot ko.
"Anong give ka diyan? Hiram lang! Ibabalik ko din 'yon sa'yo kapag nakabili na ako ng pamalit do'n sa bulok kong kotse."
"Okay. Ikaw bahala."
I droved to Century Mall in Makati since dito ko siya balak dalhin for shopping. Pinark ko muna ang kotse ko bago kami naglakad papasok sa mall. High-end ang mga boutiques dito at mayroon silang mga boutiques for international brands like Calvin Klein and Burberry.
"Hoy gagi, dito talaga tayo? Mukhang mauubos pera ko, ah!" ani Celine habang naglalakad kami sa loob ng mall.
"It's my treat don't worry."
"Kunin nga kitang ninang kapag nagkaanak na ako." natatawang sabi niya.
"Dapat lang."
Una kaming pumasok sa Cotton On. Noong una ay tutol pa si Celine dahil nga may kamahalan ang presyo ng mga damit dito pero ako naman ang magbabayad kaya wala na siyang nagawa kundi ang pumayag. Ang pangit naman ilibre nito.
Hinayaan ko lang siyang mag-ikot ikot doon at kumuha ng mga damit na gusto niya. Ako naman ay kumuha lang ng tatlong dresses, tatlong top at isang silk pajama. I found two cute handbags so I decided to take it.
"That's all you wanted?" I asked Celine as soon as I saw walked towards me.
"Yep! Kakashopping ko lang nung isang araw kaya ito lang yung kinuha ko."
I nodded and we walked towards the cashier to pay. Everything just costs less than 20k so it's fine. Pagkatapos namin sa Cotton On ay dumiretso naman kami sa Denovo. A jewelry store. I saw a cute chain bracelet with some 1.6 carat diamonds around it.
"This one's cute." I told Celine while pointing at the bracelet.
"Ay gagi oo nga. Bili tayo ng dalawa para matchy tayo. Goals, ganon." sagot niya dahilan para matawa ako ng bahagya.
Pinakuha ko ang bracelet para masukat namin ni Celine at nang magustuhan niya ay agad akong pumunta sa cashier para bayaran ang dalawang bracelet. Balak naming manood ng sine pero mas inuuna muna namin ang pagkain dahil humihirit si Celine na nagugutom na.
Sa Le Petit Souffle kami kumain since iyon ang pinakamalapit na restaurant na nadaanan namin. Kung hindi ako nagkakamali ay isa itong French-Japanese restaurant. Pagka-upo namin ay agad kaming inabutan ng menu ng waiter. Hinayaan ko si Celine na mag-order ng pagkain niya at ako ay umorder ng para sa akin.
"Manonood pa ba tayo ng sine after kumain?" tanong niya.
"Oo. Bakit? Pagod ka na? Pwede naman na tayong umuwi pagkatapos."
"Hindi gaga. Baka kasi madami ka pang gagawing trabaho. Pwede pa naman tayong manood ng sine sa susunod, e."
"Gumagala nga tayo para magchill tapos ikaw puro trabaho naman ang naiisip mo."
"Hoy, ang hirap maging CEO at engineer at the same time ha! Nakakapagod 'yon kaya okay lang kung sa susunod na tayo manood ng sine. Ang cocorny pati ng mga palabas ngayon. Puro romance, di ko bet."
Celine is always this thoughtful to anyone. Among all of us, she has the softest heart and also the most fragile one. Despite all of the challenges that she went through, she's still here. Surviving. I'm always gonna be proud of this girl.
Dahil sa hindi na namin tinuloy ang panonood ng sine ay umuwi na din kami pagkatapos kumain. Hinatid ko si Celine pauwi sa kanila dahil nga sa sira ang sasakyan niya.
"Ipapahatid ko nalang yung sasakyan dito mamaya." sabi ko sa kanya pagkahinto namin sa tapat ng tinutuluyan niya.
"Thank you for today, Maggie." she said in a soft voice. I was about to say something but stooped when she came in for a hug. "I love you." she whispered which made my heart melt.
"I love you too, Celine." I whispered back. "Sige na. Uuwi na ako."
"Ingat ka." she said and waved at me.
I smiled at her before I rode my car and drove straight home. Pagkadating ko sa unit ko ay agad akong sumalampak sa sofa. What a tiring day. Maya-maya ay narinig ko ang pagtunog ng phone ko kaya kinuha ko iyon at nakita ang message ni Dylan.
d.delafuente: I'm already on my way home.
He sent a picture of him at the plane. Ngayon na pala ang flight nitong kumag na 'to? Nagtipa ako.
aliahmargaret: I didn't ask.
d.delafuente: I'm just informing you so you'll be able to prepare a welcome home gift for me since I did what you asked me to.
aliahmargaret: What do you want?
I almost dropped my phone upon reading his message.
d.delafuente: You.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (26)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I had fun reading. The story is very interesting and there are times that I can not stop reading because it would be a waste not to continue as the story is getting good. I highly recommend this! I hope you do more stories, God speed!
18/08/2022
0cool reading
25/02/2025
0salamat sa maganda istotya
21/11/2024
0Tingnan Lahat