Homepage/Sketching My Life (Limit of Reality Series #1)/
36
"Stupid alarm."
I woke up around 8 in the morning because of this stupid alarm. Wala namang pasok ngayon since it's Saturday but because I have classes to attend to, kailangan kong gumising nang maaga. Yes, Saturday but I have classes, not in school but in taekwondo. My parents enrolled me and my best friend in a taekwondo class when we're 7 years old. 2 to 3 times a week kaming umaattend ng taekwondo class since meron kaming klase ng weekdays.
My dad and Tito Noah, my best friend's dad were former karate students way back their teenage years. Dad stopped taking classes for he got injured in one of their classes while Tito Noah still took up classes and even reached 2nd degree black belt but for some reason, he also stopped.
I got up to bed and walked straight to the bathroom and took a bath before going downstairs to have my breakfast. Pagkababa ko ay nakita ko agad si Mommy at ang kapatid ko na kumakain. Nang makita ako ni Izzy ay agad itong kumaway sa akin at ngumiti.
"Good morning kuya!" she greeted me in a soft voice.
Ngumiti ako at lumapit sa kanya at pinatakan ng halik ang noo niya. "Good morning."
Pagkatapos ay lumapit naman ako kay mommy at binati din ito. "Good morning mom."
"Good morning. Eat up. Malalate kayo sa class niyo." she said while eating.
"Si Daddy umalis na?" tanong ko nang mapansin na hindi namin kasabay si Daddy sa hapag.
"Kakaalis lang. May meeting siyang pupuntahan kaya nagmamadaling umalis." she answered and I just nodded.
Right after eating, I went to the bathroom and brushed my teeth before going back to my room. I took my dobok out of my closet and wore it. Kinuha ko din ang brown belt ko at isinuot sa baywang ko. I stood in front of the mirror and fixed my hair. After a while a heard a knock on the door so walked towards it and opened it.
"Hi kuya!" my 10 year old sister said in front of my room.
"Hi. Do you need anything?" I softly asked.
"Can you help me with my project later?" she asked in a small voice while scrunching his nose a bit.
"Yeah sure. I'll help you once I get home from my training, okay?" I said as I kneel in front of her since she is much smaller than me.
"Okay!" she said and giggled a bit. "Can I come in?" she asked and I nodded.
Tumayo ako at bahagyang tumabi para makapasok siya. Agad ko din namang sinara ang pinto pagkatapos no'n. Naupo siya sa kama ko at tinitignan akong mag-ayos ng sarili sa salamin. Maya-maya ay kinuha niya ang picture frame na nakalagay sa may lamp side at tinignan iyon.
"Ate Aliah looks so pretty here." she said while looking at the picture frame.
I chuckled a bit before answering. "She is."
Aliah or Ali, is my childhood best friend. Our moms were best friends since high school. Naging magkaibigan daw sila noong sumali si Mommy sa volleyball team ng school nila at ang mommy ni Ali ang team captain. Ali's mom graduated Valedictorian and my mom was the Salutatorian. Simula noon ay naging sobrang close nila hanggang sa makagraduate at magkaroon ng sariling pamilya. According to my mom, nagkagusto siya no'n sa daddy ni Ali pero hindi naman nagtagal dahil niligawan din naman siya ni Daddy a year after. Nalaman din niya na nililigawan ni Tito Noah si Tita Irene no'n.
After fixing myself ay binuhat ko na palabas ng kwarto si Izzy dala dala ang bag ko. Iniwan ko siya sa may sala at hinayaan munang manood ng TV. Pinabilinan ko naman sa mga maid na 'wag hahayaang mababad sa panonood ng TV si Izzy.
"Behave ha? I'll be back." bilin ko at pinatakan ng halik ang noo niya.
"Bye bye kuya! Love you!" rinig kong sigaw niya.
"Yeah. Love you!"
Pagkalabas ko ng bahay ay agad akong sumakay sa sasakyan namin. Dadaanan ko muna si Ali sa bahay nila dahil sabay kaming pumupunta sa taekwondo class namin. Hindi din naman ganoon kalayo ang bahay nila mula sa bahay namin. Pagdating sa tapat ng bahay nila ay bumaba muna ako ng sasakyan para pumasok sa loob. Pagkapasok ko ay nakita ko ang ate niya na nakaupo sa sofa. Kunot noo itong bumaling sa akin bago umirap ng bahagya at ibinalik ang tingin sa laptop niya. Ano bang pakialam ko sa kanya e hindi naman siya ang pinunta ko dito?
Maya-maya ay bumaba na din si Ali na nakasuot ng dobok at itim na belt. Nakatali din ang mahaba niyang buhok. Ang ganda talaga nito kahit saang anggulo. Nang makita niya ako ay ngumiti siya sa akin at sumenyas ng 'wait' at tumango naman ako. Hindi din naman nagtagal ay lumapit na ito sa akin at hinila ako mula sa braso palabas ng bahay nila.
"Aray ko naman! Makahila naman 'to." sambit ko pagkabitaw niya ng braso ko.
"'Wag ka nang mag-inarte diyan. Tara na, malalate na tayo." sambit niya at binuksan ang passenger seat ng kotse namin.
"Attitude ah? Buti nalang maganda ka." bulong ko.
"Ano?" kunot noong tanong niya
Umiling ako. "Wala. Sabi ko tara na." baka mamaya ma-axe kick pa ako nito.
Black belter na si Ali samantalang brown belter palang ako. Hindi din naman nakakapagtaka kung paano niya nakuha ang black belt dahil kahit ako ay namamangha sa galing at lakas niya sa klase namin. Kapag nasa klase kami ay sobrang seryoso niya to the point na ayaw ko siyang lapitan dahil baka ma-side kick ako nito ng wala sa oras.
Halos isang oras din ang naging biyahe namin papunta sa taekwondo school. Pagbaba namin ay kita ko agad ang seryosong mukha ni Ali. Gusto ko sanang biruin ng "Sungit yan?" kaso baka ma-bandal chagi ako nito. Nagpaalam na ako kay kuya Carlos bago sumunod kay Ali papasok sa loob ng school. Hindi din naman nagtagal ay nagsimula na kami. We did a lot of stretching, warm ups, calisthenics, punches and kick drills. After that, we did the sparring match. Tinawag ni Sabomnim si Ali at ang isa pang black belter. Pinagsuot sila ng protective gear para sa instant protection. Bago magsimula ay nag-bow muna silang pareho.
"Joon bi." our teacher said. "Sijak!"
Unang nagpakawala ng sipa ang kalaban ni Ali pero agad naman siyang nakaiwas. Ali gave him a low kick and high strike that landed on the upper part of his body which made him moved backward a bit. I don't know what gets me but every time she's performing in front, I watched her every move and I always felt my heart throbbing not in nervousness...it is more of a positive feeling. Bahagya akong napaatras ng magpakawala ng magkasunod na suntok at sipa si Ali which causes her opponent to knock down. She helped the guy to stand up and bowed.
After the three hour training ay umuwi na din kami. Habang nasa sasakyan kami ay nagulat ako nang isandal niya ang ulo niya sa balikat ko. Suddenly, I heard my heart beat so fast. I must admit that I had a crush on her when we're first year high school pero hindi ko sineryoso dahil nga baka nasasanay lang ako sa presensya dahil siya lang ang babae na parati kong kasama.
Madaming nagkakagusto sa akin sa school namin pero wala akong pakialam. Ang iba namang nagkakagusto sa akin ay anak ng mga business partners nila Mommy. There was a time that they set me up to a date with the daughter of the senator pero hindi ako sumipot. I reasoned out that I was sick and madami akong requirements na tatapusin kaya nakalimutan ko na pero ang totoo ay ayaw ko lang talagang pumunta. The hell I care.
For our last year in high school, lumipat kami ng bahay dito sa Paranaque kaya inenroll ako nila Mommy sa Rydell High, same school with Ali. She was placed in Section A while I was in Section C. Gusto ko nga siyang maging kaklase ulit pero sa ibang section naman ako nilagay. Kainis.
"Hi. I'm Zane. You are?" nagulat ako nang magsalita ang lalaki na nasa tabi ko.
"Zach." tipid kong sagot.
"Ah. Transferee ka?" tanong niyang muli. Lintek, kalalaking tao ang ingay.
"Oo." sambit ko at nilabas ang isang notebook ko.
"Rodriguez? Kaano-ano mo yung may-ari ng Sunstone Real Estate?"
Napatingin ako sa kanya nang banggitin niya ang kumpanya namin. "My parents own that company." sagot ko at tumingin sa ID niya. "Jimenez? Are you somewhat related to the owners of Jimenez Medical?"
"Ah oo. Parents ko yung may-ari nung hospital." sagot niya sa'kin.
"So, are you planning to take up medicine in college?" I asked, getting interested now.
"Hindi gagi. Engineering kukunin ko. Ayaw kong magdoctor kasi baka ako pa maging pasyente 'pag nagkataon." natatawang saad niya. "Close kayo ni Aliah?" tanong niya na nagpakunot ng noo ko.
"Hermosa?" tanong ko at tumango naman siya. "Yes. Why?"
"Crush ko 'yon e." sambit niya at bahagyang ngumiti.
Hindi ko alam pero bigla nalang akong nakaramdam ng inis sa sinabi niya. Hindi naman na bago sa akin na makaencounter ng mga nagkakagusto kay Ali because who wouldn't? She have beautiful features. A beautiful pair of black eyes which she gets from her mom, pointed nose, heart shaped lips and a pair of arched eyebrows which made her look a bit intimidating. She had a long black hair ending just below her waist, a shapely figure and glossy skin. She definitely looks like an international model.
"Pero dati pa 'yon. Masyado siyang mataas. Feeling ko kahit anong gawin ko, hindi ako mapapansin non. Daming nakapila do'n e." dagdag niya pa.
Natigilan kami nang may tumabi sa aking isa pang lalaki. This one's familiar. Anak 'to ng may-ari ng Skybound Airline. One of the top airline in the country. Our families know each other and I.. rejected her sister back then but we're still in good terms. Cairo glanced at me and gave me a small smile.
"Magkakilala kayo?" rinig kong bulong sa akin ni Zane.
"Yeah. You don't know him?" I asked him and he shook his head. "He's the son of the owners of Skybound." I whispered and I saw his eyes widened.
"Ay gago." saad niya at napatakip pa sa bibig. Napausod ako nang kaunti nang nilahad niya ang kamay niya sa katabi ko at nagpakilala. Ngumiti naman sa kanya si Cairo at nakipagkamay.
Simula nang araw na 'yon ay hindi na ako nilubayan ng dalawang 'to, lalo na ni Zane. Nang sumabay sila sa akin sa paghihintay kay Ali ay ipinakilala ko silang dalawa sa best friend ko. Habang patagal ng patagal ay padami ng padami ang mga babaeng nagkakagusto sa akin sa buong campus. Kahit ang mga second year at third year sa campus ay nagkakagusto din sa'kin.
"Gago dude, yung dalawang 4th year na may gusto sa'yo nag-aaway sa may hallway." bungad sa akin ni Zane pagka-upo ko.
Hindi na bago sa akin ang ganitong eksena. Kahit sa dati naming school ni Ali ay may ganitong nangyayari. May isang beses pa nga noong 3rd year kami, may dalawang babaeng nagbugbugan sa labas ng campus dahil sa tinanggap ko daw ang regalo sa akin nung isang babae pero hindi ko tinanggap ang sa isa. Valentine's day kasi noon at nagulat ako nang makitang may nakaluhod na babae sa harapan ko dala dala ang isang box ng cookies. Para hindi na magkaroon ng eksena ay tinanggap ko nalang pero binigay ko 'yon sa mga kaklase ko. Wala naman akong magagawa kung mag-away sila diyan, basta't wag lang nilang idadamay si Aliah dahil ibang usapan na 'yon.
Dahil nga sa mga babaeng umaaligid sa akin sa campus ay nakiusap ako sa isang kaibigan ko na kaklase ni Ali para bantayan siya. Knowing those girls? They are more than willing hurt any girl that stands in their way and in my case, si Ali lang ang tanging babae na sobrang malapit sa akin. Ayaw kong madamay si Aliah sa kahibangan ng mga babaeng 'yon.
"Zach, bakit wala ka pang girlfriend?" tanong sa'kin ni Ali habang nagrereview kami.
"Why are you asking me that?"
"Wala lang. Nagtataka lang ako kasi ang dami namang may gusto sa'yo pero wala ka pa ring girlfriend na pinapakilala sa akin or sa parents mo." she reasoned out.
Hindi ko na kailangang ipakilala sa'yo kung magkakaroon man ako ng girlfriend dahil kilala mo naman na ang sarili mo. Isa pa, kilala ka naman na din nila mommy pati ng kapatid ko. Close pa nga kayo, eh.
"I'm not interested in anyone, Ali."
Sa'yo lang.
Isang araw ay nag-overtime kami sa isang subject dahil may long test kami. Tumunog na ang bell, indikasyon na lunch break pero nandito pa din kami at nag-eexam. Naisip ko pa kung sino ang kasama ni Ali this lunch break pero naalala kong pumasok naman pala si Celine kaya may kasama siyang maglulunch.
"Okay. You may now have your break." our teacher announced.
"Pucha, natapos din." rinig kong sabi ni Zane.
Habang nag-aayos ako ng gamit ko ay napalingon ako nang marinig ang sigaw ng isang kaklase ko.
"Zach! Yung best friend mo inaaway sa may cafeteria."
Hindi ko pa nasasara ang bag ko ay agad na akong tumayo. Naramdaman ko din ang pagsunod nila Cairo sa akin. Nabunggo ko na ang ibang mga estudyante sa kakamadali kong makadating ng cafeteria. Nang makarating sa may cafeteria ay tinulak ko ang mga taong nagkukumpulan sa isang parte ng cafeteria at doon ko nakita si Pearl na akmang sasampalin si Ali kaya mabilis kong hinawakan ang palapulsuhan niya at tinignan siya ng matalim.
"Don't you ever dare to lay your filthy hands on my girl." I said while looking at the girl in front of me.
How dare her to slap Ali? Ni hindi nga hinahayaan ng mommy niya 'yan na madapuan ng kahit anong insekto ang balat tapos sasampalin niya? Pasalamat siya at babae siya dahil kung hindi ay baka lumabas siyang basag ang mukha.
"Aki, may nagugustuhan ka na ba?" bahagya akong nagulat sa tanong ni Ali habang naglalakad kami papuntang grocery.
"What do you mean?"
"Nagugustuhan. Crush, ganon." rason niya.
Tumagal ang titig ko sa kanya sa di ko malamang dahilan. Nagugustuhan? Meron. Ikaw. Pero wala akong lakas ng loob para amanin kaya bahala na.
"Wala akong pake sa ibang babae, Ali." maliban sayo, syempre.
"Ang daming magaganda na nagkakagusto sa'yo, ni isa wala kang natitipuhan?" tanong niya ulit.
Halikan ko na kaya 'to nang matahimik? Joke. Kung ganda lang naman ang usapan, panalong panalo na 'to. Maganda, matalino, lahat na. Kaya bakit pa ako titingin sa ibang babae e kung sa kanya palang sobra sobra na?
"Walang ibang babae sa buhay ko kundi ikaw, si Cat at si Mommy. Wala na akong balak magdagdag pa." dahil ang babae lang na gusto kong idagdag sa buhay ko ay ang magiging anak namin ni Ali sa future.
Balak niyang magbake ngayon kaya naisipan kong tumulong para matuto din ako pero bakit parang hindi lang pagbabake ang natutunan ko?
"Magpapaturo nga ako kay mommy mag-bake o magluto." sabi ko sa kanya habang inilalagay ang cookies sa tray.
"Bakit?
"Para sa susunod, ikaw naman ang ipagluluto ko."
"Mag-aral kang magluto para sa magiging asawa mo."
"Kaya nga." Kakasabi ko lang e.
Nang matapos kaming magbake ay kinuha ko ang isang towel at hinila siya palapit sa akin. Dahan-dahan kong pinunasan ang mukha niya at pinipigilan ang sarili ko na mahalikan siya. Zach, ikalma mo.
Nang matapos ko siyang punasan ay natigilan ako nang kuhanin niya sa kamay ko ang towel at siya naman ang nagpunas sa'kin. Seryosong seryoso ang tingin niya sa akin at hindi ko kinakaya 'yon. Binabaliw mo 'ko Aliah.
Nang matapos naming tikman ang niluto niyang cookies ay nagshower muna ako at bumabab dala ang laptop ko dahil may assignment akong gagawin. Maya-maya ay nakita ko siyang naupo sa tabi ko at isinandal ang ulo sa sofa at pumikit.
Ang ganda talaga, pota.
"You tired?" I asked her and I saw her nod.
Itinabi ko muna ang ginagawa ko at umakbay sa kanya. Isinandal ko ang ulo niya sa balikat ko bago hinawakan ang kamay niya at pinaglaruan iyon. Ang ganda ng kamay niya pero palaging natutuon ang atensyon ko sa ring finger niya.
I'll put a ring here, one day.
"Do you want me to sing you a song?" I asked.
"Yes please." she answered in a soft voice.
Nag-iisip ako nang pwedeng kantahin at 'Can't help falling in love' by Elvis Presley ang napili ko dahil 'yon din naman ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko pa kasi masabi sa kanya ang nararamdaman ko kaya idadaan ko muna sa mga kanta.
"I can't help falling in love with you." bulong ko.
Kinabukasan ay nagpasama siya papuntang mall para bumili ng art materials niya. Pagpasok namin sa national bookstore ay agad akong naghanap ng cooking book. Nang makahanap ako ay agad akong nagpunta sa cashier para magbayad.
"Ano ba 'yang binili mo?" tanong niya sa'kin.
"Ah eto? Wala ano..libro lang." pagrarason ko. Libro naman talaga 'to. Libro ng recipes.
Pagkauwi namin ay hinayaan ko lang siyang gumawa ng artwork niya sa sala at dumiretso naman ako sa kwarto ko para magbihis bago bumaba sa kusina para sumubok magluto. Alam ko naman na kung papaano magbukas ng stove dahil nagpaturo ako kay Yaya kaninang umaga. Balak ko sanang gumawa ng paborito niya kaso ang hirap kaya cupcake muna ang ginawa ko pa sa kanya. Aaralin ko muna nang maigi yung paborito niya para ayos.
"Masarap?" tanong ko sa kanya. Napangiti naman ako nang tumango siya.
Potek, malala na yata ako.
"Ali." tawag ko sa kanya. Nakangiti naman siyang bumaling sa akin at itinaas ang dalawang kilay. "Magagalit ka ba kapag sinabi kong..mahal kita?" tanong ko sa kanya.
"Gago, malamang mahal mo 'ko. We're best friends right?" sambit niya.
Umay bro. Best friends daw.
Umakyat nalang ako sa kwarto ko at kinuha ang gitara ko bago bumaba. She sat in front of me and watched me play which made me panicked a bit. Ikalma mo 'yan, Zach. Tangina ka.
I played 'I knew I loved you' by Savage Garden. This is the first song that I learned to play and also the first song that I made her hear when we're first year high school. Tinugtog ko 'to nung mga panahong nalilito pa ako sa feelings ko para sa kanya. Pero ngayon, malinaw na. I love her. Hindi ko man masabi pero ipaparamdam ko 'yon sa kanya.
Pero isang araw ay nagulat nalang ako nang bigla siyang umiwas. Sinundo ko siya sa bahay nila pero sabi ng Mommy niya ay may sumundo daw sa kanya. Piste naman. Hindi pa nakatulong na nakita ko siyang kasama si Greyson sa cafeteria. Nakapila kami no'n sa cafeteria nang biglang magtama ang tingin namin. But her stares were cold as ice that it hurts me so I looked at the man in front of her which made me hurt more. I smiled a bit before returning my gaze in front.
If she thinks that she can hurt me, she's doing a great job.
"Ayan, ang bagal mo. Kaya ka nauunahan, eh." bulong ni Zane habang kumakain kami. Siniko siya ni Celine dahilan para matahimik siya.
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam muna ako sa kanila na pupunta lang ako sa CR. Habang naglalakad ay nakarinig ako nang isang pamilyar na tawa mula sa isang room. This is probably the arts clubroom. Hindi ko kita ang mga itsura nila pero base sa narinig ko, masaya siya. She's happy, huh? Nang makita ko siyang sumilip ay naglakad agad ako paalis at pinunasan ang luhang tumulo mula sa mata ko.
Nang mag-uwian ay sumakay lang ako sa kotse namin pero pinakiusap ko muna kay kuya Carlos na mamaya na kami umalis dahil hindi ko pa siya nakikitang lumabas. Binaba ko ng bahagya ang salamin ng kotse habang hinihintay siya. And there I saw her, but she's not alone. She's with Greyson again and..he kissed her forehead, na ako lang dati ang gumagawa.
"Tangina." bulong ko. "Kuya, uwi na po tayo." sambit ko sa driver namin at agad naman siyang tumango at pinaandar ang kotse. Baka hindi ako makapagpigil at bumaba pa ako ng kotse at puntahan siya.
"Hey, are you okay?" Mom asked as soon as arrive home.
"I'm fine mom. I'll just take a rest for a while. " I said and smiled a bit before I headed to my room.
As soon as I entered my room, I closed the door and locked it. I rest my head against the door and I felt my chest stings. I took my phone out of my pocket and stared at my phone's wallpaper.
"Why are you doing this to me?" I whispered.
Habang lumilipas ang araw ay mas lalo lang akong nawawalan ng gana. Yes the squad was there for me but the only person I want right now is with someone else. Noong lunch break ay hindi pa din siya sumabay sa amin kay tinanong ko kay Celine kung nasaan siya.
"Sabi niya kanina sa'kin sa library daw siya pupunta kasi may summative test kami later. Magrereview daw siya." sagot niya at tumango naman ako.
"Hoy gago, sa'n ka pupunta? Kakain na." sabi ni Zane at hinawakan ang braso ko.
"Pupuntahan ko lang siya sandali." sabi ko at binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.
Dumiretso ako ng library at nakita ko siyang nadukdok sa lamesa ay halatang natutulog. Wala siyang kasama ngayon kaya kinuha ko ang opportunity para maka-usap siya. Kahit walang kasiguraduhan kung maririnig niya ako. Lumapit ako sa tabi niya at dahan-dahang hinila ang upuan sa tabi niya at naupo do'n. I bit my lower lip, trying to stop myself from crying. Inalis ko ang mga hibla ng buhok na nakatakip sa mukha niya at pinagmasdan ito habang payapang natutulog.
"Miss na kita." bulong ko. "Okay naman tayo nung isang araw diba? Bakit ngayon umiiwas ka sa'kin? I hope you're okay. I hope you're doing well.." I said as I cover my mouth and stifle a sob. "Hindi ko alam kung bakit mo ginagawa 'to pero ang alam ko lang ay nahihirapan ako. Ali, hindi ko kaya ng ganito. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.." sambit ko habang hinahaplos ang buhok niya. "Ang alam ko lang ay mahal kita." sabi ko bago bahagyang lumapit sa kanya at pinatakan ng halik ang noo niya.
Pagkalabas ko ng library ay nakita kong nakatayo doon si Greyson at may dalang pagkain. Malamang ay para kay Ali.
"H-how is she?" I asked him while wiping my tears using the back of my hand.
"She's doing great. Don't worry." he said while smiling a bit.
"That's good to hear. Take care of her for me, please." I said to him.
"Yeah. I will." he replied. "I'll tell her that you came to see her-"
"Don't." I cut him off. "Please. Just don't."
Kung masaya naman siya kahit wala ako, hindi na mahalagang malaman niya na binisita ko siya. Basta't ayos at masaya siya, ayos na din ako.
Pagkauwi ko, agad akong dumiretso sa kwarto ko para magpahinga. Kinuha ko ang cellphone ko. Agad akong napangiti nang makita ko ang wallpaper ko. Kahit hindi ko siya kasama ngayon, pakiramdamko ay magkasama pa din kami. Habang nagchecheck ng social medias ko ay nagulat ako nang may nakuha akong notification.
itszane mentioned you in a comment
Wala akong tiwala sa siraulong 'to dahil madalas lang naman 'yang magmention sa mga pa-give away posts sa IG. Akala mo naman talaga ay naghihirap. Pinindot ko ang notification at binasa ang comment ng tukmol kong kaibigan.
itszane: Calling the attention of @zachrodriguez mas mabilis pa ang pagong sa'yo pre! aba'y galaw galaw baka pumanaw. LOL.
Kunot noo kong tinignan ang post. Na sana pala ay hindi ko ginawa.
It was a stolen photo of Aliah while reading her notes. Nakalugay ang mahaba at medyo kulot niyang buhok at seryosong seryosong nagbabasa ng notes nito. I bit my lower lip as I look at her photo. So she's with Greyson, huh?
I immediately exit the Instagram application and throw my phone on the bed. Fuck this. Kinuha ko nalang ang libro ko at nagsimulang magreview kahit wala naman talaga akong naiintindihan.
"Kuya, sa'n ka pupunta?" tanong ng kapatid ko nang makita niya akong paalis dala ang bag ko.
Sabi ni mommy kanina ay may meeting siya kasama si tita Irene at mukhang madaling araw na sila makakauwi kaya paniguradong walang kasama si Ali sa bahay nila. May kapatid siya pero wala naman 'yon parati sa bahay dahil ayaw no'ng makita o makasama si Ali sa di ko malamang dahilan.
"Kay Ali. Magrereview." tipid kong sagot. "Yung research paper mo nagawa ko na, kunin mo nalang sa kwarto ko yung hard copy."
"Really? Thank you kuya! Ingat!" sabi nito bago umakyat.
Bago ako umalis ay binilin ko sa mga maid ang kapatid ko. Sinabi kong magrereview lang ako at baka late na ako makakauwi. Tumango naman ang mga maid sa akin. Isinuot ko ang hood ng jacket ko at lumabas ng bahay. Pagdating sa tapat ng bahay nila ay dahan-dahan akong pumasok. Mabuti nalang at hindi tumahol si Cleo dahil baka malaman pa ni Ali na nandito ako.
"Si Ali po? Nakauwi na?" tanong ko kay Manang Teresita. Isa sa mga kasama nila sa bahay.
"Ah opo. Nasa taas po. Kaakyat lang." sagot nito sa akin.
"Kumain na po siya?" tanong kong muli.
"Opo. Katatapos lang." sagot sa akin ni Manang. Nagpasalamat ako sa kanya bago umakyat sa kwarto ni Ali. Pagdating sa tapat ng kwarto niya ay marahan kong binuksan ang pinto para silipin siya. Nakita ko siyang nakaupo sa sofa habang nakasuot ng salamin at nagtatype sa laptop niya.
"Study well, my love." bulong ko bago bumaba.
Naupo ako sa sofa at kinuha ang mga libor at notebook ko para magreview. Bukas kasi ang periodical exam namin kaya kailangan kong magreview. I am aiming for Valedictorian or Salutatorian this year so I need to study hard. Masipag at determinadong mag-aral si Aliah kaya dapat ay ganoon din ako. I need to work on myself to be deserving for her.
Bandang ala una ng madaling araw ay wala pa din ang mommy niya. Tulog na kaya siya? Inayos ko muna ang mga gamit ko bago dahan-dahang umakyat papunta sa kwarto niya para tignan kung gising pa siya. Hinawakan ko ang doorknob at marahang binuksan ang pinto and I saw her sleeping on the couch. Nagkalat pa ang ilan sa mga gamit niya. Dahan dahan kong isinara ang laptop niya at itinabi iyon bago ko pinulot ang ibang highlighters na nalaglag sa sahig at nilagay iyon sa pencil case niya. Kinuha ko ang isang pad ng colored sticky notes at idinikit sa bawat dulo ng page ng libro para hindi siya mahirapang hanapin ang lesson na inaaral niya.
Matapos kong ayusin ang mga gamit niya ay dahan dahan ko siyang binuhat at inihiga sa kama niya. Nilagyan ko siya ng kumot bago pinatakan ng halik ang noo niya.
"Sleep tight." bulong ko bago lumabas ng kwarto niya.
Saktong pagbaba ko ay dumating si Tita Irene. Bahagya pa itong nagulat nang makita ako.
"Oh, you're here? How's Aliah?" she asked me.
"She's already resting tita. Napagod po 'yon sa kakareview." sagot ko habang inaayos ang gamit ko. "Una na po ako, tita." paalam ko.
"Okay. I'll just tell her na pumunta ka dit-"
"Don't." sabi ko na nagpakunot ng noo ni Tita Irene. "Just don't tell her that I came here. Please tita."
Tumango naman si tita. "Okay then. Take care." I smiled at her before leaving their house.
I saw her IG story, few days after our periodical exam. Halos mabasag ko na ang cellphone ko sa sobrang higpit ng hawak ko nang makita ang pagmumukha ni Greyson sa IG story ni Ali. I'm getting jealous and it's killing me already. Kinagabihan, may parang nag-uudyok sa'kin na tawagan siya sa di ko malamang dahilan kaya kahit kinakabahan ay hinanap ko ang pangalan niya sa contacts ko at tinawagan iyon. It took a while for her to answer my call but when she answered it she's.. crying.
Agad akong tumayo sa kama at nagmamadaling umalis ng bahay. Pagdating ko sa bahay nila ay agad akong dumiretso sa kwarto niya at kinatok iyon. Nang buksan niya iyon ay agad ko siyang kinulong sa mga bisig ko kasabay ng pag-iyak niya. She's having panic attacks again. And I'm totally aware of that. Nang malaman kong nagkakapanic attacks siya ay tinanong ko ang isang pinsan ko na nag-aral ng psychology kung papaano mapapakalma ang isang taong nagkakapanic attacks. My cousin also reminds me of things to do and avoid when someone is having panic attacks dahil baka imbis na mapakalma ay lalong lumala.
"Hindi ka uuwi?" tanong niya sa akin.
"No. I'll stay here. Babantayan kita."
Maya-maya ay sinilip ko siya at nakita kong nakatulog na ito sa balikat ko. Dahan-dahan ko siyang binuhat at inihiga sa kama niya.
Festival kinabukasan. Balak ko nang umamin sa kanya mamayang gabi dahil may fireworks display daw na mangyayari. Maaga akong binulabog ni Zane. Nagtaka ako kung bakit tunog ng tunog ang cellphone ko, puro text pala ng gago.
"Pucha, wala na ngang jowa, late pa." bungad ni Zane pagkadating ko.
Ngayon, wala. Mamaya, meron na.
Kinagabihan ay nauna nang umuwi sila Zane. Hindi muna ako umuwi dahil nga balak kong umamin kay Ali ngayon. Nang magsisimula na ang fireworks display ay lumabas ako ng gym at hinanap siya. Nang makita ko siya ay hindi siya mag-isa, she was with someone. I saw the guy leaned closer to her and was about to kiss her so I immediately turned my back at them and started walking away dahil hindi ko kayang makita 'yon.
"Talo na naman ako." bulong ko sa sarili ko at pinunasan ang luha ko bago sumakay ng sasakyan pauwi.
---------------------------------------------------------------------------------------I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (26)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I had fun reading. The story is very interesting and there are times that I can not stop reading because it would be a waste not to continue as the story is getting good. I highly recommend this! I hope you do more stories, God speed!
18/08/2022
0cool reading
25/02/2025
0salamat sa maganda istotya
21/11/2024
0Tingnan Lahat