Homepage/Sketching My Life (Limit of Reality Series #1)/
35
After reading my mom's note, I cried so hard. Wala man lang akong nagawa. I should have known better. Kung binigyan ko lang ng sapat na atensyon si Mommy, siguro nandito pa siya ngayon.
Ayon sa mga maid, bandang tanghali ng katukin nila ang kwarto ni Mommy para sana tawagin siyang maglunch dahil kabilin-bilinan ko sa kanila na kapag nasa bahay ni Mommy ay siguruhin nila na nakakakain siya nang tatlong beses sa isang araw dahil nga umiinom pa siya ng gamot. Nang katukin daw nila ang kwarto ni Mommy ay walang sumasagot kaya nagtaka sila. Kumuha ang butler namin ng susi at binuksan ang kwarto ni Mommy. Pagbukas nila ay nakita nila si Mommy na nakahiga sa kama nito. Mukha daw siyang natutulog kaya sinubukan nilang gisingin ngunit napansin nila na parang hindi na humihinga si Mommy kaya chineck nila ang pulso nito hanggang sa, wala na nga. According to my mom's medical certificate, she died from cardiac arrest that only lasted for minutes.
Ate Chanty blamed me for what happened. Siguro nga kasalanan ko. Magmula noong nagsama na kami ni Zach sa iisang bubong at noong nagkaroon na ako ng madaming projects, nawalan na ako ng oras para sa sarili ko at kay Mommy. Hindi ko na namomonitor ang kalagayan ni Mommy dahil nga naging busy na ako sa trabaho. Umuwi si Daddy a day after kong sabihin ang nangyari and like me, he was devastated. After a few days ay nailibing na din si Mommy. Ako ang nag-asikaso ng kabaong, bulaklak at pati ng paglilibingan niya. Hindi muna ako umuwi sa bahay namin ni Zach dahil ayoko din naman na makita niya akong ganito.
"Mags, you should eat. Sabi ng mga maid hindi ka pa daw kumakain." sambit ni Daddy pagkaupo nito sa tabi ko.
"Wala po akong gana kumain." bulong ko.
"Hindi gusto ng Mommy mo na ganyan ka."
I suddenly burst into tears when he mentioned my mom. Gabi gabi akong umiyak. Hindi ako pumunta noong burol ni Mommy. Nung nailibing naman siya ay hindi ako lumapit para silipin siya. Nandoon lang ako sa likod at may hawak na bulaklak. I can't.. I can't bear to see her in a casket. Lifeless.
Isinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Daddy at humikbi. "Dad, I failed her. Wala man lang akong nagawa."
Naramdaman ko naman agad ang pagkayap sa akin ni Daddy. Hinaplos niya ang likod ko at pilit akong pinatatahan.
"None of this is your fault. Walang may gusto nang nangyari, anak." sambit niya sa akin.
"But I could have done something, Maybe I'd be able to prevented it."
"Baby, you can't save everyone no matter how hard you try. And you can't prevent death from happening. Your mom knows you did everything. You did everything, darling." Dad said.
We stayed in that position for quite some time and the room was filled with silence.
"Pagod na ako, Dad." bulong ko.
"Do you want to come with me to London?" Dad asked after sometime which made me looked at him.
"I would love to but Dad, I still have to manage the company." I said.
"You can still manage the company while you're in London. Kung kaya at gusto mong magtrabaho as head engineer do'n, pwede kang pumasok sa kumpanya natin. Also, kapag nado'n ka, I can help you manage the company since I know that you don't have enough knowledge in handling a business... and I'll be able to take care of you." tuloy tuloy na saad ni Daddy.
Matapos kasi ang libing ni mommy ay kinausap ako ng lawyer niya na sa akin ibibigay ang kumpanya dahil iyon daw ang nakalagay sa last will and testament ni mommy. Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit hindi si ate Chanty ang nilagay niya bilang tagapagmana ng kumpanya gayong siya din naman ang panganay at may alam sa business since graduate naman si ate ng business administration.
"I'll think about it, Dad." I answered.
Halos isang linggo na akong hindi nakakauwi sa bahay namin ni Zach at halos isang linggo ko na din siyang hindi nakakausap ng maayos. Sa sobrang dami kong inasikaso noong mga nakaraang araw ay hindi na ako nakakapagcheck ng phone ko.
Noong isang araw nga ay nagulat pa ako nang bumisita sila Cairo dito at may dalang mga prutas at vitamins. Nag-alala daw sila dahil hindi ako sumasagot ng tawag at messages nila kaya napagdesisyunan silang puntahan ako. Pagkatapos ng huling project ko ay hindi na ulit ako tumanggap ng mga bagong projects dahil alam kong hindi ko na kaya.
I already lost almost everything. I lost my mom. I lost my self. Bawat araw na dumadaan, mas lalong lumalala. I feel so empty. I really want to cry it all out pero wala nang lumalabas. Ayaw ko pang umuwi sa bahay namin ni Zach dahil ayaw kong makita niya akong ganito. Mahina. Walang magawa kundi ang umiyak. Alam kong pagod na din si Zach at ayaw ko nang dagdagan ang mga paghihirap niya.
Few days had passed, mas lalo lang akong lumala. I completely lost my self. I lost my focus on everything. Nawalan na ako ng gana sa lahat. That's when I know I was tired and I need to breathe.
And that's when I decided to end everything.
It's already 11:34 in the evening but I still went out of the house. I get my car keys and drove to our house. Wala ang sasakyan niya sa garahe kaya baka nag-overtime siya sa trabaho. Pumasok ako sa loob ng bahay at binuksan ang ilaw. I saw Sage running towards me while wagging his tail. I kneeled on the floor and caressed his head. This will probably be the last time that we'll see each other after tonight. Si Cleo ay paniguradong natutulog na. After a while, I went to the living room, sat on the sofa and waited for him to come home.
Makalipas ang ilang minuto ay narinig ko ang pagparada ng kotse sa labas. He's probably home already. Maya-maya ay bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang pagod niyang itsura. Nang makita niya ako ay sumilay ang isang ngiti mula sa labi niya at nagbago ang ekspresyon sa mukha niya.
"Hi love." bati niya at pinatakan ng halik ang noo ko. "Are you okay? Do you need anything?" sunod-sunod na tanong niya.
"No, I'm fine.." I took a deep breath as I felt a sting in my chest. "I just came here to talk to you."
"About?" he asked.
"I need a break." I said straightforwardly.
Napaawang ang labi niya sa sinabi ko. "O-okay. I'll free my schedule this week so we can go out of town. Saan mo ba gustong pumunta?" he said while avoiding my gaze.
He knows what I want. He's just avoiding it. And it wasn't helping. Not at all.
"Pagod na ako, Zach. Pagod na ako sa lahat."
"Please don't be tired of me." he whispered in a low voice.
I glanced at him. Zach has never been this desperate before. Pero ngayon, nandito siya sa harap ko at halos magmakaawa na.
"Baby please. Don't do decisions when you're like this." he tried to hold my hand but I move it away.
I shook my head. "Pagod na ako sa lahat, Zach. I need to breathe. I need a rest. Ano bang mahirap intindihin 'don?"
"Naiintindihan kong pagod ka na... kasi kahit ako pagod na din. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit ayaw mong kumapit sa'kin? Bakit imbis na maging pahinga natin ang isa't isa, sumusuko ka?" he sobbed.
"See? Parehas na tayong nahihirapan kaya mas magandang itigil na natin 'to." sambit ko at binigyan siya ng tipid na ngiti.
"Bakit ang dali naman sa'yong iwanan ako?" nanghihinang tanong niya.
Hindi. Kahit kailan ay hindi naging madali pa sa akin ang iwanan siya. Halos buong buhay namin ay kami na ang magkasama. Bukod kay mommy, si Zach ang kasama ko sa lahat. Mula sa unang panalo sa quiz bee, sa unang iyak dahil sa mababang score sa exam at maging sa unang saya dahil sa mataas na marka ay magkasama kami. Kahit kailan ay hindi ko naisip na dadating ang araw na magkakahiwalay kami pero heto na nga, nangyari na.
"Kailangan ko pa bang lumuhod sa harapan mo para manatili ka? Kasi gagawin ko. I'll fucking beg if I have to." he seriously stated.
I shook my head and hold his hand. "You don't have to beg for anything, Zach. I don't deserve you or your love at all."
I just think that it's better if we end this because both of us are tired. Parehas na kaming nasasaktan sa mga nangyayari. Parehas naming kailangan magpahinga.
"I don't want to lose you, Ali. I can't." he whispered which made my heart ached.
"I'm sorry." 'yon nalang ang tanging lumabas na salita mula sa bibig ko.
Walang nagsalita sa amin pagkatapos non. Tanging mga pag-iyak lang namin ang tanging naririnig ko.
"Will this make you happy?" he broke the silence around us.
With a heavy heart and without looking at him, I nodded.
"Okay," he walked closer to me and cupped my face. "I don't want to see you in pain anymore, my love. You already had enough. Thank you for staying with me my whole life. Thank you for giving me a privilege to love you for 7 years." he whispered and planted a kiss on my forehead. I saw him glanced at the clock before shifting his gaze to me. "Happy anniversary, baby. I love you... more than you could imagine."
Right. It's our 7th anniversary today. We planned to celebrate it in Batangas but since some shit happens, hindi na matutuloy. For the last time, I smiled at him. "Happy anniversary."
He gave me a faint smile before leaning forward and gave me a soft kiss. He let go of me after a while and rested his forehead on mine. "Can I ask you a favor?" he asked in a low voice.
"Hmm?"
"Can you spend the rest of the night with me? Please?" he asked hopefully. I smiled at him before nodding.
Umakyat ako sa kwarto namin at hinintay nalang siya do'n. This will be the last night that we'll spend together. After a few minutes, I felt him lay beside me and wrapped his arms around my waist to pull me closer to him. After sometime, I turned around and faced him
"I'll come with Dad to London." I said and I saw him nod while biting his lower lip, trying to stop himself from crying.
His gaze went down to my neck and touched the necklace that he gave me. "Can you keep this and the ring for me?" he asked.
Hindi naman ako nagulat sa tanong niya. Wala din naman akong balak na tanggalin ito kaya kahit hindi niya ipakiusap ay isusuot ko pa din ito.
"I will." I said which made him smile.
"Matulog ka na. You need some rest." sambit niya bago pinatakan ng halik ang labi ko. "Good night, Ali."
I closed my eyes before whispering. "Good night."
I woke up the next day without Zach beside me. Maybe he left already. I went to the kitchen and toast a bread for my breakfast. After eating, I went back to our bedroom to pack my things. Kinuha ko ang itim kong maleta at pumasok sa walk in closet para ilagay ang lahat ng gamit ko. I felt my chest stings as I took all of my clothes from the drawer. I hate goodbyes but this is the only way for me to feel free from the pain. I need to leave to heal myself.
Right after packing my things, I took a shower and dress up. I felt tears forming at the corner of my eyes as I saw three polaroid pictures that were displayed on the mirror. The first picture was a picture of us wearing onesies and 'cute' was written on the bottom part. The other photo was a photo of me and the dogs, 'babies' was written on the bottom and the last one was a photo of me at the beach wearing a two piece and 'lover' was written on the bottom. I felt my heart warmed as tears fall from my eyes. I wiped my tears and continue fixing myself.
Nang matapos kong ayusin ang sarili ko ay kinuha ko ang maleta ko at hinila iyon palabas ng kwarto namin. I looked at our room for the last time before closing the door. Pagkababa ko ay agad akong sinalubong ng dalawang aso. I kneeled on the floor and kissed the top of their heads. Sandali akong nagpunta sa kusina para uminom ng tubig. Pagdating ko do'n ay may nakita akong note na nakadikit sa ref. It was hand written note from Zach. Kinuha ko iyon at binasa.
'Take care of yourself.
Padayon, Engineer ko.
'Til our heart beats the same again
-Aki'
I wiped my tears and took a pen and wrote at the back of the paper.
'Maybe someday,
We are meant for a happy ending, but not this time.
'Til then, Architect.
-Ali'
Pagkatapos kong isulat iyon ay dinikit ko muli iyon sa pintuan ng ref. For the last time, I kissed the top of the dogs heads before rolling my luggage. Nilagay ko sa likod ng kotse ko ang maleta at nagdrive pabalik sa bahay namin. Pagkadating ko doon ay tinulungan ako ng butler namin na buhatin ang maleta ko papasok. Inutusan ko siyang ilagay nalang iyon sa kwarto ko at agad naman siyang sumunod.
"Manang, si Daddy po nasa'n?" tanong ko kay Manang Teresita.
"Ay nasa kusina po, Ma'am. Nagluluto." sagot niya. Tumango ako at nagpasalamat sa kanya bago pumunta sa kusina.
Pagkadating ko doon ay nakita kong nagluluto si Daddy habang nakasuot ng apron. Memories of Zach cooking at our kitchen early in the morning flashed back in my mind. His morning greetings with his morning voice and also his forehead kisses. I'll miss all of it. I'll miss him.
"Margaret?" Dad called me which made me back to my senses. "Are you okay, sweetheart?" he asked softly.
"Huh? Yes. I'm fine, dad." I said as I wiped my tears. Naluluha na pala ako.
"Are you sure? You can always talk to me."
"I-I'm fine." I said, trying not to burst into tears.
He cupped my face and look into my eyes. "You're so brave. I'm proud of you." he whispered and planted a soft kiss on my forehead. "Wait in the dining, malapit na 'tong maluto."
Tumango ako bago pumunta sa dining at hinintay si Daddy do'n. Hindi din naman nagtagal ay dumating si Daddy dala ang niluto niyang pagkain. Bumalik siya sandali sa kusina para kumuha ng plato pati na ng kutsara't tinidor.
"Dad?" I called him.
"Yes darling?" he asked while eating.
"I'll come with you to London." I said with finality.
"Are you sure?" he asked and I nodded. "Did you tell Zach about this?"
I stopped for a moment as I felt a sting on my chest upon mentioning my lover's name. I cleared my throat before answering. "I already did, Dad. He.. uh.. agreed on it naman." I said, not looking at him.
"Oh okay. How are the both of you?"
I looked at him and smiled a bit. "We broke up already."
My dad was a bit shocked upon hearing what I've said. "I'm sorry. I don't know."
I shook my head a bit and smiled at him. "It's fine, Dad. We both agreed on it naman so no worries."
Hindi naman na nagsalita si Daddy pagkatapos no'n which is also a good thing dahil ayaw ko na ding pag-usapan ang bagay na 'yon. Buong araw ay nanatili lang ako sa bahay at nanood ng movie. Sa lunes na agad ang flight namin papuntang London dahil kailangang makabalik ni Daddy sa London.
Maaga akong nagising dahil balak kong magsimba at para na din bumisita sa puntod ni Mommy bago kami umalis ni Daddy. Hindi makakasama si Daddy sa akin dahil may kailangan siyang asikasuhin para sa flight namin bukas kaya ako nalang mag-isa ang nagsimba.
Bago ako magsimba ay dumiretso muna ako sa sementeryo para bisitahin si Mommy. May nakita akong bilihan ng bulaklak sa daan papuntang Manila Memorial kaya bumili ako. I brought a bouquet of white daisies for it was my mom's favorite flower.
Pagdating ko sa sementeryo ay agad akong nagtungo sa puntod ni Mommy. I seated on the grass and placed the bouquet of daisies on top of her grave. Inalis ko ang iilang mga dahon na nakapalibot sa lapida niya. Hinaplos ko ang pangalan niya na nakaukit sa lapida.
Giovanna Irene C. Hermosa
"Hi mommy." panimula ko. "How are you? I miss you already." I said and I felt tears pooling at the corner of my eyes. "Ang hirap ng wala ka.. hindi ako sanay. I'm coming with daddy sa London.. do'n muna ako for the meantime to heal myself and also to move on from your loss." I said as I played with the grass. "We also uh.. broke up." I felt a bang in my chest upon mentioning it. I looked up and took a deep sigh. "It hurts but we had to. Pareho naming kailangang magpahinga kasi parehas na din kaming nahihirapan." ani ko bago pinunasan ang luha sa mata ko. "I'll make you proud mommy. I'll see you soon. I love you mom, always." paalam ko bago tumayo at naglakad pabalik sa sasakyan ko.
Napagdesisyunan kong magsimba sa San Agustin Church sa Intramuros. Sa katanuyan, doon namin planong magpakasal ni Zach kung sakali. Dito kami nagsisimba kahit noong magkaibigan palang kami at nagkaroon na ng parte ang simbahang ito sa buhay naming pareho. Pagkatapos ng misa ay nanatili pa ako ng mga ilang minuto sa loob ng simbahan para magdasal.
"Hindi ko po alam kung naririnig niyo ako pero sana ingatan niyo po siya para sa'kin..At kung hindi man po kami ang magkakatuluyan sa dulo..sana ibigay niyo siya sa taong kayang suklian ang pagmamahal na binibigay niya..dahil iyon po ang pagmamahal na nararapat sa kanya...at hindi po ako ang makakapagbigay non sa kanya sa ngayon. Kailangan ko pa pong hanapin at ayusin ang sarili ko..Hindi po ako nararapat sa pagmamahal niya..Make him the happiest. I want him to be happy..kahit wala ako.." dasal ko.
Pinunasan ko ang luha ko bago tumayo at lumabas ng simbahan. Habang naglalakad ay bigla akong napahinto ng may isang pamilyar na boses ang tumawag sa akin.
"Ali,"
Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko ang lalaking pinagdadasal ko lang kanina. He was wearing a navy blue polo coincidentally matching my blue dress. Lumapit siya sa akin at ngumiti. May halos isang metro din ang pagitan naming dalawa.
"How are you?" he asked while his hand was in his pocket.
"Good. You?"
"I want to say I'm fine but I don't want to lie to you so.." he smiled a bit. "Kailan nga pala ang alis niyo?"
"Bukas." sagot ko at tipid na ngumiti. Tumango naman siya at sandali kaming natahimik.
"B-babalik ka naman diba?" he asked which made me looked at him.
Our gazes met and his eyes shows both pain and hope.
"Hindi ko alam." 'yon nalang ang tanging sagot na lumabas mula sa bibig ko.
Hindi pa din naman kasi ako sigurado kung babalik pa ba ako at ayaw ko naman siyang umasa. Tumango siya sa akin at tipid na ngumiti. Maya-maya ay nagulat ako nang lumapit siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko.
"I'll wait for you. Nangangako ako sa'yo at sa harap ng Diyos na hihintayin kita." sambit niya habang nakatitig sa mata ko. "At sa pagbalik mo, mangangako naman ako sa harap ng maraming tao at sa Diyos, na ikaw lang ang babaeng mamahalin ko habang buhay. " aniya at pinatakan ng halik ang labi ko.
"Mahal kita... at walang magbabago do'n." sambit niya bago tumalikod at naglakad palayo.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (26)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I had fun reading. The story is very interesting and there are times that I can not stop reading because it would be a waste not to continue as the story is getting good. I highly recommend this! I hope you do more stories, God speed!
18/08/2022
0cool reading
25/02/2025
0salamat sa maganda istotya
21/11/2024
0Tingnan Lahat