Homepage/Sketching My Life (Limit of Reality Series #1)/
24
"Get one half sheet of paper. We will have a quiz."
Wow. Gandang bungad naman nito. Kakatapos lang ng semestral break, quiz agad. Wala man lang bang pa-welcome back party? Napailing nalang ako at naglabas ng papel. Hindi pa naman ako nagreview ng lesson, paano ko 'to masasagot? Bahala na si Lord.
Pagkabigay ng test paper at agad akong nagsagot. Bahala na kung mali. 20 minutes lang ang tinagal ng exam kaya nagmamadali akong magsagot. 1 to 50 pa naman.
"Pens down." our teacher announced.
Ay, patay.
"Exchange papers with your seatmate." agad akong nakipagpalitan ng papel kay Celine.
Habang sinasabi ang sagot ay kinakabahan na ako. Pakiramdam ko kasi ay ang dami kong mali sa exam. Naka sembreak pa utak ko, eh.
"Return the papers to the owner." our teacher instructed.
Pagkabalik ni Celine ng papel ko ay nanlaki ang mata ko. 48/50?! Lakas ng chamba ko today, ah. Nang tawagin ang mga scores ay ako ang highest. Exempted na naman ako sa quiz next week. Buti nalang.
"Galing talaga." bulong ni Celine. Napailing nalang ako.
Mabilis lumipas ang oras at lunch break na. As usual kaming lima na naman ang magkakasama.
"Ganda ng kwintas mo, ah. Kanino galing?" tanong ni Zane habang kumakain kami.
"Zach." tipid kong sagot.
"Ay, wow. Iba din." komento ni Zane.
"Di mo kaya 'yon." pang-aasar ni Zach.
"Lul."
Pagkatapos naming kumain ay bumalik kami sa room. Hindi ko alam kung bakit puro quiz nalang ang mayroon ngayong araw. Nakakaloka.
"Kastress." Saad ni Celine habang nag-iinat.
"Ay true." sagot ko.
Mabilis na natapos ang klase hanggang sa uwian na nga. Gaya ng nakagawian, nag-aabang na naman ang dalawa sa hallway. Bored na bored ang hitsura ni Zach at walang paki alam sa mga babaeng kumakaway sa kanya habang si Zane naman ay ngumingiti sa ibang babaeng tumatawag sa kanya.
"How's your day?" tanong ni Zach pagkasakay namin sa sasakyan.
"Stressful. Puro quizzes. Pero matataas naman nakuha ko kaya ayos lang." sagot ko.
"I'm proud of you." he kissed the side of my head. "Always."
Pagdating sa tapat ng bahay ay nagpaalam na ako sa kanya. Nagulat pa ako nang bumaba siya sa sasakyan at lumapit sakin bago patakan ng halik ang noo ko. "Good night, love."
I smiled. "Good night."
Mabilis na lumipas ang mga araw hanggang sa next week ay Christmas break na. Two weeks ago ay nagkaroon ng halloween party sa Rydell High. Zach and I portrayed Romeo and Juliet while Celine and Zane portrayed Harley Quinn and Joker. Inaasar pa ni Zach si Zane na bagay sa kanya ang role niya at gaya ng inaasahan, pikon na pikon siya.
"Saan kayo sa Christmas?" tanong ni Celine habang kumakain kami sa cafeteria
"Bahay lang siguro." I shrugged.
"Boracay kami." sagot ni Zane.
"Ikaw Zach, saan kayo?" tanong ni Celine kay Zach.
"Not sure yet." tipid na sagot niya.
"Kayo babe, saan kayo?" tanong ni Zane sa babae.
"States kami sa pasko hanggang new year." sagot ni Celine.
"Potek, ang layo naman." reklamo ni Zane sabay kamot sa ulo.
"Edi sundan mo." sagot ni Zach.
"May video call naman." saad ni Celine
Tumango tango naman si Zane na parang sang-ayon sa sinabi ng babae. Bumaling naman ako kay Cairo at nagtanong. "Saan kayo sa pasko, Cai?"
Tumigil siya sa pagkain bago bumaling sa akin at nagsalita. "Not sure but my parents are planning to celebrate Christmas in States also."
"Umay naman, sabihin ko nga din kila Mommy na sa States kami magpasko." sambit ni Zane.
"Akala mo naman talaga papayag sila tita diyan sa gusto mo." sagot ni Zach habang bahagyang umiiling. Natawa nalang kami nila Celine sa sinabi niya.
Pagkauwi ko sa bahay, naabutan ko si Ate at Mom sa bahay. Hindi sila nagsisigawan pero hindi din sila nag-uusap o nagkikibuan man lang. Binati ako ni Mommy pagpasok ko ng bahay at sinabihan na akong magbihis para makakain na kami. Pagkababa ko ay nasa lamesa na sila Ate at wala pading kibuan.
"Christmas break niyo na next week diba?" biglang tanong ni Mommy habang kumakain.
I nodded. "Yes, mom."
"Alright. We'll buy some decorations for Christmas next week. Chantria, are you coming with us?"
"No." Ate said with finality.
"Chanty, we should Christmas together as family. You should be with us." Mom calmly said.
"Kung kasama ko lang din naman 'tong babaeng 'to, mas gugustuhin ko nalang na magcelebrate ng pasko kasama ang mga kaibigan ko." sambit niya at tinapunan ako ng tingin bago umirap.
I sighed. Ate didn't celebrate Christmas or New year with us. Two years ago ay kasama niya ang mga kaibigan niya at sa Makati sila nagpasko. Last year naman any kasama niya si Kuya Michael, boyfriend niya. Mas gusto ni Ate na makipagcelebrate kasama ang ibang tao kaysa sa'min dahil sa ayaw niya kami..o mas magandang sabihin na ako, ayaw niya akong kasama. Walang nagawa ni Mommy at tumikhim nalang.
I woke up around 7 am to prepare for class. Naramdaman ko pa ang pagsakit ng ulo ko dahil alas tres na ako nakatulog. Tinapos ko pa kasi yung dalawang projects na ipapasa ngayon. Last day na ng klase ngayon dahil next week ay Christmas break na. I got up to bed and went to the bathroom to wash my face. Bumaba ako para kumain at bahagya pa akong nagulat nang makita si Zach sa kusina, nagluluto. Nakasando ito at suot na ang pantalon pang-school. Dahan-dahan akong lumapit para tignan ang niluluto niya.
"Oh, good morning." he said and kissed the side of my head.
"Good morning. Kanina ka pa dito?"
"Uhm.. few minutes ago. I guess?" he shrugged.
Tumango nalang ako at hinintay siyang matapos magluto. Kumuha ako ng dalawang plato at kutsara bago tinungo ang dining. Tinulungan ko siyang dalhin sa lamesa ang niluto niyang almusal. He cooked spanish omelette, french toast and chorizo wraps. I took a chorizo, a french toast and a small amount of omelette. I took a bite form the chorizo and my eyes widened a bit. It was so damn delicious! This was way better than Mom's chorizo. Sorry, Mom.
"Why? Hindi ba masarap?" maingat na tanong ni Zach.
"No. This is so good. Better than Mom's, actually." I laughed a little.
"Sumbong kita kay Tita Irene." pagbibiro niya.
Pagkatapos naming kumain ay umakyat na ako sa banyo para maligo. Siya na kasi ang nagpresenta na maghuhugas kaya hinayaan ko nalang. After taking a shower, I brushed my teeth and did my skincare. I went to my room afterwards. Agad kong kinuha ang uniform ko at sinuot iyon. Maya-maya ay narinig kong kumatok si Zach sa pintuan ng kwarto ko.
"Ali, can I come inside?" he said so I opened the door for him.
Pumasok siya at tinignan ang sarili sa salamin. Tinanggal ko naman ang tuwalya sa ulo ko at naupo sa tapat ng vanity table para iblow-dry ang buhok ako.
"Can I blow dry your hair?" he asked.
I nodded and handed him the hair dryer. I applied some powder, lip tint and cheek tint while he was drying my hair. Nagpagupit ako nung isang araw kaya hanggang dibdib nalang ang buhok ko.
He played with my hair for a bit before looking at my reflection on the mirror. "Ganda." he whispered and planted a soft kiss on my cheeks which made my heart doubled in beat. After that, I took my bag and we decided to leave.
Pagdating sa school ay nakita namin sila Celine na nakaupo sa may bench at kasama si Cai. Kumaway si Celine ng makita kami samantalang ang dalawa ay tinanguan lang si Zach. Umupo ako sa tabi ni Cai at tumabi naman sa akin si Zach.
"Gala tayo mamaya after class." aya ni Zane.
"Libre mo?" pang-aasar ko.
"Anong ako? Si Cai daw yung manlilibre." kita ko ang gulat sa mata ni Cairo nang marinig ang sinabi ni Zane
"What the fuck?" Cai said.
"Diba sabi mo?" sambit ni Zane at kita ko na pinanlalakihan niya ng mata si Cai. Napabuntong hininga nalang si Cairo bago tumango.
"Fine. It's on me." Cairo said and rolled his eyes a bit.
"Ayon naman pala, eh. So ano, g ba kayo?" tanong ni Zane.
Hindi nagsalita si Zach at bumaling sa akin, tila hinihingi ang opinyon ko. Tumango ako sa kanya at ngumiti. Binalik niya ang tingin kay Zane at nagsalita. "Sige." pagpayag niya.
Naghiwa-hiwalay kami nang tumunog na ang bell. Pagpasok namin sa loob ng classroom ay nakasalubong ko ng tingin si Greyson. Ngumiti ito sa akin at bahagyang kumaway kaya kumaway din ako sa kanya. Walang masyadong pinagawa. Hindi na nga pumasok ang ibang teachers namin. Ang ilan sa mga subject teachers namin ay nagpaiwan ng gagawin for the Christmas break. Madadali lang naman at kayang tapusin ng isang araw. Pagkatapos ng break time ay inaya ako ni Greyson na magpunta sa club room para mag decorate. Required kasi na bawat club room ay may decorations.
Nilinis muna namin ang mga ceiling at pinunasan ang mga shelves. Tinago ko sa isang cabinet ang ibang mga artworks para hindi masira. Kinuha naman ni Greyson ang isang storage box na puno ng mga garlands at christmas balls. Mayroon ding mga bells at santa claus na pwedeng isabit.
"Where are you planning to spend the holidays?" Greyson suddenly asked.
"Sa bahay lang. Hindi kami nagplano na mag-out of town or mag out of the country trip." sambit ko habang nagkakabit ng garland. "Ikaw? Where are you gonna spend Christmas?" I asked back.
"Canada." tipid niyang sagot.
"Hanggang new year kayo 'don?"
"Not sure." he shrugged.
Pagkatapos naming magkabit ng garlands ay isa-isa naman naming kinabit ang mga christmas balls. Sinabit ni Greyson ang Santa Claus figurine sa may pintuan. Nilabas ni Greyson ang isang white Christmas tree at nilagay iyon sa may gilid. Kinuha niya ang isang box na may lamang christmas lights at pinaikot namin iyon sa christmas tree. Pagtunog ng bell na naghuhudyat ng uwian ay lumabas na kami ni Greyson mula sa club room. Sinabi ko kay Celine na sa gymnasium na nila ako hintayin dahil mag-aayos pa kami sa club room kaya doon ako nagtungo. Pagdating ko, nakita kong bored na bored na nakasandal si Zach sa poste habang si Cairo naman ay nagcecellphone. Sila Celine at Zane naman ay may sariling mundo. Umayos ng tayo si Zach nang makita ako at agad akong sinalubong ng mahigpit na yakap.
"Ayan na pala si Aliah. Tara na." aya ni Zane at umakbay kay Celine.
"Saan tayo?" tanong ko.
"Diyan lang sa malapit na mall." sagot ni Zane.
Sinabi ni Zach na natext na niya ang driver nila na sa mall na kami sunduin dahil lalabas pa kaming lima. Mabuti lang 'yon dahil baka maghintay siya sa school, wala naman kami doon. Pagkapasok namin sa mall ay kita ko ang paglingon ng mga babae sa mga kasama naming lalaki. Katabi ko si Zach na nakahawak sa kamay ko. Nasa bandang kanan ko naman si Cairo at katabi ni Celine. Si Zane naman ay nasa bandang kanan ng babae at nakaakbay.
Nag-aya si Zane na maglaro sa parang timezone. Wala na kaming nagawa kundi ang pumayag. Lakas makaisip bata ng isang 'to. Agad siyang dumiretso sa parang basketball kineme at hinatak si Celine. Kami naman nila Zach ay nagpunta sa may barilan. Pwede ang tatlong tao doon. Halos naikot na namin ang buong palaruan. Nagmumukha tuloy kaming isip bata doon dahil halos lahat ng tao doon ay mga bata! Bumalik sila Zane dala ang napakaraming tickets!
"Papapalitan lang namin 'to." sambit niya at iginayang muli si Celine.
Sumunod kami sa kanila sa cashier at inabot din ang mga tickets na nakuha namin. Dalawang maliit na stuff toy ang kapalit noon. Ang isa ay inabot niya kay Celine at ang isa ay sa akin.
"Akin na' to?" tanong ko.
Tumango siya. "Iyo na. Hindi naman ako gaanong mahilig sa stuff toys, eh." paliwanag niya.
"Thank you!" masayang sambit ko.
Pagkatapos naming maglaro ay dumiretso kami sa isang restaurant para kumain. Si Cairo na ang nag-order dahil siya din naman ang magbabayad.
"Hala gago, siya talaga nagbayad lahat." natatawang saad ni Zane.
"Pinanlakihan mo ng mata, eh. Wala siyang choice. Natakot sayo." walang emosyong sabi ni Zach.
"Nakakatakot ba ako?" takang tanong ni Zane.
"Hindi naman. Mukha ka lang pwetan ng kaldero." sambit ni Zach.
"Kahit kailan talaga, Rodriguez." pikon na sabi ni Zane.
Agad ding namang nakabalik si Cairo dala ang mga inorder niya. Nilabas ni Zane ang cellphone niya at nagsalita.
"Picture tayo." aya niya.
Lahat kami ay tumingin sa camera at ngumiti. "Ayan, post ko mamaya."
"Dami mong alam. Kumain ka na nga. Gutom lang 'yan." sabi ni Zach.
Pagkatapos naming kumain ay agad din kaming lumabas ng restaurant at naghiwa-hiwalay na dahil nandyan na ang mga sundo namin.
"Ingat kayo." paalam ni Celine at humalik sa pisngi ko.
"Ako walang kiss?" tanong ni Zane.
Natawa naman si Celine at lumapit sa kanya para halikan siya sa pisngi. Agad naman siyang namula dahil doon.
"Bye." paalam ng dalaga.
"I-ingat ka." sagot ni Zane at kumaway.
Nagpaalam na din si Cairo sa amin bago sumakay sa kotse niya. "Take care, dude."
"Ingat ka." sabi ni Zane at tumango naman si Zach kay Cai.
Pagkauwi ng bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto para magbihis. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko ang isang notification.
itszane tagged you in a story.
Agad ko itong pinindot para tignan. It was our photo taken earlier at the restaurant. Nakangiti kaming tatlo nila Cairo sa camera, si Celine ay naka peace sign at si Zane naman ay nakalabas ang dila. May maliit na caption sa gilid kaya binasa ko 'to.
'with the best people. ♥️'
I can't help but smile. Ang cute. I didn't know that Zane has this kind of personality. Maya-maya ay bigla silang nagchat sa GC.
zachrodriguez: sweet ng IG story mo, bro. Mabuhay ka hangga't gusto mo.
ariacg: HAHAHAHAHAHA GAGI
itszane: Panget mo kabonding, Rodriguez. 🙄
zachrodriguez: Ulol.
aliahmargaret: I didn't know that you're a softie when it comes to us.
itszane: Ako lang 'to, Aliah.
Natawa nalang ako sa reply niya. Maya-maya ay nakita kong nagmessage si Zach.
zachrodriguez: Do you have any plans tomorrow morning?
Agad akong nagtipa.
aliahmargaret: Wala naman. Why?
zachrodriguez: Let's walk the dogs.
aliahmargaret: Yeah sure.
zachrodriguez: Okay. It's been a rough day. Take a rest. Goodnight, love.
I bit the insides of my cheeks, trying not to smile then I typed a reply.
aliahmargaret: Good night! ♥️
The next day, dinala niya sila Cleo at Ava sa bahay gaya ng napag-usapan namin kagabi. Maaga siyang pumunta dito sa bahay at pinagluto pa kami ni Mommy ng almusal. Mom looked so surprised but she didn't say a word.
"You're a great cook, Zach! This are so delicious." Mom complimented him.
I noticed his face starting to turn red before he smiled. "Pwede na po ba akong mag-apply?"
"As a cook?" mom asked.
"No po. Bilang boyfriend po ni Ali, pwede?" he looked so hopeful.
I choked on my food and my eyes widened a bit. Mom gave me a puzzled look.
"H-he's already courting me, Mom." I said as I pressed my lips into a thin line.
"See? I told you." sabi ni Mommy at bahagya akong siniko. "So, how long are you been courting my daughter?" Mom shifted her gaze to Zach.
"Two months na tita." sagot ni Zach bago sumubo ng pagkain.
"Ah, goodluck then." Mom said as she wipes her mouth with table napkin. " Win her heart for me, hmm?" Mom whispered as she pat Zach's shoulder.
He already won, Mom.
Tinapos namin ang pagkain at hinugasan ang mga pinagkainan. Pagkatapos ay nagpalit ako ng pullover at sweatpants dahil malamig pa sa labas. Pagkababa ko ay kinakabitan na ni Zach ng tali sila Cleo.
"Your mom's here. Let's go." sambit niya at binuhat si Ava habang buhat ko naman si Cleo. Paglabas namin ay binaba namin ang dalawang aso at nagsimulang maglakad. We walked the dogs around the villa before we decided to go home.
"Hindi kayo uuwi?" tanong ko nang pumasok siya kasama si Ava sa bahay.
"We're already home. What are you talking about?" sambit niya habang tinatanggal ang lash ni Ava and gestured her to play with Cleo.
We sat on the sofa and play cards. Natatawa ako dahil palagi siyang talo. "Ang daya daya mo." reklamo niya.
"Bakit ako? Kasalanan ko bang pangit 'yang cards mo?" natatawang tanong ko.
"Not the cards." sagot niya na nagpakunot ng noo ko.
"Huh?"
"Ang daya daya mo kasi kahit anong gawin mo nahuhulog ako sayo lalo." sabi niya at naglapag ng cards.
"It's not my fault that you're in love with me."
"It's your fault for making me fall in love with you." he stated. I rolled my eyes and laugh a bit.
Pagkatapos naming maglaro ay tumayo na ako para maligo.
"Can I take a shower here?" he asked.
"Umuwi ka nalang. Wala ka namang damit dito." sagot ko.
"Meron kaya. Diba nung nagstay ako dito nung isang araw may dala akong damit? And I believe I left it here." rason niya.
Napailing nalang ako at bumuntong hininga. "Tignan mo nalang doon sa cabinet sa kwarto ko." sabi ko sa kanya bago umakyat para maligo.
Pagkatapos kong maligo ay agad akong dumiretso sa kwarto para magbihis. I wore an oversized shirt and shorts. Pinatuyo ko ang buhok ko bago bumababa. Napansin kong wala siya sa sala kaya tinawag ko siya.
"Zach?" tawag ko.
"Kitchen!" sigaw niya.
Gaya ng sinabi niya ay dumiretso ako sa kusina at kita ko siyang magluluto. He was wearing a red apron, topless.
"Magdamit ka nga." utos ko.
"Mainit, mahal." rason niya.
Napabuntong hininga nalang ako at naupo nalang sa counter chair. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita kong nagchat si Mommy kaya binuksan ko iyon.
Irene Hermosa: How are you? Did you ate already?
I typed a reply.
Aliah Hermosa: Not yet Mom. Nagluluto palang.
I open my camera and took a picture of Zach cooking. Nakatalikod naman siya kaya hindi niya napansin na kinuhanan ko siya ng picture. Sinend ko ito kay Mommy.
Irene Hermosa: Oh, I see. Pwede na yang mag-apply as cook sa bahay haha.
Hindi ko maiwasan na matawa sa sinabi ni Mommy. Nawala ang ngiti sa labi ko nang magsalita si Zach.
"What's funny?" he asked.
I shook my head. "Nothing." and I smiled.
"Okay."
Buong araw na nasa bahay si Zach kaya hindi ako naboring. Wala naman atang araw na boring kapag siya ang kasama ko. Wow, may ganon? Umuwi lang siya noong dumating na si Mommy.
Days went so fast. Namili kami ni Mommy ng pang decoration for Christmas. Kasama din namin si Zach. Nagpresenta siyang sumama para may magbibibit daw ng pinamili namin. Pumasok kami sa department store para mamili. Kumuha kami ng Christmas balls, some garlands, figurines na pwedeng isabit at Christmas lights. Pagkatapos namin sa mga decorations ay pumunta kami kung saan naka display ang mga Christmas Tree.
"Itong white nalang kaya?" sambit ko at tinuro ang white Christmas tree.
"We don't have white Christmas here." natatawang saad ni Zach.
"Para maiba lang." I shrugged.
Narinig ko naman ang bahagyang tawa ni Mommy. "Silly. We're choosing the green one, darling."
Pumunta kami sa cashier para bayaran ang mga pinamili namin pagkatapos ay si Zach ang nagbuhat.
"You okay, Zach?" Mom asked.
"Yes, Tita. I'm good." he said and forced a smile.
Agad din naman kaming umuwi pagkatapos non. Akala ko ay uuwi na din si Zach sa kanila pero nagulat ako nang tumulong pa sa siya sa amin ni Mommy na mag decorate.
"Hindi ka magdedecorate sa bahay niyo?" tanong ko.
"We already decorated the house two days ago." he said while hanging some Christmas balls.
Tumango ako. Maya-maya ay dumating si Mommy dala ang tray na may lamang pagkain.
"Okay, lovebirds. Take a break." she said.
Mom made my favorite caprese avocado toast. She also made a chocolate shake.
"Have you eaten?" I asked Mom.
"I'm done, darling." she answered.
Pagkatapos naming kumain ay tinapos namin ang pagdedecorate. Kinagabihan ay nagpaalam na din si Zach na uuwi. Celine chatted me a while ago na bumiyahe na sila papuntang states to celebrate Christmas tomorrow. Sila Cairo naman ay nakabiyahe na last week. We've decided to have a video call around 9 pm para salubungin ang pasko. At siyempre, lahat ng yon ay pakulo na naman ni Zane.
[Anong oras diyan?] tanong ko kila Celine.
[9 am.] sagot ni Celine.
[It's also 9 in the morning here.] sagot ni Cairo at bahagyang humikab.
[9 pm na dito.] sabat ni Zane.
[Walang nagtatanong.] pambabara ni Zach.
[O, talaga ba? Pakyu.] sagot ni Zane na parang bata.
Nagkwento sila Celine kung anong ganap sa ibang bansa hanggang sa ilang minuto nalang at alas dose na.
[Malapit na!] sambit ni Zane.
It's already 11:57. 3 minutes nalang. Habang naghihintay ay panay naman ang kanta ni Zane. Natatawa nalang kami sa kanya.
[Merry Christmaaaaaas!] bati namin sa isa't isa.
Maya-maya ay nakita kong nagchat si Zach kaya binuksan ko iyon.
zachrodriguez: Merry Christmas, love.
I smiled before typing a reply.
aliahmargaret: Merry Christmas!! ♥️
Pinatay ko ang cellphone ko nang tawagin ako ni Mommy para sa noche buena. Pagbaba ko ay nakabukas ang laptop ni Mommy. Nang silipin ko ito ay nakita ko si Daddy.
"Merry Christmas, Dad." bati ko.
"It's not yet Christmas here but Merry Christmas, darling." he said.
"How are you?" Mom asked.
"Fine. I'm good. You?"
"We're good." Mom said, smiling.
Pinatay ni Mommy ang tawag dahil kakain na kami. Hindi na namin hinintay si Ate dahil hindi naman dadating yon. Nakita ko yung IG story niya kanina at kasama niya ang mga kaibigan niya.
"Saan tayo sa new year, Mom?" tanong ko kay Mommy habang kumakain.
"Nag-aaya si Maddie na sa bahay nila tayo mag celebrate tutal dalawa lang naman tayo dito." sabi niya.
"So doon tayo?"
"Ayaw mo ba?"
I immediately shook my head. "No. I love to." I said, smiling.
Mabilis na dumaan ang mga araw at mamaya at bagong taon na. Umuwi kahapon ni Cairo habang sila Celine ay nasa States padin. Kinagabihan ay pumunta na kami kila Zach. Pagdating namin doon ay agad kaming sinalubong nila Tita ng yakap.
"Ah, I've missed you." sambit ni Tita Maddie pagkatanggal ng yakap sa akin.
"I missed you too, tita." I said, smiling.
Sunod naman niyang niyakap ni Mommy at bumeso dito. Maya-maya ay nakita kong tumatakbo pababa si Cat.
"Ate!" sabi niya at niyakap ako.
"Hi, love. I missed you." I said as I caressed her back.
"I missed you too, ate." she said.
Inaya kami ni Tita Maddie sa dining. Pagdating doon at kita kong nag-aayos ng lamesa si Zach. Tumigil siya ng makita ako at naglakad papalapit sa akin para yakapin ako. Umupo kami sa dining at nagkwentuhan.
"So how's the both of you?" tanong ni Tita Maddie.
"Uh, we're fine po." I said, smiling a bit.
"Hindi mo pa din sinasagot?" tanong ni Cat.
I shook my head. "Not yet."
Natawa si Cat. "Wag mo muna siyang sasagutin. Pahirapan mo muna." biro niya.
"Catalina, hindi ganyan ang bonding ha." reklamo ni Zach.
"Nagulat nalang nga ako na nanliligaw na pala 'to kay Aliah." natatawang sambit ni Tito Albert. "Parang dati lang nagpapa-"
"Dad." Zach cut him off.
"What?" inosenteng tanong ni Tito Albert.
"Torpe kasi." rinig kong bulong ni Cat na nasa tabi ko.
Few minutes before 12, Zach and I decided to went to the rooftop. Nag-aayos naman sila Mommy ng lamesa para sa media noche. Pagdating namin sa rooftop ay humawak ako sa railings at pinagmasdan ang langit.
New Year's Eve comes with fireworks: bright, joyful and passing. Yet it gives me a moment to dream as those fireworks do, making their own statement amid the stars.
I looked at Zach beside me who's admiring the fireworks. He already proved himself to me. He made me feel loved every time. Wala akong nakikitang rason para hindi siya sagutin.
"Zach," I called him.
"Hmm?" he asked and raised a brow.
I walked closer to him and wrapped my arms around his neck. I looked intently into his eyes and my gaze went down to his lips. I bit my lower lip before leaning forward and kissed him. He wrapped his arms around my waist and pulled me closer to him. I stopped kissing him to catch my breath. I looked at him and I saw confusion in his eyes. I smiled and licked my lower lip before talking.
"Today we celebrate another year but this time, as lovers." I said as I play with his hair. "Today, I'm officially yours, love."
-----------------------------------------------------------I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (26)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I had fun reading. The story is very interesting and there are times that I can not stop reading because it would be a waste not to continue as the story is getting good. I highly recommend this! I hope you do more stories, God speed!
18/08/2022
0cool reading
25/02/2025
0salamat sa maganda istotya
21/11/2024
0Tingnan Lahat