19

"Welcome to Rydell High School's Festival!"
Today is the first day of the festival. 9 am palang ay nandito na kami ni Greyson para mag-ayos. 10 am ang simula ng festival kaya maaga kaming pumasok para icheck kung may mga decorations bang natanggal o dapat tanggalin.
Dumagsa ang mga estudyante sa gymnasium pagpatak ng alas diyes ng umaga. Napuno nang hiyawan ng mga tao ang buong lugar. Madami kasing stalls na nakapaligid sa buong gymnasium. Karamihan sa mga stalls ay mga pagkain kaya walang magugustom sa festival. Nagtayo din sila ng parang circus sa bandang dulo ng gymnasium na dinayo ng halos lahat ng mga estudyante. Ginawa lang festival na 'to hindi lang pang-entertainment dahil lahat ng malilikom ng mga stalls ay ipangdodonate sa mga charities.
Two days ang festival. Ang balita ko ay bukas magaganap ang fireworks display sa labas ng campus para sa pagtatapos ng festival. Bumalik muna kami ni Greyson sa clubroom para maglinis sandali. Hindi na namin nalinis ito nung sabado dahil dumiretso na kami pauwi.
"That's enough. Baba na tayo." aya niya sa akin.
Inilagay mo muna sa gilid ang dustpan at walis bago tumakbo papalapit sa kanya. I clinged my arms at his bago kami lumabas ng clubroom at pumunta sa gymnasium. Naglibot libot kami at tumingin tingin sa bawat stalls. Napatigil kami sandali sa isang art station. Puno kasi ito ng mga magagandang paintings at mga wood crafts.
"This was made 2 years ago." Greyson said as he showed me the wood craft.
"It looks old." I commented.
"Yeah.. but this one is magnificent." he said as he pointed the painting in front of us.
It's a painting of the London Bridge. I was amazed on how it was made. It's very detailed and colorful.
Pagkatapos namin sa art section ay pumunta naman kasi sa may circus. Nagulat pa ako nang may kumalabit sa akin. Nang lingunin ko ito ay nakita ko si Celine at kasama niya si Zane. Umakbay sa kanya si Zane at bahagyag lumapit sa akin at bumulong.
"Nag-CR lang siya." tumango ako.
Alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya. Habang nanonood ng circus, panay naman ang tawanan ng dalawa, ang saya nilang tignan. Nakaakbay si Zane kay Celine habang nag-eenjoy sa panonood. Maya-maya ay may lumapit na lalaki sa pwesto namin kaya nilingon ko ito. Nagtama ang tingin namin at ngumiti siya. Hindi ko mawari pero may kakaiba sa ngiting 'yon. A smile of pain and sadness. His eyes were dull. Lumipat ang tingin niya sa lalaking katabi ko at biglang nag-iwas ng tingin.
I looked away and diverted my attention at the circus. Maya-maya ay nagulat ako nang bigla siyang umalis. May binulong muna siya kay Zane bago umalis. Napailing nalang siya at bahagyang tumingin sa akin.
"Torpe kasi." rinig kong bulong ni Zane.
Bahagya naman siyang siniko ni Celine dahilan para manahimik siya at itinuon ang paningin sa harapan.
Pagsapit ng alas dose ng tanghali ay bumili kami ng pagkain sa isa sa mga stalls. Naupo kami sa steps at kumain. Tumagal ang first day of festival hanggang alas singko ng hapon. Bago kami makauwi ay nakita pa namin sila Celine. Kumaway ito sa akin habang seryoso naman ang mukha ni Zane habang nakaakbay sa dalaga.
"Sabay kayong uuwi?" tanong niya.
"Uh yes."
"Oh,okay. Ingat kayo."
Tumango ako at ngumiti sa kanya. Umalis sandali si Greyson para tawagan ang driver nila. Pagkaalis niya ay bumaling ako kay Zane.
"Where's he?"
"Ewan ko 'don. Nabadtrip siguro kaya umuwi ng maaga.." saad niya. "Aliah.."
"Hmm?"
"Kayo ba no'n?" saad niya at bahagyang ngumuso sa direksyon ni Greyson.
Umiling ako. "We're not together."
"Crush lang niya si Maggie." singit ni Celine.
"Sigurado kang hindi kayo?" tanong niyang muli.
"Hindi nga.." sagot ko.
"Dapat lang.. di kayo bagay.." saad niya sabay irap.
"Kasi tayo yung bagay?" pang-aasar ko.
"Pass, uy. Loyal ako dito." sagot niya at bahagyang tinignan si Celine. "Kayo ni Zach..mas bagay kayo.."
Napailing nalang ako sa sinabi niya. Natigil ang usapan namin nang biglang may humintong kulay black na Tesla sa harapan namin. Kung hindi ako nagkakamali ay sundo ito ni Zane. Medyo kumunot pa ang noo ko nang makitang magkasama silang sumakay sa sasakyan.
"Sabay kayo?" takang tanong ko.
"Oo. Nasiraan daw ng sasakyan, e. Ihahatid ko nalang sa bahay nila," kaswal na sagot ni Zane at tumango naman ako. Maya-maya ay lumapit naman si Greyson sa akin at bumulong.
"The car's already here." tumango ako at nilingon si Zane.
"Alis na din kami. Nandyan na yung sundo namin." paalam ko.
Tumango ito at bumaling kay Greyson. "Take care of her. Make sure she'll arrive home safely. Sasapakin kita 'pag may nangyari diyan."
Gusto ko sanang matawa sa sinabi niya ngunit hindi ko nagawa nang makita ko ang seryoso niya mukha. I somehow saw Zach in him. Bumaling naman ako sa kasama ko na seryoso din ang tingin kay Zane. Ngumiti ito bago nagsalita.
"Of course I will." he said.
Lalakad na sana kami paalis nang bigla siyang magsalita ulit. "Tell him she's safe with me. He has nothing to worry about."
Pagkatapos non ay pumunta kami sa pinwestuhan ng sasakyan nila at sumakay. Pagdating ko sa bahay ay nandoon si Ate Chanty pero ako nag-abalang batiin o pansinin ito. Dumiretso nalang ako sa kwarto ko. Nagbihis ako at hindi na nag-abalang kumain. Dahil sa pagod ay mabilis akong nakatulog.
Gumising ako bandang alas otso ng umaga. Dumiretso ako sa banyo para maghilamos at bumaba para kumain. Ngayon ang last day ng festival at may fireworks na magaganap mamayang gabi. Exciting!
Pagkatapos kumain ay dumiretso ako sa banyo para maligo. Pagkatapos ay nagtoothbrush ako at nagskincare. Pumasok ako sa kwarto ko at namili ng susuotin. I decided to wear white off shoulder top paired with black skirt. I blow dried my hair and tied my hair in a bun. I let some strands to fall of and curl them a bit. I sprayed perfume and wore my white shoes.
Pagkababa ko ay saktong nandoon na din si Greyson. He smiled when he saw me and mouthed 'ganda mo'. I smiled at him before entering the car. Pagdating namin ay madami-dami na din ang mga tao. Nakita ko pa si Celine at Zane pagdating namin sa school. She's wearing a maroon ruffled dress with white long sleeves underneath while Zane is wearing maroon polo shirt with all buttons open which revealed his white shirt underneath. They look good together.
"Hi Maggie! You look so fab!" she complimented.
"Mukhang may maiinlove na naman nito." sabat ni Zane.
I looked at him as if I was asking 'where is he?'. Mukhang naintindihan naman niya ang gusto kong mangyari kaya naman bumulong ito sa akin
"Mamaya pa siya."
Nilingon ko naman ang kasama ko pero nakita ko siyang nagcecellphone lang. I cling my arms at his at lumakad kami papunta sa loob ng gymnasium. Katulad kahapon, madami pa ding tao. Halos puno lahat ng stalls maging ang circus.
Mabilis na lumipas ang oras hanggang sa fireworks display na. Lumabas kami ng gymnasium at nagpunta sa labas ng campus. After a few seconds, it started. The fireworks are beautiful, like a bean smashed into the sky, and in a few moments there are many beans, shining golden light. There was a waterfall fireworks in a moment, and it flowed down from the sky. Habang namamangha ako sa nakikita ko, ramdam ko ang titig sa akin ni Greyson kaya naman bumaling ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin at ngumiti ako pabalik.
After a while, I was shocked when Greyson cupped my face and made me look at him. He brushed his fingers through my cheeks. My eyes widened when he leaned, almost kissing me.
"Don't move..just..trust me okay?" he whispered.
Akala ko ay sa labi niya ako hahalikan ngunit nagulat ako nang pumatak ang halik niya sa ilong ko. Tumitig ako sa kanya at nagulat ako nang makita ang ekspresyon sa mata niya.
His eyes shows pain, hurt and sadness all at the same time. Magsasalita na sana ako ngunit naunahan niya ako.
"I'm into you.. I think I always will be." he seriously said while looking into my eyes.
His eyes are close to crying. A tear escaped from his eyes. He wiped it before smiling and hold my hand.
"The plan was to make Zach admit that he's falling in love with you but I didn't notice that I'm also falling in love with you more.. pero alam kong hindi pwede.. kasi kahit hindi mo aminin, alam kong mahal mo na din siya.." his voice broke.
"I tried to stop it.. Pilit kong pinapasok sa isip ko na this is all part of the plan..alam ko na kapag umamin na siya sa'yo, malalayo ka na sa 'kin...babalik na naman ako sa pagnanakaw ng tingin sa'yo.. My heart tells me this is the best and greatest feeling I 've ever had, but my mind knows the difference between wanting what you can't have and wanting what you shouldn't want.. And I shouldn't want you.."
I remained silent. I looked at him and I saw him tearing up. I don't want to hurt him. He's too precious for me. He doesn't me nor I deserve him. Kung pwede lang turuan ang puso, itinuro ko na sanang mahalin siya nito. Sana'y naturuan kong tumibok ito para sa kanya, pero hindi.
"You don't deserve me..I don't deserve you either...We shouldn't have done this plan in the first place kasi alam kong pare-parehas tayong masasaktan..at heto na nga... Nasaktan na tayong pareho.."
He sighed. "I've always wished we feel the same way..kahit alam kong malabo dahil umpisa pa lang..siya na.. I lived for the fact that the only similarity we have is that we can only see the same moon but not the same stars.." sambit niya habang nakatuon ang atensyon sa panonood ng fireworks.
Gusto kong humingi nang tawad sa kanya pero para saan pa? Nasaktan ko na din naman siya. Wala nang silbi ang paghingi ko ng tawad dahil hindi 'non maaalis ang sakit na binigay namin sa isa't isa. Sinubukan ko..sinubukan kong turuan ang puso kong mahalin siya pero napagtanto ko na hindi ko matuturuan ang puso kong mahalin siya dahil matagal nang natuto ang puso kong tumibok para sa isang tao.
Zach..
Sa kanya unang tumibok ang puso ko at sa kanya lang titibok ito. In the past few days, I thought I just missed him because I was used to be with him all the time, but no. The plan is to make him admit his real feelings for me but little did I know that this plan will also make me realize that I love him.. not as a friend but.. I think.. more than that.
Nang matapos ang fireworks display tumayo na kami at papasok na sana sa loob ngunit hinawakan niya ang kamay ko kaya humarap ako sa kanya.
"All of this were fake, but my feelings for you isn't. You deserve him more than you deserve me. All I can promise is that I'll be with you with everything...I will protect you.. I guess, I'd have to live with the fact that loving you from a distance is much better than not meeting you.."he said, smiling a bit and planted a soft kiss on my forehead.
Few days had passed and I noticed that Zach became more distant towards me. Napapansin ko din na palagi niyang kasama ang isang babae. Ayon kila Zane, kasama daw niya 'yon sa club. Mas madalas nga daw na kasama ni Zach yung babae kaysa sa kanila. Hindi ko alam pero, bakit naiinis ako? Pakiramdam ko ay nagseselos ako doon sa babaeng kasama niya, eh hindi ba't ayon din naman ang gusto ko noon pa? Na matuto siyang makisama sa ibang babae.
Habang patagal ng patagal ay mas lalo akong naiinis. May isang beses pa na nakita kong naka-cling ang kamay nung babae kay Zach. May pahaplos haplos pa sa braso. Tanggalan ko nang kamay 'to, eh. At ang kinaiinis ko pa, wala man lang reaksiyon si Zach. Kung dati ay halos ituring niyang hangin ang mga babaeng lumalapit sa kanya, ngayon naman ay sobrang lapit nila.
Hindi ko na maiwasan na magselos. Oo, nagseselos ako. Tangina.
"Sabi mo wala kang balak magdagdag ng babae sa buhay mo pero ang saya saya mo pa ngayon." bulong ko sa sarili ko.
Laging napapansin nila Zane ang hindi maipintang itsura ko kaya naman todo ang pang-aasar nila. Oh edi sila na masaya, sana lahat.
"Alam mo, kung ako sayo puputulan ko na ng kamay 'yan." bulong ni Celine.
Kung hindi lang maamo ang mukha nito, iisipin kong demonyo ang bumubulong sa akin.
"Sabunutan mo tapos pasa mo sa'min ni Celine. Tulungan ka pa namin." natatawang sabat ni Zane.
"Alam niyo parehas kayong siraulo."
"Goals." bulong ni Celine at kita ko naman ang pagngisi ni Zane.
Patagal ng patagal ay mas lalo ko nang hindi kinakaya. Usap-usapan kasi sa buong campus na may dinadate na daw ang music club president at ang tingin ng lahat ay si Zach 'yon. Ayokong maniwala kahit malaki ang posibilidad na totoo iyon. Bakit kung kailan pa sigurado na ako sa nararamdaman ko ay siya namang paglayo niya sa akin?
Kinagabihan, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko't lumabas ako ng bahay. Dinala ako ng mga paa ko sa tapat ng bahay nila Zach. Huminga muna ako ng malalim bago ko pinindot ang doorbell. Maya-maya ay lumabas ang katulong nila at pinagbuksan ako.
Pagpasok ko sa loob ay kita kong gumagawa ng assignment si Cat sa sala. Tumigil ito sa ginagawa at tumakbo papalapit sa akin at niyakap ako.
"Ate Ali! I missed you! Hindi ka na bumibisita dito." saad niya at bahagyang nag-pout.
Marahan kong pinisil ang pisngi niya. "I'm sorry, I'm quite busy these past few days love, eh."
"Okay lang! Nasa taas si kuya, natutulog." sambit niya na para bang alam kung bakit ako nandito.
Nagpaalam ako sa kanya bago umakyat at pumunta sa kwarto ni Zach. Hinawakan ko ang doorknob at napansin kong hindi ito nakalock kaya pumasok na ako. Nakita ko siyang mahimbing na natutulog. He looked so peaceful while sleeping.
Umupo ako sa kaunting espasyo sa kama niya at hinaplos ko ang buhok nito. I felt tears forming at the corner of my eyes and anytime ay babagsak na ang luha ko.
"Did you missed me? Because I do missed you. Ang hirap malayo sa'yo.." I said as my tears started to fall down to my cheeks.
"Masama ba kung gugustuhin kong ipagdamot ka?" I bit my lower lip, trying to stifle my sobs. "Masama ba kung magiging makasarili ako kahit minsan lang?"
I was never selfish when it comes to love or life itself. But when it comes to him, I don't care about anything. I just want him to be mine and mine alone. Selfish na kung selfish pero wala na akong pakialam.
"Ayokong maniwala na nagdadate na kayo ni Bea..kasi tangina, nasasaktan ako.. h-hindi ko kaya na makita kang kasama ng iba..hindi ko kaya Zach.." I said and hold his hand.
"I love you.." sambit ko kahit alam kong hindi naman niya maririnig. Kahit sa panaginip man lang sana niya ay umabot 'yon.
One day, I got an invitation from one of my mom's business partners. Birthday daw ng anak nito kaya we are invited to join. Dahil wala si Mommy, ako ang sinabihan niyang umattend para sa nasabing party.
6 pm daw ang party kaya 4 pm palang ay nag-ayos na ako. I took a bath and brushed my teeth and did my skincare afterwards. I decided to wear a burgundy bodycon dress that ends above my knee. I blow dried my hair and curled it to achieve some wavy hair look. i put on some hair clips and wore a pair of diamond earring. I tried to do a simple but fierce makeup look. I sprayed perfume and wore my black heels. I picked up my black chanel bag and left.
Sumakay ako sa kotse namin papunta sa venue ng nasabing party. Pagbaba ko ay agad akong sinalubong ni Ken, the birthday celebrant. Ngumiti ito sa akin at bumeso.
"Hi. Thank you for attending." he said.
"It's my pleasure to be here. And oh, here's our gift. My mom wants to say happy birthday. Hindi siya makakarating due to business matter."
"Thank you so much. And no worries..." naputol ang sasabihin niya nang tawagin siya ng isang grupo ng lalaki at babae. "I'm sorry I have to go. Enjoy the rest of the party." paalam niya.
Pagkaalis niya ay pumasok na ako sa loob. The whole venue was extravagant. The theme was blue black and gold. Nag-ikot ikot pa ako hanggang sa nagulat ako nang biglang may umakbay sa akin. I looked up to see who it was and I saw Zane with a smile plastered on his face.
"You're also invited?" I asked him.
"Hindi. Guard lang talaga ako dito." sagot niya.
Kumunot ang noo ko dahilan para matawa siya ng bahagya. "Of course I'm invited. Our parents are quite close to each other." he explained.
Oo nga pala, he's the son of Georgina and Michael Jimenez, the owners of Jimenez Medical Hospital. It is one of the biggest and most successful hospital in the country. Kilala ang hospital nila bilang isa sa may magagandang kalidad ng serbisyo at magagaling na mga doktor. Hindi ko lang alam kung doktor din ba ang kukuning kurso ni Zane sa college.
"Hindi siya pupunta?" tanong ko.
"Ewan ko 'don. Sabi niya hahabol daw siya eh."
Natigil ang usapan namin nang pumunta sa stage si Ken at nagsalita.
"May I have your attention please...Thank you all for coming to my party. It means a lot to me. I just want to thank my parents, friends and especially my love for organizing this beautiful party for me. That's all. Enjoy the rest of the night!" he said before going down the stage.
Nagpaalam sandali sa akin si Zane na pupunta muna sa table ng mga kaibigan niya at tumango naman ako. Kumuha ako ng wine at nag-ikot ikot. May mga bumabati sa akin na hindi naman pamilyar sa akin kaya nginingitian ko nalang sila.
Napatigil ako sa paglalakad nang may namataan akong isang pamilyar na lalaki. Hindi ito nakaharap ngunit pakiramdam ko ay siya iyon. Nakikipag-usap siya sa babaeng kasama niya at nanlaki ang mata ko sa aking nakita.
Lumabas ako at sumakay na sa sasakyan. "Uwi na tayo kuya Dennis." saad ko sa driver namin. Tumango naman siya at nagsimulang magmaneho.
"Bakit pa ako umattend ng pisteng party na 'to?. "bulong ko sa sarili ko habang nag-uunahan na sa pagtulo ang mga luha ko.
Sana pala ay hindi nalang ako pumunta kung ganoon lang din naman ang makikita ko. Paulit-ulit na naglalaro sa utak ko ang pangyayaring 'yon.
I saw him with a woman..
And they're kissing passionately..
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Komento sa Aklat (26)

  • avatar
    g******z@gmail.com

    I had fun reading. The story is very interesting and there are times that I can not stop reading because it would be a waste not to continue as the story is getting good. I highly recommend this! I hope you do more stories, God speed!

    18/08/2022

      0
  • avatar
    DanagMarshelle Divine

    cool reading

    25/02/2025

      0
  • avatar
    IsraelCristina Moneda

    salamat sa maganda istotya

    21/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata