Homepage/Sketching My Life (Limit of Reality Series #1)/
11
Aziel Greyson Delgado is the arts club president!
Mabuti nalang at siya ang president dahil madali akong makakasali sa club.
"Si Greyson pala yung sa arts club eh." sambit ni Zane.
"Kilala mo si Greyson?" nagtatakang tanong ni Celine.
Tumango naman si Zane. "Yung family nila yung may-ari ng isa sa mga sikat na Real Estate Companies dito sa Pilipinas. Ang alam ko business partners ang parents niyo diba, Zach?" tanong nito sa best friend ko.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Celine.
"Delgado? Yes, our parents are business partners." sagot ni Zach.
"Close kayo?"
"Uh, not that close. We just hang out like twice. We're good friends naman." sambit ni Zach habang hinahaplos ang batok.
Parehong nanlaki ang mata namin ni Celine. My admirer is friends with my best friend! What a small world, huh?
Pagtunog ng bell ay naghiwa-hiwalay na kami papunta sa kanya kanya naming room. Pagpasok namin ay wala pang teacher. Lagi namang late ang teacher namin sa first subject. Umupo kami sa pwesto namin at maya-may ay tumayo ang president namin at nagpunta sa harapan.
"Guys! Listen up!" sigaw ni Elliana.
Tumahimik ang mga kaklase ko at bumaling sa kanya.
"Since club day is approaching, you are required to join at least 1 club. Plus grades din 'to so you better join." she said.
"Ano-anong clubs?" tanong ng isa kong kaklase.
"Wait." saad niya at tinignan at papel na hawak niya.
"We have journalism, music, arts, sports, math, science and english club."
"Ay potek! Wala bang recess club diyan? O di kaya food club?" tanong pa ng ilan sa mga kaklase ko.
"May sinabi ba akong recess o food club?"
"Wala."
"O edi wala." sambit ni Elliana at umirap.
Nagsimulang magtawanan ang mga kaklase namin.
"By tomorrow dapat makapagpalista na kayo. Limited slots lang ang music, arts and journalism clubs. So sa may mga balak na sumali sa mga nabanggit kong clubs, better hurry. Baka maunahan kayo." sabi niya.
"Saan magpapalista?"
"Good question. You can talk to the club presidents or pwede kayong pumunta sa gym mamayang recess or uwian para makapagpalista." pagpapaliwanag niya. "For those who want to join the arts club, you can talk to Greyson. He is the club president." sambit niya at tinuro ni Greyson na nasa likod.
Pabalik na siya sa kanyang upuan nang bigla siyang tumigil at parang may nakalimutang sabihin.
"Oh, I almost forgot, please pass your assignment in math." she said that made my classmates groan in frustration.
"Umay, akala ko nakalimutan na."
"Hindi pa ako nakakagawa teka lang!"
"Hoy meron ka? Pakopya ako."
Ilan lang yan sa mga narinig kong saad ng mga kaklase ko. Ang tatamad talaga. Paano kaya napunta sa star section ang mga 'to kung ganyan sila katatamad? Napailing nalang ako.
"Hindi sumagi sa isip ko na magkakilala pala si Greyson at Zach." biglaang saad ni Celine.
Aaminin ko, kahit ako ay nabigla na magkakilala sila. Kilala ang kompanya nila Zach bilang isa sa fast growing Real Estate Company dito sa bansa. Mayroon din silang ibang branch sa London, New Zealand at Australia. Sa pagkakaalam ko, architecture ang kukuning course ni Zach sa college samantalang ako ay engineering. Mayroong construction company na pagmamay-ari si Mommy. Isa din ito sa tinitingalang kumpanya sa bansa. Doon din dapat magtatrabaho si Ate Chanty pero umayaw siya sa alok ni Mom. Si Daddy ay mayroong company sa London. Sikat ang kumpanya ni Daddy sa buong mundo. I can't help but be proud of my parents. They got separated yet they still manage to crawl their way to the top. Walang lamangan. Mom and Dad are still on good terms at nakakausap ko pa naman din minsan si Dad.
"It makes sense naman since both companies are in the same field. Delgado's are well known all over the country." saad ko.
"Worldwide." she corrected me.
Delgado's are known for their world class projects while the Rodriguez's are known for their spectacular Mediterranean style projects. Ayon sa kwento ni Zach, karamihan sa mga kliyente nila ay taga ibang bansa. Madaming mga dayuhan ang nagiging interesado sa mga gawa nila kaya napagpasiyahan nila Tita Maddie na magpagawa ng mga branch sa iba't ibang bansa. Ganoon kasikat ang kumpanya nila Zach. Ang bahay din nila ay si Tita Maddie mismo ang nag-design. Modern ang design nito at shade of brown, white at black ang interior.
"What a small world. I never imagine that your admirer is somewhat friends with your best friend." she emphasizes the word best friend.
Hindi ko na siya sinagot at kinuha nalang ang assignment ko para ipasa. Pinaghirapan kong sagutan 'to no! Buti nalang talaga magaling sa math si Zach dahil kung hindi ay baka wala akong naisagot dito.
"Maggie.." pagtawag sakin ni Celine. Bumaling naman ako sa kanya.
"Is there a chance na magustuhan mo si Zach?" kumunot ang noo ko sa tanong niya.
Oh shit, here we go again.
"Wala." seryosong saad ko sa kanya.
"Sayo wala, e si Zach? Feeling ko may chance na magkagus-"
"Celine, we're just friends. Nothing more, nothing less." I cut her off.
"Okay.." sambit niya at humagikgik. Nababaliw na naman 'to.
"Ikaw, gusto mo na ba si Zane?" tanong ko sa kanya na ikinagulat niya at bahagyang namula.
Haha got ya!
"What?! No! We're just friends. As in friends lang talaga." depensa niya.
"Para sayo friends lang pero para kay Zane hin-"
"Maggie!" singhal niya at tinakpan ang tainga.
Hindi ko maiwasang matawa sa reaksiyon niya. Ang cute niya kapag naaasar lalo na kapag namumula ang pisngi.
Tinigil ko ang pang-aasar sa kanya at pumunta sa pwesto ni Greyson. Bahagya pa itong nagulat nang tumabi ako sa kanya.
"Hey. Do you need anything?" he said, smiling.
"Uh, I want to join the arts club. Anong mga requirements o mga rules?" tanong ko.
Umayos siya ng upo at inayos din ang salamin bago nagsalita. "We don't have rules though. The only requirement for those who wants to join is to give us a copy of their work. Tapos kapag nacollect na namin lahat ng gawa niyo, magdedecide na kami kung sinong isasali sa club." paliwanag niya. "Are you sure you're gonna join?"
"Yes." determinado kong sabi.
Napangiti naman siya. Ang gwapo talaga nito lalo na kapag nakangiti. "Okay then, submit your work to me until next week. Kaya mo ba?" tanong niya
"Yeah, sure. Ano bang theme?"
"Anything. You're free to choose."
Tumango ako. Hindi ko maiwasang mapatitig kay Greyson. Naalala ko yung sinabi ni Zach na friends sila and they've hang out for some time.
"C-could you please stop staring?" saad niya habang namumula ang mukha.
"Greyson..close kayo ni Zach?" hindi ko napigilang itanong.
"Zach? Rodriguez?" tanong niya at tumango ako. "Uh..We're not that close unlike the both of you but we're good friends. He's actually nice contrary to his aura." bahagya siyang natawa. "He's also the reason why I got to know you." nagulat ako sa sinabi niya.
"What do you mean?"
"When we're hanging out, lagi ka niyang nababanggit sa akin. He even showed me a picture of yours." nahihiyang saad niya.
Siraulong 'yon lakas ng loob magpakita ng picture ko sa iba. Yari ka sa'kin mamaya, Ezekiel.
Bahagya akong natawa sa itsura niya. Namumula kasi ang pisngi niya at iwas na iwas na magtama ang tingin namin.
"I remember his reaction when I told him I kinda like you." he said while slightly laughing.
"What?"
"He frowned and he looked at me deadly. If looks could kill, i'm probably be dead."
Kahit kailan talaga, Zachary.
"So gusto mo na ako dati pa?" tanong ko sa kanya.
"Medyo..Hindi naman ako agad-agad nagkakagusto sa babae lalo na kung sa picture lang pero nung pinakita sa akin ni Zach yung picture mo.. ewan ko.. I felt attracted to you.." he seriously stated.
"Baliw." natatawang sambit ko.
Bahagya din siyang natawa sa sinabi ko. "I guess I am."
"Sabi mo, nababanggit ako sayo ni Zach diba?" tumango siya. "Anong sinasabi niya sayo tungkol sa akin?" biglang tanong ko.
Hindi naman sa wala akong tiwala sa best friend ko, but knowing him? Baka ikwento pa niya ang itsura ko habang tulog o di kaya kung gaano ako kalakas lumamon.
Bumaling sa akin si Greyson.
"Nothing much. He's very careful not to say much about you. I even tried to ask for your number but I failed. Sabi niya wala ka daw interes sa mga lalaki. I can sense that he's very protective of you. Kung hindi siguro niya sinabing best friend ka niya, iisipin kong girlfriend ka niya." natatawang sabi niya.
Hindi na ako nagulat sa huling sinabi niya. Madalas talaga kaming mapagkamalang magjowa dahil sa ako lang ang babaeng palaging kasama ni Zach. Totoong wala akong gaanong interes sa mga lalaki. Kapag may mga nirereject akong manliligaw, kay Zach sila lumalapit at humihingi ng tulong pero wala din silang napapala sa kanya. Ang parati niyang sinasabi sa mga lumalapit sa kaniya 'If she doesn't like you, stop bothering her.'
"Did he had a girlfriend before?" he asked.
"Wala 'yong pake sa mga babae." I shrugged.
"I'm not even surprised."
"Ha?" naguguluhang tanong ko.
"Kapag magkasama kami, may mga lumalapit na babae sa kanya. Most of them we're the daughters of his parents' business partners but he completely ignored them. Some of them asked him for a date but he said 'no'."
Natawa ako sa sinabi niya. Parang hangin lang kung ituring ni Zach ang mga babaeng lumalapit sa kanya. Kaya hindi nagkakaroon ng girlfriend e.
"Ikaw? Hindi ka nagkaroon ng girlfriend?" I asked him.
"No time for that." he shrugged.
"But do you like someone?"
"Yes, you."
As expected from him. Natigil ang usapan namin nang dumating ang teacher namin sa second subject. Nagpaalam na ako kay Greyson at bumalik sa pwesto ko. Nakita ko ang pagngisi ni Celine sa akin. Hindi ko nalang pinansin at tinuon ang atensyon ko sa tinuturo ng guro namin.
Pinipilit kong makinig sa teacher namin pero wala talagang tinatanggap na impormasyon ang utak ko. Ang boring naman kasi ng lesson kaya parang gusto ko nalang matulog.
"Now, get one fourth sheet of paper. We'll have a quiz." sambit ng guro namin na nagpagising sa natutulog kong dugo.
Kumuha ako ng one fourth sa bag ko. Naramdaman kong may kumalabit sa akin.
"Bakit?" tanong ko Celine.
"Pahingi akong one fourth. Naiwan ko yung binili kong one fourth sa bahay e." nahihiyang saad niya.
Binigay ko sa kanya ang isang pad ng one fourth na papel. Nagulat pa ito sa ginawa ko pero ngumiti lang ako. Dalawang pad ang palagi kong dala dahil baka maubusan ako.
"Thank you, Maggie."
"Welcome." I whispered, smiling.
"Okay. Number your papers from 1-10. Hurry up!" Ms. Gomez instructed.
Nagsulat ako ng 1-10 sa papel ko. Lord, sana hindi mahirap yung quiz. Wala pa naman akong gaanong naintindihan kanina.
She distributed the test papers. "You are given 20 minutes to answer. You may now start."
Pagkakuha ko ng test paper ay agad kong sinimulan ang pagsasagot.
"What is the power house of the cell?" mahina kong pagbasa sa tanong.
Dios mio por favor! Lord, bakit parang ang hina ko sayo? Unang tanong palang, nganga agad. Anong power house? Meralco? May choices naman kaya bahala na. Mini mini may nimo ko nalang 'to.
Hinulaan ko nalang ang ibang mga tanong. Hindi naman kasi ako nakikinig kanina.
"Label the parts of the cell." mahinang basa ko sa instruction.
Sana all may label.
Mabuti nalang at magaling ako sa memorization kaya natandaan ko yung mga parts. Sisiw nalang 'to sakin.
"Alright. Time's up! Pens down." Ms. Gomez shouted. "Pass your papers to the center aisle and then forward."
Mabuti nalang at hindi chechekan. Hindi ako handang makita ang napakataas kong score.
"Okay for your assignment, do page 287-291 of your book. Copy and answer."
"Hala, ma'am ang dami." reklamo ng mga kaklase ko.
"Mamili kayo, essay o 4 page activity?"
"Matulog po!" sigaw ng isa naming kaklase.
Napailing nalang ang teacher namin. Sinabi nalang niya na kung ayaw namin gawin ang apat na pahinang gawin sa libro, magsulat daw kami ng tatlong talata tungkol sa natutunan namin sa tinalakay kanina.
Mas gugustuhin ko pang magsagot nalang ng 4-page activities kaysa gumawa ng lintek na essay. Nakakatamad gumawa ng essay. Wala din akong matinong mailalagay don dahil wala akong natutunanan sa leksyon kanina.
Tumunog na ang bell hudyat na lunch break na.
Inayos ko muna ang mga gamit ko at saka kinuha ang aking wallet. Si Celine naman ay nagtali muna ng buhok bago tumayo.
"Maggie, kain na tayo!" aya niya.
Sumunod ako sa kanya palabas ng room. Nagtaka ako dahil walang Zach na naghihintay sa labas. Baka nag-overtime ang teacher nila. Ang alam ko ngayong araw yung exam nila e.
"Nasaan sila Zach?" nagtatakang tanong ni Celine.
"Baka nag-overtime yung teacher nila. May exam ata sila ngayon e."
Ang ending, kaming dalawa nalang ni Celine ang nagsabay kumain. Hindi na namin pinuntahan ang room nila Zach dahil ayaw ng teacher nila na may naghihintay sa labas. Ang sungit, lagi atang may dalaw.
Pagdating sa canteen, laking gulat ko nang may biglang may lumapit sa akin at sinampal ako. Namanhid ang pisngi ko dahil sa sampal na 'yon. Tinignan ko kung sino ang gumawa non.
Pearl Angeles, their so called queen bee. Isa din siyang bitchesa na akala mo kung makaasta daig pa anak ng presidente ng Pilipinas.
"Ano na namang problema mo?" pinilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil kung hindi, baka dumugo ang mukha nitong kaharap ko.
"Ikaw! Ikaw ang problema ko!" sigaw niya habang dinuduro ang pagmumukha ko. "Ayaw akong pansinin ni Zach dahil sayo! Palagi ka nalang nakasunod sa kanya kaya hindi niya ako pinapansin!"
Hindi ko maiwasang matawa sa sinabi niya. Ano namang kinalaman ko sa hindi pagpansin sa kanya ni Zach? Wala naman talagang pinapansin na babae ang mokong na 'yon.
"Hindi ko kasalanan kung ayaw kang pansinin ni Zach kaya 'wag mo kong maduro-duro diyan. Masyado kang desperada. Uhaw sa atensyon. Anong akala mo? Lahat ng gusto mo makukuha mo? Mataas ang standards ni Zach sa babae. And sad to say, hindi mo maaabot ang standards na 'yon."
"Masyado kasing mataas ang tingin mo sa sarili mo at akala mo lahat ng tao mapapasunod mo sayo! Kung lahat ng lalaking nagugustuhan mo ay nakukuha mo, pwes si Zach hindi!" singit ni Celine.
Inis na bumaling sa kanya ang kaharap ko at lalapitan na sana siya ng galit na si Pearl pero humarang ako at itinulak siya dahilan para mapaupo ito. Nagulat ito sa ginawa ko at hindi agad nakatayo.
Nakarinig ako ng bulungan mula sa mga taong nanonood sa away namin nitong babaeng 'to. Pearl ang pangalan mukha namang talaba.
"Hoy awatin niyo na."
"Tawagin niyo si Zach!"
"Ayan, deserve!"
"How dare you to hurt the queen? Walang hiya ka! Hindi mo na siya ginalang!" sigaw ng isang niyang alipores.
Queen? Or maybe queen wannabe.
Natawa ako. "Why should I respect someone who doesn't deserve to be respected in the first place? Kung lahat ng tao sa school napapaikot niya sa mga palad niya, ako hindi."
"Malamang naiinggit ka lang sa kanya! Sorry, pero hinding hindi mo siya mapapantayan." saad muli ng alipores niya.
Seriously? Ganito ang mga kaibigan niya? How immature.
"Well, darling. You are right, hindi ko nga siya mapapantayan.." sagot ko na ikinangisi nilang dalawa. "Why would I level myself with someone as stupid as her? Hindi ko talaga siya mapapantayan dahil matagal na akong nasa taas."
I saw how the smirks on their faces faded.
Bakit ko naman ibababa ang sarili ko para sa kagaya niya? Ano siya, gold? Akala niya siguro ay lahat ng tao mapapaluhod niya sa harap niya. Pwes, ibahin niya ako. Siya ang paluluhurin ko sa harapan ko. Pearl ang pangalan niya pero mukha naman siyang talaba.
Nakita ko ang dahan-dahang pagtayo ni Pearl at unti-unting paglapit sa akin.
"Oh really? Then let me show you kung sino ang kinakalaban mo." saad niya at nakaamba na ang kamay para isampal sa akin ngunit bago pa man lumapat ang palad nito sa pisngi ko ay isang kamay ang humawak sa palapulsuhan nito dahilan para tumigil siya.
Nilingon ko kung sino ang may gawa non at nakita ko si Zach. Bakas ang galit sa mukha nito at mahigpit ang pagkakahawak sa palapusuhan ng babaeng kaharap ko.
"Don't you ever dare to lay your filthy hands on my girl." he said while looking deadly at Pearl.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (26)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
I had fun reading. The story is very interesting and there are times that I can not stop reading because it would be a waste not to continue as the story is getting good. I highly recommend this! I hope you do more stories, God speed!
18/08/2022
0cool reading
25/02/2025
0salamat sa maganda istotya
21/11/2024
0Tingnan Lahat