10

Gaya nang sinabi ni Zach, bumalik siya sa bahay dala dala ang bag niya. Para naman siyang naglayas sa hitsura niyang yan.
"Let's start." saad niya at umupo sa couch.
Kinuha niya yung libro at sinenyasan akong umupo sa tabi niya.
"Okay... so it says here...find the 25th term of the arithmetic sequence 3, 7,11,15 and 19." pagbasa niya sa tanong.
"Paano hahanapin yan?" tanong ko.
"I-Google map mo." barumbadong sagot niya sakin dahilan para hampasin ko siya. "Joke lang. Ito na nga e seryoso na." sabi niya at kumuha ng papel.
"May formula na kailangang gamitin to find the 25th term of the given sequence and that formula is this."
May sinulat siyang kung ano sa papel at inabot sa akin.
"That is the formula of the arithmetic sequence." paliwanag niya.
"Arit- what?" naguguluhang tanong ko.
"Arithmetic sequence. Looks like someone's sleeping while in class." natatawang saad niya.
"Hindi naman tinuro sa amin ni Sir Velasco yan e. Hindi naman siya nagturo kanina." saad ko.
Bahagyang nagulat si Zach sa sinabi ko. "Looks like we need to study about it then."
"Paano ko sasagutan 'to?" tanong ko sa kanya.
"Substitute the values in the given problem. It will be like this." sabi niya at kinuha ang papel na hawak ko at nagsulat nang kung ano doon.
"There. Now use this formula to find the missing term." pagkabigay niya nang papel ay bahagya akong naguluhan. Bakit ganito? Titigan ko palang yung formula, parang gusto ko nalang maging hotdog.
Naging madali na sa akin ang pagkuha ng sagot dahil sa given na nilagay ni Zach. Pagkatapos kong sumagot ay pinakita ko sa kanya ang sagot ko.
"Check mo nga." inabot ko sa kanya ang papel ko. Tumigil siya sa pagbabasa at kinuha iyon.
Pinakatitigan niyang mabuti ang sagot ko at pumorma ng ngisi ng labi niya. "My girl is learning fast, huh. Well done." he complimented. "I guess you can answer the remaining questions?" he asked and I nodded, smiling.
Sinagutan ko ang mga natitirang tanong at paminsan minsan ay tinatanong ko sa kanya kung papaano kukunin yung mga letter S na problems. Kapag tinatanong ko siya ay tumitigil siya sa ginagawa at tinutuon ang buong atensyon sa pagtuturo sa akin kung paano ang gagawin. Hindi din siya nagsasawang itanong kung naiintindihan ko ba ang mga pinagsasasabi niya. He's actually a good teacher. Mas naiintidihan ko pa ang lesson kapag siya ang nagtuturo kaysa sa teacher namin.
"Mas nagegets ko pa yung lesson kapag ikaw yung nagtuturo sa akin. Kapag si sir kasi yung nagtuturo, pasok sa isang tainga, labas sa kabilang tainga."sabi ko habang inaayos ang gamit ko sa bag. Narinig ko ang bahagya niyang pagtawa.
Tinignan ko ang orasan at nakita kong malapit ng mag hatinggabi. Ganoon katagal akong nagsagot ng assignment. 4 pages na copy and answer pa naman. Pagkatapos kong mag-ayos ng gamit ko, sinilip ko ang ginagawa ni Zach. Math na naman? Mabuti at hindi sumasakit ang ulo niya sa mga formulas niyan?
Ayon sa kwento ni Mommy, engineering student si Daddy dati at parating nakaka-uno sa math. Halos lahat ng features ko ay galing kay Daddy ; mata, ilong, hugis ng mukha. Lahat. Pero ang pagiging matalino sa math ay hindi ko namana sa kanya. Ang unfair! Dahil nahilo ako sa sinusulat ni Zach ay bumalik ako sa kama at naupo.
"Zach.." tawag ko sa kanya.
Tumigil ito sa ginagawa at bumaling sa akin. "Hmm?"
"Bakit wala ka pang girlfriend?" I asked out of the blue.
Kumunot ang noo nito "Why are you asking me that?"
"Wala lang. Nagtataka lang ako kasi ang dami namang may gusto sayo pero wala ka pa ring girlfriend na pinapakilala sa akin or sa parents mo." sagot ko.
Totoo naman kasing madaming nagkakagusto sa kanya. Sa pagkakaalam ko may isang anak ng may-ari ng isang sikat na kumpanya ay nagkagusto sa kanya pero nireject niya. Mayroon ding anak ng artista at politiko na nagkagusto sa kanya. They even go out for a date pero ang ending, rejected pa din si ate girl.
He scoffed and rolled his eyes. "I'm not interested in anyone, Ali."
"Wala kang nagugustuhan sa kanila? Bakit hindi mo i-try magkaroon ng girlfriend? Para hindi ako parati ang kasama mo." saad ko sa kanya.
"Bakit? Ayaw mo na ba akong kasama?" saad niya at bahagyang naka-pout.
"No, it's not like that. Napansin ko lang kasi na bukod sa akin, wala ng ibang babae na dumaan sa buhay mo. Ni minsan hindi ka nagpakilala ng nililigawan or girlfriend sa parents mo o kaya sa akin. I'm just worried na sa sobrang pagkaattach mo sa akin, hindi ka na magkaroon ng time para sa lovelife mo."
"I'd rather spend my whole life with you rather than spending it with another girl." seryosong saad niya.
"Do you like me?" naninigkit ang matang tanong ko.
Umarte siyang parang nandidiri sa sinabi ko. "What the fuck? No! Ano namang naisipan mo't itinatanong mo yan?"
"Wala lang. Ako lang kasi yung babaeng palagi mong kasama kaya naisip kong baka may gusto ka na sa akin."
"Ako lang din ang lalaking palagi mong kasama so.. Do you like me?" he turned the tables.
"Asa! Kahit maubos ang lahat ng lalaki sa mundo, hindi ako magkakagusto sayo 'no! Kapal ng mukha mo!" singhal ko.
Natawa siya sa sinabi ko. "Antok lang 'yan, matulog ka na."
Lakas ng hangin sa utak nitong Zachary na 'to. Ako? Magkakagusto sa kanya? Hello?! Kahit boyfriend material pa siya wala akong pakialam! Malabo pa sa tubig baha na magkagusto ako sa best friend ko. Never!
"Hindi ka uuwi?" tanong ko.
Umiling ito. "Nope. Madami pa akong irereview na notes. Matulog ka lang diyan, babantayan kita." saad niya at ngumiti.
Ngumiti ako pabalik. "Okay then. Good night, Zach."
"Good night, Ali ko. Sleep tight." he said before I closed my eyes to sleep.
Nagising ako bandang alas singko y media ng umaga. Dahil nga gabi na ako nakatulog ay sumakit ang ulo ko. Pisting math naman kasi 'yan nakakabaliw! Mabuti nalang talaga at tinulungan ako ni Zach dahil kung hindi, baka alas tres na ng madaling araw ay gising pa ako.
Speaking of Zach, nakita ko siyang nakatulog sa sofa. Nakatakip sa mukha niya ang isang libro at nagkalat naman sa lamesa ang mga notebook at iba pa niyang gamit. Napakaburara talaga. Dahil maaga pa naman, hinayaan ko muna siyang matulog. Kawawa naman at mukhang madaling araw na din itong nakatulog kakareview.
Lumabas ako ng kwarto at pumunta ng CR para maghilamos. Kitang kita pa ang eyebags ko. Ang haggard ko na! Naglagay ako ng eye patch para mabawasan kahit kaunti ang eyebags ko. Panira naman kasi ng buhay yang Math na 'yan. Gagawa-gawa ng problema tapos sa akin ipaparesolba. Napakahusay!
Oh, cut that drama, Aliah! Ang aga-aga!
Lumabas na ako ng banyo at bumaba para kumain. Nagulat ako nang makita si Zach buhat buhat si Cleo. Magulo ang buhok nito dahil kakagising lang. Ang gwapo pa din ng isang 'to kahit late na natulog samantalang ako nagmukhang panda sa eyebags ko. Bahagya itong natawa ng makita ako. Anong nakakatawa? Baliw na ba 'to?
"Good morning, Ali k- what's that?" tanong niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. "That.." turo niya sa ilalim ng mata ko.
"Di mo 'to alam? My god." I rolled my eyes. "Well let me enlighten you, baby. This is an eye patch. Nilalagay ko 'to sa mata ko kapag napupuyat ako at nagkakaeyebags. Nilalagay ko 'to para kahit papaano lumiit yung eyebags ko. Gets?" pagpapaliwanag ko.
Nakita ko ang bahagyang pamumula ng pisngi niya. Nilalagnat ba 'to? Hindi naman mainit dito sa sala dahil nakabukas ang aircon.
"Nilalagnat ka ba? Namumula ka e." sambit ko at hinawakan ang noo niya. Agad naman niyang hinawakan ang palapulsuhan ko at inalis ang kamay ko sa noo niya.
"K-kain na tayo. B-baka malate pa tayo." pagkasabi niya ay tumalikod at nagtungo sa dining.
Hindi kaya kulang pa sa tulog 'yon kaya ganoon nalang ang inaakto niya? He's a little weird. Baka pagod lang kakareview. Ikaw ba naman magbasa ng sandamakmak na formulas, hindi ka ba mahihilo? Hindi ko nalang pinansin at nagtungo na din sa dining.
Pagdating ko ay naihanda na ng mga maid ang pagkain at kumakain na din si Zach. Kumuha ako ng plato at umupo sa kaharap niyang upuan. Kumuha ako ng kaunting fried rice at tocino. . Hindi ako sanay sa mga heavy meals kaya kaunti lang ang pagkain na kinukuha ko.
"You should eat more. Breakfast is the most important meal of the day." saad niya habang seryosong nakatingin sa akin.
Umirap ako at dinagdagan ang pagkain ko. Pagkatapos ay tumingin ako sa kanya at nakita ko ang pagngisi niya. Saya ka diyan?
Nagsimula na akong kumain. Naramdaman ko ang titig sa akin ni Zach kaya bumaling ako dito. Bigla naman itong umiwas ng tingin at nagpatuloy sa pagkain.
Weird.
"I'll shower first. Mabilis lang ako. 5 mins tapos na agad akong maligo." saad niya bago kinuha ang pinagkainan niya at nilagay sa labado.
"Hindi ka uuwi? Wala ka namang damit dito." nagtatakang tanong ko.
"Oh, I brought my uniform. Alam ko kasing hindi ako makakauwi kaya nagdala na ako." sambit niya at ngumiti dahilan para lumabas ang dimples niya.
Tumango ako at umalis naman siya para maligo. Pagkatapos kong kumain ay naisipan kong maghugas muna ng plato. Tumutol pa sa akin ang maid pero sinabi ko na ayos lang. Hindi naman porket may katulong kami sa bahay ay sila na ang gagawa lahat. Kaya ko naman, bakit hindi nalang ako gumawa?
Pagkatapos kong maghugas ay hindi pa tapos maligo si Zach kaya naisipan ko munang laruin si Cleo. My baby is growing so fast. Parang kahapon lang ay ang liit-liit na niya pero ngayon ang likot-likot na. Why do I sound like a mom looking at her child?
"I'm done. Ikaw naman." nagulat ako nang magsalita si Zach. Napaangat ang tingin ko dito.
My eyes widened when I saw him topless revealing his fine body! Nakatakip lang tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan nito. May mga patak din ng tubig na nanggagaling sa basang buhok nito.
"Enjoying the view?" natauhan ako nang magsalita ito. Nakita ko pa ang pagngisi nito.
"Mama mo enjoy! Wala ka bang balak magbihis?!" inis na sambit ko dito. Bahagya naman itong natawa at umakyat sa taas para magbihis.
"Asus kunwari ka pa gusto mo din nam- aray!" I cut him off by grabbing his hair.
"SINO MAY SABI SAYONG GUSTO KO HA?! SIRAULO KA! KAKALBUHIN KITA!" inis na sabi ko habang sinasabunutan siya.
"M-masakit, Ali! B-bitaw na! " nagmamakaawang saad niya.
Wala pa sana akong balak pakawalan siya ngunit biglang tumahol si Cleo dahilan para bitawan ko siya. Para siyang bata na umaawat sa nanay at tatay niyang nag-aaway. Binuhat siya ni Zach at hinaplos sa ulo.
"Thank you, baby. Bad talaga yang si Ali e." sabi niya kay Cleo na para namang maiintidihan ng aso.
Umirap nalang ako at umakyat para maligo. I took a 10 min shower, brushed my teeth and did my skincare. Pagkapasok ko sa kwarto ay nakabihis na si Zach. Ngumiti ito ng makita ako at lumapit sa akin.
"Ali, pakabit ako ng necktie ko." saad nito habang nagpuppy eyes.
"Marunong ka naman niyan e. Kaya mo na yan."
"Eh! Sige na!" saad niya na parang bata.
Umirap ako at inayos ang necktie niya. Isagad ko kaya 'to para masakal siya?
"A-aray.." nagulat ako sa pagdaing nito. Mukhang naisagad ko nga.
"Parang gusto mo na akong patayin ah? May galit ka ba sa akin?" saad niya habang niluluwagan ang necktie.
Hindi ko nalang siya pinansin at nagsimula nang magbihis.
"Can you please go outside for a moment? Magbibihis lang ako."
Tumango naman ito at lumabas.
Pagkalabas niya at agad kong sinuot ang uniform ko. Narinig ko ang pagkatok niya mula sa labas.
"Can I come in?" tanong niya.
"1 sec!" sigaw ko.
Isinuot ko ang palda ko at saka siya pinagbuksan.
"Let me blow dry your hair!" sambit niya. Taka ko siyang tinignan. "Please."
"Fine." I said.
"Upo ka dito." turo niya sa upuan ng vanity table ko.
Isinaksak niya ang blower at itinapat sa mukha niya. Bahagya siyang napangiwi sa ginawa niya. Hindi ko maiwasang matawa. He looks like an innocent child.
"Ang init ampotek." reklamo niya.
Kumuha siya ng brush at dahan dahang sinuklay ang buhok ko.
"Please tell me if it hurts. I'm not used to this." saad niya at tumango naman ako.
Hindi naman masakit ang pagsuklay niya. It was gentle. Ingat na ingat na parang takot masugatan ang anit ko. Habang binoblow-dry niya ang buhok ko ay inaayos ko naman ang mukha ko. I put on lip tint in the shade of pink. Nakita ko ang pagtingin sa akin ni Zach mula sa salamin.
"Wala kang balak magpagupit ng buhok? Ang haba ng buhok mo e. You look like Rapunzel because of this." natatawang saad niya habang pinaglalaruan ang buhok ko.
"Wala siguro. Parang hindi naman kasi bagay sa akin." saad ko bago tumayo para suotin ang sapatos ko.
"Lahat naman bagay sayo. You still look pretty in long or short hair." he said before picking up his bag. "Let's go. We're gonna be late."
Dahil matraffic, 8:45 na kami nakarating ni Zach sa school. Unang sumalubong sa amin si Zane na ngayon ay kasama na si Cairo. Bihira ko siyang makitang kasama nila Zane pero hindi ko alam kung ano at wala akong balak alamin.
"Bro!" bati ni Zane kay Zach.
"And here comes the buzzkill." bulong nitong kasama ko.
Ang pikunin talaga nito. Pero kapag kami lang namang dalawa, daig pa batang sais anyos kung umasta.
Nakita kong ngumiti sa akin si Cairo at bahagyang nagwave. Tinanguan ko lang ito at ngumiti.
"Hi, Zach." bati ng mga babaeng dumadaan.
Zach didn't even bother to greet nor look at them. He completely ignore them like what he always do. Snob amp.
"Zach, pre!" bati ng iilang kakalakihan. Teka, ito yung mga parating naguguidance dahil palaging nasasali sa away ah? Kaibigan niya ang mga 'to? Mamaya ka sa'kin, Zachary.
Tumango lang si Zach at nakipag-apir sa mga 'yon.
Hindi nagtagal ay may biglang umangkla sa braso ko. Tinignan ko kung sino ito at nakita ko si Celine na nakangiti. Mukhang maganda ang gising nito ngayon ah?
"Oh, hi Celine!" bati ni Zane kay Celine.
"Hi!" bakas ang saya sa boses nito.
"May clubs na ba kayong sasalihan?" nagulat kami nang biglang magsalita si Cairo.
"Clubs? What clubs? Party clubs?" tanong ni Zane na agad namang binatukan ni Zach.
"Bobo! Yung clubs dito sa school. Journalism club, music club, arts club ganon. Puro ka kalokohan e."
"Ito yung masarap sapakin e. Ugali mong siraulo ka!" saad ni Zane sabay turo sa best friend ko.
"Anong clubs yung balak niyong salihan?" singit ni Cairo.
"Ako music club!" sagot ni Zane habang nakataas ang kamay.
"Music club pa nga. Sa boses mo palang baka umayaw na yung mga tao. Parang piniping yero pa naman 'yang boses mo."
"Bibingo ka na sakin Ezekiel ha!" inis na sabi ni Zane
"Just spitting facts, Maverick."
"Ako baka sa photography club." sabi ni Celine.
"Ako..baka sa arts club nalang." sambit ko.
Nakita ko ang pagtango ni Zach na parang sang-ayon siya sa sinabi ko. "Yeah, you have an eye for art. Bagay ka don." sabi ni Zach.
"Pero mas bagay ka sakin." singit ni Zane na nakangisi dahilan para tignan siya ng masama ni Zach.
"Bagay din sayong nakasaklay." biglang sabi ni Zach. Tinignan naman siya ni Zane na puno ng pagtataka.
"Bakit naman ako magsasaklay?"
"Kapag binugbog kita kakailanganin mo ng saklay. Pwede ding wheelchair kasi baka hindi ka na makalakad."
Napailing nalang kaming tatlo nila Celine. Walang araw na hindi nagbabardagulan ang dalawang 'to. Sarap nilang pag-umpugin pareho.
"Music club nalang siguro ako." saad ni Zach at tumingin kay Cairo. "Ikaw? Saan ka?"
"Photography." tipid na sagot niya.
"Saan ba magpapalista para makasali sa mga club?" tanong ko.
"Mayroong mga club presidents. Pwede kayong lumapit sa kanila pero pwede ding sa gym kayo magpalista." sabi ni Cairo.
"Sino sino ba yung mga club presidents?"
"Wait. It was posted in the official group page of the school."
Kinuha ni Cairo ang cellphone niya at may kinalikot doon. Maya-maya ay pinakita niya sa amin ang listahan ng mga club presidents. Wala akong kilala sa mga iyon. maliban sa isa...
"Greyson." I whispered.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Komento sa Aklat (26)

  • avatar
    g******z@gmail.com

    I had fun reading. The story is very interesting and there are times that I can not stop reading because it would be a waste not to continue as the story is getting good. I highly recommend this! I hope you do more stories, God speed!

    18/08/2022

      0
  • avatar
    DanagMarshelle Divine

    cool reading

    25/02/2025

      0
  • avatar
    IsraelCristina Moneda

    salamat sa maganda istotya

    21/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata