Homepage/The Race Against Death's Door [Filipino]/
Kabanata 32
Akmang iiangat na nina Andrik at Blaize ang katawan ni Ahrio at dadalhin ito para mailibing siya nang may dumating na dalawang robot at pinagbabaril sila ng taser gun dahilan para mapaatras sila at kumalas sa pagkakahawak kay Ahrio . The two groaned and uttered curses in both pain and surprise. "We will be the one to take the dead bodies." Sabi ng isa sa mga robot. "Just let us bury him ourselves." Mariing saad ni Yekaterina. Napasulyap ang mga robot sa kanya at nagliwanag ang kanilang mga mata ng pulang kulay pagkatapos ay binaril din siya ng taser gun. Napaatras siya na dumadaing sa sakit. Pagkatapos ay binuhat ng dalawang robot ang katawan ni Ahrio at naiwan silang walang choice habang pinapanood ang dalawang robot na umalis. “We need to keep going.” Sabi ni Zayden sabay sulyap sa malayong unahan na kailangan pa nilang pagdaanan para matapos ang laro. Tahimik na sumang-ayon sa kanya ang lahat at muling sinimulang tapusin ang laro at makalabas sa maze pagkatapos noon. Nakita ni Yekaterina si Svetlana doon. It seems like she was waiting for them to come out but her expression of surprise made Yekaterina’s eyebrow raise in wonder. Parang inaasahan ni Svetlana na hindi sila makakalabas doon ng buhay. Bumaba ang tingin ni Svetlana sa kanilang pulso kung saan wala na ang mga pulseras. Bumuka ang bibig niya, at nagform ng "O". Mabilis siyang lumapit kay Yekaterina at niyakap ito ng mahigpit. “Thank the heavens! I thought you’re dead!” Halata ang relief sa boses niya. Humihikbi siya at niyakap ng mas mahigpit si Yekaterina, pakiramdam niya’y nabawasan ng kaunti ang kanyang kasalanan nang malaman niyang ayos na sila. Hindi nagustuhan ni Yekaterina ang tunog ng kanyang tono at ang kahulugan sa likod ng kanyang mga salita kaya itinulak niya ito palayo. "“You’re the one who should have died.” Pabalang na sabi ni Blaize. "“I can’t believe we almost died because of you.” Hindi maiwasang sabihin rin ni Zayden ang nararamdaman niyang tulad kay Blaize. Namuo ang sariwang luha sa mga mata ni Svetlana at nag-angay siya ng tingin sa kanila. "“I’m sorry.” She uttered in a broken voice. “I'm so sorry, Yekaterina. Dapat nakinig ako sayo. Dapat kinausap ko siya noong gabing iyon pero...” She trailed off, remembering what she saw happened that night. Huminga siya ng malalim at nagpasya na huwag nang sabihin iyon sa kanila..Hindi na kailangan. “There is no usw ceying over spilled milk, Svetlana. Walang kwenta ang pagsisisi mo. Sana hindi mo sayangin ang sakripisyo ni Ahrio para sayo.” malamig na sagot ni Yekaterina. She and the guys passed by her without another word, leaving Svetlana crying and feeling even more broken. Ang pagkamatay ni Ahrio ay nag- iwan sa kanila ng iba't ibang emosyon. Para kay Svetlana, guilt, panghihinayang at galit na nakadirekta sa kanyang sarili. Hindi niya ginustong mamatay si Ahrio pero ayaw din niyang mamatay. Hindi niya alam kung ano ang mas maganda. Iniisip niya kung dapat ba ay namatay nalang siya ngayon at hinayaan na lamang ang tadhana. Napigilan sana niya si Ahrio . Alam niyang hindi lang buhay nito ang inilalagay niya sa linya para iligtas siya kundi pati na rin si Yekaterina at ang iba pa. However, it’s not just her life, too. But her team members’ as well. Did she wanted to be saved? Yes. Did she want someone to die just to save her? No. And that leaves her with a feeling of numbness inside. Para kay Yekaterina at sa kanyang mga kasamahan, panghihinayang, sakit at galit sa pagtataksil ni Ahrio . Ngunit ang pinakananaig ay kalungkutan. Ang parehong emosyon na nararamdaman din ni Svetlana sa kanyang kalooban. Isang trahedya na hindi nila ginusto pero wala silang choice. Kinabukasan ay ang araw ng regrouping at lahat ay nagtipon na ngayon pabalik sa arena. Ang mga manlalaro ay lumalapit sa leader ng mga grupong nais nilang salihan. May mga tinanggihan, may mga tinanggap. Ilang lider din ang nag-recruit ng mga miyembro na sa tingin nila ay malalakas at may kakayahan. Hindi dapat lumampas sa limang miyembro ang regrouping number, tulad ng orihinal na numero ng grupo. What sucks about this is that those leaders who have no members left because they all transferred to other groups will be eliminated. At ito ay nangyayari na ngayon. Sa harap mismo ng mga mata ng lahat. Ang mga babaeng lider na walang natitirang miyembro ay kinakaladkad ng mga robot habang sila ay sumisigaw at nagpupumilit na kumawala, na nagmamakaawa sa kanilang mga miyembro na bumalik. Ngunit walang saysay iyon. Tradd did not even spare Olga and Draco an explanation nor a mere glance when he walked away from them towards Yekaterina’s group. Sinubukan siyang hilahin pabalik ni Draco ngunit marahas niyang inalis ang pagkakahawak nito sa kanya at pinilipit ang braso nito. Napadaing siya sa sakit at nagmumurang sumisigaw. “Hindi mo kami maiiwan, Tradd. Hindi mo ako pwedeng iwan! Iniligtas kita kay Draco noong papatayin ka na niya!" Sigaw ni Olga na halos umiiyak habang nagmamakaawa kay Tradd. Sinulyapan siya ni Tradd na may mapanuksong mga mata at ngumisi, “Hindi mo naligtas ang buhay ko kahit isang segundo, Olga. Ako ang paulit-ulit na nagligtas sa inyong mabigat at walang kwentang sarili.” May sinubukang sabihin si Olga, nakaawang ang mga labi niya habang sinusubukang maghanap ng mga salitang sasabihin ngunit wala siyang naisip. Umiling si Tradd at tumalikod sa kanila. Naglakad siya patungo sa grupo ni Yekaterina at nakitang may mahabang pila doon ng mga manlalaro na gustong sumali sa grupo nila. Napasulyap siya sa kabilang mahabang pila at nakita niyang grupo ito ni Minerva. Nakaupo lang siya, naiinip at hindi interesado sa lahat ng nasa linya niya habang pasimple niyang winave ang kanyang kamay para paalisin silang lahat nang sabay-sabay. Tinakot sila ng kanyang tatlong BGN. Isang player lang ang gusto niya. Pero hindi ito pumila para sa kanya. Bumalik ang tingin ni Tradd sa harap niya habang umuusad ang linya. Nakita niya na karamihan sa mga manlalaro ay kunot-noo at nakasimangot na tinanggihan ni Andrik habang hinahagod niya ng tingin mula ulo hanggang paa at pagkatapos ay pinaalis sila without a second thought lalo na ang mga nakangiti at sinubukang akitin si Yekaterina. "“Nah, your acting is not good enough.” “You need more practice.” “You’re ugly. Next.” Sunud-sunod na komento at batikos mula kay Zayden na nagsagawa ng acting audition para sa lahat ng mga manlalaro na gustong sumali sa kanilang koponan. Nasa tabi niya si Blaize, ina-assess rin ang bawat manlalaro at iniiling ang ulo kay Zayden kapag may taong sa tingin niya ay hindi kapasa-pasa. Nang sa wakas ay nakarating si Tradd sa harap nina Yekaterina at Andrik, ang kanyang ekspresyon ay nagpakita ng bahagyang pagkagulat na naroon siya sa linya. You want to join us?” She asked to confirm. “Wouldn’t be lining up here if I don’t.” Ngumiti si Tradd sa kanya. Sa inis at asar, mas lalong napangiwi si Andrik kay Tradd. “Hindi naman talaga kami naghahanap ng ibang member. Kung hindi mo napansin, pinaalis namin ang lahat ng iba pang mga manlalaro. “Hindi ikaw ang leader ng team. Irerespeto ko lang ang desisyon ni Yekaterina.” Nakataas ang kilay at maliit na ngiti sa labi ang iginanti ni Tradd. Andrik got even more annoyed that he knew Yekaterina’s name. But he’s got a point. It’s up to Yekaterina to decide. Yekaterina remembered Tradd as the guy who warned everyone during the mountain climbing game and she noticed then that he is skilled and capable. He will be an asset to the team. And maybe, Minerva would want him better instead of Zayden. “Why not join Minerva’s team instead of mine?” Kaswal na tanong ni Yekaterina na parang curious lang talaga. Tumawa si Tradd. “May mga BGN siya. At makakasali ka lang sa kanya kung gusto ka niya sa team niya.” Tumaas ang kilay ni Yekaterina, “Kilala mo siya personally?” "Kakilala ko siya." Muli siyang ngumiti ng kaakit-akit. Dalawang beses na tumango si Yekaterina, "Ang galing." Pabulong niyang sinabi, iniisip kung paano nakilala ni Tradd ang isang malakas, matalino at mapanganib na babae. "So, pasok na ako?" Tanong niya. Pinigilan ni Andrik ang mabigat na kagustuhan na sabihing 'hindi'. Pero wala siyang magawa nang sumagot si Yekaterina ng, “Yes. You’re in.” Sa oras na ito, nagpasya si Minerva na sapat na ang paghihintay niya. . It’s time to have who she wants on her team. Tumayo siya at sinundan siya ng tatlong BGN niya patungo sa grupo ni Yekaterina. Huminto siya sa harap ni Yeka, bahagyang napangiti nang mapansin niya si Tradd sa tabi nito. "I’m here to collect what’s already mine.” Confident na sabi niya.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
love it
16/01/2023
0nuxx ganda
11/07/2022
0Tingnan Lahat